watch now

Author Topic: FUN RUNS  (Read 110423 times)

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #40 on: July 12, 2011, 04:24:30 pm »
naku sis, huwag masyadong magbawas ng food, kasi kung tumatakbo ka naman, magbabawas pa rin ang weight mo, either dahan dahanin mo ang pagbabawas ng food intake, huwag biglaan, para masanay ang katawan mo. Pagaling ka na lang agad :)

marsh_candy

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #41 on: July 12, 2011, 04:29:56 pm »
hi mga sis.. first time kong sasali sa 5k run.. 5k muna hahha.. ano ba dapat i-target rate ko.. ilang mins ko ba dapat itapos ang 5k?

July 24 marathon ko.. sinadya ko kung sumali at gumastos para pwersahan akong pumayat haha

honey_iya

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #42 on: July 12, 2011, 04:33:54 pm »
^Wow 5k agad? Kami nun 3k muna,actually plan sana namin after 2 3k runs 5k na next :) wala naman yata oras sis?

^^Hehe kinareer pagpapayat kaya ayun pumayat talaga ako kasi naman nung nagkasakit ako walang gana kumain pero magaling na ako sis. hopefully makatakbo ulit this month :)

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #43 on: July 12, 2011, 04:45:14 pm »
sis marsh, saang event ka ba tatakbo? sa Rexona run or sa runfest? usually ang 5k, depende sa pacing mo eh, average nasa 30-40 mins sa babae. huwag pilitin pag hindi kaya, basta training ka lang ng training, mas maigi nga kung sundan mo ang race route na sinalihan mo. ;)

marsh_candy

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #44 on: July 12, 2011, 05:30:50 pm »
sis honey_iya, uu 5k kasi yun advice ng mga friends ko at yan lang din pinakamababa dito eh. Dito kasi ako sa Singapore, lone runner ako.. wala ako kasama.. pero nagstart nako magpractice hehe.. Naku, kung sana buntis ako, di na sana ako sasali haha.. ginawa ko lang 'to para pumayat LOL

sis whitelady17, haha thanks sa pag-correct, Fun Run lang pala at hindi marathon lol! Uu 5k muna, sige try ko nga yan.. Dito ako sa Singapore, Shape (yung Shape Magazine) Run sasalihan ko sa July 24.. Sana umabot ako, basta ayoko lang na akong huli at makuha ko freebies lol. Pagnag-enjoy ako dito, ituloy-tuloy ko na to, aside from na papayat ako, makapag-meet pako ng new friends plus madami pa freebies hehe.. pwede na ring pang-facebook lol! adik ako hehe

honey_iya

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #45 on: July 12, 2011, 05:36:57 pm »
^Ahh. Oo sis masaya sumali at papayat ka pa. goodluck sis :)

nung 1st time din namin,kinakabahan kami baka kami ang pinakahuli pero infairness madami pa yung mas huli sa amin haha kaya sabi namin nakakabitin pala kapag 3k lang,yabang! hahaha!

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #46 on: July 12, 2011, 06:27:58 pm »
@ whitelady17

haha...nice sis! kitakits nalang sa events.
kaya 10k lang kami sa Milo kasi natatakot kami baka sunduin kami ng ambulance, hehe..
good luck nalang sis sa Milo.
Sana matapos mo sya within 2.5 hrs.

Also currently registered:

10k 2011 Pocari Sweat Run July 17 @ Tiendesitas
(ganda ng singlet, magkaiba yung design ng singlet namin ni hubby.)

21k RUNRIO Trilogy 2011 Leg 2: RUN UNITED 2 on Aug 21 @ BGC
(ganda ng quality & design ng singlet. daming freebies na gamot. excited nako to meet coach rio again!)

« Last Edit: July 12, 2011, 06:44:01 pm by +aeon_flux+ »

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #47 on: July 13, 2011, 08:42:40 am »
@aeon, sis eto kasi first time ko sumali talaga sa run ng milo, ako rin eh sobrang natatakot ma abutan ng ambulance, pero hindi ako sasakay talaga, hahaha tatapusin ko talaga. sana maging lenient si coach Rio, kahit 30 minns lang para maka abot ako, hehe kasama ko naman si h2b ko, mas malakas na runner talaga yun sa akin, so malamang magigin coach / alalay ang pogi sa akin, kiber d naman daw nya ako kayang iwanan.

