watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 179668 times)

kutingpie

  • Guest
Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« on: October 26, 2010, 11:23:18 am »
Happy Halloween sisses!

Tuloy ang kuwnetuhan ;)

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #1 on: October 26, 2010, 11:31:12 am »
wow, nakaka thread 2 na tayo, hehe

meron ako na-encounter na link din where ghost stories are posted
http://www.yourghoststories.com/ghost-stories-countries.php?country=PH&page=1

happy halloween din! :)

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #2 on: October 26, 2010, 11:32:27 am »
malapit na nga pala... next week na :)

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #3 on: October 26, 2010, 11:34:02 am »
pajoin :) naenjoy ko magbasa sa thread 1. :P

shinta

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #4 on: October 26, 2010, 11:48:09 am »
join ulit. malapit na halloween! post more stories mga sis.

AiSuRu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #5 on: October 26, 2010, 12:34:38 pm »
^katakot talaga mga cr :( lalo na nung bata ako pag naliligo ako bongga ang bukas ng pinto..  ;D ..gusto ko mabuksan thrid eye ko tapos pag ayaw ko na close ko na ;D tee hee!!!

prettyxxxangel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #6 on: October 26, 2010, 12:42:42 pm »
guyz lahat ba kayo may kanya kanyang experience with a ghost,,,grabeh alam nyo ba dito sa bahay namin may ghost lagi sya nakikita ng little sister ko at talagang lagi sa kanyang nagpapakita

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #7 on: October 26, 2010, 12:48:48 pm »
^ wah, ako naman, pasalamat na ko na di bukas.  nakakaramdam lang ako, baka di ko makaya yun.

dati sa school namin, all girl Catholic school, ang CR namin, malayo sa mga classrooms at malayo lalakaran mo, then me tagusan yon sa kumbento.  Maraming mga stories na sa cr namin me nagpapakitang pari na pugot ang ulo sa isang cubicle don.  As in iniiwasan ng mga estudyante non.  Di rin kami makapag-cr mag-1 kaya dapat in pairs.  Minsan, nagwiwi ako, as in patay na oras, mga 2 pm ganon, alam mo yong may maririnig ka na flush pero wala ka naman kasama, or parang me humahakbang wala naman tao.  naku, after non, takbo talaga ako, kasi madadaanan mo rin ang music room na me momo sabi nila at yong last swing na sinasabi din nilang me white lady

lexi_girl

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #8 on: October 26, 2010, 12:59:30 pm »
joining!  ;D

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #9 on: October 26, 2010, 01:00:11 pm »
present! wow. thread 2. i enjoyed reading all your posts on thread 1 kaya sana more to come...

AiSuRu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #10 on: October 26, 2010, 01:08:08 pm »
^omgosh!! ayaw ko naman makakita ng pugot na ulo ng pari tapos sa cr pa.. mamaya diko matapos pagwiwi ko tumakbo na ako agad nun, dyahe diba?..  :-\

i mean yung mga kaluluwa lang ng mga bata.. wag na yung mga walng ulo,, putol na kamay,, yung mga ganun!!!

shinta

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #11 on: October 26, 2010, 01:10:24 pm »
may nabasa ako dati, madami daw talaga ghost sa mga cr kasi gusto nila malamig na lugar.

speaking of cr. i remember a story of a schoolmate na bukas din ang third eye since nung bata pa siya.

kwento nya, she went to her friend's house. nung tumatawag siya, walang sumasagot. since lagi naman siyang nagpupunta don at bukas naman yung gate, pumasok na siya sa loob ng bahay. then narinig niya na parang may naliligo sa banyo. sinilip niya, bukas pa daw yung pinto ng cr at may naliligo nga, babae. akala niya nanay nung friend niya. pero lumingon daw yung babae sa kanya, at nakita nya naaagnas na yung mukha. takbo daw siya palabas ng bahay.

eh kung ganito makikita ko, ayoko na lang mabuksan ang third eye ko. sabi kasi nila, may ibang ghost daw na ang pinapakita eh yung itsura nila nung namatay sila. waaa, sobrang creepy kaya yun.

AiSuRu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #12 on: October 26, 2010, 01:15:30 pm »
^aw.. parang ayaw ko na nga!!! haha!!!  ;D pero diba may mga levels ba yun? yung kunwari nakakakita ka ng mga kaluluwang ligaw.. first level mga bata.. second level matatanda.. thrid level mga naaksidente?  ;D tehee.. or chenes lang ba yung mga level level eklavu?

