Back from Camiguin mga sis and the weather is fine. When we arrive in CDO diretso na agad sa Balingoan port (taxi), we arrive 12noon kaya lang wala pa naka sked na ferry so nag antay muna kami. Ang naka sked ng 1pm eh Ocean Jet, mga 30mins lang daw to Camiguin .. pero hindi rin naman nasunod yung departure time nila, nakaalis kami ng 2pm at almost 3pm na nakarating ng Benoni port. Si tatay Junior ang contact namin sa tour at nakaabang na siya sa port pagdating namin. We discuss muna our itinerary then go na sa dapat na "accommodation" namin: Pabua's Cottage
Pabua's Cottage - 2 weeks before our trip, I called mang Poloy, nag pareserve ako ng 2 rooms for 2 pax each. No downpayment required. He confirmed na may available pa and told me to text pagmalapit na scheduled trip namin. When we arrived in CDO airport, nagtext ako agad. Naacknowledge naman nila text ko. and when we arrived in Balingoan, I texted them na delay ang ferry and even asked them if there's available room for 3 pax pa dahil I met somebody in the port and nakachikahan saglit and also looking for place to stay din. Nag reply naman telling me na "meron pa" sa tita daw niya.. hmmm. napaisip ako, parang hindi na si Mang Poloy ang nagrereply sa akin. I replied back, sabi ko "sige, sabihin ko muna sa kanila na may available pa" .. however, hindi ko na muling nakausap yung nagtanong sa akin. Pagdating ng Pabua, sinalubong kami nung petite na girl .. i forgot her name. Hindi ko alam if anak siya ni Mang Poloy or nagwowork lang dun. Gulat ako when she told me na "wala na daw available na room at yung pinareserve ko na room eh nagextend daw ng stay yung bisita nila" ... kaya she offered na meron daw dun sa tita nya, 2 rooms pa. medyo disappointed na ako pero carry lang. Sige sabi ko tingnan muna namin, if okay then dun nalang kami. I even asked her yung sa katabi nila na Paguia baka meron pa .. sabi niya, wala na daw talaga, since am pa daw siya nagtatanong tanong eh talagang wala na daw vacant. If we want baka sa Paras meron pa, kaya lang syempre .. tight budget tsaka overnight lang kami .. clean and decent room okay na sa amin. Ang bahay ng tita nya nasa likod lang so umikot lang ang multicab and we checked the rooms . . pang family siya, if I'm not mistaken 5 beds in one room, may aircon .. hmm. pwede na rin ang rooms kaya lang hindi malinis ang CR, may mga poops pa ng daga. . Haay, sana man lang bago nila pinakita sa amin, nilinis muna nila. So we decided na maghanap nalang ng iba, as in bahala na. So sabi ko sa girl, I'll text nalang if ever makapagdecide kami. Sabi naman niya, text namin siya agad dahil madame daw naghahanap baka maibigay nila sa iba at murang mura daw to. . wala na daw kami makikita na 750 ang rate ng room.
Buti nalang, nung along the way na kami sa Pabua from Port may nakita kami na parang bed and dine, My Hiding Place Bed and Breakfast, immediately pinuntahan namin at chineck ang rooms. There's one family room, 1 room for 2 pax matrimonial bed, and 2 rooms na double beds for 2 pax din. So far, wala pang naka check in dun on that day. According sa receptionist nila, bago lang daw at hindi pa masyado kilala ang place nila. Pasado ang rooms, CR is clean, may aircon, medyo mahal konti ang rate 1100 per room with breakfast na but so much better dun sa inoffer ni Pabua. We try to haggle, they gave in sa 900 pero ala na breakfast yun. Parang solo namin yung place nila, although they have that mini restaurant sa labas. kaya instead na mabadtrip kami ng bongga, life must go on.
pasensya na sis, sa haba ng post ko.. just sharing .. sana di mangyari sa inyo ang ganito.. dahil talagang pagod2 ang byahe tapos ganon pa set-up pagdating ..
thank you very much sa thread na to, sa mga sis na nagbigay ng info. salamat ng madame.
if you have questions, feel free to ask.. in a way baka makatulong din ako based on our experience.