watch now

Author Topic: lying ins  (Read 94511 times)

jesrora

  • Guest
lying ins
« on: December 02, 2010, 09:11:54 am »
hi please give me some pros and cons kung maglying in nalang ako? im due on jan 25th na. di naman highrisk and crossing my fingers na normal sana. sabi nila mura sa lying in ano difference kapag sa hospital besides sa midwife magpaanak sakin?

sinisterspark

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #1 on: December 02, 2010, 01:32:19 pm »
Kung mamimili ako ng lying in, pipiliin ko yung malapit sa hospital in case may mangyari or kailangan kang ma-cs.  Yun din ata yung advice doon sa mga magho-home birth.  Basta malapit sa hospital.

asassinmantis

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #2 on: December 02, 2010, 02:09:47 pm »

jesrora

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #3 on: December 03, 2010, 08:24:21 am »
wah natakot naman ako, binasa ko yung thread and parang ang benefit ko lang is makakatipid ako and sakto sa budget ko! wala kasi ako panghospital, pero yung OB ko ngayon hindi ako sinisingil sa check up, ang quote nya normal 30k cs 50k... pero ni 20k nga wala ako eh! kaya lang natatakot ako, di ako highrisk pero im gaining weight na baka maCS ako, pano yun what if lying in ako then kelangan pala iCS itatakbo din ako sa hospital so double gastos?  :-[ :-[ tapos wala palang anesthesia kapag lying in?

maldita08

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #4 on: December 03, 2010, 08:54:26 am »
sis wag kang matakot, ako din hindi ganon yung budget namin..from hospital lumipat ako sa lying in para magpacheck up para dun na din ako manganganak..ang quote kasi sakin sa hospital is 40k for normal and 80 for cs..sa lying in 16k kasama na pedia..ang ob ko is affiliated ng mga hospital malapit sa lying in and also asian hospital so hindi ako nagworry. ang sabi sakin hindi naman ako high risk kaya tinanggap niya ako and hindi na nirefer sa hospital kasi alam niya yung budget namin.. :)

jesrora

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #5 on: December 03, 2010, 08:59:02 am »
so ask ko muna ob ko if pwede ako maglying in? may tatanggap pa kayang lying in sa akin kasi 32 weeks na ako and ang medical history ko sa ob ko lang talaga ever since? gusto ko talaga kakayanin ko kaya lang scary din. ayoko naman kasi mabaon sa utang kakalabas palang ni baby. ayoko din umasa sa relatives ng husband ko kasi mahirap na may utang na loob sa iba.

maldita08

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #6 on: December 03, 2010, 09:32:11 am »
yes sis ask mo muna yung ob mo..tapos kung may baby book ka naman pwede mo dalhin un..or irequest mo sa ob yun..maintindihan naman niya un siguro..pero kung may problem ka wag mo na itake yung risk na mag lying in..mahalaga si maayos si baby...

i have a lot of friends na sa lying in nanganak and wala naman naging problema..sabi nila mas alaga ka pa nga daw dun..saka magsurvey ka din dun sa lying in na paglilipat mo para mawala yung takot mo.. :)

lovelymaeve

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #7 on: December 03, 2010, 11:40:01 am »
share ko lang. first time mom ako. and sa lying in lang ako manganganak. kapag normal, dun mismo sa lying in ako kasi may mga rooms sa taas [textspeak!] lying in ng ob ko. kapag normal at may philhealth 10k pinkamababa. yun na ang in-avail ko kasi hindi ko naman need mag aircon pa. pero last check up ko breech pa si baby so candidate for cs ako..sabi naman nya iikot pa pero pinaghanda na din nya kami. kapag cs dadalhin nya ko sa malapit na maternity hospital na kumpleto na accredited siya, nasa 42k nung kinompute nya ang lahat ng babayaran. (kapag may philhealth).  kampante naman ako sa kanya kasi siya ang nagpaanak sa mama ko doon sa 2 kong kapatid.  ;)

lovelymaeve

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #8 on: December 03, 2010, 11:43:04 am »
nakalimutan ko. sa mga nasabi ko na price, kasama na pala doon ang new born, and yung ibang vaccinations na hindi ko na matandaan. may anesthesia na din pala kapag normal and free earrings kapag girl ang baby :)

rianne_mallows

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #9 on: December 03, 2010, 03:40:45 pm »
nagulat naman ako dun! ang mahal ng mga lying-in sa inyo...
ako hospital, private aircon, normal delivery 25k lang hehe.. kasama na si pedia at si ob dun.. wala ako philhealth

yun nga lang province to hehe..


