watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158788 times)

bluepolka

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #400 on: May 16, 2013, 02:35:52 pm »
Ang hirap nga naman ng situation mo sis babyboo, hindi ka makapaghiwalay kasi wala namang magbabantay sa mga anak mo pag nasa work ka sa gabi. Mga ilang taon na ba anak mo? Kung may isang teen-ager na siguro pwede mo nang pagkatiwalaang magbantay sa kapatid sa gabi?

brendzy

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #401 on: May 16, 2013, 05:22:49 pm »
Para sakin ok lang maging bread winner. Ipagmamalaki ka ng magulang at mga kapatid mo. Masayang makatulong. Pero kung habang buhay wag naman gusto ko din namang mag asawa. ;D :)
I feel for you sis, difference is I still chose to get married, however, situation is almost the same. Nasa aboad kami ng hubby ko, but I am still obliged na magpadala every month, tuition for my youngest sister and for some emergency funds. I never worked based on my degree, I worked in BPO instead because of the salary and family pressure. My parents are proud of me, but I don't know kung hanggang kelan yung obligatory na pagbibigay ko. walang problema kung umaapaw yung pera namin ng hubby ko...hayyy. ilove my family pero I also need to build my own family.

hanson15

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #402 on: May 16, 2013, 05:51:28 pm »
same tayo sis ganyan din kami ni h2b. Ikakasal na kami next year. And yet daming gusto ng parents ko. Na mamakapag out of budget samin. Im more concern of the day after marriage. Pinipilit ko si h2b na gumawa ng paraan na wag kami sa saudi. Kasi ang problem ko yung padala sa pinas.

Nalungkot ako nitong mga nakaraang linggo kasi yung plan ko na makabili ng lot at business for my parents is malabo kasi wala kaming funds.

Siguro after marriage ganun pa rin bigay sa kanila. Pero dapat make sure na may matira rin samin. I dont know pano para dapat magawan namin ng paraan.

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #403 on: May 16, 2013, 07:58:22 pm »
Ang hirap nga naman ng situation mo sis babyboo, hindi ka makapaghiwalay kasi wala namang magbabantay sa mga anak mo pag nasa work ka sa gabi. Mga ilang taon na ba anak mo? Kung may isang teen-ager na siguro pwede mo nang pagkatiwalaang magbantay sa kapatid sa gabi?

Oo nga eh. Yung mga friends ko lahat sinasabi na bumukod na ako. Yung eldest ko 15 na eh. Kaso parehong boys kasi, so nagkakapikunan madalas. Pag bumukod ako na kami lang, paano sila papasok sa school kung nasa work pa ako? Walang mag-aasikaso sa kanila sa umaga. So kailangan ko talaga ng helper rin.  :-\

Nagbukod ako ng bigas sa amin. Ang binibili ko nalang is for my kids. Kaso nung nakita nilang may stock ako ng bigas, ayun, pag wala ako, yun ang sinasaing nila. Eh ang 1 kilo ng bigas isang saingan lang sa kanila sa lakas nilang kumain. Pano naman ako makakapag-budget ng maayos niyan?

mamichula

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #404 on: June 05, 2013, 11:27:10 pm »
Ang hindi ko gusto sa kulturang ito inaabuso ng ibang mga magulang. Kahit hindi sila naging responsible parents they're expecting na bubuhayin sila ng anak nila kahit anung paraan kahit ata magbenta ng sarili mga anak nila okay lang basta may maibigay. Diba may mga ganitong magulang?

Okay lang kung nagprovide din ang magulang naghirap din para mapag aral ang anak. Tama nga naman na tumanaw ng utang na loob. Kaso hindi naman lahat ng parents ganun paano yung case ng kakilala ko hindi sya pinag aral ng magulang nya. Sorry mahaba pero kailangan kasi buo [textspeak!] kwento para maintindihan din yung anak.


