'm confused/torn between a guy I've been for 7 & 1/2 years and a butch whom I met online and been dating for like 2-3 months.
I'm actually set to get married next year dun sa guy. But I know na I love the butch and I'll be happy if I spend the rest of my life with her.
eto ang situation ng gf ko ngayon. She's engaged with her 8 years bf. (iklian ko na lang ha) pero kame, mag 2 years na kame sa May, straight daw sya, pero nainlove saken. ANg problema at masakit ay di pa din sila nagbbreak ng bf nya. Ang situation nila ng BF nila eh parang nagkasubuan na lang sa kasal, family friends at magkakabarkada kasi sila. In short they are in a same circle of environment, pero wala na kalatuy latuy ang relationship nila. Every sunday na lang sila nagkikita with barkada pa yun ha. or minsan di pa sila nagkikita (magkapit-village lang sila take note). Siguro text sila mga 3-4 times a week lang.
BAsta alam ko wala na yung love yung inlove sa isa't isa kaso since matagal na sila at they are not young anymore (mag 34 yrs old na sila parehas) parang yun na lang reason para ituloy ang kasal. At dahil nanjan na nga sila.
Balik sa story namin.. Nainlove sya saken, my pagka bi tendency sya kasi, ayan kinulit ko at natuluyan tuloy. hehe. Pero alam ni lord sobrang mahal namin isa't isa. Been into relationships pero iba to.. kaso ang masakit nalilito sya, di nya mabitawan yung guy kasi eto mga reasons nya..
family.. straight sya. matinong family, religious ang family, pero my pinsan sya na les (yun ang nagpakilala saken sa kanya). In-short, Hindi daw ito TAMA, hindi usual. MALI KAMI kasi GIRL ako

2nd, di nya daw alam kung kaya nya i-give up yung dream nya since bata pa sya na magkafamily, may baby.
Ewan. Sakit sakit na, minsan nga sinasabi ko maghiwalay na kami ngayon para tapos na since wala naman akong hinihintay from her tapos nakokonsensya din ako minsan pagnaririnig ko yung reason nya na nalilito sya. gusto daw nya magkafamily in the future... kaso di ko naman din magawa.. my suffering now is my happiness.. ilang beses na kame naghiwalay.. pero grabe.. ang hirap pala makipaghiwalay sa taong mahal na mahal mo pa at mahal na mahal ka din..
Napapaisip lang din ako minsan.. kung gaano ba talaga nya ko kamahal,, kasi diba.. pag mahal mo isang tao matatanggap mo sya at kung ano lang ang kaya nya.. i mean,, yung tao na un ay magiging enough na para sayo na mapasaya ka (kahit walang baby, kahit girl to girl pa kame) haays..
Basta..

Minsan iniisip ko na lang.. right love at the wrong time.. or parang miss you like crazy ang drama ng love affair namin kung asan its complicated. Kung kami naman talaga,, kahit maghiwalay kami ngayon.. sa huli kami pa din..
Pero nakakalungkot lang.. sabi nga nya.. It would have been perfect na sana... kung naging guy na lang ako

Parang mariel at robin ang drama. againts all odds.