watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158436 times)

m_lim

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #60 on: November 26, 2010, 08:34:52 am »
^true.

tsaka yung ibang magulang, ang lakas lakas pa naman tapos nakatambay lang maghapon. nag aabang lang ng grasya from their children. nakakainis!

candy01

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #61 on: December 04, 2010, 02:10:12 am »
oo nga may mga magulang na malakas pa but acting as if they are old na so they have an excuse not to work anymore but have become dependent. now, i feel like i'm in a choked situation, i'm so tired na i do want to help them at the same time i also have to think of my future because malapit na me mabubura sa kalendaryo.....
And i don't want to let my bf know everything that's going on between me and my family or should I tell him? i don't want my family na din to look bad in his eyes kasi but i'm pretty sure he has an idea already.

mo|mel

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #62 on: January 03, 2011, 05:45:59 pm »
hi sisses i can relate to this topic, eldest din ako at breadwinner. pero masaya ako sa ginagawa ko. yung dad ko 74 yrs old na, yung sister ko 18yrs old nagaaral sa college, yung mom ko may ibang lalaki na kaya hindi na namin kasama. kaya ok lang sakin alam ko naman hindi na kaya ng dad ko suportahan kami, kaya ako lahat, pagkain, bills, even tuition. sobrang mahirap pero ok lang masaya ako nabibigay ko yung needs nila.

Yung bf ko naman ganun din pero ang iniisip ko lang kung tama ba yun na siya parin breadwinner sa family nia, knowing na malakas pa ang parents nia, yung father nia hindi nagwowork kesyo mahirap daw maghanap ng trabaho ngaun, yung mom nia infairness naman nag-AVON saka siya nagbubudget sa bahay, yung mga kapatid nia kambal yung isa nagaaral(siya nagpapaaral) tapos yung isa ayaw magtrabaho ayaw din magaral, ayun nakatambay sa bahay maghapon. di ko lam pero naiinis ako sa ganyang set up nila. 5 sila sa family lahat kaya magwork pero inaasa lahat sa kanya, kasing age ko lang yung mga kapatid nia pero asa parin. ok lang naman magbigay wala naman siya pagkakagastusan pero yung iasa lahat sa kanya, pati lahat ng utang, bills, pati bahay at iba2 bayarin samantalang yung mga kapatid at tatay nia nakatambay lang dun ako naiinis.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #63 on: January 04, 2011, 09:04:57 pm »
this is a sad fact sa Filipino life.  Ang dami kasi sa 'tin nag aanak pero hindi naman financially prepared.  Kaya ayun, the retirement fund napapabayaan kasi the money is just enough for basic needs and education ng mga anak.  kaya pagtanda, the parents are forced to be financially dependent sa mga anak.

nappanood ko minsan si Suze Orman. ang turo nya is dapat unahin natin ang retirement kesa sa pagpapaaral ng anak sa college. 

For gradeschool and HS, may public schools naman kasi. Pero pagdating ng college, asa nalang sa scholar. Pero kung hindi matalino, puede naman magloan siguro satin at pagkagraduate ng bata from college, sya ang magbayad ng tuition loan nya. 

Kasi mga 20yo ka lang, graduate ka na, so ibig sabihin, you have all the 40 years to pay off your student/tuition loan. Samantalang bilang magulang, kakaunti nalang ang working years nila, assuming working pa sila, para makapagtabi ng pangretirement.

In the end, kung say, hindi natapos ng bata ang pag-aaral, say nadisgrasya or nag asawa ng maaga, walang sisihan or sumbatan. Hindi din i-b-burden ng magulang ang mga anak para sa retirement nila o di kaya hindi din mangyayari ang unfair na pag-oobliga sa mga panganay na ipag-aral ang mga kapatid. 

