Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182239 times)

chibbyme

  • Guest
Bakit nagsinungaling na naman husband mo sayo?at sino ba talaga guato makasama ng huaband mo ikaw or yon babae niya?

Akala niya sis hindi ko malalaman, inopen ko kase yung second account niya sa fb, then ayun may nag tag sa kanya ng photos. Nagpaalam siya na may meeting sila sa motorcycle club. Magkatabi pa nga sila sa photo, tapos naulit nanaman nung nagleave siya from work at nagpunta sa senate sa office ni sen. Jv. At ayun naulit nanaman nung guesting nila sa isang am radio station. For me kase kahit pa anong business nila, dapat hindi na sila nagkikita, ano yun parang wala lang sa kanila yung nangyare? Alam ni babae na alam ko na, alam niya na may pamilya na si husband, kung ako sa katayuan ni babae hindi na ako magpapakita diba? Ang huling sinabi ni husband sa kanya, alam na ni __ , nabasa niya lahat convo natin. Eto na huli kong pakikipag usap sayo, sorry sa lahat at pagpapaasa. Im sorry. Diba? Dapat tapos na, kahit papaano may feelings sila sa isat isa nasaktan siya, pero willing pa din siya makipag meet "professionally" daw? Sinabi ko lahat ng hinanakit ko kay husband, kahit papaano gumaan ng konti pakiramdam ko, kaya lang hindi talaga ako masatisfied, ewan ko ba talagang diko siya mapatawad kahit sinasabi niyang sa pm lang yun at never naman sila dumating sa point na magkakasama sila ng 2 lang sila sa isang lugar. Deny to death talaga siya. Kung hindi daw niya ako mahal hindi na daw siya uuwe at iiwan na ako, sus siguro guilty lang siya at nahuli ko sila. Hmmp! Gusto ko taalga kausapin yung babae e kaso wala ako number at nagdeactivate siya ng fb account niya.

Ann_2128

  • Guest
If may kutob ka pa Sis, try to find out. Kasi ako nung una, pinatawad ko si Hubby, clean slate kami. ang sweet nya sa akin at lahat yata ng panunuyo ginawa para lang maramdaman ko na sorry talaga sya sa nangyari. Nangako pa na hinding hindi nya uulitin. Ako feeling ko, hindi sya remorseful at sincere sa ginagawa nya, pero binalewala ko yung feelings ko, kasi inuna ko ang utak ko..kasi yun ang nakikita ko. Then, while I am coping and healing.. di pala sya tumigil. diretso pala ang relasyon nila,, mas naging maingat pa si hubby.. ako kahit may kutob ako, di ko sya ma confront kasi walang evidence. meron man di pa sapat puro hinala lang.. di ako makakuha ng enough data.. until one day,  Dios na rin ang tumulong sa kin, nalimutan nyang i-delete ang convo nila ni Kabitch.. ayun huling huli at di na nya maitanggi..

Mas masakit pag second time..parang durog na durog na ang pagkababae ko :( .. wala na feeling of dumbness noon unang beses na ginawa nya,  anger at hatred na ang naramdaman ko. Lumabas ang animal in me..at alam ko di ako yung babaeng yun..:(

chibbyme

  • Guest
Sis Ann 2128, alam na ni husband na inoopen ko mga fb accounts niya. Kaya kung hindi pa sila tumigil, napaka ingat niya na talaga. Pag tinitignan ko phone niya malinis talaga. Hays, dahil sa ginawa niyang iyun naging ganito ko, nakakainis!

plumpolka

hi sis, ako din ganyan pero bf ko palang naman sya and once lang nya nagawa sakin. May anak kasi sya sa ex nya pero nung pinapayagan ko sya na makipagkita sa anak nya, gumagawa pala sila ulit ng isa pang baby. kaya after nun, wala na ako tiwala sa paguusap nilang dalawa.

ngayon, tinigil na nila and tanggap na nung ex nya na hindi na talaga babalik sa kanya yung bf ko. di ko naman sya pinipigilan basta sasabihin lang naman nya sakin. ako kasi maiintindihan ko naman if gusto nya pa talaga balikan yung ex nya e.

anyway, sa ngayon, ang advice ko na lang din sayo is yung ginagawa ko. although gusto mo mag imbestiga sa kung ano pa bang ginagawa nya. wag na. hayaan mo na lang. d na ako nageeffort na maghanap pa ng ikasasama ng loob ko dahil alam ko, lalabas din naman talaga totoo. sabi ko lang sa kanya, siguraduhin nyang malinis na sila magusap, wag lang sya magpapahuli sakin kasi bahala na sya sa buhay nya.

