watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158503 times)

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #100 on: April 16, 2011, 02:42:41 pm »
i'm a newbie and i can relate to this thread as well.

i'm the 2nd in the family tapos ako breadwinner. my kuya has work naman pero maliit lang sweldo nya. nagbibigay naman sya kahit pano. pero most of the expenses talaga sakin. tapos pinapaaral ko pa ng college un isang bro ko. it was me naman who initiated na paaralin sya. gusto ko naman makatulong talaga.

Sis, lahat naman tayo gusto makatulong. But you have to be more realistic.  Kung saan lang ang kaya mo, WITH YOUR OWN SAVINGS.  5 years ka na kamo nagw-work and yet wala kang savings. This should serve as an eye-opener for you. Pagdating sa money, you have to have something on your own. Kung lagi sinasagad yan ng pamilya mo, what if may emergency, lahat kayo mukhang kawawa. Do you want that to happen?



my salary was ok sana kung sakin lang. pero sad lang na kahit ok ang earnings ko, kinakapos pa rin ako. there are even times na mangungutang ako kasi kinukulang allowance ko. siguro kung sakin lang yung pera ko, or nagbibigay lang ako ng konti.. malaki na siguro ipon ko.

Then do it. Kung magtampo sila, hwag ka magbigay lalo ni sinko. Tingnan natin kung hindi ka nila ma-appreciate. Hindi mo obligation. That has to be agreed between you and your family. 



gusto ko naman mapaginhawa family ko pero there are just times na nalulungkot lang talaga ko kasi i've been working for 5 years now. gusto ko may mapundar o may maipon.. pero ngayon laging zero balance ang atm ko. :( sabi ko nga, if dumating un time na magpa-interview ako sa embassy, just like my colleagues, for a business trip..wala kong mapapakitang savings ko.

sometimes i want to let my family know how i feel...na nahihirapan na din ako, that i wanted to enjoy my own money while i'm young. pero ayokong ma-offend sila. :(

They won't understand. Sorry sis ha, pero families like that na mahilig umasa sa panganay have no ears for such things. Basta naghirap sila paaralin ang 1 anak, dapat ang balik nitong anak na ito indefinite. Which for me is wrong and not good.


blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #101 on: April 16, 2011, 03:04:44 pm »
i don't agree dun sa loan para makapag-aral ang bata, tapos siya magbabayad pag nagkawork na, responsibility ng magulang yun at hindi dapat maging utang ng anak..

Hi sis, I was just pointing this out as an option kapag walang wala yung magulang. But I agree with you. Responsbility yan dapat ng magulang.

Pero kung kapos kasi ang magulang - and their money is limited.  Which one should you prioritize - your child's education or your retirement?  Should you wipe out all your savings para lang mapaaral ang panganay OR keep your savings for your retirement? 

If you wipe out all your savings - anong consequence?
- yung pinaaral mo dapat mag-graduate
- yung pinaaral mo dapat makahanap ng trabaho
- yung pinaaral mo dapat hindi muna mag-asawa at obligasyon nya ngayon buhayin kayong lahat
- yung pinaaral mo dapat paaralin the rest of the siblings. 
- yung pinaaral mo ang sasandalan ng magulang in their old age kasi naubos ang retirement savings sa education ng panganay.

Kaso, what if........
- hindi nakapagtapos ang panganay?
- nakatapos nga, hindi makahanap ng trabaho?
- nadisgrasya?
- nakagraduate, nakatrabaho nga, pero ayaw tumulong?
If all these happens, san kangkungan nalang kayo pupulutin?



hindi lang eldest ang ginagawang bread winner, lahat ng anak na pwede.. i've been there.. nakakapagod, walang natira sa sarili ko, kaya ng magkapamilya na ako, i have to start from zero kasi naipamigay ko na lahat ng pera ko sa kanila.. whew!

