last July 23 kami nag Camiguin, dapat mag Paras sea cat kami pero hindi nag ooperate daw kasi under maintenance, good thing din naman na nag Balingoan port kami kasi 5am kami umalis ng CDO nakarating ng Balingoan 7am, may time pa mag breakfast kasi ang next RORO eh 8:15 ang alis. Ang maganda lang sa experience namin, nakipag cooperate naman ang mga drivers namin hehe! walang palpak sa IT namin

Ang bus sa Agora may tendency na hindi mo mahabol ang gusto mong time sa RORO kasi abala pa sa mga baba-sakay na pasahero... sa labas ng Agora terminal, hanap kayo ng van na nagtatawag dun at iooffer sa inyo 100 PESOS na pamasahe compare sa 150 sa bus. Hindi ka pa maglalakad o mag tricycle papasok sa port. Ganun din sa pauwi, from Balingoan to CDO, may van na din... mas mabilis talaga.
yung kasabay namin na nag stay sa Pabua, hindi nila nagustuhan kasi hindi malinis ang cr, may surprise sa bowl

700 a night. Recommended ko ang Tabada homestay, katapat lang ng Paras. 1200/night with 2 queen size bed, good for 4 na kasi. Para sa akin okay dito, kasi nakatipid kami sa food, pwede kasi magluto, may kitchen sila for guests. Mejo napamahal kasi ang paluto namin sa Sto Nino cold spring, kaya yung hindi namin naubos na food, take out, niluto ulit sa homestay

buti pumayag din yung dispatcher ng boat papunta sa white island, kasi yung 2 friends namin na nasa Pabua isinama namin sa boat, 400 pesos/6 persons, ok na! plus 20 pesos entrance. Kahit pala 5am pa lang nasa tabing dagat na kami, hindi pa rin aalis ang boat papuntang white island. 5:30am dumating ang dispatcher saka hindi pa daw nag aappear ang sand bar, cute!

5:45 am ayun naka alis kami then nagpasundo na lang ulit ng 6:45, bitin nga lang sa swimming sa white island

. Hinahabol kasi namin na dapat 7am paalis na kami going to Benoni port para mahabol ang 8:15 RORO... super ganda naman ng road sa Camiguin, kaya kuhang kuha ng driver namin, kahit 7:30 na kami nakaalis. 8am nasa port na kami, sakto lang sa roro, hindi naman agad aalis din ang roro, nagpupuno pa yata. 8:45 am na umalis eh, 9:45 arrival sa Balingoan port, sakay ng van going to CDO, then taxi to airport, sakto 12nn check in sa airport, success!!!

TIP: laging mag adjust ng malaking oras sa IT para sa byahe, you'll never know the unexpected things that might happen. Yung mga hintayan ng pasahero, masisiraan, traffic, etc... especially, kapag super habol kayo sa oras, then yung plane naman pala eh delayed din, kulet noh!

(sorry, haba ng kwento ko tee hee!!!)