ganon na lang din gawin mo sis. mababaliw ka lang din kakahanap, kaka NBI/FBI sa kanya. basta malinaw lang sa kanya na wag sya papahuli. tsaka di naman magaling magtago ang lalaki, lalabas at lalabas parin naman yan kahit ano mangyari. kaya kesa mastress ka, bahala sila!  ;D

Ann_2128

  • Guest
Sis Plumpolka, nasa acceptance stage ka na kasi, kami na obsession stage pa kami. Obsession na malaman ang lahat kahit na masakit. Unti unti darating din kami sa acceptance stage.

undecided2

  • Guest
Yes korek ka jan. Tsaka kahit hindi ka na minsan maghanap mismong ebidensya na yon lumalapit sayo. Lagi kong tinatanong sarili ko hindi ba ako ganon ka mahal ng asawa ko kase nagawa niyang lokohin ako.  Tinanonh ko siya ang sagot saken hindi daw ganon yon. Eh ano? Ewan ko ba. Lahat ng paniniwala ko dati lahat ng tiwala ko lahat ng memories namin na magaganda since magkaibigan hangang maging classmate non college nawala na parang hinipan ng hangin. Hindi ko na din alam kong ano pa dapat ko maramdaman. In ahort wala na akong tiwala kahit sa feelings ng asawa ko para saken. My anak lang siguro kame kaya ganito. Fresh na Fresh parang hinog na bunga eh hehe

undecided2

  • Guest

hi sis, ako din ganyan pero bf ko palang naman sya and once lang nya nagawa sakin. May anak kasi sya sa ex nya pero nung pinapayagan ko sya na makipagkita sa anak nya, gumagawa pala sila ulit ng isa pang baby. kaya after nun, wala na ako tiwala sa paguusap nilang dalawa.

ngayon, tinigil na nila and tanggap na nung ex nya na hindi na talaga babalik sa kanya yung bf ko. di ko naman sya pinipigilan basta sasabihin lang naman nya sakin. ako kasi maiintindihan ko naman if gusto nya pa talaga balikan yung ex nya e.

anyway, sa ngayon, ang advice ko na lang din sayo is yung ginagawa ko. although gusto mo mag imbestiga sa kung ano pa bang ginagawa nya. wag na. hayaan mo na lang. d na ako nageeffort na maghanap pa ng ikasasama ng loob ko dahil alam ko, lalabas din naman talaga totoo. sabi ko lang sa kanya, siguraduhin nyang malinis na sila magusap, wag lang sya magpapahuli sakin kasi bahala na sya sa buhay nya.

ganon na lang din gawin mo sis. mababaliw ka lang din kakahanap, kaka NBI/FBI sa kanya. basta malinaw lang sa kanya na wag sya papahuli. tsaka di naman magaling magtago ang lalaki, lalabas at lalabas parin naman yan kahit ano mangyari. kaya kesa mastress ka, bahala sila!  ;D

True! Sis plumpolka, kahit magaling sila magtago minsan ang panahon na magdadala sayo sa mga gusto mong hanapin. Evidence na mismo ang lalapit sayo. Like saken, hindi ko alam na niloko na pa la ako but bago mag end sila, mismong ebidensya na lumapit saken. Ang sakit diba nagmuka kang t**ga! Ako yon late na nag iisip baka delikado na wala pa asawa ko or stress na stress siya sa work sa mga iba pa namin problema yon pala nagpapakasaya. Ang t**ga t**ga diba? Muka akong ewan na hindi makatulog sa gabi. Siya pala itong masayang masaya sa iba. Haaay!

Girltalker2

  • Guest
Lagi kong tinatanong sarili ko hindi ba ako ganon ka mahal ng asawa ko kase nagawa niyang lokohin ako.  Tinanonh ko siya ang sagot saken hindi daw ganon yon. Eh ano?

Tried rationakixubv this as well at some point.
I ended up concluding, yeah mahal nga ako. Pero mahal din nya mga kabit nya. Pero higit sa lahat, Ang sarili lang nya ang pinaka mahal nya sa lahat.

Hindi ko na din alam kong ano pa dapat ko maramdaman. In ahort wala na akong tiwala kahit sa feelings ng asawa ko para saken. My anak lang siguro kame kaya ganito.

Treat this as an unexpected lesson in life. And ang pinaka importante is for you to be able to move on in life, be it with or without him.

Focus on fixing yourself, uplifting your spirit. Alam ko mahirap as of now, but never ever wallow on this obstacle forever. For now, sige nagluluksa ka pa. but you still have a whole life ahead of you. Make the most out of life. Isa lang iyan.

Fresh na Fresh parang hinog na bunga eh hehe

Totoo iyan. When I was in that situation, every time I wake up. I tried to check reality if it really happened or was it just a bad dream. Then iiyak na naman ako, it was an ordeal. Sabi pa ni ex hubby ko ako lang daw nagpapahirap sa sarili ko. Hindi naman daw nya ako binubugbog and he is a good provider naman daw.
But really, I cannot use any word on how difficult it was. Parang araw araw ako namamatayan (puera usog) but that's how it felt like. Parang hinang hina din ako palagi - mentally, physically and emotionally.

