watch now

Author Topic: Need your insights please help  (Read 5633 times)

helloSK

  • Guest
Need your insights please help
« on: November 30, 2010, 12:47:08 am »
Hi sisses, pashare naman ng insights ninyo sa sitwasyon ko ngayon. Di ko kasi alam kung lalaban pa ako o titigil na..

8 years na kami ng boyfriend ko at may isang anak. Nasa abroad siya ngayon,2 years na siya dun. Bago siya umalis nagkababy kami ng di namin inaasahan. Nabigla ang family namin dahil pareho kaming inaasahan ng kanya kanya naming pamilya. By the way, he's 30 and I'm 25. Kahit papano nakakaangat ang family niya kesa sakin but still inaasahan pa rin siya sa kanila dahil siya yung magmamana ng responsibilidad ng ate niya na 30+ na nung nag asawa dahil hinintay na makatapos silang lahat na magkakapatid. Talagang tinapos muna ang responsibilidad sa kanila. Kaya ganun na lang siguro ang pagkadismaya nung pamilya niya ng nabuntis nga ako. Syempre habang tumagal natanggap na rin naman nila na may anak na kami lalo na at tinutupad pa rin naman ng bf ko lahat ng mga pangako at plano niya sa kanila at ako never akong nakialam sa desisyon niya para sa pamilya niya. Kaso this time di ko na alam kung dapat pa rin ba akong tumahimik. Ang plano kasi namin pag umuwi siya, magpapakasal kami at kukunin niya kami. Pero nabagong bigla, kailangan daw bago kami makapunta dun ay makuha niya muna ang mga kapatid niya. Umpisa mahirap tanggapin pero naisip ko, yun naman talaga ang plano bago pa man dumating samin ang anak namin kaya sige maghihintay kami ng 3years.(3 years kasi ang maximum na timeline na alam namin pag kinuha niya mga kapatid niya). kaso di pala kami nagkaintindihan, pati pala pagpapakasal hindi muna namin gagawin.After 3 years pa kami magpapakasal.Natatakot daw siya na baka pag nag asawa na siya ma-deny yung magiging application ng mga kapatid niya. Pinatunayan ko sa kanya na walang basehan yung fear na nararamdaman niya.kaso pinanindigan niya na gusto daw muna niya na may patunayan siya, ayaw niya daw sabihin sa kanya ng pamilya niya na pagkauwi niya dito sa pinas ay nag asawa na siya.at kapag nagasawa daw siya, alam niya rin daw na hindi na tatanggapin ng pamilya niya yung tulong na ibibigay niya. Mahihiya na daw yung mga yun dahil pamilyado na siya.Sobrang weird ng sagot niya na yun. Sabi ko nasa pageexplain naman niya yun eh. Ipaliwanag niya sa kanila na sila pa rin ang mauunang pumunta dun kesa samin ng anak ko. Ang gusto ko lang may masimulan kami na para samin talaga. Yun bang secured na kami sa isat isa.Mahal naman namin ang isat isa alam ko yun. Alam kong masakit din sa kanya na hindi ako pumapayag sa desisyon niya, nahihirapan din siya ngayon kaso un daw talaga ang desisyon niya para daw sa ikabubuti ng lahat. Unawain ko daw siya at intindihin. Sabi ko sa kanya, yun lang na gusto mong mauna sila kesa samin ay matinding sakripisyo na yun sa part ko at sa anak ko.Lalo na at alam naman namin ang katotohanan na pwedeng pwede sana namin siya makasama agad pero hindi pwede dahil gusto niya mauna muna mga kapatid niya. At kahit mauna kami sa mga kapatid niya o magpakasal kami ay walang effect yun sa gagawin niya petition sa kanila. Totally irrelevant talaga. Ayaw kong isipin na kaya siya nagkakaganun ay dahil sinabihan siya ng pamilya niya o sadyang gusto lang muna niyang tumanaw talaga ng utang ng loob lalo na at nakita niya yung hirap at sakripisyo din ng kapatid niyang inuna muna sila bago ang kanyang sarili. Sisses, nagiging makasarili ba ako? Tama ba ang desisyon kong bumitiw na?

