watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 179703 times)

chiz_06

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #180 on: February 15, 2011, 06:35:15 pm »
hi mga sis...share ko lang yun nangyari sa sister ko...sa province namin yun sa house namin na luma..as in yung mga bintana eh mga capiz pa...malaki kase bahay namin dun 8 yung kwarto tapos ang nakatira lang yun nanay ko tatay ko dalawang kapatid ko at isang ate ko na may anak..yung mga kwarto kase magkakatapat tapos may pasilyo sa ganito papaunta sa sala sa taas namin...natutulog na yung kapatid kong babae  sa isang room kasama yung kapatid kong lalaki katapat yung room nung ate namin...may sister is 4th year highschool nun time na yun...natutulog na sila bigla na lang daw nagising yung sister ko kase mainit yung electricfan bigla na lang namatay,..tatayo na daw sana siya bigla may narinig daw siyang parang kumakalansing...una daw di pa niya malaman kung [textspeak!] yun tunog tapos nung napapansin daw niya palapit na sa kwarto tsaka lang niya nalaman na may naglalakad na parang hirap na hirap kase may hila hilang kadena yung tunog...as in naririnig daw niya sa bawat apak na ang bigat ng paa nung lumalakad...habang pinapakinggan daw niya narinig daw niya na papasok na sa kwarto niya nakatalukbong na daw siya that time at umiiyak na sa takot...pumasok daw yun yabag na may kadena sa kwarto lumakad lakad sa harap ng bed niya at naramdaman daw niya na huminto sa harap niya...para na daw hihimatayin sa takot kapatid ko nun...ramdam daw kase niya nasa harapan niya..after ilang seconds daw lumakad nanaman yung entity palabas ng kwarto nung narinig daw ng kapatid ko na malayo na yung yabag at nasa sala na namin sa taas tumakbo siya papunta sa kwarto ng ate namin at umiyak ng umiyak...gulat na gulat kapatid ate namin...ginising tatay ko at nanay ko...wala naman ibang tao sa bahay...simula noon hindi na antulog kapatid ko sa taas ng bahay namin sumiksik na siya sa nanay at tatay ko..kahit ako kapag umuuwi samin bihira ako umakyat sa taas namin...sobrang creepy....

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #181 on: February 16, 2011, 07:14:47 am »
When one hears chains ay hindi na biro yan.  The protective measure is again to remain calm and cast the protective shell around you PLUS call upon (for Catholics) the Virgin Mary to assist and protect you.  It is easier for us kasi to call for assistance if its someone which we can easily relate to. 

The next measure na dapat mangyari ay ipa-cleanse then bless properly the whole area.  Not just the home but the entire place.  It should be done by a priest whose heart is into his vocation and not those na ala Padre Damaso lang.

kutingpie

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #182 on: February 16, 2011, 09:50:08 am »
I heard my 'warning' chimes again two nights ago..usually kapag naririnig ko yan, after 2-3 months (minsan week/s lang) may nangyayaring major sa atin na affected tayong lahat.

Ingat kayo and always pray, kung ano man yun, sana wag matuloy, ang lakas eh

freeswan

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #183 on: February 16, 2011, 01:56:52 pm »
^ nakakatakot naman yan sis. ano ba ang mga kwento mo the last time you heard that warning?

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #184 on: February 16, 2011, 03:42:06 pm »
^^ oo nga sis, i was trying to check the previous pages about your story kaya lang di ko rin mahanap. pakwento ulit :P

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #185 on: February 16, 2011, 04:10:25 pm »
If its around April or May it'll be something like a major financial issue.  Best if everyone is on guard with their finances and investments.  Can't get a read as eat some beef takoyaki just now :P

The only other possibility is that terrorists may attack again - and yun possibility that I really don't want to happen is going to make those bombings pale in comparison to it :P  Mukhang kailangan ko mag-meditate ng major major on this.  Sigh.  Hoping to be proved wrong on this.

Yes, let's all pray to thwart this probability. 

