Author Topic: paano kyo naka-recover or pinatawad ang ating mga hubby's/bf from their mistake  (Read 19628 times)

snowberry

  • Guest
My husband and I have just recently separated because of his unfaithfulness . The thing is bumabalik balik pa si husband sa house namin,  kung wala ako sa bahay. He will call the maid and tell her may kailangan lang . Hindi naman makahindi ang maid dahil kahit paano  iginagalang pa rin siya.  Sometimes nag pretend si maid na wala siya sa bahay para hindi na siya kulitin na  makapasok. Sinasabihan nya pa ang maid na huwag mo ng sabihin kay  ate mo ang mga alam mo ( na mga kalokohan niya). Ano akala nya sa akin t**** , na siya lang ang paniniwalaan?

My husband is sobrang ma pride, but according to my maid parang gustong bumalik. He is probably waiting na sa aking manggaling  na umuwi na siya. But, I  don't like this to happen. He has no remorse sa pinag gagawa  niya na panloloko sa akin at talagang ayaw nyang umamin . Me and my daughters experienced  verbal and emotional abuses. Baligtad kami, he is the nagger. Ewan ko rin bakit natagalan ko siya. But, at least finally nagawa ko naman makahiwalay and there's no turning back.  I want to move on, although mahirap din talaga , dahil kahit ayaw kong isipin, naiisip ko pa rin ang pinaggagawa niyang  pang aabuso at panloloko at di ko maiwasan maiyak because of galit, sama ng loob, self pity dahil nagawa nya lahat un despite na ako lahat gumawa ng paraan para kami mabuhay ng maayos.

I am praying na mapatawad ko na sana, pero paano mo patatawarin ang taong hindi naman humihingi ng kapatawaran,bagkus ayaw pang umamin sa kasalanan?  Yes, time heals all wounds, that is kung hindi na rub ulit ang wound. So, sa akin ang bagal talaga ng pag galing.  Nung naghiwalay kami at natuklasan ko lahat ng mga panloloko niya, I felt as if hindi na ko sasaya ulit buhay ko, because my ultimate dream is to grow old having a happy family gaya ng nakalakihan ko.

 

lovely_carrot

  • Guest
when i first learned about it, mabilis ko lang sya "pinatawad" kaya ayun umulit ulit, with the same girl. mali pala yun, dapat binibigyan sya ng leksyon eh hindi ko ginawa kaya nagkaron ulit ng lakas ng loob na ipagatuloy ang kalokohan.

pero nung 2nd time na nahuli ko, actually nagconfess kasi pinipitpit ko maigi, i left him 11 days after. humanap lang ako ng bahay na malilipatan and said goodbye.

eto ang mga mantra ko sa buhay, pagdating sa ganyang bagay:

(1) fool me once, shame on me, fool me twice shame on you (at sinunod ko talaga ito)

(2) when a woman tries to steal your husband, the best revenge is to let him have her (masarap lang kasi bawal pa, pero nung "pinamigay" ko na sya, hindi rin nila kinaya ang totohanang relasyon)

at ang pinakaimportante..

(3) do not do unto others what you do not want other to do unto you plain and simple truth
 

Girltalker2

  • Guest


(1) fool me once, shame on me, fool me twice shame on you (at sinunod ko talaga ito)


sis, you meant 'fool me once, shame on you, fool me twice shame on me'

lovely_carrot

  • Guest
sis, you meant 'fool me once, shame on you, fool me twice shame on me'

hehe oo nga no, basta yun yun sinunod ko..

thanks sis  ;D

dainejen

  • Guest
sana kaya ko din yung advice ni sis aquacharly.. kahit di ganon kalaki atraso sakin ni hubby ang hirap dahil di ko kayang iaccept na ganun lang sya.

Girltalker2

  • Guest

I am praying na mapatawad ko na sana, pero paano mo patatawarin ang taong hindi naman humihingi ng kapatawaran,bagkus ayaw pang umamin sa kasalanan? 


Mismo, they act as if walang nangyari. Kung tanungin mo naman about mga kasalanan nya just to know (like ilan ang anak sa labas), todo deny pa eh obvious na obvious at dami nanga nakakakita.


Nung naghiwalay kami at natuklasan ko lahat ng mga panloloko niya, I felt as if hindi na ko sasaya ulit buhay ko, because my ultimate dream is to grow old having a happy family gaya ng nakalakihan ko.


