Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182147 times)

shinies

  • Guest
i always see that there's a possibility na mangyari ulit

Sang-ayon ako sa sabi ni sis glamorosa_09.. May pagkakataon ka pa isalba sarili mo sa sakit ng pagtataksil nila (ng BF mo, ng naanakan, ng pamilya niya). Kung di ka aalis at ikakasal pa kayo, parang pinili mo na din na laging may sakit o pangangamba.

Kaduda duda kasi yung di uulitin kung mismong pamilya niya eh kinukunsinti yung kalokohan niya. Wala silang respeto sayo sis..

Ann_2128

  • Guest
yes, if you have still time to let go..then let go. kami kasi mahirap sa case namin married na kami at may involve na mga kids..

However, if you are decided to stay in the relationship despite of the fact..accept it .. then move forward..mahirap mabuhay sa relasyon na wala kang tiwala at wala kang assurance..

Girltalker2

  • Guest

^ mahirap because we think it's hard. But in reality, nasa environment din kasi. Married or not, I think important ayusin ng both girl and guy Yung issue na iyan, otherwise you won't be able to move on.

Sa Ibang bansa, ang dali lang iwan kasi most people don't tolerate cheating like Pinoys do. Mas may self respect din sila, and di sila papayag na loko lokohin lang sila, especially in front of the kids and society.

Anyway, may article narin female network about how to sort out infidelity without leaving the relationship....
http://www.femalenetwork.com/relationships/couples-move-on-from-cheating-sa00041-20170706-src-sp

ficklemind

  • Guest
sis plumpolka, I agree with others sis.
Ikaw na din maysabi, they will be a constant sa buhay nyo, so forever na din lagi iinit ang dugo mo? do you think makakamove on ka sa situation mo, malet let go mo kung ano mang pain, insecurity, doubt at happy happy na kayong lahat?
IMO, mas masarap pa din sis mabuhay ng masaya, at peace, walang mga pagdududa, walang kaagaw. Sayang ang life!
Yeah, iba talaga case kapag married na with kids, hinde ganun kadali.
Sorry sis, I got curious so I checked your blog, I'm pretty sure you can still get a guy na walang dramang nakasabit. :)


bratty

  • Guest
@sis plumpolka
I agree with the responses above, please save yourself from that mess. Mahirap makisama sa pamilya ng kunsitindor, they will always justify everything kahit mali.

Very familiar ang situation mo, gosh!!!

God bless your heart!

undecided2

  • Guest
Agree din ako sa mga sinabi ng mga sissies naten dito. If kaya mo pang umalis sa ganyan sitwasyon hangat hindi pa kayi kasal or engaged. Better iwan mo na lang yan boyfriend mo parehong masakit married man o hindi pero pag my anak na ibang usapan na yan lalo na pati family ng boyfriend mo eh ganyan. Itatago at ipagtatangol nila anak nila. But kung hindi mo kayang iwan ang boyfriend mo,forgive and forget na nga lang. Pero sa tingin mo ba hindi na mauulit yon? Mas masakit kung mauulit pa or kung paulit ulit lang din diba. My pagkakataon ka pa mag isip at manimbang unlike us na married tapos my mga anak ang hirap mag decide ng para sa sarili kase madaming kelangan mas isipin pa. GOODLUCK!

naizlabonita

  • Guest
nung nalaman ko din mga gawain ni partner na nag aavail siya ng mga babae sa spa for extra service.. Sobrang devastated ako halos magka anxiety or panic attacks ako. Akala ko post partum depression na yung mga nararamdaman ko totoo pala yung women's instinct so hindi talaga ako nadedepress talaga palang may something. Todo deny pa siya pero umamin din. Ang hirap mag tiwala uli kasi baka anytime bumalik siya dun or may kitain siya na taga dun. I chose to stay for our baby na 1 year old at ang ginagawa ko is nagdarasal nalang ako everyday, inamin nya naman kasi skin na frustrations nya yun siya ang may problema kaya pinagdarasal ko siya Lalo kapag aalis siya ng bahay (work from home kasi siya) nagpepray ako na iguide siya kung ano man ang mga naiisip nyang hindi magandang gawin.

Girltalker2

  • Guest
^ always pray nga for God's guidance.

