watch now

Author Topic: What's your pet peeve?  (Read 33968 times)

iampennylane

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #100 on: March 15, 2013, 01:24:54 am »
^siguro mga thrice ko na nagawa yung mantali ng buhok :D Isa pang ayaw ko eh yung mga ayaw umusog at mag abot ng bayad sa jeep. Nakakatikim talaga saken LOL

17arci

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #101 on: March 15, 2013, 08:13:35 am »
^ anong ginagawa mo sis dun sa mga ayaw umusog? may nakatabi ako sa van nung weekend lang, ayaw talaga umusog! parang tinubuan na sya ng ugat dun sa upuan. ginawa ko siniksik ko talaga sya pero nakadikit na ata sya dun. LOL. ang sama pa ng tingin nya sa boyfriend ko (he's on the heavy side kasi), e hello mukang mas malaki pa nga na-occupy nya kesa sa inuupuan ni bf e. kainis!

iampennylane

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #102 on: March 15, 2013, 08:22:17 am »
^I tell them outright na "baka pwede mong umusog? meron pang uupo oh?" :D

iampennylane

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #103 on: March 15, 2013, 09:41:39 am »
^yan isa pa yan :D Hate ko din yung mga nagmimakeup sa jeep :D

17arci

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #104 on: March 15, 2013, 09:53:12 am »
^ yung nagpapahid ng loose powder sa mukha habang umaandar yung jeep tapos humahangin-hangin pa. LOL.

ayoko din yung nagmemake-up in public. so tacky. may mga CR naman e.

may kinaiinisan ako ngayon, yung mga papansin masyado na TS. may isang thread na ginawa na tungkol sa isang bagay, tapos gumawa ulit ng isa pa tungkol dun sa una tapos may dinagdag lang. kung mamrublema parang anlaki-laki ng problema nya at parang sya lang ang taong may problema sa mundo. umayos ka nga. pfft.
« Last Edit: March 15, 2013, 10:51:20 am by 17arci »

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #105 on: March 15, 2013, 03:21:17 pm »
Mga girls sa gym na super kayod sa singit! Walang panty ah! Nakatinda k*ps nila for everyone to see! Tapos hinihilod nila singit nila. Di na nahiya sa mga kasabay sa loob ng steam.kadiri! Gusto kong hilurin mukha para numipis naman at mabawasan ang kapal ng mukha
Para gawin na lang ang pang hihilod ng singit sa banyo nila sa bahay

entwife

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #106 on: March 15, 2013, 03:39:46 pm »
Yung mga sumasalubong sa elevator at MRT. Baka puwedeng mauna muna akong lumabas bago kayo pumasok di ba..

akireyhoj

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #107 on: March 15, 2013, 04:14:32 pm »
^ako naman sa jeep pag nasa likod ng driver yung pasahero tapos bababa ng jeep mas mauuna pa sila sayo to think nasa dulo sila.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #108 on: March 15, 2013, 11:01:53 pm »
Sa elevator, mga ang babagal magsilabas na parang naka tang@ sa kawalan at aanga angga. Slow motion
Kung mag lakad.Sa sobrang bagal lumabas, magsasara na ang elevator door.. To the point na gusto ko ng hilahin
na sila palabas dahil parang taking their own sweet time sila at namamasyal sa park.

Mga taong lalabas pala sa next station, di pa sila lumapit sa door para makalabas sila agad pag nag open
Ang door.mag lalakad lang sila palabas pag pababa na pala.engot! Tapos magagalit pag may pumasok na
Sa door, eh hello lang at nasa dulo pa sila ng walang hanggan at naglalakad pa lang on the station na bababaan nila.

17arci

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #109 on: March 18, 2013, 07:53:32 am »
@hazelbrown_eyes27 kaderder naman yun! yikes.