I think lahat ng babae sa Pinas iyan naman lang ang gusto - to have a happy family.  Kaya nga karamihan naman ng wives na naloko na, willing din magforgive para lang buo ang pamilya. Kaso, the wife can only forgive, kung totoong nagsisisisi yung husband at di na uulit.  Kaso bilang wife, kung wala kang assurance na di na uulit, mahirap nga naman na magtiwala, at mahirap magmove on na "together" pa kayo pero wala ka namang peace of mind. Labas mo nyan mas maraming wrinkles at mas matanda itsura mo kesa sa hubby mo na emprenteng emprente sa situation kasi di naman sya iniwan ng asawa nya despite his continuing kalokohan.




chinkywinky

  • Guest
Sa totoo lang ang hirap magpatawad, lalo na pag third party ang involved. Forgiven but not forgotten, in my case. Hindi naman na siya umulit, pero yung thought na nag cheat siya, the least person that you expected to hurt you, that's reverberating. He's trying hard to win my trust back, pero ang hirap pa rin and I'm sorry for that. Iniisip ko na lang the best things that he has done or still doing for me, letting go of the bad memories. Makakalimutan ko lang yung nagawa niya pag nagka-amnesia ako.

palamig

  • Guest
Quote
(2) when a woman tries to steal your husband, the best revenge is to let him have her (masarap lang kasi bawal pa, pero nung "pinamigay" ko na sya, hindi rin nila kinaya ang totohanang relasyon)

ginawa ko din yan nun, sabi ko sayong sayo na asawa ko, pinamigay ko na ng hindi na sila mahirapan pa. at ayoko din naman ipilit pa sarili ko nun sa magaling kong asawa nun.

nung nakaraang araw lang nagtatry pa ko tawagan ng babaitang yun, nagtext pa sakin feeling close. tinatanong ako tinetext pa daw ba ko ng jowa nya,, naiinsecure ata ang bruhilda. almost 1 year na din yung pangyayari na un pero sya ata ang di maka move on..

Girltalker2

  • Guest

^ Sakin naman, nakakatawa nga. Ang tagal nilang gumagawa ng kalokohan behind my back habang kasal kami ni exhubby.  Nung iniwan ko na ang kumag, I assumed nagsama sila (pero syempre deny to death ang ex ko), pero malaman laman ko na less than 2 yrs eh may ibang babae na agad ang ex ko.

To answer pala yung title nitong thread "Pano kayo naka recover or nagpatawad"  Sakin it is more of moving on. Naka recover lang ako from myself nung lumayo ako.  For 10 years or so, wala akong peace of mind, pero nung nakalayo ako, dun ako nakapag isip mabuti.  Napatawad ko narin sya kahit na hindi sya humihingi ng kapatawaran, kahit na patuloy parin ang pagsisinungaling nya (di lang sakin kundi sa ibang tao narin at mismo kahit sa mga simpleng bagay lang).  Wala ka nang papaniwalaan sa mga pinagsasasabi nya.  Ipinapa sa Dyos ko nalang sya. Ang akin lang, kung puedeng minimal dealings nalang with him, kasi mahirap makipag usap talaga sa sinungaling na tao, mapa ex mo man o hindi.  Talo ka dyan eh.


palamig

  • Guest
^paano ako nakarecover hmm dumating kasi ako sa punto nun na nasawa na ko kakaiyak mga ilang buwan din yon. feeling ko ang panget panget ko na. so sabi ko sarili ko bakit ba ko magmumukmok pa sayang ang ganda ko kung iiyakan ko pa yung taong wala naman kwenta. kinundisyon ko ulit sarili ko, nagpaganda talaga ko lalo, gala dito gala dun hangang sa tuluyan ko na nakalimutan yung sakit, maalala ko man atlis di na ko umiiyak. sa ngayon akoy maligayang maligaya na sa buhay ko ngayon at may bago na din ako minamahal ngayon

Girltalker2

  • Guest
^paano ako nakarecover hmm dumating kasi ako sa punto nun na nasawa na ko kakaiyak mga ilang buwan din yon. feeling ko ang panget panget ko na. so sabi ko sarili ko bakit ba ko magmumukmok pa sayang ang ganda ko kung iiyakan ko pa yung taong wala naman kwenta. kinundisyon ko ulit sarili ko, nagpaganda talaga ko lalo, gala dito gala dun hangang sa tuluyan ko na nakalimutan yung sakit, maalala ko man atlis di na ko umiiyak. sa ngayon akoy maligayang maligaya na sa buhay ko ngayon at may bago na din ako minamahal ngayon

Sis! Super relate ako.  ;)  Congrats to the success of your lovelife.  Sana tuloy tuloy na happy lagi.  :D

Same here, kinondisyon ko nga rin ang sarili ko. Grabe na pampering, counseling, at kung ano anong mga bagay pa ang ginawa ko. And yes sis, masasabi ko rin na maligayang maligaya ako now, kasi wala naman atang sasama pa sa kinaroroonan ko dati sa poder ng ex ko.