Kung ganito kasi ang arrangement, kahit papano, aayusin din naman ang pag-aaral nung nag-aaral kasi sya ang aako ng gastos nya.


rnd0910

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #64 on: January 05, 2011, 05:23:45 pm »
I can super relate to this topic, I'm the eldest and breadwinner. From day one pa lang after graduation alam ko na obligation ko sa family... Like any other breadwinner/eldest dito bata pa lang ako nakatanim na sa utak ko n akailangan ko magsikap, makatapos ng pag-aaral para makatulong ako sa family ko. In short nakagraduate ako at nakahanap ng magandang trabaho... At sinabi ko rin sa sarili ko na ayokong maging mahirap forever!

Nagbibigay ako sa parents ko unang sweldo ko pa lang, pinag-aral ko sa college 2 younger brothers ko... halos wala ring natitira sa sweldo ko, nagkaka-utang pa ako minsan kasi short sa budget lalu na bayaran ng tuition. At ang masama pa nito di naman nagtapos mga kapatid ko sa pagaaral nila... saklap di ba... di sila tulad ko mag-isip... di sila masikap sa buhay.

Until now married na ako nagbibigay pa rin ako sa amin. Pero para sa parents ko na lang... my father is still working pero not enough para sa parents ko kita nya. Mga kapatid ko although di sila nakatapos ng pagaaral nila nag venture naman sila sa mga blue collar job... so ngayon they are working overseas. Pag nagbibigay ako sa kanila or sa mga anak nila gift na lang yon... di na obligation.

Dumating din ang time na sobra akong bitter sa situation. Ang masaklap pa nito pati extended family nanghihingi rin sa akin. I'm earning good naman kaya lang minsan naiisip ko hanggang kelan ba talaga dapat magbigay? Feeling ko walang hangganan silang hihingi sa akin.

Masarap magbigay at tumulong pero wag to the point na deprive ka na sa pansariling mong needs. Kasi ang magiging epekto nito sa iyo, magiging bitter ka at magagalit ka sa pamilya mo.


pasensya na mahaba...



storeeland

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #65 on: January 27, 2011, 11:52:15 am »
Ok pa nga ang nagpapaaral.  Magtatapos din sila.

What if ur the breadwinner of  ur titos na panay tambay? Nakakaiyak talaga.  As in 30= years  mo pa silang  bubuhayin. May pasukan  mang raket, ilegal naman.

judea16

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #66 on: January 27, 2011, 04:17:54 pm »
pa join lang po sa topic ah...

ako eldest child and so far breadwinner rin..
pero second sa dad ko..
ok lang saakin.. kasi as a panganay resposibility mu talaga un..
at utang din natin sa parents natin un...
kasi ang achievement nila na makatapos ang mga anak nila..
happy na nga sila kapag nakikita na graduate na yung panganay na nila eh..(my dad was like over nun.. kasi ang dami kung handa nung ng graduate ako, compare sa sumunod saakin at umuwi pa sya nun galing ibang bansa)

may mga benefits rin kasi magging eldest ka sa family...
:-) 8) ;D
« Last Edit: January 27, 2011, 04:20:11 pm by judea16 »

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #67 on: January 28, 2011, 06:36:09 am »
^ pareho tayo sis i feel mas close papa ko sa akin kesa sa sister ko. minsan nga ako na yong naiilang kasi nga he always compares me to my sister.  na ayoko rin naman.  pero, masarap naman din kasi tumulong sa kanila e.  I had them just stay at home na since nagwowork naman na rin sister ko.  para it's their time to rest na from working for us :)

judea16

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #68 on: January 28, 2011, 08:59:25 am »
^sis, dati nga ng aaway kami dalawang mag sister kasi daw mas focus saakin yung dad namin.. (mom ko kasi sa bunso brother hehe)
pero ok na kami ngayon... lalo na yung ng past away na mom namin nung 2009...
pero lage rin kasi kami pinagsasabihan na mahal na mahal kami lahat ng dad namin pantay pantay... hehe..  ;) ;D