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #186 on: February 16, 2011, 07:22:35 pm »
^naku katakot naman yan sis... :( lets pray wag matuloy :(

douxmadchen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #187 on: February 16, 2011, 07:51:44 pm »
katakot mga stories nyo sisses. let's pray na sana walang masamang mangyari.

showermist

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #188 on: February 17, 2011, 05:33:32 am »
If its around April or May it'll be something like a major financial issue.  Best if everyone is on guard with their finances and investments.  Can't get a read as eat some beef takoyaki just now :P

The only other possibility is that terrorists may attack again - and yun possibility that I really don't want to happen is going to make those bombings pale in comparison to it :P  Mukhang kailangan ko mag-meditate ng major major on this.  Sigh.  Hoping to be proved wrong on this.

Yes, let's all pray to thwart this probability.

lols, i may agree on this.  march 31 is the deadline for US yata with regards to their budget. kung hindi nila tataasan ang credit limit nila--mas grabe pa ang mangyayari kaysa 2008. and it will affect us all.

para hindi ako ma-ot, share ko na din---
nung nasa elementary pa lang ako, i used to sleep with my lola sa kwarto nya na malapit sa poso. at sa madaling araw parang may sumasalok ng tubig. e pag sisilipin ko, wala namang tao. and since may ilaw sa area ng poso, kita kung basa dun. kaso hindi. tapos nawawala pala yung sound ng 'sumasalok' pag sumisilip ako. ang weird lang kasi pag hindi ako nakasilip, natunog. hanggang nakasanayan ko na.

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #189 on: February 22, 2011, 06:37:06 am »
Hindi naman ako natakot pero last night (madaling araw) sabay kami ni hubby narinig namin yung wooden chairs sa dining namin umusog, parang may umupo. Mabigat kasi yung chair pure wood sya so pag iuusog mo maingay. Pagkarinig namin takbo ako agad ako sa labas ng room papuntang dining to check if it's my mom, pero total darkness, i checked her naghihilik sa room nya :D

Tuwing madaling araw, every night, naririnig namin yun, parang may nag uusog ng chair sa dining, sometimes naman yung parang may nag switch ng ilaw, but when you check it wala naman. Hehe ayoko naman makita yung mumu or whatever it is pero i cant help it na tignan ko sya pag naririnig ko ito :D

cuppie_cake

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #190 on: February 22, 2011, 07:04:53 am »
sa house nila hubby (di pa kami bumubukod before), I was pregnant by then unfortunately di ko matiis magpee kahit in the wee hours of the night, so nagpapasama nako kay hubby everytime dahil ang dami ko na nga narinig na scary things na nangyayari sa house nila, so we went down the 2nd floor andun kasi washroom nila and his waiting for me outside sa may living room area nila suddenly kinatok nya ko sa washroom kung tapos na daw ako, when I got out sabi niya while waiting for me seating on the couch daw he saw a white shadow passed the stairs going to the kitchen, kaya pala niya ko minadali. Tapos one time naman, morning na pagkalabas ko ng room nila adjacent sa washroom, nakita ko yung cousin ni huuby na girl biglang nagtago near the kitchen nasa isip ko pa bakit kaya siya nakipagtaguan eh ang aga aga so I ignored it na lang, after 20 mins inisip ko talaga, wala na pala yung pinsan niya kasi early ang pasok nun sa school. hmm, sino kaya yung nakita ko?! super nanlaki ang ulo ko, and had goosebumps tuloy. tapos meron naman incident boy cousin naman ni hubby, he was talking on the extension phone sa 3rd floor, (room ng grandparents nila) dun siya nakikipagtelebabad sa gf niya suddenly dumaan na naman daw yung lady in white as in ang bilis lang, talagang takbo siya all the way sa room nila naiwan niya yung phone naka hung, and namumutla. Dami talagang story sa house na yun, old house na kasi and I've heard dati siyang hospital. 
Next time stories naman sa house that we're renting..
« Last Edit: February 22, 2011, 07:06:57 am by cuppie_cake »

kutingpie

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #191 on: February 22, 2011, 11:53:57 am »
^ nakakatakot naman yan sis. ano ba ang mga kwento mo the last time you heard that warning?
^^ oo nga sis, i was trying to check the previous pages about your story kaya lang di ko rin mahanap. pakwento ulit :P

hello sisses and bro CH..dont know if yung mga nangyayaring calamities ngayon (earthquakes-New Zealand, Manila, volcano eruption-Mt Bulusan), wars (Yemen, Bahrain, forgot the other one) kung eto na yun.

hay, ako yata ang creepy

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #192 on: February 22, 2011, 02:27:20 pm »
Hi, kutingpie.