@marsh_candy sis ako rin loner ako tumatakbo sa mga short and until 16k ko, kasi mas mataas lagi ang distance na tinatakbo ni h2b sa akin, anyhow nakaka enjoy naman mag-isa tumakbo, i-enjoy mo ang surroundings, iyong mga kasabay mong runners, mag observe ka rin sa kanila, natandaan ko pa nga may kinarera akong bata eh, pero hindi niya alam lol, sabi ko sa sarili ko, kahiyaan na ito kung mauunahan ako ng isang bata sa 5k lol. Hindi ko na pala mantandaan sino nauna sa amin hahaha

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #48 on: July 13, 2011, 03:11:20 pm »
^haha..kainis nga e, bat kasi may time limit pa yung milo,
inisip nalang namin ni hubby na ok na rin yung 10k lang,
ang mahalaga nakapagdonate na tayo ng sapatos, hehe..

ang problem lang sis baka yung mga marshalls ng milo event ang maging lenient, hindi yung runrio...

si hubby din mas malakas na runner kesa sakin,
sya nga yung nagmomotivate sakin na tumakbo,
pero kelangan kung ano yung event level nya, dapat ganun din ako,
di nga lang nya ako maiwan pag tumatakbo na kami kasi kinocoach nya rin ako
chinecheck nya kung tama posture ko
saka sya tagakuha ko minsan sa water station, minsan kasi siksikan.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #49 on: July 13, 2011, 04:07:21 pm »
sis Aeon, well medyo pabor sa akin kung magiging lenient  ang marshall sa 21k lol at least may chance pa ako, ang unang cutt off kasi nila sa 21k, iyong dalpat makalagpas sa 10k marker nila around 1:30 after the start kaya ko iyon, pero naman diba kahit anong compute niyan eh lagpas talaga ng 3:30 kaya dapat sana talaga 3 hours ang 21k.

Hindi ko kasi kayang sabayan pacing ni h2b eh, masyadong mabilis for me, kaya siya ang sasabay sa pacing ko (pag tumatagal na ang lakad ko nagagalit na agad)  ;D re-water station, eversince na nag start ako ng run, 5k ako nag start I bring my own gatorade or pocari talaga, sa left, tapos camera sa right hand lol. kasi may mga runs na kulang sa hydration eh, at least meron akong baon for myself.

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #50 on: July 13, 2011, 08:08:14 pm »
^ galing naman sis, gusto ko rin magkaroon ng hydration belt.
kaso mahal saka pag nagsusukat ako feeling ko mabibigatan ako, hehe..
kaya ginagawa ko nalang inom nalang ako ng maraming gatorade bago assembly time.

re cam, naalala ko tuloy yung mizuno infinity run.
may kasabayan kaming guy sa race, may dala pang slr.
picture nang picture habang natakbo.
pasimple lang kami ni hubby na mag kawai, photobomb style, hehe...

nga pala, sa mga nagpaparegister sa runrio outlets.
make sure na naregister kayo mabuti sa bazusports (thru their ipads).
or mas maganda kung iinsist nyo na kayo na maginput ng details sa registration site.
kasi nacheck namin na di pala pumasok sa bazusports yung registration namin sa rexona men.
na call na namin yung attention ng runrio re sa issue.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #51 on: July 14, 2011, 09:53:49 am »
sis wala akong hydration belt, as in ang isang bote ng gatorade / pocari sweat ang dala dala ko lol, ngayon hindi ko na bitbit si camera, nasira na eh, baka waterproof na bilhin ko next time para no worries. Paano mo na check sa bazu sports sis? Kasi si h2b ang nagregister sa rexona run namin eh, para at lease ma double check ko today kung tama ba ang details na nilagay niya doon :D


F.Y.I. lang sa mga gustong humabol sa Milo Manila Elims:


Milo, finally giving-in to the tons of requests that they and Runrio, Inc. have been receiving, gave the all-important Go-signal to open up a limited number of additional 5km slots. This decision came with the announcement that due to the big number of participants for the said race category, runners will be released in WAVES with an interval of three (3) minutes each at gun start.

Oh and here are other important notes that you have to take note of regarding these additional slots:

1. Slots are limited only and will be available only via In-Store registration (ONLINE Registrants will not be able to register for 5km).
2. Slots available at the stores will be on a first-come, first-served basis.
3. Registration for this limited 5km slots will start tomorrow, July 13, 2011.
4. There will be no baggage counters for 5km and also the 3km race categories. This has been an existing policy of the yearly Milo Marathon race event.
5. Due to the large number of registrants to the 5km race category, runners will be released in waves with three (3) minutes interval each at gun start.