iristacey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #69 on: January 28, 2011, 10:33:49 am »
i can relate to this thread. although i am the 2nd child, i am the breadwinner. ako naman gusto ko din talaga makatulong. but sometimes, parang nakakapagod din lalo kapag parang inoobliga ka na sa lahat ng gastusin, sabay sabay pa. na parang minsan, i also want to tell my mom na sana hindi na lang siya nag-asawa ulet para sana sa kanya napupunta yung sustento. LOL. pero okay na rin, kasi mukhang happy naman siya na may katuwang siya ngayon sa buhay and wala naman fault yung mga kapatid ko sa mga nakaraan ng mga magulang namin. but then again i feel that i have the responsibility to have my siblings finish schooling. kasi sino sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magpapamilya din naman. but i can't impose naman to my siblings na magtrabaho din sila habang nag-aaral sa college, sunod sunod pa naman sila hehe. in someway, i am also hoping na once makapagwork na rin yung kapatid ko, dalawa na kame tutulong sa iba pa naming kapatid.

kittenchi17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #70 on: February 02, 2011, 04:08:55 pm »
hi sisses! I just want to share this as well, my Bf is the eldest in the family the dad is working in dubai and his mother have her own small business. BF's parents are actually still young around 30+ . My Bf just graduate from college last year and was able to get a job around October.

When he was in college his mother will give him 100 - 150 php  for his allowance. He studied at PUP sta. mesa and he lives at fairview quezon city. He told me before that most often his mother will not give him extra allowance. It's fine with him but then he kept in mind that once he already have his own money he will not give it all to his family, so he can spend some to his self.

At present my BF is working in Makati with a really good paying job. Every pay he receives, he give 27% of his money to his mother which I think is already enough. But his mother insisted to get 100% of his salary. Since BF did not agree with this. I was surprised that his mother is blaming me that BF is not giving his 100 % salary to her because she thought that BF is spending his money to me!  :o

It really hurts because BF and I are already 5 years in relationship and they all know that I was the first one to graduate and have a job in one of the biggest university. His family also knew that my father already have his own family and my biological mother already past away years ago. In short, I am a very independent woman and I never ask my man to buy anything for me since I can provide it myself. But still I really felt bad why some people are like this.  :(


whatswithjuly

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #71 on: February 05, 2011, 12:47:36 pm »
i'm a newbie and i can relate to this thread as well.

i'm the 2nd in the family tapos ako breadwinner. my kuya has work naman pero maliit lang sweldo nya. nagbibigay naman sya kahit pano. pero most of the expenses talaga sakin. tapos pinapaaral ko pa ng college un isang bro ko. it was me naman who initiated na paaralin sya. gusto ko naman makatulong talaga. my salary was ok sana kung sakin lang. pero sad lang na kahit ok ang earnings ko, kinakapos pa rin ako. there are even times na mangungutang ako kasi kinukulang allowance ko. siguro kung sakin lang yung pera ko, or nagbibigay lang ako ng konti.. malaki na siguro ipon ko.

gusto ko naman mapaginhawa family ko pero there are just times na nalulungkot lang talaga ko kasi i've been working for 5 years now. gusto ko may mapundar o may maipon.. pero ngayon laging zero balance ang atm ko. :( sabi ko nga, if dumating un time na magpa-interview ako sa embassy, just like my colleagues, for a business trip..wala kong mapapakitang savings ko.

sometimes i want to let my family know how i feel...na nahihirapan na din ako, that i wanted to enjoy my own money while i'm young. pero ayokong ma-offend sila. :(

iristacey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #72 on: February 07, 2011, 04:32:26 pm »
^nakakainis naman yung parents na ganun. ako talaga, i promised my self na hindi ko oobligahin yung magiging anak ko na tumulong ng bonggang bongga, kundi kung gusto niya lang. walang pilitan.

ana mimi

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #73 on: February 07, 2011, 07:46:23 pm »
nakakainis yung ganitong scenario. pero tradisyon na kase e. sa lahat ng di magandang kalabanin ay ang tradisyon.