Noted and kasama na kasi yun sa Rabbit year.  It will not be as heavy as kung natyempuhan sa Tiger year nangyari kasi.  What I'm bothered more ay yun possible financial issues na naman and possible mas worse na terrorist attacks.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #193 on: February 22, 2011, 02:35:41 pm »
just wanna share this story:

this happened about a year ago. inimbitahan ni tita yung mga officemates nya na mag-lunch sa tinitirhan nya. katiwala ng bahay na ito si tita. nakwento ko na rin tong bahay na to kung saan naka-encounter ng white lady yung sis ni regine velasquez at yung ex-bf nito. siguro 60 or 70 years old na ang house na ito. FYI, yung isang anak ng may-ari ng bahay na ito ay nagpa-practice ng witchcraft nung nabubuhay pa kaya napaka-creepy ng house na to.

back to the story. so ayun nga, dumating yung mga officemates ni tita, 5 persons. pinapasok na nya agad dahil sobrang init sa labas. bibili raw muna sya ng softdrinks. nilibot nung mga bisita nya yung bahay.

pagdating ni tita, sabi nung mga officemates nya "Myles, na-meet na namin ang mother mo. Mabait pala sya kaso medyo tahimik." Nagtaka si tita kasi kapag gabi lang nagpupunta dun si lola, pag matutulog na. pinadescribe nya yung babaeng nakilala nila. naghinala na si tita. tapos tinanong nya kung saan nakita. sabi nila "dun sa bahay sa likod na kalapit ng bodega. nakaupo sa rocking chair". naku, halos mabitawan daw nya yung mga bote ng softdrinks sa narinig nya. pinasunod ni tita yung mga bisita nya dun sa bahay na kalapit ng bodega. sabi nya "o ayan, naka-lock ang pinto. paano kayo nakapasok dyan?" nagtaka ang mga bisita kasi bukaskasan ang mga pinto at bintana nung nagpunta sila dun.

and then my tita showed them a picture of an old woman, about 70 years old. sabi nung mga bisita nya "Yan yung matanda na nakilala namin kanina." Sabi ni tita "Yan ang may-ari ng property na ito. yung pinuntahan nyo kaninang bahay ay dating grocery store na pagmamay-ari nila. mahilig sya magpahinga sa tumba-tumba. 10 years na syang patay." pagkarinig nito, nagtakbuhan sila lahat palabas ng compound.

cuppie_cake

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #194 on: February 23, 2011, 09:46:08 am »
^scary naman sis.. naku kung ako yun malamang di na talaga ko babalik sa house na yun!

jasmville

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #195 on: March 02, 2011, 09:07:42 am »
hi, first time ko magpopost dito creepy horror stories. its about my sister's house. nagrerent kami sa house nya as of present time. we've been here for 1.5 years na. when we sleep kasi sa gabi, i leave the door open. wala kami aircon, malamig kasi dito sa lugar namin so i just leave the door open. Madilim sa labas, syempre patay ilaw sa gabi, sa kwarto namin, meron kami small lamp lagi bukas. i would see someone dumadaan lagi, i would always think si yaya yun, pupunta sa may ref, or pupunta sa banyo. until last week, i saw a guy dumaan, nakatingin pa sa kin. kamukha ng kapitbahay namin. promise! as in, napatayo ako. tulog kids ko. kinuha ko yung flashlight namin ready ako na talagang paluin sa ulo yung lalaki. pero wala naman, wala sa banyo. wala talaga. dun lang ako nakaisip, huh, sino yun? since then, natakot na ko. madalas nakasara na door namin.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #196 on: March 02, 2011, 10:58:20 am »
This story is about that creepy house again.

this happened about 2 years ago, nung walang pang trabaho si tita sa barangay. caretaker nga sya nung mansion so maghapon sya nakatunganga dun.

