Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182202 times)

naizlabonita

  • Guest
eh hinde daw pede si ate sa labas ng Spa. hehe.
Well, wala talagang sekretong hindi nabubunyag, lalo na mga madidilim na sekreto, kaya kahit anong tago pa nila sa mga messages nila.. kahit pa ticking bomb yan na biglang nadedelete once mabasa or ipassword enabled pa.. Kusang lalabas ang truth na walang ka effort effort. :)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Kalurks, buti di mo iniwan si partner haha! Hays, tama ka dyan, walang sikretong di nabubunyag, matakot na mga dapat matakot haha!

naizlabonita

  • Guest
Kalurks, buti di mo iniwan si partner haha! Hays, tama ka dyan, walang sikretong di nabubunyag, matakot na mga dapat matakot haha!

Good provider kasi si Partner saka mahal na mahal nya si baby kaya binigyan ko 2nd chance. Hindi na daw siya babalik dun.Pinag memessage ko din yung mga babae na yan, takot lang nila sakin. Mahuli ko uli yan sorry nalang talaga kanya kanya na. hehe

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Good to know Sis, and good on you for being the bigger person.  ;)

naizlabonita

  • Guest
Good to know Sis, and good on you for being the bigger person.  ;)

Thanks sis, kung ako lang eh I wouldn't waste my time sending messages to these girls because Im not that kind of person. Paki ko sa trabahong napili nila. Naimbyerna lang ako nung may nakita ako na message na sila pa talaga nag iinvite like "punta na kau dito sir". I was really shookt hahaha. Kaya ayan. I always have this palaban personality kaya medyo di ko napigilan.  :)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
^Haha true, buti nalang di pumayag sa labas si Ate Spa, kaloka. Cross fingers wag na nga talaga maulit Sis.

kvandenhaak

  • Guest
It just made it easier thru social media to cheat pero kahit nung panahon pa ng lolo ko, marami nag pindeho. Meaning, pag matulis makakagawa ng paraan.

Ms. Undecided

  • Guest
I remember my bf, he created other fb account to chat this girl na dahilan ng pag-aaway namin kasi daw guilty siya sa mga nasabi ko dun sa girl (Well, my bad). I let him change his fb password para daw magtiwala ako sa kanya eh ako tong makulit na nanghuhula ng bagong password niya. Eh yung gmail niya connected sa fb, diba kapag nag-oonline nowadays, mobile number ang gamit? Nabasa ko sa gmail niya na niremove niya yung number niya sa main fb acct niya. Kinutuban na ko so I keep on logging his mobile number sa fb at kung ano anong pword ang inenter ko, ayun naopen ko haha, ibang acct at nagulat ako kasi chinat niya yung girl dun. Antanga lang niya kasi anniversary namin ang ginawa niyang pword.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Hahaha Sis, 2 na kayong anniversary dates ang ginawang PW. Oooops.  ;D

naizlabonita

  • Guest
Kinutuban na ko so I keep on logging his mobile number sa fb at kung ano anong pword ang inenter ko, ayun naopen ko haha, ibang acct at nagulat ako kasi chinat niya yung girl dun. Antanga lang niya kasi anniversary namin ang ginawa niyang pword.

AnONG pinag uusapan nila sis? Anniversary din namen ginawa password ni partner nung nakikipag chat siya sa isang girl. hahaha.  What's with that trend? hahahaha. Ngayon naman ang password nya sa cellphone birthday ng baby namen. haha

Ms. Undecided

  • Guest
^ haha, well ang nakita ko lang sis is yung chat niya kay girl na "ikaw ba yung nagtetext sakin? reply ka dito" (Ako din yung nagtetext sa kanya na yun, nagpanggap ako na si girl tas tinext ko si bf tiningnan ko kung magrereply siya, pero ayun sinigurado niya kay girl kung siya nga yung nagtetext haha)

Yun lang yung chat sis. kasi yung araw na gumawa siya ng other fb, yun din mismo araw na nahuli ko siya.  Kapag ang babae kinutuban, daig pa si Detective Conan kung mag-imbestiga ;)

naizlabonita

  • Guest
Sis cherryblossom nahuli ko din partner ko sa manilatonight at happybudgemeal. Nag aavail ng mga extra sa spa. Sobrang iba yung feeling di mo alam kung mandidiri ka o ano. Ganyang ganyan din kame sis kaya mo yan.  addict na ata sila sa site na yan. Ipatulfo na yan.