But you also have to bear in mind na lahat ay may hangganan. Alangan naman buong buhay mo ay mabuhay ka in fear na Baka gawin nya ulit. Araw araw ka mag worry?
Dapat sya mismo ang kusa tumigil. At tumitigil lang sya di dahil nahuli mo kundi dahil alam nya Hindi dapat gawin yun.
Tsaka nagpa check na ba kayo ng STD?
« Last Edit: July 20, 2017, 07:51:18 pm by Girltalker2 »

Ann_2128

  • Guest
Tama dapat alamin mo kung sincere nga sya. Mahirap na maloko ulit.. mas masakit :(

naizlabonita

  • Guest
Yes mga sis @Girltalker2 and @Ann_2128 i always try to see kung ano yung pros and cons.. Kaya I gave him another chance..sabi ko tutulungan ko muna kaso halata namang sarili nya ang may problema. Then sinamahan ko na din ng prayers..pero kung bumalik uli siya sa ganun eh ibig sabihin nun wala na talaga kasi wala na din siyang respeto sakin to do that in the first place. And in a relationship respect and trust talaga ang important.

glamorosa_09

  • Guest
Quote from: naizlabonita
nung nalaman ko din mga gawain ni partner na nag aavail siya ng mga babae sa spa for extra service..

Kung once lang niya ginawa, you can still work it out. Pero kung paulit-ulit despite knowing how devastated you are, then probably, he has no ability to be faithful, to be remorseful, and to feel your feelings. In short, he maybe has no qualities needed to maintain a good marriage.

Kung pipilitin mo ayusin yung marriage, ikaw lang mag-isa, kasi wala kapasidad yung partner mo. Kung sakaling ganito man, I wouldn't think of him as evil though. The way I see it, nagsabog ang Diyos ng konsensya at ng faithfulness, tulog sya nung mga panahong iyon. May mga tao talagang likas na walang konsensya, you couldn't blame them, because it's not something you learn or acquire. It's something you have or you don't have.
« Last Edit: July 21, 2017, 09:28:18 am by glamorosa_09 »

Girltalker2

  • Guest
May mga tao talagang likas na walang konsensya, you couldn't blame them, because it's not something you learn or acquire. It's something you have or you don't have.

I always thought this is something trainable/teachable to kids. Kaso Hindi na instill sa kanya Siguro nung bata pa.

Kaso ang daming ganyan kaya sa mga lalaki. Feeling ko tuloy most of them are not marriage material. Mababaw utak and hayop kung Umasta. They're not supposed to be getting married in the first place. And sa pinas pa, the situation worsened pa by the screwed Philippine laws, beautiful women and numerous willing mistresses/ONS candidates.

naizlabonita

  • Guest
@glamorosa_09 haha oo mukang tulog nga siya nung sinabog ang konsensya at faithfulness. Gising ata siya nung puru libog ang sinasaboy haha. Honestly okay naman siyang tatay ng anak ko napaka responsable at maalaga. Kaya din siguru andameng nawiwili sa kanyang babae, may itsura na maalaga pa yung nga lang hindi lang samin ng anak ko pati sa iba. haha.

Thankful na lang din hindi pa kame kasal so anytime na may masama na naman na mangyare or may gawin na naman siya.. I can go agad agad. I have work and I know I can support my son without his help. Medyo binigyan ko lang siyang chance ngayon kasi nga umamin naman siya na my problema at frustrations siya sa buhay.

@GirlTalker2 Yep Unfortunately napakadameng lalakeng ganyan at pumapatol sa mga ganyan GROs and Mistresses. Magagaling lang magtago yung iba pero diba nga may kasabihan na the truth will always come out kahit pa hindi tayo mag effort. Biktima lang din lahat ng babae sa ganyan except sa mga babaeng talagang walang morals at values sa buhay na sila pa nag initiate.

glamorosa_09

  • Guest
Quote from: Girltalker2
I always thought this is something trainable/teachable to kids. Kaso Hindi na instill sa kanya Siguro nung bata pa.

Moral and religious values and societal rules a parent can instill. Yung conscience, hindi. People without conscience can play by the rules/laws, but can go against it easily if they can gain something. People with low morals, pwedeng turuan, lalo na't alam nilang nakasakit pala sila.

Kung ang napangasawa niyo ay meron charming personality, has outright disregard to your pain kahit lumuha kayo ng dugo, reckless disregard for safety (eg may engage in high risk sexual behavior), remorseless, deceitful & manipulative, hot-tempered (irritable, verbally & physically aggressive), there is a probability na wala syang konsensya. Ref pala, (DSM-5, signs for anti-social personality).
« Last Edit: July 21, 2017, 03:08:30 pm by glamorosa_09 »

Girltalker2

  • Guest

^ I see! Thanks for clarifying.
I've always assumed that conscience is something humanly innate.
Ngayon parang naliwanagan ako why people (sa office or mga philandering hubbies) can really be evil. And I really find it hard to believe or even unimaginable at that, that persons not to having conscience do exist!

