watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158569 times)

j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #560 on: March 03, 2015, 01:16:45 am »
Saw this in FB:

Do not make your Parents your "Emergency Fund"
AND
Do not make your Children your "Retirement Fund"
No matter how great your relationship is.
It will always be a source of conflict.
For women: Don't just depend on your husband’s income.
Coz: Women tend to live longer than men.(fact)
-Create your own Wealth-

Girltalker2

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #561 on: January 16, 2016, 06:12:18 pm »
^ sis, ang sakit naman ng istorya mo.

Sa start ng story mo, ready nako sabihin - leave the house! Buti naman pala you were able to leave. Pero sana you continue your studies. Nang sa gayon, just help your family as needed. This is for the future, sa ikatatahimik din ng konsyensya mo. Next time, once you have a job, matuto karin mag set aside ng savings. Then give lang what you can. Kunwari 10-15k/mo sa kanila. Yun lang.

I agree also in cutting any communication ties. Just let them know you always pray for them. Magbigay ka lang ng kaya mo - huwag lahat.

You're on the right path now. Just accept na minsan di mo talaga Ma control lahat ng bagay, so hayaan mo na sila. Mag relax ka muna, maintain the house and study. Yun lang Ma suggest ko. And syempre, madaming dasal.


chikit

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #562 on: January 17, 2016, 01:49:01 pm »
Grabe naman okay lang yung pamilya pero bakit may kasama pa na tito at tita?  Panganay din ako hindi ako sole breadwinner noon kasama ko nagtatrabaho ang father ko although mas malaki ang sweldo ko sa kanya.  Ako nagpaaral sa sarili ko pero nung time na sa dami ng raket ko magkapera lang hindi ako nakapag concentrate sa school.  Kaya nag ipon kame dalawa ni father ko nung kaya na namin nag stop ako sa work at nag focus sa school.  After ko maka graduate trabaho na todo suporta sa pamilya.  Last year na lang ako nag resign nung magbuntis ako.  Okay na parents ko may pension na, yung bunso single natulong sa parents ko.     

Hindi na ko obligado ngayon, buti na lang my parents understand na ang anak ko na ang responsibilidad ko.  They don't ask help from me, they never did lahat yun tulong na binigay ko kusang loob.  Na delay ako mag start ng sarili pamilya dahil gusto ko sila iwan na nasa magandang kalagayan.  So far okay naman kaya may peace of mind na ako.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #563 on: January 18, 2016, 12:02:51 am »
Thanks for sharing this one Sis J. Adore! Sa family ko, ako ginagawang retirement fund ng nanay ko. Sa side naman ng husband ko, yung parents naman ginagawang emergency fund ng bro nya. In the past, galing din sa husband ko yung pera binibigay sa brother. Sad!

chikit

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #564 on: January 18, 2016, 11:49:20 am »
Galing din kame ni hubby sa ganyan. Yung brother nya nakasandal pa sa nanay (biyuda na si MIL). Dati we used to give them sa bahay ni MIL a monthly allowance kaso kadismaya kase si BIL parang atm ang tingin sa amin minanadali pa ko pag oras na ng padala kaya tinigil ko talaga kairita eh. Binibigyan mo na demanding pa buti sana kung wala ako work nun gusto pa ata mag absent ako basta mapadala ko ang pera sa oras na gusto nya.

cupcakencheese

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #565 on: August 18, 2016, 09:45:25 pm »
well for this to stop re education ang kailangan natin.

from grade one pa lang kailangan ilagay sa ulo ng bawat bata, mag ipon for future, buy only pag kailangangan, luxury item is pag may sobra na sa ipon.

kailangan ituro sa school everybody need to be independent, we help relative only up to 20% ng salary natin.

kailangan magtrabaho lahat ng tao, pag kulang ang salary sa isang trabaho, maghanap ng 2nd job or sideline.

hindi pag mababa ang salary aayawan nalang, mag tatambay nalang sa bahay at aasa sa mga magulang at kapatid.

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #566 on: August 19, 2016, 04:00:26 am »
At first medyo nakakasama ng loob lalo na pagmatagal ng breadwinner. Kasi ang hirap magkaroon ng sariling buhay and pati personal na gastos mo galing naman sa pinaghirapan mo nasisilip pa. Pero kasi mga kapatid ko naman mga nag-aaral so ok lang. Ngayon inaani ko na ang hirap ko. Naka-abroad na mga kapatid ko kaya ako naman ang spoiled sa kanila when it comes to pasalubong and padala. Kinukumbinse pa ko before na magpaaral ng pinsan pero susme ayaw ko na. Iipunin ko na lang pera ko at iinvest or ibanko sure pa ko na may madukot ako pag need ko. Nakakadala tumulong sa kamag-anak.