- mga pasahero sa shuttle na atat bumaba, di man lang hintayin makababa yung katabi na mas malapit sa bungad bago sumunod agad.
- mga pasahero din na ata umusog pag may isang bumaba, na halos manulak na sila makausog lang sila agad.

janedoe007

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #110 on: March 23, 2013, 03:28:06 pm »
1. Mga taong madalas late! At di man lang marunong maginform na ma-lalate sila. Di ko ma-gets 'tong ugali na to, di ba nila alam how precious time is?
2. Yung mga paseho sa bus na sinusuksok sa seat cover yung mga bus tickets at iniiwan sa ilalaim ng seats mga basura nila. Kegagaling magreklamo na walang asenso sa Pilipinas ni hindi nga sila marunong magtapon ng maayos ng basura.
3. Yung mga dumudura sa kalye.
4. Yung mga magsasabi na pupunta sila pero di naman talaga, paasa lang.

Trianna

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #111 on: March 23, 2013, 07:24:51 pm »
1. long hair na nagsusuklay sa jeep at humahampas buhok nya sa yo, parang walang katabi
2. motor na singit ng singit
3. latecomers
4. yung may nauna sa elevator tapos di polite enough i-press open button tapos aabutan ka ng close door at maiipit ka na  >:(

h_mische

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #112 on: March 23, 2013, 07:49:04 pm »
- yung kumakain ng nakakamay tapos hahawak sa serving spoon

- yung magtitinga gamit ang kamay. Kadiri.

- laging naka paa tapos di man lang maghugas before going to bed. Imagine-in nyo gaano kadumi ang paa.

- lukot lukot na bed sheet. Para bang sampung kalabaw ang humilata.

- mga hindi marunong magligpit ng pinag gamitan

- burara at halos lahat ng hawakan eh nasisira

-lalabas ng bahay nang hindi man lang nagsusuklay

-taingang may tutuli. Kakadistract

Tsaka na lang yung iba. Hehe

entwife

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #113 on: March 23, 2013, 08:06:08 pm »
mga lalakeng lumalabas ng bahay na walang pantaas. Nakabalandra lang [textspeak!] nipples.

mga lumalabas ng bahay (ito usually ata yung mga papunta ng tindahan) na may hawak na twalya.
Parang ugh, Comfort room ba yung kalsada?

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #114 on: March 28, 2013, 04:10:30 pm »
Mga girls na baduy mag post sa instagram at share pa sa facebook! Pati mga private photos na dapat
Sila na lang ang makakakita, isha share pa. Ex. Hubad na katawan ni bf na naglalaba at nagpipiga ng damit.hello lang!!
Sana naman bigyan niya kahihiyan bf nila.katawa tawa tuloy dating. Things like that girlfriends also need to also think kung nakakahiya ang ipapaskil nila sa instagram.Mga babaeng di marunong mag isip on what to post and what not to post!


tomatostellar

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #115 on: March 28, 2013, 04:38:57 pm »
~di marunong mag spell ultimo basic english jusko 'teh walang salitang lier, ganda mo sana medyo t@nga ka lang :p
~yung mga babaeng nagpapakain ng mga buhok nila sa katabing pasahero - kakalbuhin kita!
~yung mga sobrang laki ng sweldo sayo, pero apaka tamad, puro excuses!

haynako eto na lang muna, lakas maka nega vibes

bratty

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #116 on: March 28, 2013, 05:21:25 pm »
~di marunong mag spell ultimo basic english jusko 'teh walang salitang lier, ganda mo sana medyo t@nga ka lang :p

I can relate, siyang siya yun. Di kaya iisa lang sila? Kuntodo post pa sa social networking sites!

tomatostellar

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #117 on: March 28, 2013, 05:52:40 pm »
^ LOL i've seen 2 pretty girls misspelling it, so madami siguro sila,, hindi naman perpekto, pero simple words.. nakerr

aceofhearts

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #118 on: April 03, 2013, 08:30:06 am »
Yung mga sumisingit sa pila lalo na sa napakahabang pila ng MRT, at sila pa may ganang magalit. Haay, manners please?!  ???

17arci

  • Guest
Re: What's your pet peeve?
« Reply #119 on: April 03, 2013, 09:07:11 am »
^ Yung pila na yan may issue ako dyan e kasi inooccupy ng mga nakapila yung kabuuan ng hagdan (lalo na sa Quezon Ave sa umaga). Tapos yung buong 3 floors occupied. Pano na yung mga galing elevator? Alangan naman bumalik sa dulo ng pila diba? :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close