watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 179898 times)

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #280 on: April 02, 2011, 08:50:11 am »
Hi, FOURever.

Yes, there is a possibility na at times open ang 6th sense mo.  This happens to a lot naman as this is our ability to sense danger kasi.  It has been dampened by civilization and such but it has always been there.

The thing is, there is nothing to be afraid of such dahil these are normal - ha ha, hindi dahil sanay lang ako to encounter such due to my work.  What you should be afraid of ay if these cannot be sensed by you and others are sensing it naman and see it as a threat.  Iba yun feel kapag threat level na and you'll instinctively know it too.

Usually talaga sa peripheral vision natin nakikita ang mga ito.  There are also certain periods wherein these can be felt strongest.  Ditto applies sa location.  Medyo OT na but now you know kung bakit mabigat sa feng shui ang design at placement ng stairs.  Hindi ko na i-expand as OT na and trade secret rin syempre.

Just go about with your usual stuff when you encounter such.  Kapag lang nagtawag ng particular name or gumaya like yun doppleganger encounter mo ay cast the circle of holy light and visualize the affected person.  Give due notice ASAP rin to the person in question.  The reason behind this is to overcome the Yin Chi with Yang Chi para hindi naman maka-encounter ng unfortunate event yun subject.


FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #281 on: April 02, 2011, 09:42:41 am »
^sis, sorry. Pero di ko alam dahil di ako ganun ka-expert sa mga ganyan. Pag nakakita ako ng gumaya ng kakilala/family ko or tumawag ng name, paano gagawin ko? Kasi when that happened to my dad, nasa ibang lugar sya, though pag uwi nya after few hours, wala naman nangyari sa kanya. Pero syempre, sinabi ko rin sa kanya yun.. Gusto ko lang maging ready if ever mangyari ulit.. Yung mga kumakanta kanta, wala naman dapat ikatakot dun, sis? Actually, happy ang dating sakin nung kanta though di ko naintindihan.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #282 on: April 02, 2011, 10:54:57 am »
^ of all those entities and elementals na na-encounter ko, sa doppleganger talaga ako pinakatakot. yung mga itim na dwende, tikbalang, white lady, etc eh ok lang sa akin na makita ko sila. kasi yun talaga yung hitsura nila. pero yung doppleganger? naku whenever i see one, ilang linggo akong di makatulog. im not an expert din pagdating sa ganito. andami ng nag-offer na tutulungan ako na i-hone yung "talent" ko but i opted not to. big responsibility kasi.

well anyway, tama si CityHunter na dapat i-warn yung mga person na ginagaya. kasi in my own experience, kapag nakakakita ako ng doppleganger, wala namang nangyayari sa mga taong ginaya nya. pero nararamdaman ko yung "gloom". ayoko ng feeling na yun. pati mom ko at 3 kapatid madalas nila makita yun. open din ang 3rd eye nila, though kagaya ko, di nila hinahasa or pinapansin kasi natatakot rin sila. madalas gayahin yung brother ko pati mom ko. it is really creepy. ano kayang gustong ipahiwatig nun?

nakwento ko na rin to dun sa unang thread. nakipag-face to face ako sa doppleganger. kasi i stayed up late para i-prepare yung final exams ng mga students ko. past 2am na ko nagdecide matulog. sila mom at yung 3 kong kapatid nasa taas na at tulog na tulog. umakyat lang ako sandali sa taas para kunin yung ibang gamit ko. naghihilik pa silang lahat. nung nasa kalagitnaan na ako ng hagdan, grabe feeling ko tumirik lahat ng buhok ko. andun sa baba yung doppleganger at kamukha sya ni mommy. to the highest level ang takot ko kasi lumalapit na sya sa akin, pero take note. di sya naglalakad, nakafloat sya, mga 6 inches. di ko alam kung paano ako nakaakyat sa taas kasi i felt na parang nag-froze ako. nawalan din ako ng boses dahil sa takot. naku ayoko ng ma-encounter pa ulit yun.

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #283 on: April 02, 2011, 10:58:08 am »
^nangilabot naman ako sa kwento mong yan sis...

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #284 on: April 02, 2011, 11:06:24 am »
^^grabe sis. Ako rin ilang araw/linggo rin nag alala nun. Na parang bawat aalis si daddy iniisip ko baka may mangyari.. Up to now pag naaalala ko, kinikilabutan ako.. Yung eyes nung doppelganger ni daddy, mapula yung eyes tapos sobrang talas ng tingin. Tumingin lang sya sakin then direcho sa kwarto ko. Di ko alam bakit sa kwarto ko.. (nasa kwarto nila ako dahil yung pc nila ginagamit ko pag gumagawa ng homeworks).

Sana maishare ni cityhunter mga ilang tips pag may ganitong naranasan..