Thank you in advance..
« Last Edit: November 30, 2010, 12:49:07 am by helloSK »

showermist

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #1 on: November 30, 2010, 07:05:32 am »
sis,  i hear you.  and yeah, nakarelate ako sa boyfriend mo.

alam ko yung pakiramdam na kailangan muna nyang tumulong sa pamilya nya bago nya unahin ang para sa sarili nya. 

pramis, 'konsensya' kasi ang mahirap kalaban.  so i think he wanted to start in a clean slate with you without any excess baggage on his side.  lalo pa kung 'drama queen' ang pamilya ni boyfie.

oo it's very ideal yung sasabihin ng iba sa iyo, na iba ka iba ang  pamilya nya.   but if you were in his shoes or in the situation he's in, iba ang magiging outlook mo. 

tutal may anak na rin naman kayo, why not just wait for three years?

and i believe your boyfriend abt the complications of his paper and it being denied if he'll change status.  example canada--if you pass your papers na single at during the process, eh bigla nagchange ng status at di nya ipinaalam agad, it could be denied the last minute.  or when pinaalam namannya, the process will go back to square one. meaning longer waiting time.


CityHunter

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #2 on: November 30, 2010, 07:07:50 am »
Hi, helloSK.  Hmmm.  Mukhang South Korea ang destination ba ninyo?  Ha ha, curious lang kasi.

I opine what the root of all this is the basic lack of information from your partner.  He is unsure kung safely niya madadala sila sa abroad.  Try to ask for a legal advice and a copy of that so that you can set your partner's mind at ease. 

Besides, from what I know kung magiging productive member of society ka naman especially someone who can invest sa economy nila malabong ma-deny ang application mo.  Not just money but in skills rin as that is also an investment.

helloSK

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #3 on: November 30, 2010, 05:04:13 pm »
sis,  i hear you.  and yeah, nakarelate ako sa boyfriend mo.

alam ko yung pakiramdam na kailangan muna nyang tumulong sa pamilya nya bago nya unahin ang para sa sarili nya. 

pramis, 'konsensya' kasi ang mahirap kalaban.  so i think he wanted to start in a clean slate with you without any excess baggage on his side.  lalo pa kung 'drama queen' ang pamilya ni boyfie.

oo it's very ideal yung sasabihin ng iba sa iyo, na iba ka iba ang  pamilya nya.   but if you were in his shoes or in the situation he's in, iba ang magiging outlook mo. 

tutal may anak na rin naman kayo, why not just wait for three years?

and i believe your boyfriend abt the complications of his paper and it being denied if he'll change status.  example canada--if you pass your papers na single at during the process, eh bigla nagchange ng status at di nya ipinaalam agad, it could be denied the last minute.  or when pinaalam namannya, the process will go back to square one. meaning longer waiting time.

thanks showermist, somehow mas naiintindihan ko ang side niya ngayon. kaso di ko lang talaga maintindihan kung bakit naman kasi kailangan na ganun ang way ng thinking niya? anyways, naisip ko naman, kung papayag nga siya na magpakasal kami, baka sa bandang huli ako rin sisisihin niya. kasi pilit lang ang nangyari. At siguro yun yung masakit sakin. thanks sis.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #4 on: November 30, 2010, 07:08:09 pm »
at thread starter... huwag ka magalit ha...

diba sabi tapos na lahat ng kapatid nya kasi pinatapos ng ate nila?
ano pa obligasyon niya?.. sa akin kasi once tapos ka na ng college your on your own matanda ka at kaya mo na sarili mo...
kung meron man siya obligasyon pa eh sa parents niya na lang siguro...

sa akin ang babaw ng rason niya... una, ikaw at si baby mo na dapat ang priority niya kasi kayo na ang family niya ngayon...