Ang nagpaaral sa kanya lola at mga tita. Ang parents nya parehong walang work. Nung nakatapos sya pinilit sya ng mama nya mag manual laborer sa abroad ayaw ng nanay nya ipractice nya yung natapos nya kasi mas malaki daw ang kita ng construction worker sa abroad. So sumunod sya ilang years sya hindi ngpractice instead did some odd jobs sa abroad. Nagpapadala sya minsan 40k per month minsan 15k minsan 20 depende sa kita nya. Paguwi nya walang naipon or naipundar Ang pArents nya from his padala pinang bisyo ang pera hindi din pinag aral mga kapatid nya. So pinabaik sya sa abroad eh nagkahigpitan sa ofws so walang makuhang work aNg ginawa ng parents nya dahil hindi sya makapagpadala ng malaki binenta lahat ng gamit nya ultimo sapatos at mga damit.

Paguwi nya walang wala sya hind na din sya maka balik kasi hindi na nAgkavisa. He tried applying here dahil walang experience sa course nya nahirapan sya makakuha ng work sabi pa ng nanay nya kaya ka minamalas kasi dika nagbibigay sa Parents. Galing ano? Samantalang ang padala nya nung nasa abroad pa sya pinang inom at party ng nanay nya panay ang libre sa kapitbahay. Mga kapatid din nyang magaling akala overflowing ang padala nya forever ayun hindi nagsipagaral. Pati mga nagiging girlfriends nya pineperahan ng nanay nya hinihingan ng pangbiling beer, supplies sa bahay etc.

Dahil ayaw naman tumigil sa kakabisyo ng parents nya at tamad mag aral ang mga kapatid nya lumayas na sya sa kanila at nagsarili inayos ang buhay nya.  nagpractice ng profession nya nagpamilya at nakapundar ng sarili nyang bahay and kotse. Now nagwawala ang family nya calling him nangiwan sa ere, madamot etc. Masisisi mo ba yung anak kung lumayo na? Hindi diba?

Marami pa syang kwentong nakaka kilabot di mo aakalaing magagawa ng magulang nanjang pag may sakit sya hindi sya pinapansin kasi parehong lasing ang parents, anjang inuumpog ang head nya ng tatay nya sa pader na may tusok tusok hangang dumugo kapag lasing etc, meron ding instance na gusto syang saksakin ng kapatid nya kasi lasing and naka drugs etc may time pa na pinagtawanan sya ng parents nya nung sinabi nyang gusto nya magcollege nag dadrama pa daw sya! gusto kasi ng parents nya magwaiter sya wag na mag college para makapagbigay agad.

Kahit ako baka hindi na ako tlg makipag usap sa kanila kung ganun sila. To be fair nakikipagusap sya every now and then kaso kapag tumatawag sya pera nanaman ang hinihingi excited sumandal sa kanya paano naman daw ang sarili nyang mga anak diba?





babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #405 on: June 06, 2013, 12:11:24 am »
^sis, naisip ko lang, malamang tawagin rin akong madamot at nang-iwan sa ere ng mama ko at ng mga kapatid ko.

nagpa-plano na kasi ako umalis ngayon. may dadating na akong helper and so pwede na akong mapanatag na habang nasa work ako sa gabi, may mga kasama mga anak ko. sila kasi halos naghihintay nalang sa ibibigay ko para lang makakain sila.

question, ano pala sinabi niya nung aalis na siya? did he mention that to you? kasi hindi ko alam kung magsasabi ba ako sa kanila na may plano na akong umalis or bigla ko nalang gagawin e.  :-\

emilyenchanted

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #406 on: June 06, 2013, 12:23:46 am »
im the eldest but im very grateful because I have parents who never demanded that I financially support them. ciempre, ako nlng voluntarily ng-hehelp. they don't expect a lot din from me kasi I'm not earning that much din naman. enough lang talaga sa single na lifestyle.

