mga sis hay...
dami ko kamalasan ng yari sa camiguin-cdo-bukinon trip namin.

march 2 610 flight namin 1st time to ride cebupac, wow! on time 540 boarding na. Few minute take off na.. nagtataka ako bakit up above ang tagal makalayo ng plane laguna lake pa rin yung view ko siguro 10mins pa ng UTURN yung plane naisip ko ang luwag na sa taas bakit mag uturn? tapos ayun may announcement balik naia technical problem daw siyempre nag hintay pa kame palit airplane pa 930 a kame na karating CDO.. di ko na aabutan yung paras seacat balingoan na yung way namin.
pag open ko ng cellphone sa cdo tinawagan ko kuya frank para na hindi kame umabot sa 830 seacat..
kuya frank "mam kasabay niyo ba si jana?"
me: ha sinong jana?
kuya frank:wala mam
me:kuya may kasabay ba kame sa tour?
frank:wala po mam
me: sige kuya inform na lang kita kung nsa balingoan na kame
1230 last to board kame dun sa ferry going benoni
tumawag si kuya frank
frank: mam may tour pa po ako di pa po tapos si teteng na lang po muna ngaun mag guide sa inyo ngaun araw. baukas na alng pa tayo magkita
me: ok
* wala na ako choice sige oo na lang kase pagod na and gutom
2pm nameet ko si kuya teteng
sabi ko lunch muna kme sa J&A niya kmae dinala malapit lang
sa J&A yung shrimp order namin lumana na..kase nakadikit na yung balat sa laman.. akala namin fresh..
after lunch eto na ulit si kuya teteng tinanong ko kuya pano lakad natin hapon na.. ardent hotspring daw muna nagulat ako kase galing kami sa biyahe gusto niya swimming kagad.. sorry girls nainiwala kase ako sa pasma hehe pero sige go with the flow pero sabi ko kuya want ko sunset sa sunken cemetery ha.. sige daw basta may araw lalabas maulap kase nun.
on the way pala BBC check in muna tapos palit damit
katibawasan fall (picture taking lang) 1st tour tapos ardent hot spring
puro amazing race kame kase want ko nga yung sunset
before kame mag ardent sabi ko kuya ilan minutes dito yung sunken 15mins daw. Mabilis lang kame magswimming 5-530 tapos na kame.. kuya sa sunken na tayo.. sagot ba naman sa akin mam wala po kuryente dun madilim na.. eh maliwag pa kaya..badtrip talaga ipipilit pa niya sa white island na lang daw ako mag sunset.. ayoko nga kase sunrise dun.. umuwi na alng kame sa BBC to rest.
gusto pa niya next morning pag pickup niya sa amin ng 530 check out na rin kame.. ang mahal kaya sa BBC tapos aalis na kame kagad..
March 3 ginawa ko next morning sunrise white island tapos sabi ko kay kuya balik tayo dito after..wala siya magawa hehe dito ko na meet si kuya frank pero malamang nsa tour din siya at nasa white beach na kaya naghihintay lang siya dun
10am start na ulit ng tour
1. vjandep
2.walk way tinapos namin to kahit hingal na hehe
3. sunken - di naman pala need ng kuryente dito hmph
4. church ruins
5. soda pool - swimming kame ulit 30 mins lang
* sabi ni kuya teteng mam pupunta paba kayo sa cold spring? pareho lang po kase sila nyan ng soda malamig din.
me: oo kuya punta tayo last naman na un.
(tama ba un? pigilan niya puntahan yung mga tourist spots eh dapat nga ipromote pa niya.)
6. cold spring picture taking lang.
3pm nasa port na kame wala palang paras sea pag thursday going cdo (malas talaga) sa inis ko di ko na binigyan ng tip si kuya teteng. pati si frank di ko tinext.
415 daw yung ferry balingoan port.. pero na cancel sira daw yung ferry naka schedule ng 415.. next trip 530.. wala kame choice maghintay talaga. 9pm na kame nakarating cdo check in sa mallberry.
march 4 zipline-delmonte clubhouse
taxi kame going terminal commute lang kame kase 2 lang kame ni hubby sa tour na to.. maghabal habal na lang sana kame going zipline. pero si kuya levi(taxi driver) ng offer 1200 daw rate niya sige go na para diretso and makauwi ng maaga.
eto malas naman yung rough road going zipline dinadaanan nun time na un nag grider kaya yung daan super putik, mabato, nahirap dumaan yung taxi kaya si kuya tinabi muna sa isang kanto.
kuya levi: mam lakad na lang tayo
me: ha? eh 3kilometers pa po nakalagay dun sa last signboard
kuya levi: malapit na po mam
* sige lakad no choice again.. as in hingal talaga ako pakyat yung daan.. 10am un ang init talaga.. shawl lang na manipis dala ko kaya ulo ko lang may takip yung nose ko tuloy may sunburn ngaun hehe saka hirap pa ako mag lakad kasi tinapos nga namin yung walk way sa camiguin. Pagdating zipline sa tindahan ako ng tubig dumiretso hehe
pabalik ng taxi ng habal-habal na kame 30php each kaya 90php din un binayad ko.. un habal2x may ibang daan dinaanan may parallel street na other way papunta sa zipline si kuya levi di alam pede naman pala dumaan kase di maputik! sinabi ko tlaga kay kuya may iba pa lang daan naglakad pa tayo kuya..sobrang pagod ko tulog ako sa taxi gang clubhouse di ko na picture yung big pineapple hehe
mabait naman si kuya levi inabutan lang talaga kame nagaayos ng kalsada that time.. siya din ng hatid sa amin sa airport kanina.. ok kase rate niya kahit kontrata
*may number ako ni kuya PM niyo lang ako kung want niyo makuha
> sorry kung mahaba medyo bad experience lang nagyari sa amin atleast nakauwi pa kame ni hubby ng buhay.. hehe