Di biro ang loko lokohin ka ng isang lalaki ng paulit ulit, na ine expect mo na aalagaan ka at mamahalin. Instead sya pa ang papatay sayo sa kunsumisyon.  ::) 


Sis aquacharly, iquote ko lang ulit ang mga nasabi mong magagandang quotes, kahit matagal na. Kasi very applicable talaga sya.

As I said, you can forgive (when you decide to do so, however long it takes, it is your decision when) -- but you will never forget. 
BUT you should not keep on going back to such yuckky memories. 
Life is short, life is beautiful;  Past is past.

This is so true.  Separated man or  kayo parin, you can opt to forgive. Past is past, at di mo kelangan balikan. If you decide to stay, huwag kang magmukmuk since decision mo iyan. Move on and cherish your hubby, decide to have a happy family.  If you decide to leave, then leave.  Embrace what's in store for you in the future.

and yeah,  Life is beautiful!


ACCEPTANCE is the key to Forgiveness.

ACCEPT  him for what he is, weaknesses and all.
ACCEPT yourself for what you are. 

ACCEPT that you 2 are no longer the persons you were when your relationship or marriage started.  So there, assess that.  What you 2 have become... ACCEPT that.
Acceptance does not mean you 2 will continue with your relationship.  It means you recognize and admit that you 2 are individually different people now..  based on that, you may decide to both go on and re-build a new  relationship; or part ways.


ACCEPTANCE nga is key. Sometimes kasi di natin ma accept na naging manloloko ang asawa natin, tapos pilit parin natin ayusin ang sira na relationship na tayo lang mag isa.  Kung wala talaga sa dugo ng lalaki ang magrepent, di talaga maayos iyan.  Kaya kelangan lang iaccept na natalo tayo sa battle na ito but it does not mean na talunan tayo sa buhay.  We can still recover after accepting defeat. 

And kung may remorse naman sa lalaki, accept him din as a person na nakagawa ng kasalanan na di na uulit. Kaya nasa wives na iyan to be understanding and accepting. 





« Last Edit: May 06, 2014, 12:37:24 pm by Girltalker2 »

swertengiha

  • Guest
as for me noong nahuli ko during our vacay last 2012 na nambabae ang asawa ko, (imagine vacation namin pero magkatext sila at nagtatawagan behind my back?! insulto di ba?!) right away i said to him na i-le-let go ko sya at magsama sila ng girl. this p*** girl is his officemate. good thing about my case was that he admitted it to my face. wala ng paligoy-ligoy and said sorry. pero that time di ko na pinakikinggan lahat mga excuses at sorry nya. i made up my mind that ayoko na kase lahat ng past relationships ko laging may third party involved at alam naman nya un pero same din ang ginawa nya. syempre iyak ako to the max kase masakit talaga tapos sobrang self pity kase naisip ko na baka dahil di ko sya mabigyan ng anak kaya ayan nagloko. pero nanaig pa rin sakin yung thought na i dont deserve this because i deserve better! i have a stable career, nice figure at pretty face (naks!) kaya nanaig ang pride and love for myself. kinompronta ko rin si girl na mega deny kahit nilaglag na sya ng asawa ko! sabi ko di ako maghahabol kung gusto nya kanya na lang kase its not my loss! worst part about mistresses? they never apologize. kahit alam nila sa sarili nila na nakatapak sila ng tao. nagharap-harap kaming tatlo but si girl pa ang mega deny. nakakatawa di ba? after that incident nag-usap kami ule ni hubby. he insists na pagbigyan ko pa sya. to cut the story short nagsama ulet kami. pero matagal as in matagal na pinaramdam ko sa kanya na iba na ko. until such time na nakita ko na nagbago na nga sya and unti-unti napatawad ko sya. BUT i never did forget it.
sa ngayon smooth sailing na kami. malaking tulong din ang prayers. as for the girl honestly she did get her KARMA as in big time dahil sa ginawa nya. she sow what she reeps. nasira ang family nya dahil iniwan sila ng tatay nya for an other woman.
my advise is that wag mo ipakita sa partner mo na mahina ka kase iba talaga mag-isip ang mga lalake. kapag nakita nila na di mo kayang mabuhay na wala sila dun lalo silang nagloloko. ipakita mo na hindi sila kawalan! lahat tayong girls deserves better or the best kaya di tayo dapat niloloko! maniwala rin tayo na laging nanjan lang si KARMA.
« Last Edit: June 11, 2014, 02:57:35 pm by swertengiha »