huwag ka magalit ha... ngayon lang ako nakarinig ng ganyang reasoning... ang dami ko kilala ng nag aabroad..
sabi mo hindi pa kayo kasal diba... siguro its a good thing na din... at least makakapag isip ka pa kung papakasal ka talaga

kasi ako, i wont settle for someone na hindi kami ang priority ng baby ko

(POV ko lang... peace)

helloSK

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #5 on: December 01, 2010, 12:17:53 pm »
Hi, helloSK.  Hmmm.  Mukhang South Korea ang destination ba ninyo?  Ha ha, curious lang kasi.

I opine what the root of all this is the basic lack of information from your partner.  He is unsure kung safely niya madadala sila sa abroad.  Try to ask for a legal advice and a copy of that so that you can set your partner's mind at ease. 

Besides, from what I know kung magiging productive member of society ka naman especially someone who can invest sa economy nila malabong ma-deny ang application mo.  Not just money but in skills rin as that is also an investment.

Hi City hunter, hindi po South Korea, kahit helloSK ang username ko  :D I think kahit sabihin pa sa kanya ng mismong lawyer dun na walang basehan ang takot niya ay di pa rin mababago ang desisyon niya. Sa tingin ko, ayaw niya talagang masabi na mas inuna niya pang magpamilya kesa sa pangarap nilang magkakapatid. :o

CityHunter

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #6 on: December 01, 2010, 12:24:44 pm »
Hmmm.  That is understandable but masyado naman siya inflexible.  As far as I know kung magiging useful citizen ka sa kanila and even more so kung investor ay hindi problema ang paglipat sa abroad.  Besides, success can be as elusive there as well as here rin naman especially considering the world has yet to really fully recover from the economic downturn. 

All I can suggest is that you meditate and ma-enlighten not only your spouse but all that are going to be affected by his decisions.  Clear your thoughts of any negativity when you focus on this task para mas clearer ang understanding sa sagot.

helloSK

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #7 on: December 01, 2010, 12:38:58 pm »
Hi rianne, dont worry, gusto ko talaga malaman [textspeak!] POV ng iba sa sitwasyon ko. Naisip ko ngang gumawa ng toll eh..  ;D Ang tulong kasi na gusto niya o gusto nila ay mapunta din sa abroad ang iba pa niyang kapatid na nandito para siguradong makakapagstart ng magandang buhay. Lalo na at magkakapareho sila ng kurso ng kinuha. Meaning, magandang buhay din ang naghihintay sa kanila dun. Ok lang naman sakin na hindi kami ang priority niya sa ngayon kasi alam kong eversince na makatapos siya, yun na ang plano nilang magkakapatid. Ok lang na unahin niya sila na kunin, pero para naman sana sa pamilya namin,kalabisan ba yung pagpapakasal? hays, sobrang di ko alam kung ano ba dapat kong gawin. Ayoko rin namang masira ang pamilya namin lalo na at may anak kami, naiintindihan ko rin siya like what showermist had said. Pero ang unfair naman yata samin nito.

sistah!

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #8 on: December 01, 2010, 02:33:14 pm »
i kinda understand your situation. my husband used to be like your boyfriend. sya yung inaasahan ng family to help with expenses and stuff. he went abroad and worked para makatulong sa tuition for his younger sister. also, just like your boyfriend, malaki din ang naitulong sa kanya ng panganay na kapatid nya kaya gusto nya rin i-pay it forward kumbaga.

sana na lang ang gawin ng boyfriend mo eh tulungan ang mga kapatid nya na mag-apply or makahanap ng trabaho abroad based on their own merits. nakatapos na naman sila lahat sabi mo. i know that he had plans but plans change, especially in your case, you now have a child. his family should understand that while they were his priority, they now have to be second fiddle kasi iba na, pamilyado na sya.


rianne_mallows

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #9 on: December 02, 2010, 12:57:10 pm »
^i agree!!!

dolly

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #10 on: December 02, 2010, 11:45:13 pm »
Hindi kaya may iba pang reason si bf mo kaya ayaw nya pa pakasal? Yung sister in law ko ganyan kasi yung bf nya, pero si sister in law ang ayaw pakasal kasi daw yung bf nya puro magulang pa inaasikaso pero si guy yaya ng yaya na pakasalan na sya kasi may isa na rin silang anak.

