watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158823 times)

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #440 on: July 15, 2013, 01:29:22 am »
Correct sis...but mostly this is expected of eldest kids...but que panganay que not panganay...it shouldn't be a sibling's responsiblity to raise or pay for their siblings education. Responsibilidad ng parents yan, because it was their choice to bring kids into this world.

Ako wala na talaga pag asa...I just have to deal with it and then kayanin yong depression as much as I can. Biro mo at the age of 31 I still have 2 teenage sisters na ako inaasahan mag-paaral. I'd be 40 by the time the youngest is done with college.

So maybe, I'll grow old bitter and angry. Being a breadwinner should end at some point, because you have you own life too. Or maybe I'll end up killing myself pag di ko na kinaya!

Naiinis ako magdrama because I know this won't help naman, pero gusto ko lang mag vent out. I love my family so much na sila yong uunahin ko, so kahit I'm secretly feeling hopeless about my situation, manahimik na lang ako.

I'm crying right now. And I hate my life, I really should not have been born.

jo1

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #441 on: July 15, 2013, 04:04:55 am »
^ i can relate to your anger, sis... minsan parang di ako makahinga kasi nga hindi matakasan ang pagiging breadwinner - isang  bagay na di ko naman pinili... keep your head up sis, darating din ang panahon natin... tayo naman mauuna...

pangako ko sa sarili ko hinding hindi ko gagawin to sa mga anak ko... sila nalang ang ginagawa kong inspirasyon sa araw-araw...

find what it is that gives you strength sis, to keep bitterness, the hurt under control... best of luck to us...

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #442 on: July 15, 2013, 05:42:55 pm »
@inluvewithmikewesten, @mysterioza_me

same tayo ng situation, huhuhu, 30-ish and may pinapa-aral pa.
kung tutuusin dapat eh mga sariling anak na natin ang pinapa-aral natin.

sabi ko rin sa family ko na hayaan na nila ako, or I will regret all the years I helped them kasi ang kapalit is my youth na wala akong nagawa sa buhay ko. now naghihigpit ako sa pera/support.
Still contemplating if i can support myself by living alone, having my own place na, hindi kasi ako sanay, saka nanghihinayang din naman ako sa rental expense.
Still can't decide because I'm afraid to make mistakes, but then time goes on, and life is
just passing me by. But whatever happens, I try to enjoy life even kahit minimal expenses lang.

cinnamon_sugar

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #443 on: July 15, 2013, 08:02:27 pm »
^ and i was thinking that i was alone in this situation.  :'( :'( :'(
30-ish na rin ako ang hindi lang kapatid ang nakadepende sa kin, even pamangkins (plural).
i was thinking pa nga not to have my own family na kasi dagdag gastos pa sila.

heaven_charm

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #444 on: July 17, 2013, 06:03:06 pm »
ill be 30-ish nadin by the time na maka-graduate bunso namin but im happy helping my siblings graduate college. im 27 now and 1 year nalang graduate nadin yun isa ko brother. mababawasan na expenses, si bunso nalang

i dont mind helping may family. it makes me happy and makes me see at ease na okay yun life nila. kampante nadin ako na kaya ko na bumuo ng sariling family ko. im engaged pero wait muna namin ni bf na makagraduate college etong brother ko. 1st year high school palang naman bunso namin eh

i was depressed at first pero when i started thinking positive,sunod sunod na yun blessings. i think reward na yun for the sincerity. saka mas naappreciate ka ng family mo lalo na pag nagtetext sila sakin ng iloveyou. i rent my own place nadin kasi so i dont live with them.

swerte din ako kasi yun iba ko brothers hindi muna nagaasawa hanggat hindi stable income nila. i talked to them kasi na wag muna kasi baka di nila maafford. good thing they appreciated and listened to my advice.

communication is a key and being close to your family since childhood. thankful ako kasi i worked hard talaga para mapromote. so now im able to help them without sacrificing may luho

csiako

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #445 on: July 17, 2013, 08:45:49 pm »
panganay na breadwinner din, okey lang dahil pinangako ko sa aking ama bago siya pumanaw na akong bahala sa pamilya, di na ako nakapagpatuloy sa pag-aaral, pero napatapos ko na yung mga kapatid ko, ngayon gusto nilang bumalik ako ng school at ako naman ang pag-aaralin nila or susustentuhan na lang ako.  sarap ng feeling ng natupad ko ang pangako ko.