Di ko rin to ineenhance. After those incidents, i do my best to ignore. Though deep inside me, i know na andun sila.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #285 on: April 02, 2011, 11:15:05 am »
yun na nga ang nakakatakot sa kanila...matalim ang tingin. kahit pangkaraniwan na sa akin yung makakita ng mga ganyan, iba pa rin talaga yung takot ko dyan sa doppleganger. kasi alam ko na natutulog na ang mom ko sa taas. tapos makikita ko sya sa baba at nakalutang pa.

actually nakita na rin sya ng youngest sis ko 4 years ago, dun rin sa may hagdan. wedding ko pa yun ha. gabi na nun (around 8pm) at magbubukas kami ni hubby ng mga gifts. ang reception kasi eh dun sa house ng lola ko, which is right beside our house. so andun lahat ng gifts. nagpunta kami lahat dun, parents ko, mga kapatid ko. so walang natira sa bahay. isinarado lang yung gate pero open yung main door. habang busy kami sa pag-open ng gifts, mom and dad ko eh nag-aayos nung mga nakuha namin. yung sister ko which is 11 years old that time, nagpaalam kay mommy na uuwi lang sa bahay para mag-cr. so umuwi sya ng bahay, binuksan ang gate at dumeretso sa bahay. pagpasok nya ng pinto, sobra ang gulat nya kasi nasa hagdan yung doppleganger na ginagaya si mommy. matalim daw ang tingin sa kanya at feeling nya anytime sasakalin sya. kung anong suot ni mom eh ganun din ang suot nung doppleganger. kahit takot na takot sya, dumeretso pa rin sya sa cr para umihi.  ;D buti na lang paglabas nya ng cr wala na si "something". naku pagbalik nya sa house ni lola, namumutla sya ng husto at di makapagsalita dahil sa takot.

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #286 on: April 02, 2011, 11:17:59 am »
wala pa naman ako naexperience na doppelganger. pero sa dating nga mga cuento niyo sana wag nalang ako makaexperience niyan kase natatakot talaga ako...

^buti naman nakapag-weewee pa ang kapatid mo. kung ako yun tatakbo nalang ako...

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #287 on: April 02, 2011, 11:21:26 am »
^Nakakatrauma pag bata pa lang nakakakita na. =(

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #288 on: April 02, 2011, 11:40:15 am »
sa family namin, si dad lang ang di nakaka-experience ng mga ganito. si mom, ako, yung 3 kapatid ko pati nephew ko na 7 years old pa lang, sanay na makakita ng mga multo, etc. dinededma na lang namin. kasi sa pagkakaalam ko, kahit sila, di nila gustong manakot. magkaiba tayo ng plain, at minsan, di sinasadya, parang nagme-merge ang mga plains natin kaya natin sila nakikita.

naging part na ng buhay namin yung mga entities/elementals. to date, eto na ang mga naencounter ko sa house ng parents ko: mga dwende na mahilig kumanta kapag madaling-araw, black lady na palda at paa lang ang kita, doppelganger na either ginagaya si mommy o yung brother ko, si nestor na childhood friend ni dad na namatay when he was 9-11 years old, isang boses ng lalaki na kami lang ng youngest sis ko ang nakakarinig.

glitterysugar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #289 on: April 02, 2011, 12:18:42 pm »

^baka mahimatay ako sa takot pag nakakita ako ng black lady na palda at paa lang ang visible! grabe! ano sinasabi ng boses ng lalaki na naririnig nyo, sis?

sa house namin sa cavite may mga nakikita din kami ng sister ko. parehong pareho kami ng description ng batang lalaki. either nakaupo sa ilalim ng stairs namin, or nasa kwarto namin nakaupo sa may bandang ulunan ng bed. or sa sahig sa kwarto din namin. di na lang namin pinapansin, pero minsan at night, pag dun kami nagsstay, natatakot na ko bumaba para kumuha ng water pag nauuhaw ako kase madadaanan yung ilalim ng stairs papunta sa kitchen and one time, pagkagaling ko ng kusina, nandun sya sa ilalim, nakatingin lang sakin. juskoooo! halos lumipad ako paakyat sa room namin nun.

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #290 on: April 02, 2011, 12:26:56 pm »
^waaa! Ang scary.. Ako rin meron experience sa hagdan. Pero saglit lang, bumababa sya ng hagdan tapos kumaway at nakangiti sakin. Batang babae na nakablue dress. Parang dress nya yung mga dress dati ng 'mayayaman' nung panahon ng kastila.

glitterysugar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #291 on: April 02, 2011, 12:35:31 pm »

^at least sis friendly yung nakita mo. yung samin laging walang reaksyon. titingin lang. yung upo pa nya yung parang fetal position na nakaupo, ganun. di ko pa ata sya nakikitang nakatayo.

kwento din ng sister ko nung nakita nya yung little boy, nakaupo sa may sahig sa may bandang ulo ng bed pag nakahiga ka. when she woke up daw, nandun nakaupo yung kid sa sahig, yung face ng kid nakatapat sa face nya, nakatingin sa kanya. parang pinapanood daw sya matulog. gusto daw nya tumakbo palabas ng kwarto pero madadaanan nya yung bata. nagtalukbong na lang daw sya ng kumot ad started praying. simula nun, di na sya dun nahiga. lagi na syang sa tabi ng wall natutulog.

shinta

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #292 on: April 02, 2011, 12:42:20 pm »
^naimagine ko yung bata sa the grudge. diba fetal position din upo nung bata dun. waaa