ay oo nga pala. kung puede mag artista, pag-artistahin nalang para mas malaki kita.  ;D  Di narin kelangan patapusin sa pag-aaral.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #102 on: April 16, 2011, 03:15:33 pm »

ang masakit lang sa part ko eh, ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para umasenso kame pero yung naghahangad pa ang parents mo ng mas malaki na kitam eto lang yung kaya mo sa ngayon.. kaya nga nagwowork kase para sa kanila di ba. Tumutulong ka ng bukal sa kalooban. Nangagarap ka sa magandang buhay na gusto mong ibigay mo sa kanila. Di nga lang ganun kadale ibigay syempre me step by step ang pag abot ng pangarap..


Bilang anak, at yung nakapag-aral - kung sana puede lang sana i-educate ang mga magulang regarding finances, ok lang sana. Umabot sila sa estado na yan kasi malamang they don't know any better.  Umabot sa point na you had to support yourself kasi nga they don't know any better. And I bet right now, malamang impossible din ang expectations nila, because they also don't know any better.

ang solution na ma-suggest ko, is you stand by your ground and try to educate them about money. Not naman to the point na kelangan mo sila sumbatan na hindi ka nila nasuporta ng maayos sa pagpapaaral, pero sana maintindihan nila na hindi lahat ng nakapagtapos or nakapagtrabaho eh milyonaryo.



di ko alam kung naaappreciate nila ginagawa ko.
Sinasabihan nila ako ng parang wala daw ako pangarap sa pamilya naming umaasenso.
Or walang pakielam sa mga kapatid ko kase magcocollege na…

Sorry sis, nakakagigil naman sila. In the first place, sila ba may pangarap? How did you end up supporting yourself, hindi ba dapat gawain nila yun? Tsaka mga kapatid mo - o ano naman mga kapatid mo? hindi ba sila ang nag-anak, pwes, sila magpaaral.  Sino ba nag-anak ng marami at hindi masuportahan - sila yung ayaw umasenso.


Tapos magpaparinig or magmemention pa ng name ng ibang tao.
Buti pa si ganto lageng me OT. Tumutulong talaga sa pamilya.

Alam mo yun masakit. Anubang ginagawa ko.
Lahat ng sweldo ko sa kanila na nga napupunta eh.

Hilig pa ko ikumpara ako dun sa mga napapanood sa TV or dun
Sa Willing willie…

Kainis kaya… tapos dinadahilan pa yung bf ko.
Mag asawa ng mayaman, matangkad at gwapo…

Naiinis ako..
Minsan nasasagot ko na ng, sige ihanap nyo ko kahit DOM pah.
Sagot sakin, darating yan…yung tadhana ang magtatakda. ( darating pala eh, maghintay sila, eh kaso panu kung ang nakatakda eh yung bf ko na)

ang bigat bigat ng kalooban ko...
kase instead na i-up ako, ayun nadodown pa ko..
.
pero somehow I take it as a challenge na din.

I feel sorry for you sis.  I know you love them. But looking at it from an outsider's point of view, I would want to leave that house if I am in your shoes. :(  Sobrang negative ang aura. In fact, it looks like they are the ones who are keeping you from your success.


blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #103 on: April 16, 2011, 08:35:07 pm »

Tapos magpaparinig or magmemention pa ng name ng ibang tao.
Buti pa si ganto lageng me OT. Tumutulong talaga sa pamilya.


Pag ginanyan ka, puede ka rin naman magparinig. Buti pa si ganito - mag name drop ka rin ng ibang parents, kahit hindi nag-aral, umasenso kasi masisipag, at hindi ginagawang alalay ang anak.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #104 on: April 16, 2011, 08:37:27 pm »
super nakakarelate ako sa inyo mga sis. dati rin kasi sinasabihan ako ng parents ko na kulang pa daw ang binibigay ko at di daw iyon sapat sa family namin. eh iyon lang ang kaya ko noon. ngayon medyo ok na kami siguro narealize din nila iyong effort ko for them.

