watch now

Author Topic: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines  (Read 102513 times)

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #100 on: October 31, 2010, 01:09:51 pm »
^ I'm from the south at madalas kami dumadaan ng Susana Hts. We never experienced any creepy encounters pero masukal yung part near the SLEX toll. And yes pag di ka familiar sa daan sa Susana Hts ang diretso mo eh dun sa sementeryo.

happy halloween mga sis :)

momimadz

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #101 on: October 31, 2010, 01:51:38 pm »
Is Mount Banahaw near Mount Cristobal (Devil's Mountain) doon ba yun?

yes sis..alter ego nga daw po ng Banahaw ang Cristobal, Banahaw has the positive energy while Cristobal has the negative force.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #102 on: October 31, 2010, 01:55:01 pm »

hairt mini

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #103 on: October 31, 2010, 04:23:32 pm »
Pa share din: About Teachers camp in baguio

Year 2005 nag punta kami ng mga classmates ko dito for vacation. We opted to stay at Teachers Camp for two reasons.
1. Mura sya :)
2. para mag ghost hunting :))

On our first night wala naman kaming naramdaman or siguro kasi super tired kami sa byahe.

2nd night eto na, 2 rooms ang kinuha namin - boys and girls. dun sa room ng boys may naririning kaming kumakatok sa wall (dun ako nakahiga malapit sa wall). So we thought na tinatakot kami ng mga boys. So ang ginawa ko kinatok ko rin yung wall. Then lalong lumakas yung katok galing sa kabila. So yung isang friend ko pumunta na sa room ng boys para pagsabihan sila but to her surprise lahat ng boys nasa kabilang side as in siksikan sila sa may corner at super takot na takot sila kasi daw may nakita yung isang classmate namin na bata na kumakatok sa wall.. :o

Time for check-out na - sabi sa amin nung caretaker basta pag pa alsi na kayo wag na kayong lilingon.
Then eto na check-out na kami. Im one of those na huling lumabas ng room. Nung nila-lock na nung isang classmate namin yung door bigla syang sumigaw ng "wait hintayin nyo ko" so syempre lingunan naman kami and ayun pag lingon namin may girl na naka white nakatayo sa tabi nya at kumakaway sa amin..takbuhin kami pababa :)) sa sobrang takot instaed na kumain muna sa buffet eh deretcho na kami sa van at piangmadali namin si manong driver na umiinom pa ng kape :))

silverlilac

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #104 on: October 31, 2010, 09:38:51 pm »
^you got what you aimed for sis - ghost hunting! yun nga lang, parang kayo ang na-hunt (or haunt?) ng mga multo  :P

k_heart

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #105 on: November 01, 2010, 10:57:19 pm »
baguio city and  subic for ghost hunting. nung student pa sa pma yung hubby ko, ghost hunting ang pampalipas oras namin ng mga friends ko habang waiting ako dun sa hubby ko na bf kompa lang nun.
sobrang daming places sa baguio na hunted.

beautywhite

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #106 on: November 02, 2010, 12:36:59 am »

 True,my cousin went there ( Baguio) for a road show and as their group travels,marami ka daw maririnig na umuungol ,maingay sa daan,sa paligid kahit wala silang nakikita na mga tao.

k_heart

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #107 on: November 02, 2010, 11:55:49 am »
Tama ka sis, kalsada pa ang ng Baguio City, haunted na. Then sinasabi nila na sumasama pa raw sometimes sa vehicle yung mga spirits.

freeswan

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #108 on: November 02, 2010, 02:15:02 pm »
ito naman sa vigan. i forgot the name of the place. actually it's a house. sikat to sa vigan coz this is where famous celebrity slept like tom cruise ba yun, piolo pascual, etc...

high school pa sila nun. magbabarkada sila nagbakasyon sila dun sa vigan. tapos nung pauwi na sila, nagpicture picture sa garden na may lumang kalesa, upuan, etc... yung isang friend niya na babae nakaupo sa lumang kahoy na seat naka dekwatrong pambabae. siyempe old school camera so tuloy tuloy lang ang picture. nung nadevelop na yung film, ayun na, may putol kamay na nakapatong sa legs ng kaibigan nila. i even saw the picture. super creepy!