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #407 on: June 06, 2013, 01:44:23 am »
^wow, good for you, sis! and since you are still single, and hindi ka naman inoobliga to support, start saving na.  :)

my dad naman never asked for anything kahit nung nagstart na ako magwork before. siya pa nga ang nagpapa-aral sa panganay ko nun. nito nalang, nung nawala na siya. naging hard na for me.

mamichula

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #408 on: June 06, 2013, 09:03:57 am »
^sis, naisip ko lang, malamang tawagin rin akong madamot at nang-iwan sa ere ng mama ko at ng mga kapatid ko.

nagpa-plano na kasi ako umalis ngayon. may dadating na akong helper and so pwede na akong mapanatag na habang nasa work ako sa gabi, may mga kasama mga anak ko. sila kasi halos naghihintay nalang sa ibibigay ko para lang makakain sila.

question, ano pala sinabi niya nung aalis na siya? did he mention that to you? kasi hindi ko alam kung magsasabi ba ako sa kanila na may plano na akong umalis or bigla ko nalang gagawin e.  :-\

Ang alam ko lumayas nalang sya wala nang paliwanag. Pero ang tanda ko they (his family) didn't take it well. Kasi nga umaasa sila na forever silang bubuhayin and feeling tlg nila responsibilidad sila ng panganay nila. So may instances na nakitira sya sa lola nya tapos text ng text ng threats yung kapatid nyang addict. Binabantaan sya kasi nga nagalit sa kanya nang iwan daw sya blah blah kasi naman diba bakit di magsipag trabaho. Now lahat sila dun sa house adults na nakatunganga pa din lahat. Pero tinatagan nya loob nya despite the pangbebrainwash sa text ng family nya as if responsibility nya lahat sa bahay pati tatay nya somehow feeling yung anak ang dapat bumuhay sa kanya makapal din!

So be ready lang sa tampo tampo siguro if you leave. Pero lakasan mo loob mo. Hindi sila matatauhan hanggat may inaasahan. Ang sarap nga naman tumambay tambay lang diba? Kasi libre lahat. Kala nila ganun tlg ang buhay.

Ako naman pinag aral din ako ng kapatid ko pero nag aral akong mabuti i got a scholarship and lagi ako sa top ng class its my way of showing her na i thank her. nung nakatapos ako nililibre ko na yung ate ko binibiki ko sya ng mamahaling bags, shoes, alahas kahit ako wala nun sa sarili ko. Hindi naman kasi nya ako responsibilidad but she stepped up so im forever grateful. Ewan bakit yung ibang kapatid  feeling responsibilities sila ng kapatid nila kung maka asa grabe!

mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #409 on: June 06, 2013, 01:23:28 pm »
Hay naku ganyang ganyan mga kapatid ng jowa ko. Yung pinakabata sa kanilang magkakapatid parang 1 taon lang tanda sa akin. Naturingan pa namang member ng CCF pero hindi naiintindihan yung ibig sabihin ng pagtatrabaho at pagsusumikap. Puro mga pasanin. Kubang kuba na kuya nila sa pagtatrabaho. Nagbibigay kahit papaano yung sumunod sa kanya kaso kung magsikain halos kulang pa doon sa binigay niya. Paano ba yun? Ayokong magjudge pero ayaw kong makasama sa buhay yung mga ganyan kasi hanggang ngayon parang wala pa siyang balak magsarili. BTW, mag-32 na siya this year. Dalawa pinagaaral niya, isang college, isang highschool. Good luck nalang sa future niya.

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #410 on: June 06, 2013, 07:41:18 pm »
mamichula, i think ata hindi lahat ng tao e nakakaisip ng kusa. lumaki kasi kami na ang dad namin ang provider. but siyempre, nung nawala na, alam ko na instantly na kailangan ko na magseryoso sa trabaho kasi nga may mga anak ako (single mom here). pero sila, hindi na nagsumikap. it's been 4 years, and hindi sila naghahanap ng seryosong pang longtime na work.

mhy_pie03, ganyan din mga kapatid ko. kahit na bumili ako ng bigas na para lang sa mga bata kasi hindi naman ako palakain sa house, ayun, kahit mag stock ako ng 10 kilo na good for more than 2 weeks na, pag wala pala ako, dun sila kumukuha. bumili pa nga ako ng sarili kong rice cooker e para ang sakin ko konti lang. jusme! dun na rin sila nagsasaing! hay ewan.. hindi ko lang maisip na why don't they get it na hindi kami habambuhay magkakasama sa iisang bahay?  :-\

mslcgrey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #411 on: June 06, 2013, 08:03:38 pm »
^ sis, the only answer to your problem is to leave your house. okay lang naman tumulong and you will be able to help them more by teaching them to be independent.