Hindi naman eldest mommy ko pero halos sa kanya sumandal mga kapatid niya sa pagpapaaral sa anak. Nakakadala lang tumulong talaga (i.e. pinsan, tito/tita). Nung time na maalwan buhay namin halos sa amin sila nakasiksik. Tapos bumukod kami and sila umuwi ng province pero kahit ganun nagpaaral ang mommy ko ng mga pamangkin at napagtapos ng college. Then syempre dumating ang pagsubok sa buhay namin dumating sa point na walang-wala kami kasi 4 kaming nag-aaral ng sabay-sabay (2 college, 2 HS) and tinakbuhan yung mga pinsan ko na pinag-aral niya at nakaabroad na, wala naman naitulong and yung isang cousin ko nagsalita pa na pinag-aral nga siya ni mommy pero di naman niya nagamit pinag-aralan niya. So ang dating wala siyang utang na loob na dapat tanawin kasi di naman niya nagamit kurso niya sa current job niya. Pero aminado siya na ginamit niya transcript niya sa pagaapply. Di naman sa sinusumbatan ko siya na di siya marunong magbayad ng utang na loob pero sana di siya nagsalita ng ganun sa mommy ko. Iniyakan ng mommy ko yun and hindi niya malimutan.

Recently may napagtapos na naman mommy ko sa tulong ng bro ko. Nagsabi di pa daw makapagwork kasi need pa daw magreview para sa civil service. Sabi ko sa mom ko hayaan niya naman na ang magulang naman nun gumawa ng paraan dun review na lang naman. Nakakagawa nga sila ng paraan para makapagsugal sila. Saka kung tutuusin pwede na nga siya derechong mag-exam since civil service lang yun. Para lang siyang nagentrance exam uli.

Sabi ko sa mom ko last na yun. Yung pinag-aral niya sila naman tumulong dun sa mga kapatid nila. Nagsisipag-asawa ng maaga kasi pagkatapos magsi-aral imbes na tulungan sarili at pamilya muna nila. Kaming magkakapatid ang tatanda ng walang pera kung lahat ng pinsan at pamangkin pagaaralin namin. Ang gusto lang naman ng mom ko maging edukado silang lahat para sabay-sabay makaahon sa hirap at hindi sumandal sa kanya.

Sorry ang haba.

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #567 on: September 05, 2016, 03:41:57 am »
^true sis na kinuha niya na talaga, katwiran niya kasi na baka daw magtampo ibang kapatid niya. Recently may emergency na naman sa family ng mom ko. Nagtampo siya sa dad ko kasi nag-ask si daddy na bakit ganung amount ang ipadadala, sumagot mom ko na bakit naga-ask si dad ng ganun sa kanya to think na nung dumating sis and bro ko from abroad siya pa nagsabi na abutan ng money mga kapatid ng dad ko and yung mga kapatid ni mommy na nasa province di naman niya pinaabutan. Sinagot ko si mommy na bakit niya i-question kay dad yun to think na paconsuelo lang ng mga siblings ko yun sa tito and tita ko sa dad side. Wala naman kami pinag-aral na kamag-anak sa side ng dad ko compared sa kanya na ilan pinatapos niya na ka-share pinaghirapan namin magkakapatid. Tapos pati ba yung inabot ng mga siblings ko sa tito/tita ko nasisilip aniya. Kulang pa ba sa kanya na nakapagpaaral siya ng MGA pamangkin? Gaano lang naman inabot ng mga siblings ko sa mga kapatid ng daddy ko kumpara sa pinang-tuition ng mga pamangkin niya. Samantalang si daddy noon lang nagtanong bakit ganung amount ang ipadadala sa kamag-anak niya. Di na siya nakaimik.


fabnbeautiful

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #568 on: September 05, 2016, 07:36:24 pm »
Hello Mga Sis,
everything need to start from re-eductaion, since we added some years sa school, I hope the DEPT. ED will add back Good Manners and Right Conduct, GMRC, where in from grade one pa lang, we need to put in everybody's mind every body need to work, share what only you can afford, and parents can not use the children as milking cow or money tree. :'( :'(
ang hirap kasi some think its right, for some naman they take advantage para makabangon sila?? rediculous. >:(
grabe ang thinking na ganyan kaya hindi tayo umaasenso.
because once pag nagkasala they go ask for help kahit mali. like yun mga magnanakaw pag nahuli they ask for patawad because poor lang daw sila, Oh my Gulay, kahit rich or poor pag nagkamali, its mali and should be parusahan para walang gumaya, hindi bigyan ng awa. >:( >:(
dapat talaga re-education of the whole nation.