Bellabells26

  • Guest
After I discovered that he cheated, nag stay pa ko, mga isang buwan. 5 month preggy ako nun, immediate resign sa work kasi delikado pagbubuntis ko at dapat bed rest lang, madalas pre-term labor. I never see it coming, kahit pa nag-aaway kami over small things, nagkakayos din naman. Ni do ko naisip na magagawa nya magloko. For over 3 years ako lang nagwowork, year 2015, nun lang sya nagwork kasi nga buntis ako at kelangan mag-ipon. Kung alam ko lang na dun nya makikilala un babae, di ko na sana sya pinag trabaho. Kasagsagan ng paghigirap ko pag bubuntis, nun sya nagloko. Ang hirap ng sitwasyon na alm mo nang nagloloko sya pero wala ka magawa kundi umiyak, ni di ko sila mapuntahan sa work para ireklamo kasi nga bawal saken. Every time na ico - confront ko sya, magtatalo lang kami, ending ng usapan eh dapat tigilan na namin, na hintayin lang nya ko makapanganak saka pag usapan ano dapat gawin, na magsusustento na lang sya sa anak namin.

That was September 2015, 2 weeks pa lang nya nakikilala un babae pero handa nya kami ipagpalik ng magigig anak nya na hinintay namin ng tatlong taon. Nagtiis ako ng isang buwan, kahit pa alam ko na araw-araw niya nakakasama yung babae, umasa ako na baka sakaling magbago isip, pero di un nangyari. Isang araw, naging na lang ako at nagdecide na di ko deserve lahat ng ginagawa nya, after nya umalis para pumasok, tumawag ako sa bahay at nagpasundo, isang buwan ko kinimkim lahat na ako lang ang may alam pero d ko kinaya, baka kung ano lang mangyari sa baby na dinadala ko kaya habang kaya ko pa, ako na umalis. Alam ko naman na di nya lang ako mapaalis dahil sa kondisyon ko, kaya todo pananakit ng damdamin ginawa nya para ako na magkusa na umalis.

Mag 2 years na din mula nun, at sila pa din nung girl, ako kahit papano, maayos naman, salamat na din sa baby ko, sa kanya natuon buong atensyon ko, nakakabaliw sa una, paulit-ulit na binabalikan ng utak ko mga pangyayari pero kung di ko itutuwid pag iisip ko, walang mangyayari saken. Inisip ko na lang anak ko na umaasa saken. It takes time talaga para mag heal lahat, I'm still on the process pero alam ko na mas okay ako ngayon  :)

eimerej5

  • Guest
Sis cherryblossom28, masakit talaga kapag ganyan may ginawa ang asawa natin na nakasira sa tiwala natin sa kanila kasi napakahirap ibalik ng trust and kadikit ng trust ang pagkawala ng peace of mind mo dahil kapag wala siya sa paningin mo, iba na kaagad ang maiisip mo na ginagawa niya. Hindi ka na mapapakali.

Sabi mo nagbabago na siya and ginagawa ang lahat para maging ok kayo. Now, ang kalaban mo is ang sarili mo na, kasi hindi mo alam kung pagkakatiwalaan mo pa din siya, hindi mo magawa na maging panatag kapag umaalis siya....

sis, its up to you if you will trust him again. If you will really choose to trust him and pick up the pieces of your heart and relationship.

Loving someone is a choice and trusting him is the start of letting yourself heal and giving your relationship a chance.