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #293 on: April 02, 2011, 12:47:19 pm »
Oo nga no? Sana bantay lang sila, at walang idulot na masama.. Ingat kayo sis.. Mas ok din na wag na lang yata sila guluhin.

glitterysugar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #294 on: April 02, 2011, 12:56:18 pm »


^^waaaah! oo nga noh.. pero mas nakakatakot yung itsura nung sa the grudge. lol

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #295 on: April 02, 2011, 01:06:58 pm »
^^ sis ganyan din yung batang si nestor. unang nakakita sa kanya yung friend ng sister ko. mga high school pa kami noon. nag-sleep over yung mga friends nya sa amin. eh nung time na yun, yung 2nd floor namin under construction pa. parang attic pa lang ang style nya. kailangan nakayuko pag maglalakad. eh di yung isang friend ni sis umakyat sa 2nd floor para mauna matulog. tapos may napansin sya na bata sa pinakasulok, fetal position din. naka-khaki shorts at kupas na white shirt, yung usual na sinusuot ng mga boys sa public elem schools. nagtaka sya kung sino yun, eh yung brother namin baby pa nung time na yun. tapos biglang tumingin sa kanya, walang expression ang mukha at napakaputla pa ng hitsura. ay, karipas pababa ng hagdan.

lahat kami nakita na namin sya sa ganung position. but since then, pag nakikita na namin sya, palagi syang tumatakbo, parang nakikipagtaguan. minsan sisilip yun sa bintana or pinto ng house. tapos mawawala. tapos biglang manggagaling sya sa ibang direction. madalas sya magpakita between 3-6pm. nalaman lang namin kung sino sya nung kinuwento namin yun kay dad at kay lola. namatay daw yun dahil sa sakit, mga 1960s. mahilig mag-aral kaya hanggang naging multo na lang sya eh naka-uniform pa rin. laging natitiyempo na nakikita namin sya kapag nagmemerienda kami sa hapon. magkakatinginan lang kami tapos sabay-sabay namin sasabihin "si Nestor!" tapos magngingitian kami. di naman sya salbahe eh. creepy lang kasi maputla sya at "antique" ang dating.

yung black lady naman, dun lang nakikita sa hagdan. bakit palagi na lang may hagdan? nakaupo sya dun sa taas na part ng hagdan kaya palda at paa lang kita. never pa kami nag-attempt na alamin ang itsura nya.

yung boses naman na kami lang ni youngest sis ang nakakarinig, boses ng matandang lalaki. suspetsa namin yung lolo namin sa father's side. kaboses nya eh. minsan naririnig namin na parang nagki-clear ng throat. nung nabubuhay si lolo, mahilig sya magclear ng throat. minsan "hoy!" lang sinasabi nung boses. mga maiikling words lang na parang tinatawag kami. magkakatinginan kami ni sis pag naririnig namin yun. kami lang talaga ang nakakarinig nun.

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #296 on: April 02, 2011, 01:34:59 pm »
^kakatakot...

thebratinella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #297 on: April 02, 2011, 01:36:17 pm »
cityhunter, may question po ako. kasi nakuwento ng brother ko why he was scared of being left alone in the dark when he was a kid. sinabi niya yung story college student na siya to think na it happened around grade school siya. for 3 nights daw may nagpakita sa kanya na girl wearing a satin dress na may flowers printed all over. at first, he thought it was me lang standing in front of him sa bed kasi kahawig ko. yung satin dress was an old one from antique pa na dinala ng lola ko. i wore it a few times. i think sa mom ko pa yun nung dalaga siya. pag dumidilat daw siya, nakatayo lang daw yung girl sa harap niya so pumipikit na lang siya tapos takot siya maiwan mag-isa lalo na pag gabi. kasama niya sa room yung isang brother namin and lola. one time daw, sumama siya sa lola ko sa labas ng room kasi ayaw niya maiwan. pupunta kasi sa bathroom lola ko. pagdating daw ng dining room, nasa ilalim daw ng table yung girl pag bukas ng light. after 3 nights, hindi na nagpakita yung girl. inisip ko doppelganger.

thebratinella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #298 on: April 02, 2011, 01:40:57 pm »
nagtataka lang ako bakit 3 nights lang nagpakita at sa kanya lang. saka wala na kaming nafeel na kakaiba sa house eversince. actually, hindi ko alam na may ganun until sinabi niya recently. we've been living here for almost 21 years. my husband and i now occupy their old bedroom. minsan nga napapatingin ako sa side ng bed pag naiisip ko. niloloko pa ako ng brother ko na ituturo niya kung saan nakatayo yung girl dati pag nakikita niya. possible ba yun na napagtripan niya lang brother ko at umalis na siya dito sa house since we don't feel anything unusual na? tia.

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #299 on: April 02, 2011, 03:19:59 pm »
Ang scary na ng mga experience natin.. Tama ka sis kettlekorn, di ko na rin aalamin mukha nya pag ako nasa posisyon mo. Baka mamaya sya pa yung maging worst 'nightmare'. Wag naman sana..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close