Pag nawawala ang mga breadwinner, todo iyak ang mga parents.  Minsan hindi ko tuloy alam kung umiiyak sila dahil wala na silang pera pangtutos ng basic needs nila o talagang nagdadalamhati sila na nawalan sila ng anak. 

Kasi gaya nyan, sige ng reklamo kasi maliit ang inaabot mo. Pero once malaki, ibig sabihin mabait ka na na anak.   :o

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #105 on: April 16, 2011, 08:41:07 pm »
i'm just tired of doing everything for my family when all my parents does every day is nothing, they don't work at all, my dad tries to earn some but he simply just can't or don't have the luck, i don't know really what is wrong with him. sometimes their famous alibis that they are too old now and can't work anymore when actually in reality some people who lives outside our country even when they're 80+ they still work, my parents are early 60s and they don't work.... they are becoming so dependent on me, worse is that they are taking advantage na, and they don't come to appreciate all the efforts i've done instead it turns out na like ako pa ang mali dito like i owe them everything and i need to do everything for them and making me feel guilty when i shouldn't, i'm running out of patience, so unfair na talaga to. i want to get out of here but i can't, i can help them still but i know one thing, i've to get out of here because if it means not really seeing your worth and not appreciating your efforts and parang ikaw pa ang mali, why stay? should i confront them about this issue? please help.... naguguluhan na talaga ako. i don't have a life anymore... please help

I hope everything turns out for the better.   Hindi ko din alam anong puede ipayo. Pero nabanggit ko nga sa isang post ko dito, kay sis zhajhei_08, kung ako nasa katayuan nya, lalayas talaga ako. make them miss me and not my money. :(

kasi alam mo yun, hinahatak ka nila pababa eh. oo fine, they were not successful itaguyod ang pamilya ninyo kaya sa iyo umaasa.  pero pati ba naman buhay mo, ihahatak din nila pababa?  sobra silang selfish.  >:(


SweetieNela

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #106 on: April 23, 2011, 03:21:33 am »
I'm not the eldest and I am the only girl. sad to say. ako ang gusto nila na magpa-aral sa kapatid ko. :( sabi ng mama ko responsibilidad ko yung 2 kong lalaking kapatid which is 17 and 12 years old. how about my eldest brother who is 23 years old and doing nothing? nakapag-tapos siya ng nurse nagbigay ako ng pasensiya para makatapos siya hindi ako pinagcollege para patapusin siya. oo nga board passer siya ngayon. eh anong ginagawa niya ngayon? wala.gusto ko pang mag-aral pero ang gusto ng mama ko magtrabaho nalang daw ako dahil magiging nanay lang daw ako sa huli. dahilan ba yun? nasa abroad kami ang daming paraan para humanap ng trabaho ang kuya ko since tapos at board passer siya ang ginagawa lang niya ay ang magpalaki ng itlog? sorry for the term but para kasi siyang manok na naghihintay ng mangitlog ng pera. like pag sumesweldo ang mama at papa ko hinihingi niya ang lahat ng gusto niya.yun bagang sunod lahat ng luho? brand new computer,psp's, clothes,minsan nga nagpapadala pa siya ng 6 thou sa girlfriend niya sa pinas eh wala naman siyang work.hindi nakakaHindi ang mama ko dahil baka daw sumama ang loob sakanya. kahit gipit na gipit na kami pinipilit ni mama ko na maidaos ang gusto niya. nakakasakit lang ng loob kasi kahit ako ang nagttrabaho ng domestic hindi sila naawa o hindi man lang nila ako naapreciate. konting thank you naman diba.eh kuya ko ayaw nila pagtrabahuhin ng domestic gusto eh talagang sa hospital eh hindi naman siya matatanggap dun ng walang experience. kahit kelan hindi ko naranasan na inaasikaso nila ako. eh kuya ko galing sa gala kung asikasuhin parang galing sa trabaho. minsan umaabuso ang kuya ko ako pang inuutusan niyang ipaghain ko siya. minsan iniisip ko na mag-asawa pero sabi ng boyfriend ko magtiis lang ako dadating daw yung time na pakakasalan na niya ako. wag daw ako magmadali. 21 years old na ako.





