i just wanna share something lang..
ive shared some of the supernatural activities here in my home in cavite.
nagtataka lang ako bakit walang tauhan na nagtatagal sa amin. promise, hindi kame salbaheng mga tao, well compensated naman sila, and naku, sobrang bait ng tatay ko..hindi na nga niya minsan check background ng tao, basta kapag naawa siya at kelangan tulungan ang tao kinukuha niya, makatulong lang.
background lang: they have living quarters, free bigas, free electricity and water. P3500 ang sweldo nung boy namin,duties: taga pakain ng pets namin, linis ng lawn, linis kotse P3000 maid-loob lang ng bahay siya, taga linis lang talaga. she doesnt cook, doesnt do laundry. P2000 yung isang boy, katu-katulong nung boy namin.
P5000 driver, hatid-sundo lang sa Manila-Cavite Mon and Fri lang. no other lakad.
Me and my sister stays in Manila, Fri-Sun lang kame umuuwi Cavite to do laundry, so mag-isa lang ang brother ko sa bahay. he cooks his own food,does his laundry since he has trusts issues,and very maselan and most of the time he's out asikaso business namin, or hang out with friends..so madaling araw na uuwi. so hindi talaga nahihirapan tauhan namin, di ba?
it all began nung may "activity" na ginawa dito, hindi bad activity,for sure. after that conscious na kame, alam na namin na may ibang presence with us though wala naman ginagawa sa aming masama, nakakatulong pa nga sila. ayaw lang nila na may ibang tao dito sa amin. meron ginawang dasal sa house namin, and nag-ipit/lagay ng something something sa palibot ng main house, its purpose is to ward off bad people, people with bad intentions.
naranasan namin na in a week, 2x kame nagpalit ng tauhan, next na naging kasama namin wala pang 2mos naging sakitin, accdg to the doctor serious case of UTI to the point na nagpaalam na. yung sumunod naman sa kanila yung recent na umalis, same thing din..wala pang 2mos stay with us, nagkasakit yung asawang babae, nanghina at nagpaalam sa brother ko na "uuwi na kame, hihintayin ko na lang mamatay asawa ko." so nagbigay ng extra cash, tulong ang bro ko. [nagtaka na kame ng bro ko, napaisip na kame kasi sunod sunod, nagkwento na siya at first time ko nalaman na ang dating trabaho ng boy namin is bodyguard ng isang politician, na sanay daw tumumba ng tao.

] Yung driver lang namin ang pinaka matagal na sa amin, around 6 yrs na with us.
Pre-activity nagtagal talaga mga tauhan namin, tipong years. umalis lang sa amin kasi nag-asawa ulit. Yung pumalit sa kanya, years din nagtagal pero kusa na silang umalis simula nung sinimulan yung "activity" noong umalis na sila we found out ninakawan kame, nagkwento driver namin na maraming pera na nakukuha sa amin, PSP,clothes,bags and other personal stuff. take note..hindi namin napansin na nawalan kame.
naisip ko lang, may connection kaya lahat ng nangyayari sa prayer na ginawa sa amin ang yung mga presence na kasama namin dito? sobrang powerful naman nila to the point na nagkakasakit mga tauhan namin, nakakaawa naman.

minsan nga para na kameng timang ng bro ko, kinausap na namin, nakiusap kame..at nagpaalam na sana tanggapin yung bagong tauhan namin.
Photo of our lawn.trees everywhere. 
bad vibes ba? mukha bang pinamumugaran kame ng entities?
Mama Mary formationsmall rock with Mama Mary formation was glued to a bigger rock.
quick kwento: nag gardening nanay ko one morning, nakita niya yung isang rock na may Mama Mary formation. every person na dumalaw sa amin na may sixth sense, without making kwento sa kanila, bigla na lang ma-d-draw yung attention nila sa rock na yun, meron daw strong presence. and even nung nagpa Spirit Quest kame 4-5 yrs ago sama thing ang sinabi re Mama Mary formation.