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #569 on: September 06, 2016, 03:21:07 pm »
Eh kung ininvest nyo na lang mga tinulong nyo. Hindi naman lahat eh marunong tumanaw ng utang na loob.
Napakabait ng daddy ko kung naibang guy yun di na ako magtataka na iwanan or saktan niya physically mom ko haha.

Regarding sa investment sis lately naivoice out ng mommy ko na kung di pala siya nagpaaral ng pamangkin meron na pala sana kaming ganito or ganyan, mga simpleng luxuries sa buhay na na-put on hold dahil nga may pinag-aral siya. Sinasaway na din namin minsan magkakapatid. Sinasabihan namin na dapat matuto din dumiskarte mga kamag-anak niya di pwede na puro asa ultimo paghahanap ng trabaho at pagpasok sa trabaho magpapabacker pa.

MoonshineLady

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #570 on: February 23, 2017, 05:23:55 pm »
i agree with the other sissies here. we need to change what has been believed and followed in the pinoy society. hindi po dapat breadwinner the whole time ang panganay at hindi po retirement fund ang mga anak. hindi masamang tumulong sa magulang at mga kapatid pero para umasa lang sa lahat ng bagay sa breadwinner na ito ay hindi na ito tama. kaya may mga magulang at kapatid, pinsan, tito tita, pamangkin na palaasa dahil sa mga breadwinner na ito. to all the breadwinners, hands down ako sainyo wala kayong katulad, but please learn to stop when you have given so much to the point na wala na kayong sariling buhay. remember you also need to build your future, your retirement fund.  if children will be taught as early as possible to save money, invest, work & build business when they grow older, learn to earn own income, be independent financially, then we will have less people in the future who will be palaasa.

tabularasa08

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #571 on: February 24, 2017, 04:19:07 am »
I've experienced this, after graduating from college, tumulong na ako sa pagpapaaral sa 2 siblings ko. yung father ko hindi na masyado nagpursigi since alam nya may work na ako. unfortunately, yung bunso namin nabuntis at di na nakatapos. sobrang sama ng loob ko that time kase hindi nya pinahalagahan yung hadrship namin mapag-aral lang sya. yung sumunod naman saken, nag-2 yr course lang kaya di makakuha ng magandang work ngayon. kaya until now, ako lang talaga ang maayos ang buhay samen magkakapatid. and pag may kelangan ang parents ko, ako pa rin takbuhan.
i have my own family na rin, and i promise na hindi mararanasan ng anak ko yung naranasan ko kaya pinipilit namin ni hubby na makaipon ngayon palang for our retirement.

izabelle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #572 on: February 24, 2017, 05:13:19 am »
Maraming mali sa culture ng mga Pinoy.

Example nalang yung ganito na ginagawang breadwinner ang eldest. Responsibility ng eldest na pag aralin ang mga mas nakababata na kapatid.

Meron din ugali ang pinoy na kung sino sa magkakapatid yung may kaya sa buhay, sya ang bahala sa gastusin ng parents nila.

There are parents too na ginagawang retirement fund ang anak kasi utang na loob ng anak sa magulang na pinakain, pinalaki at pinag aral sila.

Kailangan din maraming anak, hindi pwedeng isa lang kasi malungkot daw ang nag iisa. Dapat marami kahit tag gutom at tag hirap. The more the merrier. :P


Minsan nakakaloka e. Ang mommy ko 11 sila mag kakapatid. Naranasan talaga nya ang hirap kaya nung nagkapamilya sya, nag promise sya sa sarili nya na hindi namin mararanasan yung ganon.

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #573 on: February 24, 2017, 08:16:35 am »
Sa friend ko naman baligtad. Yung 2 mas nakababata ang ginawang breadwinner ng elder sibling. Nung malapit ng magtapos ng college ang bunso pinagsabihan siya ng panganay "ga-graduate ka na, ikaw ang inaasahan namin na mag-aahon sa amin sa hirap." Wala naman itinulong si panganay sa pag-aaral ng mga kapatid niya. Nung time na naghihirap at nag-aaral mga kapatid niya itong si kuya iniwan asawa niya at 4 na anak sa nanay niya at yung kapatid niya na nasa abroad ang sumusuporta, kasi si kuya kasalukuyang nambababae at nagpapasarap sa buhay. Nung umayos na buhay ng nanay at nakatapos na yung 2 pang mas. nakakabatang kapatid niya and magkaroon ng maayos na work umuwi na si kuya at pati siya nakisandal na lang sa pamilya niya, yung misis niya di rin maasahan maski maglinis ng bahay. In short isang buong pamilya ni kuya ang pabigat sa mga mas nakakabata niyang kapatid at sa nanay niya. Imagine 2 silang mag-asawa plus 4 na anak at buntis pa yung isang anak na minor. Kaya pagnagkkwento si friend ng hinaing niya sa buhay napapabuntunghininga na lang ako, di ko din alam ano ipapayo.

