Author Topic: paano kyo naka-recover or pinatawad ang ating mga hubby's/bf from their mistake  (Read 19625 times)

purpleish

  • Guest
kasabihan nga nila na "madali mag patawad, pero ang mahirap yung may lamat na" tendency mostly sa mga girls malimit talaga mang ungkat nang nakaraan hehe..

mga sis share naman kayo kung paano kayo nakasurvive or ways sa mga heartaches na binigay nang ating mga loving bf/hubby' :)

aquacharly

  • Guest
ACCEPTANCE is the key to Forgiveness.

ACCEPT  him for what he is, weaknesses and all.
ACCEPT yourself for what you are. 

ACCEPT that you 2 are no longer the persons you were when your relationship or marriage started.  So there, assess that.  What you 2 have become... ACCEPT that.
Acceptance does not mean you 2 will continue with your relationship.  It means you recognize and admit that you 2 are individually different people now..  based on that, you may decide to both go on and re-build a new  relationship; or part ways.

IF you re-build/resume your relationship, start anew.  Like you have no history... so that you will not nag, you will not have trust issues, you will not have doubts about still being together.   Accept, forgive and look at it as a new relationship. 

bravo86

  • Guest
yung mga wives ng mga (dating) babaero kong kasama had their husbands join the marriage encounter seminars/retreats.

ewan ko ano pinaggagawa sa mga ganung seminars, basta tuluyan nang nagbago ang mga kasama ko. and when you see them as a family during gatherings like our office' Christmas parties, aba, kakainggit, parang walang nangyari. parang mga bagong kasal/honeymoon eh. sobrang cheeeezy. ;D

purpleish

  • Guest
^^ wow na inspire ako sis aquacharly :'( ang hirap 2x talaga... nakakatulong den ba yung pwedeng mapag isa muna ang isang babae, like punta lang sa isang lugar to unwind...kasi ang hirap minsan makita na bata sa huz na sobrang stress na si mader...

rapids

  • Guest
mahirap talaga ang magpatawad, sometimes, kahit na na accept na natin yung naging pagkakamali nila, yung paglimot yun ang pinakamahirap. Mas mahirap lalong makaget over lalo na pag mataas ang expectation natin sa ating partner. Siguro one key din para maayos uli pagsasama eh, how remorseful yung nagkasala.
 

kutingpie

  • Guest
^^ wow na inspire ako sis aquacharly :'( ang hirap 2x talaga... nakakatulong den ba yung pwedeng mapag isa muna ang isang babae, like punta lang sa isang lugar to unwind...kasi ang hirap minsan makita na bata sa huz na sobrang stress na si mader...

for me, it would help :) take a breather once in awhile, tao lang din tayo, napupuno, we break down but kaya din natin to pick up the pieces.

accepting something/someone may take time din, hindi kaagad nakukuha yun. same din with trust, you and your partner should start to build and gain it, mahirap talaga but if meron pang pagmamahal at respetong natitira, kaya yan :)

ako kasi, 'doomsday' na ang isang relationship kapag wala ka na respeto sa partner mo, maski mahal mo pa at nawalan ka na din respeto sa sarili mo dahil sa partner mo.

gasgas man but prayers lang talaga ang katapat. try to attend a marriage counselling, it would help also.

aquacharly

  • Guest
PURPLEISH   praying helps a lot too.   lalo na when you feel great anger at the betrayal done to you.

RAPIDS   You will never forget.  BUT  what my Lola said is true:  Time heals all wounds.  I used to sneer at that.

But believe me, coz where some of you are now is where I was in July 2006 --  the day will come when the memory no longer hurts you, kahit pitik -- wala.   You get around to laughing at it pa nga.  As in:  Heck, whatever were you thinking of?!  hahahaha

But I will never forget, kahit ano dakdak ng mga madre at Assumption about forgiving AND forgetting.  (Shh, that's a lot of crap.. you never forget)
But I seldom go back to remember these days.    Like dog poop I did not see, I did not plan to step on -- but there, sh1t hit the fan, este foot  lol... eh bakit ko babalik balikan the memory of the stink, the memory of the yuckiness.  So were it not for these occasional threads,  hindi ko na naiisip halos. 

Well, my husband went into authentic, big-time Remorse and Reform -- so that is also the critical ingredient to Forgiving.

As I said, you can forgive (when you decide to do so, however long it takes, it is your decision when) -- but you will never forget. 
BUT you should not keep on going back to such yuckky memories. 
Life is short, life is beautiful;  Past is past.

mintlair

  • Guest
ako naman, I'm trying my best. fresh pa kasi sa memory ko dahil it happened recently lang. isinabay pa sa pagbubuntis/panganganak ko kaya sobrang sakit.  gusto ko rin namang lumigaya at magkaroon ng maayos na pamilya. but as i always tell my close friends, naka-red alert pa rin ang radar ko. dun ako sa "sige, maayos tayo, i-enjoy ko ang moment" pero nakabantay pa rin ako sa lahat ng ginagawa ni hubby. takot pa akong mag-"let go" kasi ganun ang ginawa ko dati, ginago pa rin ako.  I pray also. yun lang ang lagi kong hiling sa bawat dasal ko na sana nga mapatawad ko na si hubby ng buong puso. :)   

mchummy

  • Guest
tanggapin ang katotohanan, tao lang sila. nagkakakasala...
Learn to forgive...

