watch now

Author Topic: GENERAL SANTOS CITY  (Read 28791 times)

jaded1025

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #20 on: March 31, 2011, 12:04:24 am »
Inggit! Gusto ko din sana mag lake sebu but gumasa beach lang talaga target namin nun.

Maein

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #21 on: March 31, 2011, 10:34:37 am »
share ko lang mga sis ha yung Lakesebu (LS)-Gensan-Davao Trip namin.
1st day namin pagdating ng Gensan, nag brunch lang kami sa Penong's then travel na papuntang LS. Gensan to Koronadal 1 hr, Kor to LS 1 hr.. Nakarating kami ng LS mga around 1:30pm na then zip line na kagad sa may 7 falls. zipline 250/head .. 4pm going punta Isla na kami at dun na rin overnight.

In Punta Isla, ang accomodation namin is Family Room dorm type good for 6pax P975, actually 4 lang kami pero eto yung pinili namin na room dahil it's facing the lake.. lake view is nice pero hindi namin nagustuhan ang room. Fan room lang siya, ala ata sila aircon room pero okay lang dahil sobrang malamig dun. Ang hindi namin nagustuhan eh madaming lumilipad na small insect kaya di masyado nakatulog ng maayos yung ibang kasama ko. pero ako, tulog na tulog dahil sa sobrang pagod. lol. Good thing, wala naman lamok. one thing more, wala heater ang CR. Soobrang lamig ng tubig. may gulaaaay! mapapahiyaw ka sa sobrang lamig.. although nag bigay naman sila ng 2 termos pero hindi pa rin enough considering 4 kami. Saka ko lang na realize na may  option  naman pala kami bumaba ng Koronadal, kaya lang di na naisip yun sa sobrang pagod.

2nd day mga 7am going back to Koronadal na.. Medyo hassle lang byahe dahil commute lang kami..
From Punta Isla to terminal ng van nag motor lang kami, 10/head .. From LS to Surallah, van 35/head, Surallah to Koronadal, van 20/head.. medyo mabagal yung van na nasakyan namin from LS to Surallah kaya mga around 9am na kami nakarating ng Koronadal.

12pm going Gensan na kami. Naglunch lang kami sa little Dubai then off to davao na kami pagkatpos.

all in all, sobrang nag enjoy lahat sa Lake Sebu esp ako dahil 1st time ko nag zip line .. kala ko mamatay na ako.. haha! and syempre masarap ang food sa Punta Isla, manamis namis ang tilapia. Yung sa 7 falls, 2 falls lang napuntahan namin ... Ganda! :)


melodymedley

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #22 on: March 31, 2011, 08:20:31 pm »
^thanks for sharing sis Maein. Looks like medyo malayo pala from Gensan ang Lake Sebu.

karinamae

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #23 on: May 25, 2011, 11:00:29 am »
i enjoyed our GENSAN trip... its our friends hometown so he tour us around. It was short but fun trip though we haven't had a chance to visit Gumasa beach, we just visited the LEMLUNAY beach resort. 

Lake Sebu zipline was the best of all zipline i tried, the view is spectacular because you are flying above the 7 falls.

We also had a chance to visit the TUNA fishport where GENSAN is known for the best tuna in Philippines.

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #24 on: June 11, 2011, 02:56:48 pm »
mga sis, when you say mura ang tuna dun, gaano kamura? and pag ba sa palengke bibili, they will pack it for you para maisakay mo sa eroplano?  :)

jaded1025

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #25 on: June 11, 2011, 05:40:46 pm »
No idea ako sa kilo sa palengke sis,pero nung naghahanap ako punta daw ako sa store ng RDEX kasi nakaready for shipping na daw dun. Dina ko bumili dahil may rdex din dito sa manila.

Mura sya kasi sa saranggani highlands 100+ lang ang tuna dish, eh diba dito sa manila mga 200-300 per dish. Sa hotel naman, isang order ng sashimi mga 100+ lang din. Kaya pyesta ako sa sashimi nun.

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #26 on: June 11, 2011, 08:45:58 pm »
^ahh hehe! thanks sis! makapag abang nga ng seat sale dito :D

jaded1025

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #27 on: June 11, 2011, 09:26:49 pm »
^ malalasahan mo na super fresh ng tuna because juicy talaga..unlike yun dito na pag naluto is nagdry na.

melodymedley

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #28 on: June 11, 2011, 10:34:14 pm »
mmm....Tuna sashimi!!! Excited nako!
Still have to polish our IT though.