babyboo.0326

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #412 on: June 06, 2013, 08:19:02 pm »
^that's my plan na soonest. kaso, with their attitude ang their way of thinking, i don't think na they'd see it as helping them to be independent e. i'm sure they will say na madamot ako and selfish. nasasabihan na nga ako ng ganyan e.  :(

mamichula

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #413 on: June 07, 2013, 08:46:19 pm »
Hay naku ganyang ganyan mga kapatid ng jowa ko. Yung pinakabata sa kanilang magkakapatid parang 1 taon lang tanda sa akin. Naturingan pa namang member ng CCF pero hindi naiintindihan yung ibig sabihin ng pagtatrabaho at pagsusumikap. Puro mga pasanin. Kubang kuba na kuya nila sa pagtatrabaho. Nagbibigay kahit papaano yung sumunod sa kanya kaso kung magsikain halos kulang pa doon sa binigay niya. Paano ba yun? Ayokong magjudge pero ayaw kong makasama sa buhay yung mga ganyan kasi hanggang ngayon parang wala pa siyang balak magsarili. BTW, mag-32 na siya this year. Dalawa pinagaaral niya, isang college, isang highschool. Good luck nalang sa future niya.

Panalo diba? parang akala nila kuya nila nag ire sa kanila sa mundo at kung umasa para talagang responsibilidad sila ng kapatid nila. I mean okay lang humingi ng tulong pero dapat irecognize na hindi tayo responsibilidad ng mga kapatid natin. Kung tumulong man sila mag thank you, tumanaw ng utang na loob and most importantly magsikap.

Yung bunso nung kakilala ko winner din sa kakapalan. Galit na galit sa family nung kuya nya. Yung anak ng kuya nya hindi pinapansin pinagseselosan feeling nya kasi inagaw ng mga anak ng kuya nya [textspeak!] pera parang hello eh anak ng kuya nya un diba? nung huli susmaryosep nagkwento samin ang kuya ang magaling nyang kapatid na adult na din pero ayaw mag aral nagpapabili ng gadgets! Gusto pagaralin sya sa mamahaling private school otherwise hindi daw sya mag aaral. my Lord 4-5 times na ata sya nag 4th year high school di pa nya matapos tapos gusto pa nya sa private?

Kung kapatid ko yun baka nasipa ko yun! Yun kasi siguro ang tinuturo ng mga magulang nya, na responsibilidad sya ng kuya nya kaya naging ganyan ugali. [textspeak!] b yun?

j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #414 on: June 07, 2013, 11:10:51 pm »
Medyo ganito din scenario ni Fiance Pag may mga kulang na kailangan bayaran (expenses sa bahay o tuition ng kapatid), siya ang tagabigay. Minsan may bumabalik pero madalas hindi na. Di na rin siya naniningil.

May problema kamakailan at mukhang kailangan siya na ang bumuhay sa family niya. Yung kapatid kasi niya eh halos wala natitira sa liit ng sweldo.

Para sa mga may Fiance or BF/GF na breadwinner, pano ang arrangement niyo?
Plano kasi namin nung una ay may fixed percentage para sa family niya, fixed percentage sa family ko pero ito ay emergency funds. Ngayon mukhang magiging pang expenses yung sa family niya at emergency funds yung sa family ko.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #415 on: June 08, 2013, 05:47:23 pm »
Panganay. Breadwinner.

Kaso here's the catch. My siblings are: 29 (with BF living in our house, na wala ring work), 26 (na hindi nakatungtong ng college), and 24 ( na nagsusumikap naman magtrabaho, wag lang tatamaan ng katamaran at biglang magreresign)

Me: I am a single mom with 2 kids.

My mom: biyuda. chats with foreigners online most of the time.

Kausapin ko man ng maayos, nagagalit. Madamot daw ako porket ako ang may trabaho. They are all grown up, ayaw nilang maghiwa-hiwalay kami. E may mga anak pa ako. Ayaw ng mom ko umuwi ng province nila. Tapos what's hurting is, nung bumisita yung friend ko from another place sa amin, while I was at work, they were talking behind my back. Na kesyo ang sweldo ko raw is ganito-ganyan... I mean, why do they count my salary??? Nagkakangda-utang utang na nga ako sa school ng eldest ko kasi inuuna ko sila.  :-\

Sorry, nag-rant lang ako..
Panganay. Breadwinner.