hello there

  • Guest
Paano kugn kahit mahal ko yung husband ko hindi ko matanggap yung mga bad vices nya like sugal, inom.. hindi naman to araw araw pero may mga instances na nauubos tala kung ano man yung hawak nyang pera dahil dito gaano man ito kalaki... so nagkakaroon kami ng major away dahil dito.... tas patatawadin mo pero uulitin ulit... nagsasawa na ko... may anak kami.. isa lang pero,,.. minsan gusto ko ng makipag hiwalay talaga kasi feelign ko pati future namin ng anak ko nadadamay... ilagn beses na kong nakiusp... magbabait lang ng ilang buwan pero uulit ulit.. sapat na ba tong dahilan para makipag hiwalay.....nakakapuno na din kasi....

alinkshel

  • Guest
lagi kong tinatanim na utak ko na "people change". if my husband changed from being faithful to a cheater, then he can always change from being a cheater to being faithful. makikita mo naman kung nagsisisi na talaga at di na uulit. kung ganun naman ang sitwasyon, sino ka ba naman para di patawarin ang taong mahal mo na handa nang magbago?

to answer the question, just be optimistic and have faith in God. think positive, sabi nga.

^as to your problem sis, mahirap nga, kasi magsisisi pero hindi naman taos sa puso. since i joined GT, i never advised for married couples to go separate ways hanggang may natitira pa kahit konting pag-asa. sa tingin mo, meron pa ba? baka naman kailangan lang ng lesson ni mister. exhaust all possible means to fix the relationship. last resort na ang giving up. you've started by talking  to him. make sure you tell him every point that affects your family because of his vices. try not to nag... support him when he tries to withdraw from his vices. libangin mo during the months na nag-quit sya.

sunnymel

  • Guest

   hello mga sis!
   bkit nga gnun? di ko maubos maisip why he cheated. Sobrang sakit! Though we are still together, TAMA ngang nkred alert k lagi. parang ang hirap ng ibalik ang dati. Kasi dati, you gave your all tapos gumawa. I really thought hindi mangyayari s amin yun!
   It happened really fast though mtgal n nming kilala ang girl. I hated myself kasi parang thers a thing going under my nose, d ko nlman agad!
   We had an eatery and because town fiesta, we hired this girl for 3days. s gabi lang sya papasok. Since I attend sa other eatery nmin, naiiwan silang dalawa ni hubby dun with our other helpers. Dikit sya ng dikit kay hubby daw! on the 2nd night, nagpasundo kay hubby w/o my knowledge! (lately ko lang nlman). Sinundo nman [textspeak!] hubby. Ang hindi ko din alam, pag closing time, kumakandong p and lumalandi sya kay hubby tpos hinahatid pala.  in the morning, magkatext pala sila. And nung umalis na sa amin after 3days, nagtext to me ng salamat. pti din pala kay hubby. They had a one night stand two nights after. nhuli ko because nagtetext ang girl to me. I tried ending my life and had tried n makipaghiwalay but kawawa ang mga anak ko without a father and I love him so much!
   everythings well now, naishare ko lang for this help me in a way. Di ko kasi ito naishare fully sa friends ko.

december

  • Guest
@sunnymel, mabuti naman sis at ok na kayo ni hubby mo.

 naloko na din ako ng hubby ko at napatawad ko na rin sya pero di ko pa nakakalimutan ang kasalanan nya.  akala ko ok na kami pero eto parang malakas ang kutob ko na namba-babae na naman kasi may nakita akong cp sa car nya at sinigawan nya ako kung ano daw ginagawa ko sa car nya.  ang hirap maka-recover lalo nat paulit-ulit nalang ang kanilang ginagawa.   :(

sunnymel

  • Guest

thanks mga sis for your advices and sharings..

ana mimi

  • Guest
tama, nagiiwan ng lamat ang mga kasalanan. kakaiba naman ako kase ayokong ungkatin yung kasalanan nya dahila alam kong ako lang naman yung masasaktan e. kaya mas pinipili ko nalang na tanggapin yung mga pangyayari at ibaon na sa alaala. ayoko ng tumira sa nakaraan kase alam ko an ako lang naman ang masasaktan.

ini-enjoy ko nalang yung moments na kasama ko sya, tao din naman sya, nagkakamali pa din. alam ko, kapag nagkamali ako, matatanggap nya din ako. kapag naaalala ko yung mga mali nya, iniisip ko nalang na, ako naman yung mahal nya ngayon e, ako naman yung pinili nya. yun pa din yung mahalaga  :)

sunnymel

  • Guest
Il never be the same again..

gelaikabir

  • Guest
 hirap n ibalik twala pag once niloko ka ng asawa mo...what im doing para maalis inis ko is waldasin pera niya...ayoko n masyado icipin nkktanda [textspeak!] at nkkwala ng concentrasyon sa lahat.

euwie

  • Guest
hay sobrang hirap! everyday naiisip ko pa rin ginawa sa akin ng asawa ko. pero ang ginagawa ko na lang minsan, iniisip ko na lang na sinisira ko lang araw ko kapag nagpapakagalit ako tapos yung p*ta e ayun, normal ang buhay sa pinas tapos kaming mag asawa dito e nag aaway. so talo na naman ako di ba. so iniisip ko na lang yung mga efforts ng asawa ko na ginagawa nya para ipakita sa akin na nagsisisi talaga sya. in fairness, ang laki ng pagbabago ng asawa ko at talagang nakikita ko naman sincerity nya.

ana mimi

  • Guest
euwie : tama sis.. wag mo sirain araw mo. move on..

LET GO AND GROW..

mamabear16

  • Guest
 ???

tama si aquacharly..

the key is ACCEPTANCE :)
napakahirap pero yun talaga yung una mong gagawin para maka move on ka sa kasalanan at sakit na nagawa ng asawa mo..

then for me, don't look yourself as PERFECT

 

Latest Stories

Load More Stories
Close