 sa totoo lang sakitin ako 2009 and 2010 sa hospital ako lagi nagc-christmas- and last january nahospital din ako cause of ulcerative colitis and anemia. sinisisi nila ako kung bakit ako nagkakasakit. hindi ba nila maintindihan hindi na ako nakakakain kakatrabaho? lagi akong puyat? pero ako parin lahat ng may kasalanan ngayon na nawalan na ako ng work kung dati parang katulong ang trato sakin ngayon parang aso na. masama ang loob ko kasi favoritism ang umiiral sakanila minsan kinausap ko ang mama ko pero deadma siya wag ko daw isipin na favorite si kuya ko. example kagabi. areho kaming nasa computer room ng kuya ko si kuya ko dinalhan niya ng dinner ako ni hi ni ho walang inalok. tapos pag labas ko ng kwarto inubusan na ako? hindi man lang sila nagiisip kung nakakain na ba ako' minsan ako nagpaparaya sa mga kapatid ko. hindi kasi kmi mayaman at lalong hindi porket nasa abroad kami eh mapera na. mali ang iniisip ng iba hindi pwede umutang ng pagkain sa tindahan diyan sa tabi.nakakasama lang ng loob na bakit ganon ang trato nila sakin. yung boyfriend ko binibigyan niya ako ng allowance,pag my allowance ako todo dikit sakin ang mama ko tapos sasabihin 'yan lang ang ibinigay sayo?' tapos bigla naman niyang uutangin. hindi ako makahindi dahil sa PAGMAMAHAL KO SAKANYA.




 minsan pag late ibinibigay 'ano ba yan hindi ka binibigyan' sorry to say this. kapag my pera ako ang bait nila sakin promise. kinausap ko na si papa ko pero wala siya magawa dahil takot siya sa mama ko. :( haay. minsan gusto ko na siya sagutin pero ayokong masaktan ang mama ko. talagang naiisip ko ng lumayas pero wala akong mapupuntahan dito ang choice ko nalang talaga is mag-asawa ako. pero sabi ng bf ko hindi yun ang solusyon. wag ko daw siyang pakasalan ng dahil sa yung dahilan lang. magtiis lang daw ako. pero hanngang kelan? hari harian na nga ang kuya ko eh. ako parin ba ang may responsibilidad nagiisa na nga akong babae hindi ba dapat na ako ang responsibilidad nila? bata palang ako wala na akong nakukuhang pagmamahal sakanila sa kanila- ang kuya ko nung highschool best in computer tuwang tuwa na sila. eh ako hindi sa pagmamayabang nung highschool nasa top class ako lagi ako best in math,best in english,halos lahat na nga ata best ako. pero ano? sasabihin lang sakin 'dapat lang yan dahil pinagaaral ka namin' feeling ko hindi ako anak..




kinukwento ko sa ibang nanay to pero alam nila na mahal ako ng nanay ko pero iba daw ang mama ko di ko daw to deserve kasi ginagawa ko naman ang best ko mapasaya sila pero kuya ko parin ang higit sakin :( nakakaiyak lang kung lagi ko iisipin minsan deadma nalang ako na hindi ako nasasaktan. hindi ko nalang ipinapakita dahil kahit ipakita ko naman sasabihin nila pag umiiyak ako nagiinarte nanaman ako.. :( naiiyak ako while typing this. mahal na mahal ko family ko . mahal ko mama ko. pero eto ba yung sukli? :'(
« Last Edit: April 23, 2011, 05:16:26 am by SweetieNela »

prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #107 on: April 23, 2011, 01:30:32 pm »
Teka, responsibility ng parents ang palakihin, paaralin ang mga anak nila.