reb_woods072683

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #10 on: December 04, 2010, 05:47:52 am »
nangyari din sa akin yan. wala din akong pera noon kaya nag lying in ako. 15k lang kasi ang offer ng normal delivery inclusive of everything. kaso na emergency cs ako, ayun inabot ako ng 72k at nabaon ako sa utang, hanggang ngayon nagbabayad ako ng utang. hay, hindi natin talaga masasabi ang mangyayari. goodluck sis. sana normal delivery ka at maging ok ka sa lying in dahil super tipid talaga.

jesrora

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #11 on: December 04, 2010, 11:56:30 am »
^
^
yun nga din iniisip ko pano kapag magkaproblema so bayad ako sa lying in then bayad din sa hospital right? paano kaya? can't decide. kapag anemic ka ba tatanggapin ka sa lying in? nagiiron na ko pero la effect eh... i have to see my ob later pa. (ayaw pala ng husband at mom ko maglying in ako pero di naman kasi sila yung mababaon sa utang diba?)

emmylou

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #12 on: December 04, 2010, 02:24:13 pm »
sis jesrora,

i suggest sa public hospital try mo rin like sta ana hospital or ospital ng maynila. kung taga maynila ka. ok ang mga doctor dun hindi naninigaw katulad sa pgh. sa pgh kasi mahirap, masakit na nga ang labor mo, masisigawan ka pa. parang mawawalan ka ng dignidad.

jesrora

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #13 on: December 04, 2010, 02:25:31 pm »
kung malapit lang ako eh kaya lang sa cainta ako nakatira eh  :'( yung hospital na pang public ng ob ko sa valenzuela  :'(

emmylou

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #14 on: December 04, 2010, 02:31:30 pm »
sis jesrora,

kung wala ka namang problem sa duration ng pregnancy mo, ok lang na mag lying in ka. kasi hindi naman high risk. ob rin naman ang magpapaanak sa yo.

jesrora

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #15 on: December 04, 2010, 08:28:48 pm »
i talked to my ob kanina and she gave me an offer for normal package semi private 27k kapag cs 47k, sa st. therese hospital sa maybunga pasig. okay na ba yun? ayaw talaga maglying in ng husband ko (medyo natakot din ako kasi wala pala anesthesia yung mura na packages yung below 10k tinanong ko hehe and medyo di accommodating yung mga lying in malapit dito grr) ob din ba magpapaanak pag lying in? bakit sabi nila midwife?

frapuccino

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #16 on: December 04, 2010, 10:09:47 pm »
kung malapit lang ako eh kaya lang sa cainta ako nakatira eh  :'( yung hospital na pang public ng ob ko sa valenzuela  :'(
You might wanna try Leyble Maternity Hospital dito sa Antipolo. Yung friend ko dun nanganak 8k lang daw nagastos nya (with PhilHealth) that was 2007. Normal delivery sya and ward yung kinuha since 2 days lang naman sya. And Dra.Leyble is OB kaya if just in case ma-emergency CS ka she can do the procedure.
« Last Edit: December 06, 2010, 04:41:59 pm by frapuccino »

lovelymaeve

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #17 on: December 06, 2010, 11:48:21 am »
sis, better kung makikipag arrange ka sa ob ng lying in na pupuntahan mo. yung sa akin kasi if ma emergency cs ako, yung sa cs na lang ang babayaran. sana ganun din sa pupuntahan mo na lying in.

reb_woods072683

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #18 on: December 08, 2010, 12:27:37 am »
sis jesrora ok na yung quote sayo ha. sakin nga 80k ang cs. nakakainis pag iniisip ko yun, parang naloko ako ng dr na yun kaya hindi na ako bumalik talaga sa kanya. baka may lying in na pwedeng magpaanak ang ob mo. sinabi mo ba na tight ang budget mo? pwede din sa mga public hospital. kung alam ko lang na pwede pala dun, sa las pinas district hospital na lang ako nanganak, may cs din naman dun.

pray lang talaga sis. pero hindi pa rin natin hawak ang future. basta pray lang.

jesrora

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #19 on: December 08, 2010, 12:39:27 am »
naramdaman ata ng ob ko na wala ako budget kaya sinuggest nya yun st. therese hospital sa maybunga pasig nung tinanong ko yun lying in pwede ko maging option. semiprivate at package yun quote nya ask ko ulit kung all in na yun tomorrow, depende din pla sa hospital, kapag medical city ako same ob, cs 80k nga daw aabutin. san ka ba manganak sis?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close