louiesmom

  • Guest
I really don't know kung anong right formula sa pagpapatawad. Kasi in my case, hindi ko naman napaamin ang husband ko although parang ganon na din kasi nung nagusap kami lahat na ng evidence binigay ko sa kanya. Para kong nagpresent sa client. Lol! After nun nagbago ako, naging cold ako sa kanya. Pinaramdam ko sa kanya na kung anong kaya niyang gawin, kaya ko din. I wasn't scared na mawalan ako ng asawa kasi I can financially support myself and my daughter, what really scared me is the thought na mawawalan ng tatay yung anak ko. Pero that time I was already setting my mind na maglelet go ako e.. and at the same time, sobrang dasal ko na bigyan pa ko na marealize nia lahat ng mali niya..

Its been two years mga sis.. So far so good naman ang relationship namin ni husband.. We're still together.. Maraming nabago but I think we're better now. But still hindi pa ako totally nakakalimot..

 

palamig

  • Guest
Quote
Di biro ang loko lokohin ka ng isang lalaki ng paulit ulit, na ine expect mo na aalagaan ka at mamahalin. Instead sya pa ang papatay sayo sa kunsumisyon.  ::) 

korek sya papatay sayo sa sobrang kunsumisyon at sama ng loob ,buti na lang tapos na ko sa ganyang eksena, bangungot yan.

Quote
i dont deserve this because i deserve better!

hindi talaga natin deserve na lokohin tayo ng mga asawa natin, napakasakit kaya. about karma feeling ko yung babaita nya ngayon ang nakakaexperience kung ano napag daanan ko sa kamay ng ex ko, parang lagi sya praning, naiinsecure, lagi ako tinatanong kung nagkakausap pa daw ba kami, haler feeling close para itext ako at tanungin ng ganon. last time naubos pasensya ko, minura ko sabi ko wala ba sya utak at bakit ganon kakapal muka nya para itext pa ko. sabi ko isang text pa nya sakin at pagsisisihan nya,aalamin ko kako kung san sya nagtatrabaho at dun ko sya ipapahiya sa harap ng mga kasama nya kung gano sya kalandi at pumatol sa  asawa ng may asawa.

pero syempre chika ko lang yun, echos lang. di ako mag aaksaya ng panahon alamin kung nasang lupalop siya. awa ni Lord naglubay na kakatext sakin.takot din siguro mapahiya dun sa pinagtatrabahuhan nya ngayon.
« Last Edit: May 06, 2014, 04:05:05 pm by palamig »

Bud

  • Guest
pwede siguro kung once. pero kung isang taon na maglihim...nevermind na.

diann28

  • Guest
Ako noon mag bf/gf palang kami ng asawa ko puro ka martiran na ginawa ko para tumagal lang kami. Syempre mahal ko eh... pero nun kinasal na kami wala na. Hangang ngayon wala na kami pinag aawayan babae. Tingin ko malaki tulong yun tinutulungan nya ako maka moved on. Yun wala sya fb. wala password cp nya. Sakin nya madalas pinapabasa yun mga text sa cp nya pag busy sya mag games sa pc. Pag makiki bonding sya sa mga barkada nya o mga kapatid nya pinapa alam nya sakin ng maaga. On time sya umuwi sa set ko time. Mas madalas nasa bahay lang sya.Yun pinaparamdam nya na ako lang at may one word na di nya na gagawin yun mistakes nya yun.  Pero minsan kahit wala rason na iisip ko pa din yun past namin yun mag bf/gf pa lang kami. Bakit nya nagawa sakin yun lokohin ako ng madami beses eh 3yrs kami mag bf/gf lagi may 3rd party. Ang sagot nya lang sa tanong ko yun. Gusto nya lang mag sawa sa buhay bintana. At subukan lahat ng tukso. Para pag nag asawa na daw sya di nya na gagawin yun ginawa nya nun binata sya . Kasi na try nya daw mag karon ng kabit at natukso. At nag sawa na sya maging buhay binata. Eh yun at yun lang lagi sagot nya sakin pag tinatanong ko sya about sa past namin (bf/gf) pero ngayon 4yrs na kami kasal family man nga sya at mabuti asawa. No regrets sa pinag daan ko lungkot iyak at sakit ng 3yrs na mag bf/gf.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close