watch now

Author Topic: camiguin island  (Read 120128 times)

adventurousfeet

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #120 on: May 31, 2011, 04:57:06 pm »
sis kung kulang ang oras sa mantigue island pwede ka magsnorkeling sa giant clams.  Sobrang ganda doon, ang lalaki ng table corals at syempre ang giant clams astig!


danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #121 on: May 31, 2011, 05:00:12 pm »
^ tama!;)

redmicki_ea

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #122 on: June 01, 2011, 08:51:55 am »
@ sis adventurousfeet, baka ganun na nga lang ang gawin namin sa clam sanctuary na lang kami magsnorkling, open na kaya sila ng 6AM? hehe! or sa day 1 namin gawin ang snorkling? ganito kasi ang schedule ng dating namin sa camiguin.

day1: around 3PM dating namin sa camiguin mula sa 10am arrival at CDO airport
so 3PM onwards camiguin tour (katibawasan, ardent, sto.niño coldspring, sunken cemetery at clam sanctuary) pasok kaya sa oras namin? baka kasi matagalan kami sa clam sanctuary kasi mukhang snorkling yung mga kasama ko. LOL!

day2: white island, then back to CDO dapat makasakay kami ng boat ng 9AM.
question: e kung dito na lang namin ilagay si clam sanctuary? punta kami white island ng 4.30am-5.30am, tapos 5.30-6am travel sa sanctuary, 6am-8.30am snorkling, 8.30am alis na dun para humabol sa 9am boat ride. what ya tink? kasi magpapasked kami ng river rafting ng hapon sa cdo mga 1PM, special group.

magstay sana kami sa pabua, kapag ganito na lang ang IT.


thanks sis bunso sa contact# ni islet.
« Last Edit: June 01, 2011, 08:53:59 am by redmicki_ea »

danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #123 on: June 01, 2011, 09:29:21 am »
^sis mag RoRo ba kayo from Camiguin to CdeO? Kasi ang sked ng seacat from Camiguin to CdeO is 4PM lang. Check mo dito.

Kung magRoRo kayo, hindi na kayo aabot sa rafting ng 1PM. From Balingonan Port to CDO halos 6 hrs ang biyahe. O.o

Ito suggest kong iti.

(Thu)Oct 6: 3PM-9PM : Camiguin Tour
(Fri)Oct 7: 6AM-8AM: White Island
          9AM-11AM : Giant Clams
          11AM-4PM : Camiguin to CdeO
          4PM : CheckIn
          8PM : Night Cafe
(Sat) Oct 8: 6AM - 1PM : Rafting
                  1PM-3PM: Mabilisang bihis and checkout/ Airport

Pwede ding iyong 4PM ng seacat pabalik sa CdeO ang sakyan ninyo. mas marami kayong time sa camiguin sa 2nd day.

redmicki_ea

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #124 on: June 01, 2011, 12:40:06 pm »
@sis danda mag roro lang kami from camiguin to CDO, at 9AM na roro. Para 1pm nasa cdo na kami, pwede pa naman daw kami sa hapon na trip sabi ni ms.brenda, basta ang pinakalate na dating namin is 1PM lang. kapag 2PM kasi malabo na daw makapagrafting kami. Kasi sa oct.8 AM ang target sked namin is river treking, kaya pinipilit ko pagkasyahin yung time namin sa 2nd day na makapag rafting ng hapon.

@sis bunso, nakatext ko na yung sa islet, bat ganun reply niya eto sabi niya sa text "depende sa cuarto-matagal pa ang date-madali lang yan-tnx" parang na-off naman ako sa reply niya porket matagal pa ayaw sumagot. sabi ko sa text ko sa kanya, "kelangan po kasi maisama sa budget, hinde po ba kayo nagpapareserve?" text niya sa akin "3T, 12pax" sabi ko na lang sa reply ko "ok.tnx." hinde na ako nagtanong pa para kasi hinde siya accommodating.

bunso

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #125 on: June 01, 2011, 01:01:01 pm »
^ hehe ganun ba sis. Baka ganun lang talaga sila. Nung tumawag ako sa kanila dati, isang tanong isang sagot lang. Siguro hindi sila sanay mag-handle ng inquiries, kasi maliit na resort lang yun. Actually hindi ko nga nakita yung place, kasi nung tinuro nung driver namin, hindi namin makita parang, mga bahay lang tingin ko! LOL Yung Algens, nakapag-tanong ka? Yung J&A near port yun, try mo rin.

danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #126 on: June 01, 2011, 01:08:45 pm »
sis redmicki_ea - susunduin ba kayo ng van from Balingonan Port c/o Miss Brenda? Kasi kami from airport-balingonan port, mahigit 2 hrs ang biyahe namin. From airport to starting point sa rafting mga 30mins din iyon. Agahan ninyo na lang sis sa port para 9am sure na nakasakay na kayo sa ferry. ;)

adventurousfeet

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #127 on: June 01, 2011, 01:11:01 pm »
@redmicki_ea

sis feeling ko kulang oras para sa mga to katibawasan, ardent, sto.niño coldspring, sunken cemetery at clam sanctuary kung 3pm arrival nyo sa camiguin, medyo malayo din ang katibawasan, at im sure either cold spring or sa hotsprng mageenjoy na agad kayo. 3pm arrival ninyo, mga 30minutes pa bago makarating sa pabua cottages. Ardent hotspring pwede nyo siguro gawin yun sa gabi. 

suggest lang, baka pwede na kayo magrafting on first day for 1pm schedule. Tapos second day, dapat 4-430am (solid na maaga bawal late hehe) van na kayo papuntang balingoan port, 6am papunta na kayong camiguin. tipong 7am nasa camiguin na. giant clams: 8-9am snorkeling, 10am onwards katibawasan, ardent, cold spring, sunken at white island. 

ano bang plans nyo na gawin sa 3rd day nyo? kasi pwede rin naman 2nd and 3rd day ilaan nyo for camiguin tour.  if mag camiguin kayo ng 2nd and 3rd day, di kayo masyado ngarag kahit via Paras sea cat nalang sakyan nyo on 2nd day.



Gusto kong malibot ang Pilipinas....
http://adventurousfeet.blogspot.com

« Last Edit: June 01, 2011, 01:31:49 pm by adventurousfeet »

danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #128 on: June 01, 2011, 01:14:20 pm »
^ plan nilang mag Mapawa Trek sa 3rd day. Dapat mabilisan lang sila sa isang lugar para mapuntahan lahat.

redmicki_ea

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #129 on: June 01, 2011, 04:36:36 pm »
hahaha, nakakaloka yung IT kasi, yung piso fare kasi namin wala na akong makita ng oct.9 kaya naging oct.8 ang balik ng manila, anyways, kung rafting ang 1st day, at camiguin ang 2nd day, tingin ko keri, mamimiss out lang namin ang white island, and baka ang gawin namin balikan lang sa camiguin, tipong mga 7am-6pm lang kami sa camiguin, then sa cdo lahat ng stay namin. actually, ang priority ng group is snorkling, river rafting at river trekking, kaya yung IT ko dapat macover namin lahat yan 3. in 3days namin sa mindanao, gagawin namin lahat yan, kaya madalian at paguran mode talaga kami. hehe!

adventurousfeet

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #130 on: June 01, 2011, 05:21:49 pm »
kung mayron pala kayong priority iyon na talaga gawin nyo :)   

day 1 rafting in the afternoon
day 2 camiguin (super aga dapat! kaya suggest ko eh yung roro sa balingoan) basta unahin nyo na ang giant clams sanctuary tapos pag may time pa pwede ka pa magtry ng ibang mabibisita dun. orasan nyo nalang tapos balik agad sa port pauwi ng cdo. Kapag paras seacat sa cdo port, 1030am arrival doon, bahala na kayo magmanage ng time, pagpunta doon sa sanctuary mag alot kayo ng 30mins-1hr, basta snorkeling is 1 hr.  Importante naman eh nagawa ninyo gusto ninyo
day 3 mapawa trekking until 2pm, mabilisang preparation / to airport


Sana makabalik din ako, gusto ko din mag mapawa kahit takot ako sa heights hehe.



Gusto kong malibot ang Pilipinas...
http://adventursoufeet.blogspot.com

danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #131 on: June 01, 2011, 06:13:42 pm »
sis redmicki_ea- check mo ang map ng camiguin, nishare yan sken ni sis lakwatsa noong gumagawa akong iti. ;)

redmicki_ea

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #132 on: June 02, 2011, 08:59:58 am »
thanks sis danda and sis adventurousfeet, one event per day na lang kami sa 3 priority namin, rafting sa oct.6, snorkling sa oct.7, at river trekking sa oct.8. Kung ano na lang yung mapupuntahan namin sa camiguin yun na lang, basta ang gusto namin yung katibawasan, ardent, sunken cemetery, sto.niño cold spring, tapos bonus na lang kung makakapunta pa kami sa soda spring or sa mga ruins. hehe! 5am daw earliest trip ng roro papuntang camiguin, so mga 3am alis na kami sa inn tapos van papuntang balingoan, para umabot sa 5am na roro. Tapos sa hapon roro na lang ulit, 5pm naman yung late na biyahe ng roro from camiguin papuntang CDO. so more or less mga 9PM kami dadating ng cdo. at kinabukasan, river trekking na, paguran mode ito! hahaha! pwede ba kayo magsuggest ng tamang IT sa camiguin like ano uunahin, tingin ko kasi ganito mangyayare sa IT namin:

3am-5am cdo-balingoan
5am-6am balingoan to benoni
6am-8am clam sanctuary
8am-9.30am travel at stay sa katibawasan falls (30-45mins drive daw yun from benoni)
9.30am-11.00am travel at stay sa sto.niño cold spring
11.00am-12.00pm travel at stay sa sunken cemetery
12.00pm-1.00pm lunch (san ba pwede maglunch?)
1.00pm-3.00pm ardent (hinde kaya maluto ang mga balat namin dahil tanghaling tapat nasa hotspring kami?)
3.00pm-4.00pm vacant, or kung gusto na umuwe mag seacat kami.

any comments? siguro yata dapat yung 8-9.30am ardent kami para hinde kami maluto sa hotspring, hahahaha!

danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #133 on: June 02, 2011, 09:20:37 am »
sis redmicki_ea - may contact na ba kayo sa Camiguin Tour? Pwede kasing siya na ang mag isip kung ano ang mga possible ninyong mapuntahan after Giant Clams. Basta sabihin lang ninyo kung hanggang anong oras lang kayo. ;)

Magkakalapit lang ang Sunken Cemetery, Old Church Ruin saka Walkway. Pwede na ninyo silang madaanan para kahit picture lang. Hehe!

jaded1025

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #134 on: June 02, 2011, 12:47:52 pm »
^^ hi sis! Eto naging iti namin before.

Mga 7am start ng tour.
-walkway to old volcano
-sunken cemetery
-ruins
-soda pool
-cold spring (dito kami naglunch)
-clam sanctuary
-ostrich
-katibawasan falls
-ardent hot spring

Dapat kasi mindful ka sa time at like us na mahilig magpicture, pagdating picture na. Ikot-ikot and after 20minutes alis na.

Mahilig din kami magswim-swim kaya we stayed mga 30mins sa soda pool, mga 1 1/2 hrs sa cold spring kasi naglunch pa and more than and hour sa clam sanctuary kasi nag glass bottom boat pa kami. Sa ruins and walkway 10minutes lang ata kami.

Mas priority kasi namin magswim-swim.

Next day mga 6am alis na for jump off point ng mantigue. Basta mga 12:30 umalis na kami ng Mantigue. Sa bahay ng bangkero namin kami naligo and nagbihis.then bili ng pasalubong ang mga 2pm naghihintay na kami ng paras sea cat.

redmicki_ea

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #135 on: June 02, 2011, 05:34:10 pm »
sis jaded1025 anung oras kayo natapos sa 7am tour ninyo? same day kasi sasakay na kami ng paras sea cat pabalik ng cdo. thanks!

jaded1025

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #136 on: June 03, 2011, 09:16:11 pm »
^Mga 5pm or 5:30 sis.

milktea1010

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #137 on: June 08, 2011, 12:22:02 pm »
TO GO OR NOT TO GO?

kasya kaya P5,000 budget for two sa camiguin? (3d/2n)
including transit to and from cdo, accommodation, meals, island tour.
goal is just to relax and unwind.

e kung magbohol nalang kaya?
di ba pwede magbohol from cdo?
cdo kasi [textspeak!] flight na nabook ko, last year booking pa to eh.

adventurousfeet

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #138 on: June 09, 2011, 11:01:25 pm »
tama si sis danda, mas maganda na may contact na kayo para wala na kayo problema sabihin niyo lang priority nyong puntahan. alam na ng mga tourguide/drivers pagkakasunud sunud depende kung saan kayo galing.

@milktea1010
kung 5k budget mo, kaya naman (basta may airfare ka na) kaya yan kung camiguin lang talaga kayo.  Kung 2 kayo, pwede din kayo magrent ng motorsiklo, uso din tutal 2 lang kayo cheaper way to explore camiguin.

danda

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #139 on: June 10, 2011, 08:41:58 am »
^oo tama! Iyong katabi namin sa accommodation sa Pabua, 2 lang sila. Nagrent lang sila ng motor. ;) Dapat lang may mapa ka saka huwag magpapagabi sa daan, walang mga street lights sa Camiguin eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close