The following stores will be available to accept Milo Marathon Manila Elimination registration:

 

    RUNNR Store, Bonifacio High Street (registration will be available until July 21)
    Planet Sports, Trinoma (registration will be available until July 21)
    Toby’s, SM Mall of Asia (registration will be available until July 17)

 

So there! Dash (no pun intended!) to your nearest Milo Marathon Registration Sites starting tomorrow to be able to grab a slot! (www.kulitrunner.wordpress.com

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #52 on: July 14, 2011, 05:08:27 pm »
ahh..akala ko sis me hydration belt ka.
naisip ko tuloy na magdala nalang din ako ng hydration bottle sa 21k ko...hmm..

re sa bazu sports sis, pag nakapagregister ka na sa runrio outlet online (thru their ipads),
makakareceive ka agad ng confirmation email from bazu sports.
tapos sa email bibigyan ka nila ng confirmation code per event para sa bazu sports profile mo.

marsh_candy

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #53 on: July 14, 2011, 08:35:37 pm »
Experienced Runners, first timer ako. Sa JUly 24 na 1st takbo ko, 5k, kayanin ko pa kayang magpractice? Though 2-3x a week lang ako nagpractice starting 2 weeks ago pero di ko pa na-try tuloy-tuloy takbo ng 5k.

Bukas ng morning, magpractice nako ng 5k talaga.. Naku sana kayanin ko, yokong mahuli ako! Nakakahiya hehe

Simula bukas, ok lang ba every 2 days practice or dapat araw-arawin ko na kasi malapit na 24? hehe as if ang layo ng tatakbuhin ko eh noh.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #54 on: July 15, 2011, 08:13:16 am »
sis marsh, mas mainam every other day, tapos huwag mo agad biglain ang katawan mo sa 5k, let say, this week, takbo mo eh 3-4k muna, para masanay ang katawan mo, then next week until wednesday ka lang tumakbo, ng 5k na siguro, kasi kailangan ng katawan mo ang rest talaga.

Iwas muna ang pagpupuyat sa gabi, complete sleep sabi nga. Kung hindi naman kayang takbuhin ang buong 5k, huwag ipilit, puwede naman mag-lakad eh. ako nga until now naglalakad pa rin, hehe

Lastly, eat right and eat well, inom ka rin ng mga sports drinks before and after. MAg streching ka, and kung may masakit sa iyo, slow down, walk k muna after 2 minutes try mo ulit run slowly, huwag bibiglain kapag ganoon pa rin, decide for yourself, kung hihinto ka na for the day or direcho pa rin.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #55 on: July 15, 2011, 08:34:32 am »
sis Aeyon, wala eh akong na receive na e-mail from Bazu sa rexona event namin, hindi ko pa ma contact c bf para ma check sa e-mail add na ginamit niya for me, may alam ka ba kung saan ko puwedeng i check or complain ito?

Anyway, medyo expensive kasi ang hydration belt, lol tsaka baka sumakit balakang ko doon. mag dala ka na sis kung carry mo naman ang bigat buti na ang handa

marsh_candy

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #56 on: July 15, 2011, 09:18:04 am »
sis whitelady17, ngayon ko lang nabasa to.. kararating ko lang sa practice, pinagpapawisan pako hehe..  45 mins, 5.5k!!!

sige, bukas rest muna ko.. naka 5-6 stops nga ko hehe Medyo kaya pa naman kasi 2.5k naman ako nagpa-practice since i started 2 wks ago.. 2-3x a week nga lang.. Parang natagtag matris ko, i could feel na dadatnan nako hehe

thanks sis!  :)

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #57 on: July 15, 2011, 09:35:40 am »
sis Marsh, not bad, ang record mo hehe, ayan meron ka ng time na i cha challenge sa actual mo na 5k, alam mo for sure mas bababa ang time mo diyan kasi excited ka tumakbo and ang festivity ng paligid sobrang nakaka motivate.

Balitaan mo kami sis sa outcome :)

iluvescadasport

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #58 on: July 21, 2011, 07:52:31 pm »
question lang, I'm not sure if this is the right thread, pero about running din namin itong thread.

I ran kasi this morning, actually, jog lang. It was my 2nd time. My first time was this Monday. After jogging (actually, 75% walking & 25% jogging), mga after 2 hours, sumakit yun left knee ko, yun side part. Parang may stabbing pain. Nakakalakad pa naman ako, pero when I climb down the stairs (siyempre nabebend yun knee), doon lumalabas yun stabbing pain. Kailangan straight leg talaga.

I was wondering if it's normal sa beginners? Yun 1st time ko naman mag job nung Monday, wala naman stabbing pain. Naisip ko kasi either kulang ako sa warm up before and after exercising, or maybe I jogged too fast?

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #59 on: July 22, 2011, 08:49:10 am »
sis, baka kulang ka sa warm up, or pwede rin na nabigla ang katawan mo, i think na ranasan ko iyan early this quarter eh, nung nag 21k ako, mga 3weeks ako halos parang may pilay sa sakit lol anyway try mo muna itong apat.

R-est
I-ce
C-ompression
E-levation

 

Latest Stories

Load More Stories
Close