Hi mga sis, I just wanna share my dreams with you guys..
It started when I was in College and kame pa ni ex. Napanaginipan ko sila ng ex nya nagkabalikan daw sila. Kinwento ko pa nga sa kanya yung dream ko, tinawanan nya lang and he said its impossible for him to go back with his ex. Anyway, after 6 years together, nag break kame and then nagkabalikan sila ng ex nya na wife na nya ngayon. At first I told to myself it was just a coincidence, so I moved on.
Then after the break up, Napanaginipan ko yung mom and ate ni ex, they were telling me na magpapakasal na daw si ex at yung dati nyang ex nag wife na nya ngayon, and they are both sad to tell me the news. I just said its ok and let us all move on. After 3 days, naka chat ko niece nya at sinasabi na you know tita, tito is getting married with that girl. So again, coincidence..??
After a week or so, I dreamt of his lola telling me the date July 3, di ko makakalimutan yung pagkakasabi nya ng July 3, pag gising ko nagtataka ako ano yung july 3. After ilang days ulet naka chat ko ulet niece nya sabi nya sila lolo at lola namanhikan na sa side ng girl, sabi ko kelan? sabe nya nung sunday..happen to be July 3.
After that, Sinarado ko na communication ko sa niece nya, kahit tinetext at gusto nila makipagkita sakin e di ko na pinapansin, kase may bf na din ako now and it would be unfair if malalaman nya na mag communication pa ko sa family ni ex.
Pero bakit ganun paren? alam ko na bumukod na sila ng bahay kase napapanaginipan ko. And ang latest (3 days ago) e napanaginipan ko preggy na si girl, then nalaman ko sa friend na preggy na nga..
My question is bakit pa nila ko inaupdate sa mga nangyayare sa kanila through dreams. Ok na ko and I'm happy with my new bf now. Bakit yung mga dreams ko bout sa kanila e totoo?
May time din na napanaginipan ko sis ko nung college pa ko na mabubuntis sya, after a month buntis nga.
Di ko alam kung matatawa ako o matatakot. It seems that I'm seeing the future through dreams. Before I sleep I pray for good dreams and please lang no more info bout my ex anymore