Hanggan kelan ang ganitong feeling? Ako every night umiiyak, until wala na akong maiiyak..  tuyong tuyo na ako.. ang sakit sakit... :( 

glamorosa_09

  • Guest
^Nung nag-research ako before, one counselor shared na at least two years meron na malaking improvement. Pero ito yung nagtinong asawa talaga, yung isang beses lang talagang nagkamali -- pinutol na yung affair at di na rin nakipagrelasyon sa iba. May iba na 5 years minumulto pa rin sila, meron namang iba, hanggang pagtanda may galit at poot pa rin.

But in the end you just got to respect your own pacing, as no one can really say when will the pain heal. Be kind, patient, and compassionate to yourself. Help yourself also, hindi rin magandang habang buhay may galit like my example above.

Empower and emotionally strengthen yourself. Discern when to keep on fighting and when to let go. Baka kasi dapat mag-let go na eh nagfa-fight pa rin. Di talaga mag-hiheal.

glamorosa_09

  • Guest
I forgot to say na importante ang role ng husband sa healing. He was the source of pain, yet he should also be the medicine. Yung constant reasssurance nya, yung transparency, yung patience, yung remorse, yung reform, yung honesty.

Girltalker2

  • Guest
Hanggan kelan ang ganitong feeling? Ako every night umiiyak, until wala na akong maiiyak..  tuyong tuyo na ako.. ang sakit sakit... :(

I cannot recall. But the whole thing just ended in 10 years when I told myself na I really need to move on and proceeded with the filing of annulment.

But the feeling was constant. Then mawawala sandali once I focus myself on other activities, or kapag andyan uli sya thinking na wala na sila ng kabit nya but actually meron pa. then will feel depressed again once it sinks in na niloloko na naman nya ko or nawawala wala sya.

At one time, I also had to take anti depressants, or sleeping pills.

But in general it was an evil cycle for me over and over again. That's why I share my story. I agree with sis glamorosa, this should be worked out by both of you. If not, don't ever subject yourself to this agony of waiting for nothing. But you also don't have to make decisions instantaneously. Weigh your options with the Long term goal of living life to the fullest and don't get stuck with this kind of life (like from hell literally). Life can be beautiful, far from what you're experiencing now.

Ann_2128

  • Guest
I'm afraid to trust him again. And everytime nakikita ko sya, naalala ko on how he betrayed me. Kung paano nya akong ginawang ta*ga. . Gusto ko ng umalis sa ganitong phase ng emotion ko and yet natatalo ang will power ko :(

xhien

  • Guest
As long na sa tingin mo may kailangan ka pang ipaglaban sa marriage niyo go and fight for it. Atleast wala kang pagsisisihan bandang huli. I think mas madali maka move on kapag ganun alam mong may ginawa ka para maayos kayo pero yung trust sobrang hirap na ibalik niya mapaparanoid ka talaga. Ganyan nangyare sakin kusa na lang ako napagod sa lahat ng nangyare nagising nalang ako isang araw ayoko na sa ganung sitwasyon nakakapagod, instead cheer up life goes on hindi natin deserve yung ganyang sitwasyon mga sis. Nasa mga sarili din natin pano natin ihahandle yan tulungan ang sarili yun lang po magiging maayos din lahat.. As of now kasi ako masaya na rin ako na wala na ex husband ko tanggap ko na hindi na kami para sa isat isa. Nasa process naman lahat pakatatag lang lagi and pray for guidance sa araw araw para maging ok din kayo. Kung nakaya namin kaya niyo rin yan mga Sis  ;) :)

Ann_2128

  • Guest
Ang hirap lang i-accept na while ikaw ang mahal and yet nagawa ka pa rin nyang lokohin. Magkaiba daw yung pagmamahal nya sa akin saka dun sa girl? Ako daw talaga ang mahal nya. Kaya nga sabi ko sa kanya, kung mahal nya ako bakit nya ako sinaktan? Di sya makasagot.. :(

HI Sis Xhien, Thank you for the information. Tama naman yon ipaglaban kung my ipaglalaban ka pa talaga if both of you willing ayusin at ipaglaban right? And kung wala na talaga at kung isa na lang un lumalaban or gumagawa ng paraan ppara maging maayos eh give up na. Atleast nga sa huli wala kang what ifs. Ang hirap! Almost 3months pa lang kaya talagang fresh. Civil lang ako sa husband ko ngayon kase parang hindi ko pa kayang magpatawad. Natatakot din ako baka mangyari ulit. Sabi nga ng mom ko mag patawad na daw ako tama na, nag e effort naman daw si hubby. But hindi ko pa din magawa. Syempre lahat tayo guato naten maging happy sa huli din and hindi ma stock sa ganitong situation.

undecided2

  • Guest
I cannot recall. But the whole thing just ended in 10 years when I told myself na I really need to move on and proceeded with the filing of annulment.