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #574 on: March 12, 2017, 10:55:47 am »
^Mahirap na kasi yung ganyan eh malaki na siya nakasanayan na yung ugali na ganyan. Or baka tinotolerate lang din ng mama nila kaya ganun.  I think ang best way lang para matuto yung kuya ay huwag suportahan or bigyan ng money. Okay lang paminsan minsan pero minsan kasi kapag binigyan nagde-demand ng malaki. Bumukod ng lang yung bunso kasi kapag kasama niya sa house yun malamang hell ang environment niya mao-obliga talaga siya.

Karen141

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #575 on: March 12, 2017, 11:41:02 am »
True, hirap din talagang maging panganay, obligado kang paaralin mga kapatid mo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #576 on: March 22, 2017, 06:01:57 am »
^^true sis na hinahayaan lang din ng nanay na ganun. Kawawa naman daw kasi ang eldest niya dahil hindi nakapagtapos. Pero kasalanan naman niya bakit di siya nakatapos e bukod pa dun pagbinigyan ng trabaho tamad. Nasa sistema na talaga ng Kuya na tamad siya. Gusto na talaga ng bunso na bumukod kaso inaalala naman niya na baka mapabayaan sa bahay ang mama niya since tamad din ang hipag niya.

gwyne21

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #577 on: March 22, 2017, 10:29:43 am »

Regarding sa investment sis lately naivoice out ng mommy ko na kung di pala siya nagpaaral ng pamangkin meron na pala sana kaming ganito or ganyan, mga simpleng luxuries sa buhay na na-put on hold dahil nga may pinag-aral siya. Sinasaway na din namin minsan magkakapatid. Sinasabihan namin na dapat matuto din dumiskarte mga kamag-anak niya di pwede na puro asa ultimo paghahanap ng trabaho at pagpasok sa trabaho magpapabacker pa.

We have relatives like this na inaasa sa iba pagpapaaral (utang daw pero wala ng bayaran) at pati paghahanap ng trabaho (backer system). What I notice is kapag ganun ang magulang malaki chance na ganun din magiging anak (ganyan nangyari sa tito/tita at mga pinsan ko). Also, I think kapag may "enabler" sa pamilya na lagi inaasahan ng iba..hindi na gumagawa ng paraan yung nakaasang family member. Hindi masama tumulong sa kamag-anak pero i believe dapat may boundary iyon hindi yung lahat na lang ng dapat pag-aralin, iaasa sa iba
« Last Edit: March 22, 2017, 10:32:13 am by gwyne21 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #578 on: March 22, 2017, 05:29:03 pm »
^true sis, nagstart kasi yun nung makiusap yung kapatid niya na tulungan siya magpaaral ng isang anak tapos tutulong din sila sa ibang pamangkin pagnakatapos na. So eto si mommy tumulong naman. Nung nakatapos pinsan ko syempre may kasunod na kapatid so yun ang unang gagastusan nila. Nabalewala yung sinasabi na tutulong din sila sa iba pagnakatapos anak nila. Ending para di magselos at walang masabi ibang kapatid ng mom ko nagpaaral siya ng anak ng iba pang kapatid niya. So eto na, nung kami mangailangan ng help kasi mahihinto ang isang kapatid ko sa pagschool dahil nagkaproblema kami sa negosyo wala kaming naasahan maski singko sa mga pinag-aral ng mom ko. Ang salita pa ng isang pamangkin hindi naman daw niya nagamit yung pinag-aralan niya kasi hindi naman related sa course niya ang trabaho niya. Funny lang. Di namin inaasahan na magbayad siya ng utang na loob or what pero sana di siya nagsalita ng ganun sa mom ko. Kapal lang ng mukha. Kaya wala akong amor sa kamag-anak ng mom ko. Parang mga linta, kilala ka lang pag may mahuthot sayo.

izabelle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #579 on: March 31, 2017, 04:23:51 am »
^^ weird noh, yung iba anak ng anak tapos iaasa ang pag aaral sa eldest or sa iba. Kaloka. Sakin lang kung hindi kayang bigyan ng maayos at magandang buhay ang bata, huwag na mag anak.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close