graZiousa

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #446 on: July 19, 2013, 09:56:06 am »
Sa amin ni hubby, nung bf/gf pa lang kami ok pa..naging pasan ni hubby lahat ng responsibility sa kanila when his papa died, nakakasad nga e dinala nya ako sa kanila to meet his family kasi we are planning to get married na nga that was end of october. by nov. 1 we went back sa place ko where he is working din, by nov. 4 biglang namatay si papa so balik kami ulit dun. at duon na nag umpisa ang lahat.. her mother is a chinese, grabe kung maka head to foot ang kamag anak ni mader sakin,ako naman deadma lang im just thinking na hindi kayo ang ipinunta ko dito kundi to support my hubby. So si hubby kinausap na ng buong family ng mama nya na not to get married muna kasi need ni mama ang tulong nya para sa mga kapatid nya. So ito na nga.. Di na muna kami nagpakasal. Si sister ni hubby 3rd year sa nursing na sana, 1 year nalang graduate na kaso ayaw na daw mag aral ng nursing kasi wala na papa nila. Gusto magshift ng course, so shift naman sya. imbes 1 year nalang naging almost 3 years ulit. and worst, nabuntis pa.. si hubby rin gumastos lahat pati sa panganganak at needs ng baby.. nakakasama lang ng loob si hubby di na halos nakakabili ng pantalon nya puro punit nya, nagtitiis dahil sa mali ng kapatid nya..at di ko rin maiwasan na mainis kay hubby kasi pati load sa kanya hinihingi kahit hirap na sya bigay pa rin. walang masama sa mapagbigay pero ang hindi mo na kaya sige parin iba na yon..

mslcgrey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #447 on: July 19, 2013, 11:20:06 am »
^ yan lang ang nakaka-inis minsan sa pagtulong. the people you are helping don't want to help themselves. instead na mas ayusin nila ang life nila para hindi sila naka-asa forever eh they do things pa na magpapahirap sa tumutulong sa kanila.

buti, natuloy pa rin yung wedding nyo. wala pa ba kayong kid of your own? you should concentrate on ensuring that your child's future is secure. 

graZiousa

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #448 on: July 19, 2013, 03:39:23 pm »
@mslcgrey, wala pa sis.. last year lang kami kinasal, ito nagpupundar para naman sa future ng magiging anak namin.  :D

quinone

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #449 on: July 19, 2013, 07:20:02 pm »
sana walang magalit sa akin sa thread na ito, pero i wonder kung bakit yung iba dito nagpapa-abuso? kase sa pananaw ko kapag nakita ng ibang tao na wala kang self-respect, aabusuhin ka talaga nila. ke ka-pamilya ka o hindi.

lalu na yung mga nagpapa-aral ng kapatid. i remember may mga classmates ako nung college na mga working students, so hindi dapat i-asa ang buong burden ng pag-aaral sa isang tao lang o sa breadwinner lang.

mamichula

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #450 on: July 20, 2013, 01:42:51 am »
^ I agree. Hindi naman dapat iasa lahat sa kapatid lalo na kung nakikita mong nahihirapan na.

My sister sent me to school kasi madami syang extra money, she offered to send me to a more expensive uni pero tumanggi na ako I was 15. Bata pa ako nun pero alam ko na di ako responsibilidad ng ate ko, kaya nahihiya ako . Hindi din naman sya inobliga ng mama ko hindi nagsasabi sa kanya si mama sya lang kusang nagoffer kasi may extra ipon sya.

Hindi naman tayo kasi responsibilidad ng ate and kuya natin. If ever man magkusa si ate or kuya pahalagahan yun sana kasi hindi nila obligasyon yun pero they chose na magsilbi. And sana yung mga tinutulungan magpakatino na magaral mabuti yun nalang ang sukli sa ate nila.

Hindi ako naniniwalang kailangan tulungan paulit ulit ang batang pasaway ng mga ate nila. Hindi kasi sila matututo. Feeling nila parating may sasalo sa kanila kaya hindi nagpapakatino. Yung may mga kapatid na pasaway i.e. tamad bulakbulero etc tikisin nyo hanggat matauhan sila.. itsnfor their own good. Hindi kasi maganda din sa pagkatao nila yung akala nila may aasahan sila forever hanggang pagtanda nyan yan ang mentality nila

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #451 on: July 20, 2013, 01:51:32 am »
^question? pano kung magkakasama kayo sa isang house. tapos you decide na tikisin sila kasi they don't contribute sa gastusin sa house. so buy ka ng sarili mong food, etc. kaso how about the bills? hindi nila kayang bayaran e. if you don't pay, pati ikaw maaapektuhan. how do you deal with that? will you shoulder all of the bills kahit na you only stay there to sleep and use fan lang tapos you don't do laundry kasi you have your clothes taken to the laundromat. sila ang naglalaba sa house.

mamichula

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #452 on: July 20, 2013, 02:15:13 am »
^move out :) May kilala akong ganyan di na bumalik nagenjoy na sya eh.Pero case to case basis kailangan matatag ang loob mo kasi syempre may masasabit masasabi sila bout you and pauulanan ka ng pangungunsensya texts [textspeak!] sa kakilala ko nga tinethreaten pa sya ng kapatid nya na ipapabugbog at wag daw sya makatungtong sa bahay nila galit na galit kasi nangiwan daw sya sa ere.. hello 20 plus na yung kapatid ayaw magtrabaho kamusta naman yun. So ng gusto eh forever na asa sa kapatid? Pwede ba un.

