watch now

Author Topic: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines  (Read 102406 times)

kikay iska

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #180 on: March 26, 2011, 12:40:28 pm »
^ hahaha mga galang orbs!

^^ yup, what about yung sa Misteryo? ito ba yung sa Q dati? :)

shegothim

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #181 on: March 26, 2011, 12:44:08 pm »
nasa channel 7 na ang misteryo. mula nung nalipat sa 7 di ko na masyadong napapanood. kinilabutan ako dun sa epi nila with jen rosendahl. nasa capones lighthouse sila tapos may nagparamdam/nagparinig na entity. may narinig kasi sa audio na parang may hinihilang kadena. isa palang kinilabutan ako dun sa epi ng group of mountaineers na may nagpaparamdam at sinapian sa group.

Juricks

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #182 on: May 15, 2011, 02:42:44 pm »
mga sis, check this out - Most Haunted Places in the Philippines  ;)

wala na ata yung link..
Eto sa baguio.  Di ko na lang siguro bbanggitin yung lugar kung saan kami nagstay.  Planned talaga yung pagpunta namin sa baguio pero akala namin konti lang ang tao.  Kaso that time e laging namo-move yung holidays.  Ayun, long weekend pala kaya ang hirap humanap ng accomodation.  Yung isang napuntahan namin e ang bakanteng unit lang nila e nsa dulo pa talaga.  Ako mabigat ang pakiramdam ko sa place pero yung kasama ko e nakita kong gusto niya kaya nag-agree na lang ako.  We rented the unit then nagyaya na akong lumabas kasi sumasakit na ulo ko.  Paglabas namin, may mga kalmot ako sa braso na di ko alam kung saan nanggaling.  Nung gabi na, yung kasama ko may nakita daw siyang sumisilip na ulo sa bintana tapos sa second floor e grabe yung mga kalabog na parang binubuhat yung furniture tapos binabagsak ulit.  Ayun, knaumagahan, hanap agad kami ng ibang hotel/unit/inn and lumipat na kami.

9eisha

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #183 on: May 28, 2011, 11:23:49 pm »
baguio
intramuros

jaded1025

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #184 on: May 29, 2011, 11:04:25 am »
Nung nagpunta kaming siquijor, sa trike pa lang tinanong na kami ng driver kung may gusto kami ipakulam or ipagayuma. Haha! Di naman scary talaga, pero yun affirmation na its really really true and ganun kagarapal ang pag offer eh natakot talaga kami. 2 girls kasi kami at baka mabiktima kami. Haha! Paranoid!

adventurousfeet

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #185 on: May 31, 2011, 05:33:03 pm »
i'd go for corregidor. grabe creepy talaga ang mga storage room parang hungkang ang feeling makita mo lang. kakatakot din ang hospital doon, kasi binomba ng japan, marami ding namatay doon noong panahon ni marcos. pang ghost hunting nga yata doon

17arci

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #186 on: June 02, 2011, 04:53:18 pm »
Caleruega is a beautiful and relaxing place kaso pag gabi iba na. 2 consecutive years kami pumunta dun para sa retreat nung HS.

Nung 3rd year HS parang isa lang yung weird experience kasi nag-ghost hunting pa kami nun pero wala naman kaming nakita. Sa girls' dorm room lang. Basta umalis kaming lahat nun for a snack ata or lunch, shempre wala naman mag-iiwan ng bukas na gripo nun. Pagbalik namin may naririnig na kami na gripong bukas. Sino naman magbubukas nun diba?

Nung 4th year HS ayan na. Napag-tripan kasi namin na mag-stay dun sa open area near the church. Buong klase yun. Open forum daw kasi. So ayun nakapabilog kami, yung iba nagyoyosi kaya nasa may gilid. Maya-maya umiyak na lang yung nasa tapat ko na classmate ko at nagtakip ng mata. Malayo sha more than 5ft away from me. Di sha nagkekwento hanggang nung umaga, tapos nalaman na lang namin from her friend na nung gabi daw kasi, sa likod nila may nakita daw sya na matandang babae na nakabaro't saya na black & white. Tapos dun naman daw sa likod namin may batang kumakaway sa kanya.

Tapos nung time naman na naglalakad-lakad lang kami ng mga kabarkada ko nun sa labas, bigla na lang yung isang friend ko nangulit na bumalik na daw kami sa dorm. Yun pala may nakita shang puting figure na nakatayo somewhere.

