watch now

Author Topic: camiguin island  (Read 119661 times)

design21

  • Guest
camiguin island
« on: October 19, 2010, 11:43:02 am »
anyone who can share their experience with this place? like how to get there and how much it will cost? thanks!

riandrew

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #1 on: February 14, 2011, 02:09:04 pm »

katiztic

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #2 on: February 14, 2011, 06:18:33 pm »
I'm set to go climb Mt. Hibok and then tour camiguin in july! yey! excited nako!

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #3 on: February 21, 2011, 09:40:59 pm »
mga sis, ayoko na irecommend si kuya frank. ang mahal nya mag presyo! di pa naman ako mahilig tumawad. imagine 2300 yun rate nya sa whole day na tour!
ang alam ko 1500 yun standard pero yun iba binibigay ng 1200-1300. pero yun kanya 2300? sobra naman and to think naging client na nya ko dati. haay. i'm looking for a new tour guide sa camiguin. :(


riandrew

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #4 on: February 22, 2011, 02:05:37 am »
^ uy sorry ngayon ko lang nakita text mo (lagnat mode ako buong araw)

tama, hanap ka nalang new driver dun. :D

riandrew

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #5 on: February 22, 2011, 02:08:45 am »
^ regarding 1 whole day sa Camiguin

hindi sulit pero imposible kasing 1 whole day lang.
ok from port, derecho na tour? o sino susundo sa inyo dun?
di ba 5:30am nagsstart ang white island, tapos tour hanggang gabi sa hot spring for example. so next day, sino ulit maghahatid sa inyo pabalik ng port?

di ko alam bakit moko tinatanong eh ikaw expert jan sa cdo-camiguin  ;D

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #6 on: February 22, 2011, 09:29:03 am »
^awww naku pagaling ka sis :(

yun naisip ko e 1 day na tour lang para 1500 lang ang damage hehe. tapos yun kinabukasana naman e white island na lang ang gagawin. iba naman contact sa white island tour so ok lang. then pahatid na lang sa port via multicab. siguro naman mga 300 lang damage nun if ever. kaya overall damage is 1800 lang. kesa naman sa 2-days tour which is 2500. sayang din yun 700 di ba hehe.

may nabasa ako sa kabila, 1 day tour lang sila pero 8:30am sila dumating kasi. e ako plan ko mag seacat para di mastress ang mga bagets kaya malamang 11am na makakastart ang tour pag ganun. mukhang kelangan ko talaga ng 2 days tour pag nagkataon. huhu. ang gastos! sagot ko pa naman lahat kaya nagiisip ako kung pano male-lessen kahit pano. :(

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #7 on: February 22, 2011, 03:19:11 pm »
natry ko na kontakin yun 3 sikat na tour guides sa camiguin. eto mga rates na sinabi sa kin kapag 1 day na tour lang then pahatid kinabukasan from accom to benoni:

frank - 2300 (i assume na hatid kinabukasan yun included). di ko pa natry tawaran yan.

junior - 1500 yun tour plus 350 yun pahatid. pero nun tinanong ko kung sure bang mapupuntahan yun mga nasa listahan ko ng 1 day lang (katibawasan, giant clam, sto nino, soda, ruins, sunken, walkway, vjandep, ardent) at kung may discount ba kasi yun kakong nagrecommend sa kanya e 8:30am-10pm nga ang tour (kami 11am na e) tapos 1300 lang ang singil nya. ang naging reply lang sa kin --> "ang giant clams mayroon additional 150". ano daw? toinks!

chris - sinabi ko na agad na 3 lang kami at tinanong ko kung magkano 1 day na tour at pahatid. 2k daw. tapos nitry ko itanong magkano ba pag day tour lang. (kasi technically 1500 at 350 lang ang rates e di ba. so mahal yun 2k na turing nya). sagot sa kin 1850 na lang daw parehong tour at pahatid. hehe. so parang di ka rin naka discount. niloloko lang yata ako nitong si chris e. :(

so far yan ang aking updates. wala pa rin akong nakukuhang tour guide sa camiguin. huhu :(

meandmyhoney

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #8 on: February 22, 2011, 04:54:53 pm »
im going to camiguin this may 9-12, kaya hanap hanap ng promo. buti n lang may kakilala ako,  :)

riandrew

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #9 on: February 23, 2011, 01:37:22 am »
^^
go ka na kay junior. malayo yung giant clams., liblib na lugar yan. ok lang yung add 350.