Bakit tinutulak sa inyo?  Nakakainis, sooo irresponsible.  Pano ka naman?  Your future?

Kainis

So unfAir. I feel for you sis.

SweetieNela

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #108 on: April 23, 2011, 08:51:55 pm »
ako nga gusto ko pang mag-aral eh. pero sinabi nila na ang kesa mag-aral ako ay pag-aralin ko nalang ang mga kapatid ko. sinunod ko naman lahat ng gusto nila simula bata ako.. ngayon na may sarili na akong isip gusto parin nila sundin ko sila.hanggang kelan ako susunod?  :(

shegothim

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #109 on: April 23, 2011, 08:58:37 pm »
hanggang pumapayag kang gawin nila ang ginagawa nila sayo.

dapat siguro sis kahit paunti unti ipakita mo sa mom mo na mali ang ginagawa nya. bumukod ka kaya? tapos magbigay ka lang ng kaya mong ibigay.

SweetieNela

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #110 on: April 23, 2011, 11:44:54 pm »
yun nga din ang iniisip ko. naghahanap hanap na ako ng malilipatan ko ngayon. nung nalaman sabi sakin gusto ko na daw ba silang takasan. sabi ko naman gusto ko lang matutong mabuhay mag-isa.

muahmuahmuah

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #111 on: April 24, 2011, 02:25:24 am »
ito rin siguro yung mahirap tanggapin ng ibang kids or breadwinners, aside from the responsibility is the fact na it will take time for the parents, or possibly not at all, to make them realize or see your worth. so yung resentment ng iba sa magulang and yung need nila for appreciation from the parents will never happen in certain cases. as ugly as it sounds some kids need to prove themselves sa magulang or sa siblings, but when they decide to do so, don't bank on the hope na one day they'll love and respect you. it'll come in its own perfect time na you'll be redeemed by your kindness.

there was one book rin i read noon one dad so long so much for his mom to love and appreciate him, and his resentment towards her grew for growing up in a non-nurturing environment so with his kids he was holding back not realizing that he was doing the same. it came to a point, with the advice from his therapist, he had to finally accept na the mom will never change...and it was about time na he had to be someone better than the mom and he needed to love his kids more, if not magiging isang vicious cycle lang ang lahat.

if you need to help give what you can...wala eh it's really an unfair practice for parent's to do that to their kids, buti sana kung tulong tulong.

prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #112 on: April 24, 2011, 09:36:31 am »
yun nga din ang iniisip ko. naghahanap hanap na ako ng malilipatan ko ngayon. nung nalaman sabi sakin gusto ko na daw ba silang takasan. sabi ko naman gusto ko lang matutong mabuhay mag-isa.

I feel for you sis.

ana mimi

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #113 on: April 24, 2011, 01:59:21 pm »
haay.. hirap talaga kapag ikaw ang inaasaha.. may mga bagay na gusto kang gawin pero dahil sa mahal mo sila, inuuna mo sila.. kaka-graduate ko lang ng college, pero I am preggy na, I am working since na mag college ako. Di kase ako kaya pag-aralin ng parents ko. Ako din nagbibigay ng baon sa kapatid kong nasa high school nun kahit na working student ako at to think na nursing pa ang course ko. Hindi naman sila nanghihingi nun saken ng pera kase alam nila na wala naman talaga ako mabibigay.

Masama lang din ang loob ko kase alam naman nilang buntis na ako, need ko din naman na mag-ipon for myself dahil kapag nanganak ako, alam kong matatagalan pa bago pa ulet ako makapagtrabaho. Ewan ko ba, kung kelan kami naghirap, parang dun pa naging medyo maluho ang nanay ko.