kinwento ito ni hubby nung bago pa lang kami nag bf-gf. tapos 2 years ago nagroadtrip sila ng mga relatives niya from australia to north up until pagudpod. sinama nila ako pero d ko alam yung itinerary kasi nakisabay lang naman ako. tapos nagulat kami that his ate told us we'll spend our first night in vigan. tapos tinginan kami kasi naalala namin yung kwento niya. we were crossing our fingers that we'll stay in a new hotel. guess what, we were so shocked to see the old house. si hubby parang nagdalawang isip na pumasok ng house. then we told ate about the picture. hayun, in pairs kami lagi. we booked the two huge dorm rooms. hiwalay yung boys and girls. sa awa ng diyos, wala naman nagparamdam sa amin pero i think i only had 3 pictures in that house. eh relatives ni hubby mahilig sa picture picture. bahala sila diyan.

ms.rain

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #109 on: November 04, 2010, 12:38:42 am »
^naku sis!!! may ganung kwento rin akong narinig. tapos when we checked out the places na pwedeng mag overnight dun... hala, etong si BF ayaw ng mga old houses. LOL. yung isang inn na sinuggest namin, aba... ang katabi ay either pagawaan ng kabaong or funeral parlor. we saw lots and lots of caskets inside! we just chose the hotel there na kakabukas lang last year i think? kahit na masmahal sya. modern na yung loob nya but the 'structure' ng pagka-vigan houses, andun pa rin. :D i just forgot the name now... :D

shegothim

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #110 on: November 04, 2010, 06:50:41 am »
freeswan, villa angela iyan noh? nung nagtour kami doon iyon ang sinabi ng caretaker na dun nagstay si tom cruise. creepy nga iyong place.

my share:

sa spirits disco may nakita rin ako, pero di iyong direktang tingin sa gilid lang ng mata ko, may nakita akong lalaking nakabarong sa may hagdan na malapit sa pwesto namin.

ms. independent

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #111 on: November 04, 2010, 07:05:39 am »
^ ironic naman nung name ng disco tapos meron something dun.. lol

freeswan

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #112 on: November 04, 2010, 03:41:05 pm »
^^ sis, i think that's the place. basta ang alam ko villa something siya.

taos yung calle crisologo, it's dark pala. kasi sa vigan maagang nagsasara yung mga stores or houses. at 6pm, we came from Max's tapos pauwi na sa old house, we should pass by calle crisologo. sobrang dilim na, the only light they have is the lamp post na super old na and yellowish light na super mahina. grabe, grupo talaga kami naglalakad dun kasi the houses were really old and baka may magpakita pa sa amin sa mga bintana sa taas. kaya ayoko ng bumalik sa vigan.
« Last Edit: November 04, 2010, 03:43:21 pm by freeswan »

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #113 on: November 04, 2010, 03:50:46 pm »
meron din akong something scary na naexperience dyan sa Caleruega. Retreat din namin dun noon nung college and shempre, sa girls dorm kami...

yun babaeng prof namin na chaperone namin, of course she stays din dun sa same dorm with us... hindi sya nagkkwento, pahapyaw lang na pagdasal nyo na lang sila etc...

anyway, parang hati yun dorm dun.. left side puro beds, aisle, tapos right side na puro beds... left side lang yun occupied namin kasi hindi ganun kalaki yun group.. yun right side, sarado ang ilaw at madilim... pero kelangan mo dumaan dun to get to the showers/toilets

anyway, late one night natapos yun parang discussion sa retreat so pagod lahat.. tulog agad karamihan except two girls.. punta sila dun sa right side sa dulong dulo para magusap... habang naguusap sila, bigla na lang daw talaga may narinig silang nagsasalita. Eh tulog na nga lahat saka ang layo layo nila samin! Grabe takbo talaga sila samin talaga nagkataon kasi kami yun first bed sa left side, nanginginig sila sa takot grabe! Tulog na ko nun naramdaman ko na lang may biglang tumalon sa kama ko ;D

pati ako nanginig, yun rosaryo ko na nasa ilalim ng unan ko, naku talagang kinuha ko agad!

iba talaga feeling dun sa dorm na yun.. ako kasi sobrang insensitive when it comes to paranormal. Pero dun, naku first day palang, first night, takot na takot na ko. Pinagdikit dikit nga namin beds namin nun (double decks pa yun a) sa sobrang takot namin on the first night!

phurple0515

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #114 on: November 04, 2010, 03:54:40 pm »
^ yup, i think we had the same dorm, UST ka rin ba sis?  grabe di ba, iba pakiramdam sa dorm, parang lumang hospital.  katakot nga din magpunta sa toilet e.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #115 on: November 04, 2010, 03:56:23 pm »
^yup UST rin ako :)

iba talaga feeling dun sa dorm na yun.. di na ko babalik dun ng gabi! Katakot!