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #29 on: June 11, 2011, 10:37:14 pm »
^^thanks sis. mga magkano kaya dapat ang budget for a 3-day trip (negligible na kasi yun ika 4th day dahil super early ng flight) ? Tama ba lake sebu tapos gumasa beach, solb na yan in 3 whole days?

jaded1025

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #30 on: June 11, 2011, 11:33:05 pm »
Yun trip kasi namin is 3days 2 nights lang.gusto lang talaga namin makita ang gumasa beach.

Since super takaw kami at dahil fixing a broken heart ang kasama namin, inuman at night at food trip sa umaga naka almost 4k each.

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #31 on: June 12, 2011, 12:55:31 am »
nakabook na ako nov27-30! salamat sa promo ng APX. 1054php RT. mahal ng fuel surcharge! hehe :)

jaded1025

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #32 on: June 12, 2011, 01:20:12 am »
Good for you sis! Magbook din sana ko, nanghihinayang ako sa fuel surcharge. Haha!

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #33 on: June 12, 2011, 01:47:06 am »
^korek. pero ok na rin kasi mas mahal pa nga yun promo ngayon sa PAL e. at saka inisip ko na lang may kasama na syang check in baggage at holiday pa yun nov30 hehe. :D

blackgreen

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #34 on: June 19, 2011, 02:45:00 am »
Okay lang ba mag solo travel dito?Gusto ko kasi matry yun zipline sa lake sebu.

riaenvodka

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #35 on: June 19, 2011, 02:05:19 pm »
hi mga sisses, ishare ko lang ang experience ko last june 11-14 gensan-lake sebu-saranggani-davao

day 1 - touchdown gensan at 9:30 am, derecho na kami agad sa lake sebu via koronadal city. we had our lunch at punta isla, stay there for a while, then went to seven lakes where we took the zipline, sobrang ganda talaga. for only 250, two way na sya, sobrang sulit, after that, we went to saranggani province esp kiamba municipality

day 2 - we went to tuka beach, ang kiamba kasi ay may 6 hectares na marine sanctuary, nag snorkling kami, sobrang ganda talaga tapos pinuntahan din namin yung ship na sumadsad sa corral reefs sa kiamba, we also went to some beaches

day 3 - visit the municipality, went to gensan, tpos nagcoffee kami dun sa bluegre (kay pacquaio to) then buy ng mp shirts and headed to davao, 6pm, we reached davao, nag casino kami ng konti and checked in sa apo view hotel

day 4 - bumili ng pasalubong and went to samal island esp bluejazz, fully booked kasi ang pearl farm eh. before our flight back, we went to abreeza mall (yung bagong mall sa davao) then at 7pm, checked in na kami sa airport

very memorable ang trip namin, as in, but mas nagandahan ako sa socsargen trip namin, plan ko bumalik next year to visit glan at other beaches in saranggani...sobrang mas nag enjoy ako dun..

hope this helped...

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #36 on: June 20, 2011, 09:14:01 am »
^thanks sis. :) pano kayo nag ikot ikot? public transpo lang o may contact kayong tour guide or friend na tiga dun? saka san accommodation kayo nag stay?

blackgreen

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #37 on: June 20, 2011, 10:23:56 am »
^^tsaka sis, ilan kayo nagtravel? Okay lang ba mag solo dito?

riaenvodka

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #38 on: June 20, 2011, 09:37:00 pm »
actually mga sisses, may kamag anak ako dun, nagmigrate sila from cagayan to saranggani, kaya dun kami nagstay sa kanila, pero sa davao, dun kami sa apo view hotel nag check in. may ariling sasakyan kami mga sisses. feeling ko, medyo mahirap mag commute, pero feeling ko naman, carry lang naman. peaceful naman yung place sis, hindi ko lang alam kung ok mag isa.

hope this help mga sisses and dont hesitate to ask me if may concern pa kayo ha....thank you

lakwatsa

  • Guest
Re: GENERAL SANTOS CITY
« Reply #39 on: July 19, 2011, 08:52:46 am »
may promo ngayon APX pa gensan. 2902 nga lang aabutin ang RT ticket. ang mahal :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close