one morning, she decided to spend the day reading pocketbooks. dun sya pumwesto sa living room which is kalapit ng main door. ibinukas nya yung sliding door tapos humiga sya sa sofa na kalapit ng malaking bintana. then started reading.

maya-maya, biglang may tumakbo sa labas ng bintana. kahit di nya nakita, alam nyang may tumakbo kasi rinig nya yung mga yabag. sinilip nya para makita kung sino yun. wala naman sa garden. humiga ulit sya at nagbasa. tapos meron na namang tumakbo. sinilip ulit nya, pero wala ulit. kinakabahan na sya pero nagpatuloy pa rin sya sa pagbabasa, but this time, umupo na lang sya para makita kung sino yung takbo ng takbo.

nagulat sya ng may biglang may tumakbo na batang lalaki (about 9 to 10 years old) sa labas ng bintana, nagderetso sa may garden tapos nawala. tapos sumulpot sa may pinto at nakita nya nagdere-deretso sa malaking banga na nasa labas ng sliding door. kinilabutan sya sa nakita. paano makakalundag ang isang bata sa banga na may taas na 4 feet and 9 inches? tumakbo sya para tingnan yung bata sa loob ng banga. wala dun!!! sa sobrang takot, kumaripas sya ng takbo palabas ng compound.

that mansion is so freaking creepy. i'll post more. isip pa muna ako ng iba. 

eizej

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #197 on: March 02, 2011, 02:18:13 pm »
marami akong gusto ishare na mga stories, but, hindi yun puro experience ko, mostly sa mga friends... unahin ko muna own experience ko...

way back 2008, i was living with my uncle in their rented house, since 3rd floor  naman siya, so i decided na ioccuppied yung 3rd floor.. yung itsura ng 3rd floor is parang attic style, my small room then rooftop na yung labas ng room ko.. nakaugalian ko na matulog pagkagaling ko sa work, 15 mins lang naman byahe ko pauwi samin from work, 530pm out ko sa work so mga quarter to 6 nasa house nako.. so pagdating ko ng house dirediretso nako sa room ko para matulog from 1-2 hrs... pagpanik ko sa room nagpalit nako ng pambahay then nahiga nako nahiga nako sa bed ko.. mga ilang mins pa lang siguro ako nakakaidlip may naramdaman akong parang presence sa kwarto ko.. hindi pa kasi malalim ang tulog ko nun parang papatulog pa lang ako..alam niyo yung ramdam niyo na may dumadaan sa harapan niyo, patay ang ilaw nun sa room ko bahagyang liwanag lang yung pumapasok sa room ko galing sa window ko sa likuran ng bed ko.. diba kahit nakapikit tayo parang may naaninag ka pa rin na parang may dumadaan sa harapan natin? parang ganun pakiramdam ko nun.. di ko nalang pinansin baka kako sa liwanag lang galign sa labas ng window ko galing yung nararamdaman kong yun, pero ewan ko ba igla ko naramdaman na parang nasa tapat na ng mukha ko yung presence na yun, so bigla ko dinilat eyes ko.. sobrang nashock pa ako kasi may babae na nakatunghay sakin, malaki mata niya mahaba buhok, black ang suot.. napapikit ako ulit, iniisp ko sino yun? pero bigla nagflash sa isip ko, nakalock ang room ko saan dadaan yun? dumilat nako ulit, wala na siya, then binuksan ko na ilaw sa room ko and bumaba ako para ikwento sa uncle ko.. kinilabutan sila sa shinare ko.. yung tito ko nabanggit yung experience ko sa katabi naming house, ayun sinabi nila sa mismong room ko, may nagpakamatay daw dun na babae kasi iniwan ng bf...nagbigti siya sa mismong room ko...kasi nga attic style yun, di nga naman siya makikita agad kung magsuicide siya....




showermist

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #198 on: March 02, 2011, 02:52:58 pm »
^waaa! kinilabutan ako ng husto. ayokong maranasan yung pagmulat mo, may nakatunghay sa iyo. baka mahimatay ako nun!  eeek

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #199 on: March 02, 2011, 02:57:17 pm »
^^kinilabutan rin ako sa kwento mo. hanggang ngayon may goosebumps pa ako. waaaah!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close