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #10 on: February 23, 2011, 09:10:54 am »
^di ko pa alam sis. kasi yun nitour nya sa kabila e same lang ng mga gusto kong puntahan (maliban sa soda) pero may kasama naman silang mantigue at saka yun giant clams andun din sa list. tapos 1300 lang ang singil nya. this feb lang din yun ha. :(

riandrew

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #11 on: February 23, 2011, 11:10:40 am »
kakaiba talaga mga guides/drivers jan sa camiguin no? hindi gaya ng sa ibang tourist destinations - ang dali maghanap.. jan pahirapan kung sino matino..

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #12 on: February 23, 2011, 01:35:23 pm »
^oo nga e. ok nga sana si kuya frank kaso lang na-turn off ako sa taas ng quote nya sa kin.

nagtanong ako 2 days na tour. eto rate nila:
chris - 2500. pinaalis ko J&A pero pina add ko yun philvocs. ang problema, di daw sya available kasi may ibang guest na daw sya kaya sa kapatid na lang daw nya kung ok lang sa kin.
junior - 3k

natanong ko din pala si kuya poloy. yun contact sa Pabua's cottages, kung meron syang recommended sa tours. 1500 din daw yun 1 day tour tapos 350 yun pahatid sa benoni. ang di ko lang sure e kung sino yun contact nya na yun.


Update: tinawagan ako ni tatay junior. (o ha, sya pa tumawag sa kin,  hehe.) tinatanong kung ok daw ba ko sa 3k. sabi ko yun sa kabilang nakontak ko e 2500 lang so baka yun na lang kako kunin ko. tapos sabi nya kung iparehas daw nya presyo. tapos sabi ko kung sya ba magttour. sabi nya oo daw. ok sige.

sabi ko pa, nalito kasi ako sa kanya dahil pag 1 day may additional 150 pa sa giant clams. sabi nya pag daw 1 day na tour lang, nagpapa add talaga sila pag kasama pa yun.

tapos sabi ko sa spots na pupuntahan kasama kako yun philvocs at vjandep. ok daw sa kanya. so ayun. kay tatay junior na ko.  ;D
« Last Edit: February 23, 2011, 03:27:14 pm by lakwatsa »

riandrew

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #13 on: February 24, 2011, 03:26:30 am »
^ haha tamaah! maganda talaga usap sa phone para makapagnegotiate ng maayos.

go na kay tatay junior! basta sya mismo magdrive. mahirap yung ipapasa sa iba..

jaded1025

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #14 on: February 24, 2011, 04:19:58 am »
^ samin sis 1500/whole da tour + 300 para sa giant clams. 7:30 am kami na nagstart, at mga 6pm kami natapos. Hanapin ko lang number ng naging guide namin.

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #15 on: February 24, 2011, 08:53:16 am »
^^hehe medyo mahirap din sya intindihin. yun accent kasi. haha! palagi ko pinapaulit yun sinasabi nya o di kaya mahaba lagi ang patlang ko kasi ina-assess ko pa kung ano yun sinabi nya :D

pero ayun mabuti naman at nagvolunteer syang iparehas yun rate. buti na lang di pa ko nagconfirm kay chris dahil di sya yun magttour. hehe.