Naisip ko lang kung gusto ka talaga pakasalan kahit pa gusto asikasuhin ang family nya, e dapat i-settle nya rin ang sa inyo NOW hindi after 3 yrs or so.

Pero baka rin it's time for you to re-assess everything. Like ganyan bang klase ng guy gusto mo pakasalan, yung hindi kayo ang priority.  Mahirap ang maghintay. Akin lang naman yan. ;)

helloSK

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #11 on: December 12, 2010, 06:43:25 pm »
sorry mga sisses ngayon lang ulit ako nagkatime magreply. Thank you sa inyo ha, somehow gumaan ang loob ko. Nagdesisyon na rin ako, kung hindi pa kami ganun kahalaga sa kanya, iintindihin ko at igagalang ang desisyon niya pero it doesnt mean na maghihintay ako. Para sa akin sa desisyon niya na yun wala ng dahilan para umasa pa kami.Maliwanag na kahit may anak na kami, hindi man lang pumasok sa isip niya na dapat isama niya kami sa priorities niya. Yun nga lang magiging napakahirap nito sakin at sa anak ko. Pakisama na lang kami sa prayers ninyo. Thank you and God Bless all!

animal_lover

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #12 on: December 12, 2010, 08:07:26 pm »
^hi sis. Mejo similar ang situation namin ng mo. Eldest kasi ako so I helped my younger siblings with their schooling. Tas nung natapos na sila saka kami nagpakasal ni hubby 2 years ago. We now have a 6-month old son. Naiintindihan naman ng family ko that my son is now my priority and they have to take the backseat na. Sana maintindihan din yan ng family ng bf mo na dapat yung baby nyo na ang priority and not the other way around. Tutal naman tapos na mga kapatid nya. So dapat self sufficient na ang nga yun. Kung nahihiya sha sa pamilya nya dahil sa unplanned pregnancy mo, bat di nya makuhang mahiya sa inyo ng anak mo? Sa tingin ko tama ang decision mo to move on. Kahit sa family laws natin dapat yung baby na ang immediate priority nya dapat.

helloSK

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #13 on: December 27, 2010, 09:20:49 am »
Hi animal_lover, sorry ngayon lang ako nakareply. Update ko lang kayo mga sisses, pumayag na rin ako kasi todo todo pakiusap sa akin ni bf na pagbigyan at intindihin ko siya. Bahala na. Ipagno-novena ko na lang to para gabayan kami ni Lord.

Thank you.. Happy Holidays!

aquacharly

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #14 on: January 08, 2011, 07:23:32 pm »
Kung ga-luhod si BF ngayon na intindihin mo sya and accept his decision... fine... BUT it does not mean na zero ka in this deal.

Pwes, may leverage ka... something for something. 
He can ago ahead prioritizing his siblings, pero you can never tell -- tel him, baka 3 years will not be enough for him to help them out, or something comes up and hindi masunod yang time line na 3 years of wait for you and your kid.   Ano, aasa ka sa wala?  It is but fair you feel secure, tell him.. after all, that is all you are asking for.. some assurance that you and his kid are also part of his priority plans, kahit na ba 2nd prioritiy as of now.  So go get married, civil at that -- you both owe it to your kid, after all you are confident you both love each other enough.  Wala kang doubts about your love for each other, nagugulo lang buhay nyo ng kanyang family obligations.