Yun namang isang friend ko from another section, sa may gazekubo sila malapit sa dorm ng boys. Sa gilid nun bangin na, tapos ayun may nakita daw sha lalake na nakaputi, nakatingin sa kanya tapos nangiti pa.

Sa dorm naman daw ng boys, nung time na nakatambay lang sila at nakasara yung pinto, tanghaling-tapat, biglang may tumakbong bata na parang galing sa labas. Na-shock lang daw sila. Hehe.

FOURever

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #187 on: June 02, 2011, 06:01:36 pm »
pasali mga sis.. BR lang ako. Hehe

Kwento ko lang. Sa teacher's camp ang dami nga dyan. Nung dun kami nagstay for ymca, may part dun na pag nadadaanan namin, ang bigat sa pakiramdam.. Once, wala ako sa room, andun ako sa activity area namin.. Mga friends ko pati kapatid ko nasa room namin.. Bigla daw may narinig silang naglakad then nagsalita. Akala nila ako.. Buksan ko daw pinto. Pag bukas nila, wala.. Pagsara nila ng pinto, may kumatok! Kinwento nila pagdating ko. Eh sabi ko di naman ako dumaan o kumatok kasi nasa activity area ako at nakikinig sa nagseseminar.. Scary!
« Last Edit: June 02, 2011, 06:06:51 pm by FOURever »

Leven

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #188 on: September 19, 2012, 08:47:39 pm »
^ baka naman yon din yong Atlantis na sinasabi nong nag-claim na nakakarating siya sa Atlantis, guest dati nila Mel & Joey.

Napanood ko ito sis..Yung Atlantis daw e dito lang somewhere sa Pilipinas. Hindi nalang niya sasabihin pero kung kukunin ng National Geographic or Discovery Channel yung mga detalye baka sabihin daw niya.

kaisha

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #189 on: September 21, 2012, 12:14:09 am »
Baguio, kilalalang kilala..there are a lot of ghost stories there..kahit mga transient houses dun meron..:-)

indigo.tulle

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #190 on: September 21, 2012, 02:44:38 pm »
http://img.photobucket.com/albums/v670/real_9721/dntknow.jpg

can someone please identify the captured thing in this photo. i'm still a student of this school that time when this was taken. i'm shocked lang kasi wala akong nakikitang student even foreign students that tall. never seen this person.

fyi.. madaming paranormal na din akong na experience in this place..

could be engkanto.  :) 

ravena

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #191 on: September 21, 2012, 04:26:48 pm »
^- tagal na niyan. hehe. sa Philippine Women's University ko yan nakunan iniisip ko baka may napadaan lang na estudyante pero wala akong nakitang tao na ganyan katangkad until my last stay there. Once lang naman ako nakaexperience ng paranormal diyan sa school ko kahit tanghali madilim na sa loob ng mga corridors, nakakatakot mag CR mag-isa sa 2nd floor up to the highest floor. Wala pa naman akong naranasanan ng pagpapakita ano lang, malakas na pag bukas ng pintuan, oo pero once lang. Gulat yung mga college students inside the room nagtinginan kami.

could be engkanto.  :) 

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #192 on: October 24, 2012, 11:16:36 am »
Naku marami-rami :P hahaha. I am not the one who sees it pero yung mga kasama ko during the trip.

Here are my list:

Corregidor Island - Me and my hubby went here for an Adventure challenge. Since we are both sporty and mahilig sa adventure super game kami. Ayun my hubby saw a US soldier na ang outfit eh nung WW2 pa na duguan sa may Red Cross Hospital Ruins. Tapos dun sa Duck Walk tunnel meron parang chamber na kasya daw yung 10 people, paglingon nya, he saw several Japanese soldiers na naka-huddle tapos ang gloomy daw ng mukha. Di nya makalimutan kasi super vivid. Take note we did the tour in broad daylight pa yan.

Balay Negrense in Talisay, Negros - As usual hindi ako ang nakakakita kundi yung mga companions ko. My friend and hubby were exploring the second floor area of the house. Nung sinilip nila yung isang room, bigla sila parehas tinayuan ng hairs. My hubby, sumakit ng bongga yung ulo nya kasi nakita nya is matandang babae na sinauna yung dress and malakas yung energy. Yung friend ko naman sumakit yung katawan after sumilip sa room. Dalawa sila nagsabi na meron nga nakatira dun sa ancestral house.