bunso

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #16 on: February 24, 2011, 05:16:31 pm »
hi mga sis, share ko lang experience ko sa Camiguin. We stayed at Paguia's Cottage. Wala available na room for two kaya, big room binigay samin, pero 800 nalang pinabayad samin. hehe Sa kanila rin kami nag rent ng bangka to White Island. Nagse-serve rin sila ng breakfast, 120/person. We had dinner sa Paras which is just in front of Paguia. Ok ang food nila, masarap at affordable naman. Sa totoo lang, hindi naman ganun kaganda (for me lang huh) ang Camiguin. Well, maganda naman sya, pero considering yung pag travel, parang not worth it. Tapos sobrang nakaka-stress pa yung mga  porter! Kaloka talaga. Haaayy :(

Si Kuya Rey nag tour samin, pero actually si kuya Chris contact ko, pinasa nya lang kami. Pero ni-ask nya muna ko kung ok lang, kasi may tanggap kasi sya on the same date. 1500 nga bigay nya plus 350 na hatid. Ok naman si kuya Rey. Tahimik lang. Sakin kasi ok lang na hindi masyado ma-chika. hehe Siguro ok na talaga yung 1500 kasi ang malalayo yung distance ng mga tourist spots dun, tapos may part pa na mahirap ang daan.

Sayang lang hindi kami nakapunta ng Mantigue, kasi supposedly sa Islet Beach Resort kami mag-stay para from there sakay na kami bangka to Mantigue, kaso nakita namin yung place, natakot kami. heheh Two girls lang kasi kami eh. Pero ok na rin kasi umulan naman the next day so hindi talaga kami makakpunta ng Mantigue.


lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #17 on: February 24, 2011, 07:46:05 pm »
ako naman iniisip ko kung pupunta pa ba kami ng Mantigue. mag eenjoy kaya nanay at tatay ko dun?  :o di pa rin kasi ako nakapunta dun kaya no idea ako. hehe

bunso

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #18 on: February 24, 2011, 08:43:15 pm »
hehe mahilig ba sila sa beach?? Ako gusto ko talaga magpunta dun eh, mahilig kasi ko mag snorkling. Kaso ang hirap puntahan, dapat marami kang oras sa camiguin at walang hinahabol na flight. Yung tipong one whole day talaga para dun lang. Malayo yung jump off point sa mga resort/cottages. Dun palang siguro mga more than an hour ang kelangan, tapos yung boat ride pa, mga another one hour yata yun balikan. Ang suggestion naman samin nung driver namin, from Mantigue derecho port na kami magpahatid sa bangka, kaso ang hirap naman nun dala namin yung gamit namin lahat.

Sis, why sa CDO mo dadalin parents mo? hehe la lang, baka d sila mag-enjoy. hehe

lakwatsa

  • Guest
Re: camiguin island
« Reply #19 on: February 25, 2011, 08:51:42 am »
^ah so matagal yun boat ride pa-mantigue?? hmmm..pass na nga lang siguro kami dun hehe.

haha! e kasi sis nun nag 10-10-10 promo ang cebpac dapat talaga e PPS ng january yun ibobook ko. e pagdating sa payment biglang may nakauna nang makakuha ng seats kaya ayun. e inisa isa ko na lahat ng dates wala na ibang pwede for PPS. tapos naisip ko sige try ko CDO para camiguin. mahilig kasi sila sa lansones e. tapos ganun din. etong march na lang yun available. sabi ko bahala na kahit wala nang lansones at least makapasyal na lang sila. hehe.

pero ngayon parang ang highlight ng trip namin e hindi camiguin kundi Bukidnon dahil sakto kami sa kaamulan festival! :D

525.60 lang yun tiket naming tatlo on go-lite. not bad di ba. mas mahal pa yun terminal fee na babayaran hehe.

iniisip ko nga kung magpapa reinstate ako ng baggage allowance. ano ba pwedeng maiuwi aside sa pastel? lansones lang yun naiisip kong icheck in e kaso wala nang lansones ngayon e. ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close