Sunscreen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #13 on: October 26, 2010, 01:19:22 pm »
pa subscribe..

AiSuRu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #14 on: October 26, 2010, 01:23:42 pm »
^go lang te!!   ;)

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #15 on: October 26, 2010, 01:39:01 pm »
naku sis shinta, same thing happened to me sa house ng kaklase ko nong grade 6 ako.  nakwento ko na siya sa kabilang thread e.  i was to deliver the invitation for our graduation non dahil absent siya at kapitbahay ko naman.  luma na ang bahay, from the gate I was shouting her name.  mga 4pm yon siguro.  Umakyat ako sa taas kasi walang sumasagot pero bukas ang gate at pinto ng bahay.  Nasa taas ako tinatawag ko si classmate.  wala sumasagot.  then narinig ko bumukas ang gripo, yong parang me tabo na nakasahod.  pumunta ako sa may cr nila, wah, natakot ako kasi wala namang tao at nakasarado ang gripo. tumalikod na ko then kumaripas ng takbo. 

AiSuRu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #16 on: October 26, 2010, 01:53:09 pm »
..buti pa kayo nakakaexperience ng mga ganyan.. :( ako kasi hindi pa.. rinig rinig lang.. naniniwala ako at nacucurious kaya gusto ko open 3rd eye ko..:(

..sa house namin may multo tatlo sila, isang matandang lalake na ang purpose daw is kunin yung something na ibinaon sa ilalalim ng hauz namin bago itayo.. at yung girl na ligaw na kaluluwa lang.. yung brother ko may third eye.. nakita niya na..madaling araw nun at sa sala siya natulog malamig daw kasi kaya pumunta siya sa kwarto nila at kukuha ng kumot.. tpos kinausap niya yung akala niya na si mama na nakaupo sa kama pero nung kinalabit niya nawala.. :( ..yung pang third.. batang lalaki siya yung namatay sa tapat ng bahay namin.. friends kasi sila ng kapatid ko na girl.. namatay dahil sa dengue..

pero di naman sila yung aggressive.. but kapag 3am na nagpaparamdam sila.. like yung upuan sa dinning namin biglang gagalaw, or yung baso.. sabi ng lola ko sinasabi daw nila na time naman nila.. parang share share and respect daw ganun.. :( kaya magslip ako pinakalate na yung 2am..  ;D

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #17 on: October 26, 2010, 01:59:52 pm »
^sis, wag mo na gustuhin na makakita. hehe sa akin good thing na pag nakikita or naririnig ko yung multo, di ko alam. i mean, after lang mangyari saka ko marerealize na multo pala sila.. 3x na nangyari.. mostly sa bahay. yung 3rd, sa school.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #18 on: October 26, 2010, 02:03:09 pm »
Eto naman kwento ng tita ko na open din ang 3rd eye. Nangyari ito nung 1st year college pa lang sya sa isang exclusive school for girls sa Manila. This was run by a famous group of nuns. may counterpart din sila na mga priests naman.

My tita kasi was an honor student. Usually inaabot ng gabi kasi marami din sya sinasalihang clubs and extracurricular activities.

One time, inabot sya ng 7pm sa school. It happened na wala pa sya kasama noon. Naglalakad daw sya sa isang corridor malapit sa isang groto. Super dilim na raw nun pero malakas ang loob nya kaya deretso lang. Tsaka wala na ibang pwede daanan. Nung malayo pa raw sya dun sa grotto, may natanaw syang madre. Natuwa sya kase at least di sya nag-iisa. Super dilim daw dun sa lugar kasi isang maliit na ilaw lang ang natira. Nakatalikod daw yung madre na parang inaayos yung mga flowers sa grotto. Nung malapit na sya, tatawagin dapat nya yung madre to say “Good evening”. Halos himatayin daw sya nung makitang walang ulo yung madre. Karipas daw sya ng takbo. Kinuwento nya yung sa mga kaklase nya. Nalaman ni tita na multo pala yun ng isang madre na matagal nagsilbi sa school, at tuwing gabi nandun sa grotto para maglagay ng flowers.

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #19 on: October 26, 2010, 02:08:34 pm »
^sis, ang creepy nyan. :\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close