In Iloilo - I brought my hubby dun sa farm malapit sa bahay ng relatives namin. Sunset na kaya pagbalik namin eh medyo madilim na yung way pauwi. My hubby saw several farmers na nakapila na naglalakad na may tali daw yung mga kamay. I haven't told my husband that the area used to be killing fields ng mga Japanese during WW2. My lolo was the one who told the story about the area so super kinilabutan si hubby. :P

Antique (di ko na sasabihin kung san :P) - first time ko naka encounter ng tiktik. Naririnig mo na malapit lang yung creature kasi iba yung alulung ng mga aso ng kapitbahay. Tapos maririnig mo talaga yung sound nung tiktik. Scary lang kasi first hand experience. :P

billy

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #193 on: October 24, 2012, 02:20:57 pm »
^sis, may 3rd eye ang husband mo? Inay, kakatakot

Sa HOT TV, madalas din ang pagfeature sa mga haunted houses (2 sa Laguna), saka yung may aswang (sa Bulacan naman)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #194 on: October 24, 2012, 03:00:19 pm »
^ yes sis. Nung una nga ayaw nya pa sabihin sakin baka daw ma-weirduhan ako pero madalas talaga sya pakitaan kahit nga sa office nya eh :P puro scary encounters talaga. :(

prettychestnut

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #195 on: October 24, 2012, 05:25:22 pm »
dito sa pnb h.o. madami.

hinayaan ko nalang kasi gusto nila mag-ingay ng  mag-ingay.

mga batang naglalaro lol

preciosa

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #196 on: February 16, 2013, 04:45:53 pm »
Hi mga sis i know matagal na hindi na update ang thread na ito matagal na kasi akong sobrang curious dun sa abandoned mansion  na malapit sa baclaran and airport road... Sobrang kaunti lang nabasa ko tungkol sa mansion na yun... Kasi kahit noon pa bata ako palagi ko ito tinititigan mula sa bintana ng bus ang ganda ganda kasi ng structure at design ng bahay lalo na yung paligid ng bahay... Hindi ako nakaramdam ng takot until nabasa ko na ang rumor daw may vampire daw na nakatira doon? At binabahayan daw ng demonyo ang mansion na yun kaya kahit mababa ang bakod wala daw nagtatangkang pumasok... Ang sabi pa sa blog na nabasa ko ang name daw ng original owner ng mansion ay si Don Adolfo Garcia panahon pa ng kastila at karamihan sa angkan niya na murder ng panahon ng hapon... Matagal na daw binibenta ang property na ito pero kapag may nagtatangkang bumisita nadidisgrasha na daw sa byahe palang... Ganun pa man gusto ko pa din pumunta dito hindi mawala sa isip ko yung bahay... Sana may makapagkwento pa tungkol sa mansion na ito...

shegothim

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #197 on: February 19, 2013, 09:36:53 am »
lagi kong nadadaanan ang mansion na yan. ayaw ko ngang tumingin doon pag gabi na kasi ang creepy talaga. ngayon ko lang nalaman na may kwento pala tungkol dito. anong blog mo iyon nakita sis?

klengmorales

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #198 on: February 19, 2013, 09:57:03 am »
If you're from pasig.. alam niu siguro yung Colegio del Buen Consejo (CBC) na school especially dun sa may cr. yung sa ground floor cr dati nung nag cr ako mag isa.. iba na talaga pakiramdam ko... hindi ako naka experience pero ang balita is biglang may nag fflush ng toilet at namamatay ang ilaw... at sobrang lamig sa loob ng cr :(. pati yung mga rebulto ng mga santo sa hallway at malapit sa stairs parang buhay

Meron pa dati sa libran house sa rufino cor.legaspi st. nag cr ako dun biglang may tumawa na batang babae. I just found out from an office mate na may bata talaga sa 2nd floor nun.

preciosa

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #199 on: February 19, 2013, 12:27:28 pm »
Sis Shegothim nagtype lang ako sa google ng kung ano mga possible keywords na tugma dun sa mansion, tapos iisang blog lang yung nahanao ko, at kahit yung blogger bitin na bitin din sa details na nakuha niya about it... Basta sa pagkakatanda ko ang pangalan nung mansion is Don Adolfo Garcia's beach house since yung tapat niya hindi bat malaking dagat pa iyon noon...? Grabe talagang nagagandahan ako dun, last feb 15 nga madaling araw papunta kami sucat, pagbaba namin sa coastal niyayaya ko si hubby daanan namin yung mansion ahahaha takot ang mokong bakit daw gustong gusto ko mga ganung bagay... May pagka artist at heart din kasi ako kaya siguro ganon imbis na matakot sa mga abandoned mansion amaze na amaze pa ako... Sana talaga may makapagkwento naman jan...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close