Same scenario here.... My siblings are: brother 33 (with GF living in our house, both nawalan ng work sabay with 1 daughter 7 yrs old studying), sister 29 (a single mom with 1 son 7 yrs old studying, she just got a new job finally but low salary), and 25 ( na nagsusumikap naman maka-graduate na ng college, hopefully last year na nya itong 2013-14)

Me: I am a single and I feel soon to be old-maid na talaga.

Senior Citizens: Dad, Dad's Sister (my Aunt), soon-to-be senior Dad's half-brother (my uncle) but is till working in a call center, and thank God he got regularized na.

Other people in the house: My step-mom, maid, step-mom's relative. Wala naman kaso kasi masipag naman sila around the house para may pagkakitaan.

Ang problem ko talaga ay siblings ko pabigat. Pag binigyan ko ang isa ng tulong magiinggitan, dapat ba bigyan ko sila lahat ng pantay-pantay? Even my dad's siblings inggitan din. I cannot support them all equally all at the same time. Pag me gamot si Tita, hihirit din si Daddy, tapos papapiliin pa ako kung sino masmahal ko. Duh?! Di na sila naawa sa akin.

Minsan pag naiinis ako, I don't do grocery for the week, I just give some money enough for food for the day na bibilhin pa nila sa wet market at lulutuin nila kung gusto nila kumain. And sometimes ayoko umuwi sa amin kasi nahihingan lang ako ng pera, even for pan-de-sal for breakfast, for pamasahe if they have errands (wala naman akong inuutos) and also I pay for all bills which I have to or else mapuputulan kami ng kuryente, tubig, telepono/wifi.

Gusto ko talaga makapag ipon to buy my own place na and to plan my retirement na.
I don't think/feel that any of them will take care of me naman during my old age.




akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #416 on: June 08, 2013, 08:44:43 pm »
Same sentiments here ayoko na umuwi samin.

Mom texted me yesterday sagutin ko daw uniform at gamit ng pamangkin ko. I texted her alam naman nya nag resign ako sa work at nag aayos ng requirements for my new work. Kailangan ko ng pera pang requirements at pang allowance ko. Pag umaabsent ako sa work alam naman nila wala ko bayad kaya konti lang sahod ko.

She texted me kaya ayaw humingi ng dad mo sayo lagi mo sinasabi yan. Nakakasama ng loob. Oo ayoko tumulong sa pamangkin ko sobra na kasi. Buti sana kung hindi sila lagi tumatakbo samin.

Now dad ko no work na. Naringgan ko sya isang beses di nya alam san napunta pinagtrabahuhan nya for 35years as seaman nanay ko galit pa eh sya naman reason kaya di nakaipon!

popi

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #417 on: June 10, 2013, 01:20:27 pm »
Panganay din ako, USED TO BE a breadwinner.

I have 3 siblings, one is 25 yrs old with 3 kids, got pregnant during college so parehong undergrad ng asawa nya.  Pero masipag saka maabilidad asawa nya so nabubuhay sila kahit pano, minsan lang tinutulungan pag talagang kinapos. 

Then a brother na 23 yrs old also got a GF pregnant during college pero 4th yr na sila nun so natapos nila talaga.  May maayos na work sila pareho ngayon kaya financially independent kahit sa bahay namin nakatira, may sarili silang kuntador ng kuryente, may sariling groceries, tapos nag aambag para sa water.

Yung bunso just graduated this March, and may work na din since April. Hooray! Kaya graduate na din ako, and got married this April lang din at 32 yrs old.

Swerte ako kasi never ako inabuso ng family ko.  Nahihiya pa sila humingi sa akin, lalo na mom ko.  Napapansin ko na lang minsan na parang wala na laman yung ref saka walang pang meryenda, saka ko lang malalaman na kinapos pala sya ng budget that week.  As in magtitiis sila kesa humingi sa akin kasi nahihiya na daw sila sa akin.  Nakakataba ng puso.