sabi ng prof ko, bakit ka gagawing breadwinner ng pamilya mo? sila ang gumawa ng pamilya na yan kaya sila ang responsable dyan. Kaya sila nagtrabaho nun ay di lang para sa mga anak nila kundi para din sa kanila. para di na sila aasa sa anak nila balang araw.

panganay din ako.. ganyan yung gustong mangyari ng magulang ko. pero ayoko. tutulong ako pero hindi ibig sabihin nun na ako na gagawa ng responsibilidad nila..I am not being bitter here. pananaw lang  ;) hehe

prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #74 on: February 08, 2011, 08:30:40 pm »
Bakit ganyan mentalidad ng parents...kawawa eldest..

Tapos mag aanak ng karaming anak para i- support ng eldest.

Bakit ganun?  Its so unfair, i feel for you.

Diba, responsibilidad ng parents yan?  Bakit napunta sa anak?

May malaking mali a.

I am super lucky all four of us siblings have responsible parents who work very hard just to send us to good schools kahit kandarapa pa sila, never nila sinabi ni bulong sa akin na i have to support my brothers.


prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #75 on: February 08, 2011, 08:34:09 pm »
Tsaka teka, kelan naging tradisyon yan?  Yun nauso ang OFW?

Porket dollar earner, siya na lahat may ako.

Maling maling maling tradisyon.

I will never tell my son to support his siblings, that reneging on my duty as a parent.  His duty naman is to find a good job, be a good person in the future n be responsible for his family.

Diba ganun dapat!

artegirl

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #76 on: February 08, 2011, 11:01:20 pm »
nakakainis yung ganitong scenario. pero tradisyon na kase e. sa lahat ng di magandang kalabanin ay ang tradisyon.

hindi naman siguro "tradition" gawing breadwinner ang eldest.  I think it's more of ignorance that being a parent is a huge responsibility.  Ang dami kasing gusto magkaanak pero hindi naman prepared financially.  I don't think people realize that having kids is like buying a house na kailangan ng amortization for the next 20 yrs, na increasing ang interest over the years (ang mahal na ng tuition!).  tapos gusto pa, "the more, the merrier".  kaya ayun, pagdating na school age na yung mga anak, big problem na talaga.  and since hindi naman pwede "ma-repossess" ang mga anak, parents are stuck with them whether or not they can afford them.  so the eldest, once earning, is forced to take on the remaining "amortization" of the younger siblings

whatswithjuly

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #77 on: February 09, 2011, 02:50:49 am »
i think it's not really the tradition. it's more like hindi ready yung parents magpamilya financially. hindi narerealize ng parents na because of that, kids nila magsusuffer. ikaw na nga yung anak na nagtiis kung ano ang kayang iprovide ng parents tapos nung nagka-work ka na, ikaw pa din magtitiis. :(

iristacey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #78 on: February 09, 2011, 12:15:56 pm »
Tsaka teka, kelan naging tradisyon yan?  Yun nauso ang OFW?

Porket dollar earner, siya na lahat may ako.

Maling maling maling tradisyon.

I will never tell my son to support his siblings, that reneging on my duty as a parent.  His duty naman is to find a good job, be a good person in the future n be responsible for his family.

Diba ganun dapat!
Talagang dapat ganun but for some reasons nga na hindi afford ng parents mo, ikaw na mismo, maaawa ka sa mga kapatid mo. but ako talaga hindi ko bbigyan ng burden anak ko sa ganyang bagay.

ishko

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #79 on: February 09, 2011, 02:28:55 pm »
i don't agree dun sa loan para makapag-aral ang bata, tapos siya magbabayad pag nagkawork na, responsibility ng magulang yun at hindi dapat maging utang ng anak..

hindi lang eldest ang ginagawang bread winner, lahat ng anak na pwede.. i've been there.. nakakapagod, walang natira sa sarili ko, kaya ng magkapamilya na ako, i have to start from zero kasi naipamigay ko na lahat ng pera ko sa kanila.. whew!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close