phurple0515

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #116 on: November 04, 2010, 03:59:05 pm »
^ oo nga.  pero alam mo kahit umaga katakot, hehe. kasi umaga yon, before the breakfast, me pinakuha sa amin sa dorm, ako ata huling bumaba, yong feeling mo merong nakatingin sa yo sa hallway ng toilet.  or kahit nasa dorm ka mismo.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #117 on: November 04, 2010, 04:17:41 pm »
hala, I always liked Calaruega pa naman and I wanted to try sana a solo retreat there. Sa umaga nalang me pupunta. In fairness napaka-peaceful tingnan nung place

jakks

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #118 on: November 05, 2010, 09:30:00 pm »
nag check ako sa google ng villa angela sa vigan grabe sobrang creepy naman nung lugar! pictures pa lang nakakatakot na. lalo na yung mga rooms parang yung nakikita mo sa horror movies.hehe

Meron kami napuntahan sa Bulacan. Nakalimutan ko na yung name ng hotel. Near Meycauyan lang yun.  May 3 days event kasi kami dun. so lahat naka check in sa hotel.  Actually resort hotel sya.  Gabi na kami dumating dun sa resort kase nga galing pa kami sa event. Marami kami magkaka ofc mates. 3 sasakyan yata kami. Pagdating namin sa resort ang lakas lakas ng hangin. medyo maulan. pero iba talaga yung hampas ng mga puno. tapos ang dilim ng daan. in between sa rooms and swimming pool may old house. malaki sya. na abandoned. walang ilaw. and to think nasa gitna sya ng resort. Kahit na ang dami namin composed of male and female. lahat kami takot. 
Yung ibang taga manila lang uuwi na lang daw sila kesa matulog dun. so yung 1 kotche umuwi nalang. 2 sakay. siguro nasa 12 kaming naiwan most of us are from south.  Nag decide kami na lumipat nalang ng hotel. kase kahit yung room nya nakakatakot. maulan nun tapos gabi na. di kami sure kung may tatanggap pa samin sa dami namin. so half of the group decided to look for another hotel while others wait dun sa haunted resort na yun.
Sabi ng isang resort na natanungan namin san daw kami naka check in sagot namin dun sa villa something.. sabi nya.. "ah kilala ko may ari nun kumpare ko.. kawawa nga pamilya nun. minasaccre sila dun sa bahay nila mismo." "ang duda namin yung care taker.." sagot namin may malaking bahay dun sa gitna.. sagot ng kausap namin "dun ang bahay ng may ari" waaahh! hindi na kami naghanap ng hotel binalikan namin yung mga naiwan namin na mga kasamahan dun at nag check out kami sabay sabay. binawi pa namin yung down payment ng ofc namin. hehe

parang na karma naman kami walang hotel ang tumanggap samin. Papatulan na sana namin motel kase pagod na kami talaga sa maghapon na event namin pero nung pumasok kami motel di namin kinaya may mga nag aantay na babae sa labas.hehe may matandang dalaga pa naman kami kasama!haha!
Buti nalang may nakapag turo samin ng isa pang resort na maayos..
« Last Edit: November 05, 2010, 09:35:20 pm by jakks »

maristela

  • Guest
Re: Scary/Haunted/Eerie places in the Philippines
« Reply #119 on: November 07, 2010, 03:53:10 am »
agree sa caleruega may  something eerie.

one time nag papicture  kami sa may bridge, were using a  camera stand and  timer namin. pero  tuwing titignan  namin  yung result laging blurred naka ilang try na kmi ganun pa din pero pag  friend  ko na ang  kukuha malinaw  na.

and  sa dorm din nag caleruega kwento ng ka-opismate ko dati
onetime  retreat sila 2 or 3  nalang silang gising nun (although bawal ang cp pag retreat naipuslit pa din nila) then  yun  yung ginawa  nilang player while naguusap nung gabi na nga. tapos suddenly nag stop yung music na  naka  play.. then nung chineck nila kung  bakit   nag  stop... May nagsalita sa  mismong  phone "hello?hello??"  para daw naka loud speak.. after few  seconds nag play ulit yung  music!  :o

sobrang  kinalibutan ako habang kinukwento sakin yun.  ;)
« Last Edit: November 07, 2010, 04:03:07 am by maristela »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close