I hope everything will be better.
Be strong and always pray.

super bratinella

  • Guest
mga sis, if mahilig hubby nyo sa mga extra service dapat siguro stop muna ang sexy time and make sure magpacheck up muna siya at lahat ay negative bago ulit kayo makipagsexy time kasi mahirap na laganap na ang sakit na nakukuha sa ganyan.

Sis CherryBlossom28, pinag daananan mo siguro is post natal depression need mo talaga may makausap at sobrang nasa down moment ka kahit feeling mo wala naman dapat ika lungkot. Sumali ka sis sa mga support group na makaka intindi sa pinag daananan mo or mag papaintindi sa hubby mo kasi it is a serious matter, you need to let your feelings out.  Pag stable ko na then dun ka na mag decide sa relationship at life mo for now you need  to deal with your post natal depression at malagpasan yan..

Ann_2128

  • Guest
Ang tahimik na dito. Naka move on na ba kayo mga Sisses?

undecided2

  • Guest
Hi sis Ann2128! Kamusta na? Naging busy ako lalo na sa son ko at sarili ko. Same pa din naman pakikitungo ko kay hubby until now nandito pa din ang pain at galit. Casual lang kame and minsan talagang kung ano ano nasasabi ko sa kanya. Hindi nila alam kung anong klaseng sakit ang ginawa nila saten. Alam ko mali manumbat,mang away,ibalik mga pinag gagawa nilang kasalanan, pero masisisis ba nila tayo? Eh sa sobrang sakit dba. Sabi nga ng ibang GT sissies naten learn to forgive and forget pag kaya na. Ako ba ilang months pa lang pero parang fresh pa din.

Nag back read din ako,naiiyak ako sa mga nag share din lalo na sa mga naloko din na wifeys tulad ko.

Hugs mga sissies. Pray tayo lagi. 😊

plumpolka

  • Guest
mahirap talaga makalimutan. there will be times na akala mo ok ka na. then may makikita ka or mababasa that would remind you of what happened and magugulat ka na lang biglang andun ka na naman. same place, same time, same feelings. parang kahapon lang nangyari. some chose to ignore it, yung mga sanay na siguro... pero if you're still new to this, mahirap i-ignore. and hindi din mawawala yung fear na may possibility na gawin nya ulit. just a small change in his behavior, nakaka-paranoid na agad. or minsan, may mabasa ka lang na same ng situation sayo, feeling mo mangyayari uli... i guess its the price they have to pay for their mistakes...

undecided2

  • Guest
True sis GT plumpolka! Ang hirap tapos minsan si hubby napagtataasan ako ng boses pagka mainit ang ulo edi ending away na naman matatahimik lang siya bigla pag bigla na naman ako nagalit at sigawan ko din siya.
Iniisip ko nga na dapat hindi siya ganon mag act saken kase alam niyang nasa process pa kame ng pag aayos at pag e earn ko ng trust sa kanya. Kaya until now kahit ano na lang nasasabi ko sa kanya sa sobrang galit ko. I know hindi tama but hindi ko na din pinipigilan sarili ko kase ako na nga itong hirap na hirap makalimot and mag move on. But ofcourse i want to be happy pero as of now, wala siya sa picture ng gusto kong maging happy.

True din na pabalik balik lang ang cycle kung hindi naman consistent si hubby sa mga ginagawa niya for me. Iniisip ko din makakatag pa kaya ako sa ganitong relationship or galit kase ako kaya madami akong naiisip na nagsisisi ako.
Hindi na din kase ako nag share ulit nh problem sa Family ko advise ng mom ko is learn to forgive and forget na daw. Haaay ang hirap.

Girltalker2

  • Guest
I always wonder how others do it - magtiis?

Baka kasi talagang nagbago hubby nila and they still felt loved kahit papaano?

Basta for me, 10 years was my threshold, di ko nakayanan and eventually left the marriage. Then after nun, tsaka lang ako talaga nagkaroon ng katahimikan.
I thought to myself, either I leave or mamatay sya, both are the only means I see myself to be at peace. Of course di ko naman control buhay nya, I just went for the former. Kasi yun Lang naman magagawa ko to save myself.
No regrets and super happy now.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close