Kaya hindi ako nagsawa tulungan sila kasi alam ko na nagsisikap sila para sa sarili nila, talagang kinakapos lang minsan.  At least hindi nila inaasa sa akin ang buong buhay nila.  Saka from the start kasi, strict na ako sa pera.  Pag nagbibigay ako, specified kung para saan yun, alam ko exactly kung saan gagamitin.  Like exact amount for tuition, pang kuryente, pang tubig, etc.  Kaya pag kinulang pa, medyo nahihiya sila humingi ng dagdag.  Ako na lang kusang nag aabot pag pansin ko na nagtitipid na sila.

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #418 on: June 10, 2013, 01:32:07 pm »
you're lucky sis popi. :)

_ilovepink_

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #419 on: June 10, 2013, 02:01:49 pm »
Been having this problem that makes me super depressed for a while now.
I am the eldest of 3. Yung younger brother ko nag.asawa na at hindi nakapagtapos kase nakabuntis.
He previously stayed with my parents kaso di nagkasundo mom ko at asawa nya so humiwalay sila.
But he still goes to our house everyday. Yung youngest sister ko naman is still studying at 3rd year HS.
To cut the story short, I finished my studies as a working student. Etong parents ko is just like the typical parents na pinamulat na sa amin simulat sapul pa lang na kaya sila nanganak kase para may mag.alaga sa kanila at magpalaki ng mga nakababatang kapatid. This is also the reason why I worked my way to finish studies at di ako nag.loko.  I have been working for almost 7 years na and been supporting them and giving them weekly allowance. Pero lahat ng binibigay ko sa kanila parating kulang. Pag may hinihingi sila parating may blackmail. Just like yung papa ko last night- nanghingi ng pambili ng bike daw para transpo nya 7K. wala akong ganyang kalaking pera at yung pera naming ng bf ko nasa isang account lang kase we are living together (my fam is in the province, we are here working in manila) and saving for our future. Ayaw ko rin magbigay sa papa ko ng pera kung maari kase alam ko di mapupunta yun dun. papa ko is lasinggero and madaming bisyo. Okay lang sana gawan ko ng paraan, pero ang naiinis ako is the way they ask for it. Yung tipong – nagdedemand at sinasabi, kung naaawa ako sa kanya, bibilhan ko sya, pero kung hindi, konsensya ko na daw. eto rin at style ng mom ko, at eto rin ang style na namana ng mga kapatid ko.  Mom ko rin pala sinasabihan ako kung hindi ako makabigay sa kanila (yung gipit ako kase madaming babayarang bills) – di raw ako marunong tumingin ng utang na loob…di ako marunong tumingin kung saan ako nanggaling…sana pinatay nalang nila ako nung bata ako.  Minsan I’m thinking of giving up na talaga…name it, committing suicide and the like. Pero di ko ginawa kase naaawa ako sa kanila. minsan napagssalitaan ko sila ng msakit kase di ko na kaya sinasabi nila sa akin.

Superfrustrating talaga to think sila ang mga magulang ko at willing akong ibigay lahat ng gusto nila. Pero di kaya lahat. I am working and paying my rent, bills, utilities, loans. I’m 28 and didn’t get married since sayang ang health benefit nila na mawawala if I get married. Actually sila ang dahilan kung bakit di ako nagpakasal since now.  Pero nakakasawa na. naaawa ako sa kanila pero I have to think of my own life rin. Gusto ko rin magkapamilya baling araw.  Minsan naisip ko what if magpakasal na kaya ako now para matapos na tong paghihirap ko.

naiinggit ako sa ibang magulang na supersupportive sa mga anak nila, sa family na nagtutulungan, di umaasa sa iba.
and nga pala, yung magulang ko were always asking for help sa mga kapatid nila nung pinapalaki nila kami. kaya kahit na inaaway at pinagsasalitaan kami ng masama ng mga tita at tito namin, di nila kami madefend.



Haaay, superdepressing ang ganitong kalagayan sa buhay.
I’m just thankful that I have a bf who understands me a lot.
« Last Edit: June 10, 2013, 02:03:45 pm by _ilovepink_ »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close