Sila dapat ang mga taong dapat layuan. They're only trouble. Not worth staying in a relationship with these kinds of beings.

naizlabonita

  • Guest
@GirlTalker2 and @glamorosa_09 mahirap nga lang madetect yang ganyang ugali lalo kung few years palang ang relationship or bago bago palang.. minsan lumalabas totoong ugali na may pagka psychiatric symtoms na kung kelan magkasama na kayo at hirap ka na kumalas lalo kung may baby... Like me. :(

Girltalker2

  • Guest

^ tingin ko may symptoms na iyan, makikita mo kaso we sometimes ignore the symptoms thinking na wala Yun.

I remember ex ko, nung di pa kami kasal, mabait naman sya sakin at maalagain. But I wasn't observant on how he treats other people.

glamorosa_09

  • Guest
^^Sadly, but true... dun mo na lang makikita ang totoong ugali pag nakuha ka na niya... Pero posibleng may nakita ka na ring kakaiba in his dealings/reactions. And either hindi mo alam na kakaiba yun or inoverlook mo lang.

As for mahirap kumalas, if you can't do it yet, maybe you can learn to emotionally distance yourself and lower your expectations. You can also begin investing in yourself more. Wag ka ring manghinayang sa oras at energy na inilaan mo in the past, mas manghinayang ka sa mas magandang future na pwedeng mawala sa iyo kung hindi ka kakalas eventually (e.g., peaceful life). But of course choice mo pa rin if you will stay or eventually let go.

Quote from: Girltalker2
Sila dapat ang mga taong dapat layuan. They're only trouble.


I agree... may pagkapredatory kasi yung karamihan... they can do something merciless without batting an eyelash.
« Last Edit: July 21, 2017, 08:29:24 pm by glamorosa_09 »

Girltalker2

  • Guest

As for mahirap kumalas, if you can't do it yet, maybe you can learn to emotionally distance yourself and lower your expectations. You can also begin investing in yourself more. Wag ka ring manghinayang sa oras at energy na inilaan mo in the past, mas manghinayang ka sa mas magandang future na pwedeng mawala sa iyo kung hindi ka kakalas eventually (e.g., peaceful life). But of course choice mo pa rin if you will stay or eventually let go.
 

Agree din ako dito sis.
Never ka dapat manghinayang.
And in thinking about the future, yun Yung mawawala sayo - yung chance magkaron ng maayos na buhay - masaya at mapayapa, pati narin ang mga kids.

Naizlabonita - iniisip mo dahil may anak kayo kaya ka nagtitiis. Pero gugustuhin mo ba na iyan ang kalakihan ng anak mo? Yung walang respeto sa babae, at pati ikaw eh isawalang bahala? Yung lumaki ng gumaya sa tatay na walang konsyensya?
Ito kasi Yung iniisip ko noon kaya naisip ko Mas makakabuti samin lumayo. True enough, walang regrets at hanggang ngayon, ang gulo parin ng buhay ng ex ko. Samantalang ang sarap/himbing ng tulog ko - Yung peace of mind na di matutumbasan ng kahit anong halaga.

naizlabonita

  • Guest
Naizlabonita - iniisip mo dahil may anak kayo kaya ka nagtitiis. Pero gugustuhin mo ba na iyan ang kalakihan ng anak mo? Yung walang respeto sa babae, at pati ikaw eh isawalang bahala? Yung lumaki ng gumaya sa tatay na walang konsyensya?

Yan nga sinabi ko sakanya sis.. totoo daw yung like father like son.. at baka lumaki sa ganyan ang anak ko kaya kung di siya titigil eh aalis na talaga kame. Ayoko sumakit ulo ko sa anak ko. :(

Sa ngayon mukang di naman na siya nagbabalik doon sa lugar na yon at wala na din kinakausap na mga babae na taga don (well sana nga talaga). Pinagluluto nya ako..masipag siya sa bahay lahat ginagawa nya..every weekend lumalabas kame.. pag aalis siya with friends nag uupdate siya at nagsesend ng pictures para di ako magworry. Kaso madalas naman akong nananaginip nang kung ano ano parang natrauma talaga ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close