SweetieNela

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #114 on: April 25, 2011, 04:43:04 am »
^ me too sis ganyan din mom ko ngayon. mga kapatid niya kasi nakakabili ng mga LV bags,clothes,etc etc. eh siya sinasabi niyang hindi siya naiinggit pero gustong gusto namang niyang bumili. namimilit siya,naggigipit na nga yun pa ang iniisip niya.  >:(

hisana

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #115 on: April 26, 2011, 05:07:27 pm »
Yung mother ko rin may pagka-social climber na matapobre (what a combination). She always told us na she fully expects all three of us to give her a really lavish lifestyle by the time we graduate. Sabi nga nya sa akin, pagkagraduate ko raw ng med school at 26 eh dapat mapadala ko na sya sa europe for a tour at mainggit yung ibang relatives namin (her words). I told her na she should just take the money na iniwan ng dad ko for my tuition and just use it for that damn tour, kasi it's highly unlikely for me to be earning anything substantial by that time. She had this terrible misconception na yayaman automatically and quickly pag doctor. Yeeeshhh. So ayun, she took the money and toured.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #116 on: April 27, 2011, 12:47:38 am »
I'm not the eldest and I am the only girl. sad to say. ako ang gusto nila na magpa-aral sa kapatid ko. :( sabi ng mama ko responsibilidad ko yung 2 kong lalaking kapatid which is 17 and 12 years old. how about my eldest brother who is 23 years old and doing nothing? nakapag-tapos siya ng nurse nagbigay ako ng pasensiya para makatapos siya hindi ako pinagcollege para patapusin siya. oo nga board passer siya ngayon. eh anong ginagawa niya ngayon? wala.gusto ko pang mag-aral pero ang gusto ng mama ko magtrabaho nalang daw ako dahil magiging nanay lang daw ako sa huli.

WTF!

Sorry sis, pero if I am in your shoes, aalis na talaga ako, especially may work ka naman. Have a life!


ClaireMarthe

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #117 on: April 27, 2011, 02:18:19 am »
Yung friend ko masyadong mabait, she is the eldest of 4.  Nag-aaral siya sa UP that time nung nag-stop siya ng 3rd year college para magwork sa call center.  Siya gumagastos ng bills sa house, grocery, and allowance ng 3 yang bros and sis.  Her sister eventually graduated and rented a place for herself, nagbibigay lang ng certain amount sa mom nila - I heard nagm-masters siya ngayon.

Akala ko after mka-grad ng sis niya, makakapag-aral na siya ulit ng college pero pinag-loan pala siya ng malaking amount para ibayad sa mga loans ng mom niya.  My goodness! 

Sabay grumaduate yung 2 niyang kapatid nung March, pero di pa siya mka-quit ng job kasi may loan pang binabayaran.   :(

confusedgirl51

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #118 on: April 27, 2011, 11:33:30 am »
I'm not the eldest but the 2nd child in the family. Pero feeling ko ako ang panganay lalo pa at ako ang unang nakatapos sa amin. My brother just finished vocational course since we cannot afford that time. Even I'm the one who finished college first, It was not because my parents put the 100% support on me. I have sholarship and I have to do part time jobs to sustain myself in the city since I seldom receive allowance from my parents. Most of the money they gave will just go for my tuition. I survived college though hardwork nariyan yong nag avon akon, natasha, even makipagboyfriend sa pangit na taxi driver para lang makatipid sa pamasahe heheh. I even have many peers where I can hang out til 2am para lang magkapera. Yong pangvideoke ko kasi binubulsa ko tapos yong mga sukli pag nagpabili pulutan akin yon LOL! Hindi naman sila nagrereklamo heheh... But of course despite this lifestyle I have I never neglected my studies and even have grades na above average.

