Sa mga hindi pa gumagamit ng magic cream at planong gumamit, please wag na kayo magumpisa. Matagal na ko gumagamit ng AMIRA magic cream, maganda sya habang ginagamit pero napapansin ko tuwing humihinto ako nagda-dry ang mukha ko at may mga lumalabas na butlig, kaya i always end up using the product again, kasi nga yun lang ang nagpapagaling sakin, pero 2 weeks ago, i decided to totally stop na especially after reading other people's blog na may withdrawal syndrome pag huminto, after a week na wala na yung amira, eto na..sobrang dry, may mga butlig at sobrang pangit talaga, pumunta ako sa derma, sinabi ko kung ano ang ginagamit ko, i even brought my last bottle of amira, she told me, there was a time during one of dermatologist's convention napag discuss nila ang tungkol sa mga magic creams and there's this one brand na di nya naman masabi kung ano,na nagpositive sa 3 kinds of steroid. She didn't say na may steroid ang Amira, but obviously, ang nangyayari sakin ay steroid withdrawal. Pwede ko to pabayaan ng ganito, hayaang mag break out and let time heal it pero di alam until when, but i asked her kung may iba pang pwedeng gawin. She gave me a very mild steroid para gamitin for 1 week then we will taper, means unti unting tatanggalin we'll start with twice a day then once a day tapos every other day, hanggang masanay nang wala.. Now, she also asked me to have my kidney and liver checked dahil sa tagal ko na ginagamit ang AMIRA at kung may steroid nga yan, malamang na naka apekto na din sa loob ng katawan ko, i hope not, so far wala naman ako nararamdaman na hindi maganda pero kung meron man, atleast malaman na ng maaga para maagapan. Gusto ko mag demanda sa manufacturer ng AMIRA, i don't know where to start. ill keep you posted pag umabot na ko sa ganun.. Now, the reason why i wrote this is simple..TO WARN YOU GUYS, mga naeengganyong gumamit, may planong gumamit, at lalo na sa mga gumagamit na ng mga MAGIC CREAMS na yan.. alam kong maganda yan, while you're using it napaka supple ng skin nyo at talaga namang effective, pero i dare you to stop for 2 weeks, baka after 1 week lang makita nyo na ang sinasabi ko..and worse pa kung pati loob ng katawan natin maapektuhan na..Wala akong ibang dahilan kung bakit ko ginagawa to, hindi ito dahil may ibang produkto akong gustong i offer at sisiraan ko ang MAGIC CREAMS, simpleng tao lang ako, ito ay dahil ako mismo ang nakakaranas, at baka sakaling makatulong ako sa iba na papunta palang dito sa nangyayari sakin ngayon dahil sa AMIRA magic cream. Please wag kayo gumamit nito at kung gumagamit na kayo..huminto na kayo..