babyboy_james

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #15 on: February 01, 2011, 11:25:14 am »
@ sis helloSK, share ko lang po opinion ko ha,medyo pareho kami kasi nang situation nang hubby mo,just incase makatulong :) to make the long story short,I'm a bread winner in the family,as in tinutulungan ko yung mga younger siblings ko sa education nila at expences nang family ko,i'm the eldest naman,that's why i'm working so hard talaga to provide them and give a better life,which is ok lang naman sakin,kasi very appreciative naman sila and they're doing their best para makatulong din in a small ways,as in never pumasok sakin yung makipag relasyon dahil focus ako sa work and family muna,after the family saka ko isipin yung pag aasawa or going into serious relationship,nag wo2rk din ako sa abroad noon,talagang work,work,work nasa isip ko,gusto ko kasi muna maka tapos nang pag aaral mga sisters ko,until i met this guy turns to be my boyfriend and now husband,noon nung mag bf pa kami,wala kami naging problem in helping my family,he even help me to support them,and he's very open with that,i told him everything that i'm a bread winner and may pinapa tapos pa ako na mga kapatid sa pag aaral,he said he's ok with that and he's willing to help me,so i was so happy to think that i found the man na willing to understand my situation and accept that,and eventually i agree on marrying him even thought na alam ko na may responsibilities pa ako,so yun,now were both here in u.s,and i was not able to work yet because i have 1 yrs. old son,so ngayon ang bagsak is,yung binibigay na allowance ni husband napupunta sa pinas kasi may sister is currently in college right now,and my other sister is in high school naman,yung isa tapos na,and she's trying to help naman,kaya nabawasan na yung ibang expences ko sa kanila,eto na yung problem ko,everytime na may urgue kami ni husband palaging damay yung family ko,palagi niya sinasabi na mas priority ko daw sila kaysa sa kanya,hindi naman sa ganon,super mahal ko siya,kaya lang palagi nasa isip niya na mas priority ko daw sila,haayyy..kaya tuloy ngayon ako ang nahihirapan kasi kailangan pa ako nang 2 sisters ko na nag aaral pa,lalo na yung college sa university pa siya,sayang naman kung patitigilin ko,kasi super sipag at talino nila,kahit minsan wala allowance papasok sila,si husband naman,dati akala ko wala problem sa kanya,but nung kinasal na kami,siguro mas nag demand na,kaya ayun everytime na may urgue pati tuloy sila nadadamay,kaya naisip ko na sana hindi na muna ako nag asawa,sana tinapos ko na muna responsibilities ko sa family bago ako nag settle down ng sarili ko, :(

babyboy_james

  • Guest
Re: Need your insights please help
« Reply #16 on: February 01, 2011, 11:52:31 am »
pahabol lang sis,malapit na kasi ako mag citizen and i want to petition sana may parents,so my dad have much opportunity to work here and my mom can take care my son,then eventually my sisters can come here and have more chances in getting a good career atlis by that matatapos na yung responsibilities ko sa kanila,and tulong2 na yung buong family which is ang laking ginhawa diba?kaya lang ayun recent argument namin ni hubby is damay na naman sila,sabi niya,sila daw talaga yung priority ko,which is not so true,is just happen na ganun naging situation ng family namin,and i told him eventually it will get better,i really do love my husband and kung ma realize lang niya na siya ang mas priority ko kasi i gave up my career just to follow him,eventhought from the very start i already have responsibility,i'm just hoping na mas lawakin pa niya yung understanding niya,or ibalik niya yung dati nung mag bf/gf pa lang kami,na super supportive at naiintindihan niya ,

ps. siguro sis ganyan yung nasa isip ng fiancee mo or bf?kaya ayaw niya muna kayo pakasal,gusto niya muna unahin sila then kayo na yung harapin niya,basta lagi mo lang ipakita sa kanya at ipaliwanag na kahit kasal na kayo,you will still be very supportive with his responsibility sa family niya and more understanding and nothing will gonna change kahit kasal na kayo, :) hope this will help you sis :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close