Nakitira ako sa cousin Dad ko because I cannot afford to rent on my own kaya marami ako hinanakit sa buhay lalo na mga parinig ng mga tao sa paligid ko. I even experience mapagdamutan ng pagkain dahil wala ako maicontribute. Hindi full yong scholarship ko kaya laging nangungutang mama ko pandagdag to the extent na pati hindi ko ginamit sinasabi niya pinangtuition ko. Nalaman ko lang nong mangutang siya sa tita ko ng 10k saying pangtuition ko daw kaya binigyan but during that time halos hindi ako makaenrol dahil wala ako pangdown and she even said tumigil muna ako. Hindi ako pumayag so ang ginawa ko umutang na 1k sa friend ko tapos nakiusap ako registrar ng school namin. So ang mama ko may bad reputation sa utang and worst ako laging rason, for instance uutang siya ng 10k, ang 4k pangtuition ko, the rest I don't know. Kaya ang impression ng mga tao sa amin buhay prinsesa ako in the city samantalang hirap na hirap ako.

Natuto ako dumiskarte on my own kasi alam ko hindi ako mabubuhay kung aasa ako padala parents ko. And I did'nt even take the formal review kahit nag offer pinsan ko bayaran, for me ayoko na dagdagan utang na loob ko. Baka kasi pag pumasa ako, they will claim its because of them. So suicide pagtake ko board exam and I'm glad I did it. CPA na ako ngayon and people started to respect me lalo na sa amin. Pero siguro sadyang may mga sugat na hindi madaling maglihom. I chose to work here in manila para hindi ko maalala mga hirap ko nun and what other people especially our relatives and neighbors who always say na hindi ako makakatapos kasi walang pera. Ni wala nga sila maipautang sila pa nagsasalita ng ganun. Upon passing the board exam gusto ko umuwi para isampal sa kanilang mukha newspaper where board passers were published pero nagpigil ako. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko kelangang tumapak sa level nila. What I did is find job here in Manila, natupad ko rin pangarap ko magpakalayo layo sa mga taong walang ginawa kundi hilain ako pababa.

Lately, etong mama ko naman lagi nagtetext na magpadala ako ganitong amount eh hellow halos half month salary ko gusto niya kunin eh kakastart ko pa lang dito and 70% of my salary goes to expenses alone. Hindi pa kasama pinapadala ko sa kapatid ko na nasa 1st year college. Halos wala na nga ako savings tapos kung makahingi ganun kalaki and take note pinang bablackmail utang niya na ginamit ko daw. Hindi naman niya gagamitin [textspeak!] pera pambayad dun. And I told her bayaran ko muna initial expenses ko dito kasi may personal ako utang I used to pay my advance and deposit ng rent tinutuluyan ko plus expenses during my job application and corporate attires pa. Eh ang gusto niya ura urada tapos sabihin pa masakit daw sa loob ko magbigay when in fact I sent 3k per month (either sa mga kapatid ko or sa kanya) except pa yong alowance kapatid ko, pang rent niya and books. Sumama talaga loob ko kaya nagkasagutan kami sa text. Next priority ko naman talaga utang na ginamit ko daw hindi ko lang maumpisahan since I was obliged to support my sister. Minsan parang gusto ko tuloy sabihin its their obligation naman talaga to support their children's education kaya kung inutang yong tuition hindi kailangang bayaran ng anak. Gusto ko namang tumulong pero hindi sa paraang inoobliga ako kasi feeling ko its unfair sa akin. Buti sana kung fully supported ako nong nag-aaral pa ako saka sila ganito sa akin ngayon. Masama ba ako to feel this way?
Hay censya napahaba, ngayon lang kasi ako naglabas sama ng loob.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #119 on: April 29, 2011, 07:41:14 pm »
^sis, pinagtulungan ninyo ang pag-aaral mo kahit papano. yung mga inutang ba ng parents mo for your tuition, lahat bayad na? kung hindi pa, baka maganda rin na bayaran mo nalang, and then quits na kayo. hindi mo kelangan paaralin ang mga kapatid mo. so at least yung binabayad mo sa kanila, bahala na sila kung gusto nila ipaaral sa kapatid mo or ilustay nila.  at least may hangganan.

nakakainis naman kasi kung walang katapusan.  ngayon after mo makabayad, kung may extra ka pa, then tsaka ka na tumulong. pero tama ka, lalo kang obligahin, lalong nakakasuya magbigay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close