But the feeling was constant. Then mawawala sandali once I focus myself on other activities, or kapag andyan uli sya thinking na wala na sila ng kabit nya but actually meron pa. then will feel depressed again once it sinks in na niloloko na naman nya ko or nawawala wala sya.

At one time, I also had to take anti depressants, or sleeping pills.

But in general it was an evil cycle for me over and over again. That's why I share my story. I agree with sis glamorosa, this should be worked out by both of you. If not, don't ever subject yourself to this agony of waiting for nothing. But you also don't have to make decisions instantaneously. Weigh your options with the Long term goal of living life to the fullest and don't get stuck with this kind of life (like from hell literally). Life can be beautiful, far from what you're experiencing now.

Hi sis Anne2128, ako din everynight ang bigat sa dibdib. Pero nitong pasukan naging busy ako sa anak ko. Pero pag nababakante ayon naglalaro na naman isip ko.

Looking forward na mawawala din ito step by step, little by little.

rjaye_2000

  • Guest
Ang hirap lang i-accept na while ikaw ang mahal and yet nagawa ka pa rin nyang lokohin. Magkaiba daw yung pagmamahal nya sa akin saka dun sa girl? Ako daw talaga ang mahal nya. Kaya nga sabi ko sa kanya, kung mahal nya ako bakit nya ako sinaktan? Di sya makasagot.. :(

Yan din ang parehong tanong ko sa asawa ko na recently nahuli kong muntik ng maghire ng escort service. Sobrang sakit sa dibdib parang di ako makahinga. Kahit nagusap na kami di ko pa rin makalimutan at matanggap na nagawa niya kong lokohin. :'( :'(

plumpolka

  • Guest
2 years na since nalaman ko na niloko ako ng bf ko. nakakalimutan ko naman na. madalas ok ako, but when hormones kick in... medyo bumabalik na naman lahat.

ive been cheated on with a girl who will always be constant in his life and his family's. niloko nya ako sa naanakan nya. and everytime i see na ok na ok ang relationship ng family nya sa girl na to, umiinit talaga yung dugo ko.

to other girls here, be happy na lang na di niyo kilala yung babaeng niloko sa inyo, more so, kilala pa ng family nya at kinunsinti nila. at least you wont have this insecurity. i know im not mature enough para tanggapin na hindi porket ayoko sa tao, ayaw na din nila. ano nga naman ba laban ko sa babaeng yun e naanakan sya? although his mom assured me na kung sino ang gusto ng anak niya, dun sila... iba parin yung feeling na alam mong wala kang ibang kaagaw or ka-kompitensya. masyadong malalim yung galit ko sa babae, and sa bf ko din. pero mas madali patawarin yung lalaki lalo na kung nagsorry naman na sya at nakikita ko naman na talagang hindi na nya uulitin. pero mahirap lang talaga makalimot at palagi mo maiisip na baka in the future, ulitin na naman nya. lalo na sa case ko na sa naanakan pa nya ako niloko. i always see that there's a possibility na mangyari ulit unlike sa random girls lang na pwede na nyang hindi makita or hindi din kilala ng pamilya nya.

It's so hard to forget when I'm constantly reminded that she will forever exists in our lives.

glamorosa_09

  • Guest
^It can be seen naman na you really love your boyfriend, otherwise, you won't endure the pain.

Pero kung ako ang sa kinalalagyan mo sis, not married to him, no child with him, eh hihiwalayan ko na lang. Kahit na mahal na mahal ko sya, siguro mas mahal ko sarili ko dahil ayaw kong sayangin yung panahon at pagiging single ko. Lalo't nagkaanak pa sila nung girl, ay most probably part na ng buhay nila yung girl at anak.

Meron kang choice na itapon yung bato o patuloy na ipukpok yung bato sa ulo mo.

But then we all came from different backgrounds and we have different personalities, so iba iba ng disposisyon sa buhay.

It's a big risk to trust a boyfriend who cheated on you.

-------

At tska pala, sa tingin ko, magkaiba ng magnitude yung infidelity between couples who are married and those who are dating. With married people kasi, tinaya mo yung buong buhay mo sa partner mo. More than that, may mga anak pang kailangang isipin.

With dating, of course masakit pa rin and traumatizing. I'm not minimizing the pain because it is indeed painful. But at least wala pa kayong sinumpaan sa harapan ng mga tao at wala pang mga batang involved.

Latest Stories

Load More Stories
Close