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #453 on: July 20, 2013, 02:31:55 am »
^same issue nga with your friend. kaso ang prob ko i have 2 kids, no yaya and i work at night.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #454 on: July 23, 2013, 09:34:25 am »
@babyboo.0326
ganyan situation ko, we all live sa "bahay ni Lola", so libre tira lang, but I pay for all the bills.
later on the children of Lola (siblings sila, my aunt, uncle and my dad) decided to divide into 3.
so separate meters na kami sa electric bills and water bills, so I pay for 1 division na lang,
that includes PLDT-DSL (everyone uses this), electric, water. The property tax we divide into 3.

Now, sa household division that I pay kasama ko halos lahat ng family members pa rin.
I mean, I am the one doing the groceries, so everyone eats from all 3 divisions, I just don't
pay for their water and electric bill yun lang nabawas sa akin.
Pinalipat namin yung brother kong bum and his family sa kabilang house, bumaba ang electric
bill namin from 4k to 2600 na lang, kasi wala ng nag TV/DVD/Fan 24-hours. Grabe, parasite.

I sort of move-out now, just yesterday I decided, pero bed space lang.
Ang main purpose talaga is to live near work kasi 6am-3pm shift ko now,
sayang nauubos lang pera sa pag taxi ko going to work, tapos pagod pa ako sa byahe
pag uwi pag inabutan ng rush hour. At napupuyat pa ako, at nagkasakit lately.
Less stress kasi I don't see them, deal w/them daily na.

mysterioza_me

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #455 on: July 25, 2013, 03:49:20 am »
Im happy for you sis @ agape

Buti napaalis niyo yung bro mong bum. Yung brother ko may work naman pero super luho nila mag-asawa kaya yung pinadadala ng bro ko kulang pa para sa kanila magpamilya (1 lan anak nila). Pinagtulungan na namin ng parents ko na maibili sila ng lupa para tayuan ng bahay pero until now lupa pa din,  nakapag-abroad [textspeak!]  (minimum of 2yrs contract niya lagi) and nasa abroad siya currently pero wala silang naiipon (pareho sila may work ng asawa niya.) Ending abonado pa kami ng parents ko sa kanila. Sabi ko nga sa mom ko paalisin na para mapwersa sila na mag-ipon or ipagawa yung house nila,dedma naman si mommy tpos magrereklamo siya sa budget  >:(

jenger109

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #456 on: July 25, 2013, 04:51:41 am »
me naman, im the eldest pero never akong ginawang breadwinner ng parents ko.. till now ako pa humihingi sa kanila ng money.. :))

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #457 on: July 29, 2013, 09:10:02 pm »
agape - wow sis! good for you! how i envy you at nagawa mo na yan. sa akin kasi it's very hard since I have 2 kids. and our mom is so attached to the house where my dad lived with us before he passed away. so kahit na hirap na kami makabayad ng rent (which is 10k by the way), ayaw pa rin niya umalis but she doesn't want to speak to the landlord.  ::)

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #458 on: July 31, 2013, 03:38:38 am »
Such a relief right Sis Agape? Whether bed space or small room lang yan, yung peace of mind is priceless. Plus they will realize how it feels to be in your shoes since they are the ones handling all the problems at home. Im happy for you sis! :D

cloudzy_09

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #459 on: July 31, 2013, 06:04:42 am »
Ako yung mom ko dati binibigyan ko monthly allowance pati kapatid ko ako din nag papaaral at nag bibigay ng xtra pang gastos whenever they need anything. Pero wala ako work im a house wife, dumating yung time na medyo umaabuso na at nahihiya na ako sa asawa ko kasi pati luho nila at mga charity work niya hinihingi sa akin pero hindi pa rin sapat kahit na na pag parlor at shopping ko na siya may reklamo pa din worst part kinukuwento niya sa ibang tao na ang maldita, madamot at kuripot ako. Noong bday ng anak ko may mga bisita siya dumating e tapos na yung party ang gusto niya bigyan ko daw ng pera yung mga bisita at pakainin sa labas sabi ko wala na ako pera kasi pinang bayad ko na sa supplier at P20 na lang natitira sa wallet ko. Nagalit mom ko at pinapahingi niya ako ng pera sa asawa. Ilang araw siya nag ta tantrums sa bahay pinapakita niya pa sa bisita ng asawa ko at kinukuwento pa sa kanila na ang sama daw ng ugali ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close