watch now

Author Topic: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9  (Read 127622 times)

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #320 on: October 27, 2011, 07:56:41 am »
sis cari may mga bus na deretso na ng pagudpud. kung thursday night kayo aalis dito friday morning nasa pagudpud na kayo. pwedeng deretsong tour na kayo nyan. then laoag tour at ihuli ang vigan. pwedeng from pagudpud dun na kayo magrent ng van para sa tour.

a.k.a. HELGA

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #321 on: October 27, 2011, 04:39:01 pm »

Excited na ako for my trip here next week.. :)

Question mga sis, oks lang kaya kung di ako makapag advance booking sa Florida Bus, ang hirap kontakin nang mga nos. :(

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #322 on: October 27, 2011, 06:06:59 pm »
dapat sis makapag-advance booking ka or kung di talaga kaya agahan nyo na lang pumunta sa florida bus terminal.

a.k.a. HELGA

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #323 on: October 27, 2011, 06:15:59 pm »

^ thanks sis shegothim, if di talaga ako makakapag advance booking then talagang maaga na nga lang sa terminal. No choice.
     By the way, Nakapagpa booked na ako kina Mang Arnel and Ate Cathy.Super daling kausap! :)


purpleish

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #324 on: October 27, 2011, 11:47:55 pm »
sis southpaw ...so mainly mas more kayo sa Pagudpud side? for swimming, mabato kasi sa Saud sis, mas ok pa sa Blue Lagoon kayo swim, kaso kung accomodation mas ok sa Saud kasi sa Blue ang mahal 2x tapos ang liit ng room, hindi practical...walang masyadong kainan sa Pagudpud...mas ok pa mag paluto na lang kayo sis, kay Ate Cathy pra mas tipid =) and pag sa Tour, paluto na den kay ate cathy para picnic 2x ang dating...nung time kasi namen sis swinerte kame ni hub at nakalibre ng lunch kasi may occassion dun sa kasamang driver ni Mang Arnel...yes sis mas majority sa Vigan...

LOL ;D natawa naman ako dun sissy... kasi kakambal na ng travel ang pag lafang =) ay oo yung Pasuquin Bakery, sinadya den namen yan since on the way naman siya sa byahe namen going to Laoag...nabasa ko nun na kilalang biscocho sila, kaya bili kame ni hub, masarap den yung malambot na tinapay nila...nakalimutan kuna yung tawag...for sure pag ask mo sila sis recommend naman nila yun...

yes sis masarap ang pinakbet pizza sa Herencia, best seller nila sa menu yun ;) kung iccompare naten ang pizza sa Herencia at sa Cafe Leona ng Vigan..i'll go for Herencia, sarap den ng pasta nila...pag nag Laoag Tour na kayo nila Mang Arnel suggest niyo dun na lang kayo mag lunch =)

sana ma-try niyo den ang Empanada ng Batac at Vigan to compare =) hehe... pag Ilocos kasi Empanada, Okoy at Bagnet ang pumapasok sa utak ko... i miss eating sa plaza lalo na pag pahapon na sa Vigan...lalo na samahan mo pa sis ng Suka nila, the best =) for me, yung sa Batac kasi, medyo dry siya, unlike sa Vigan crispy siya kainan and light, sarap ng mga veggies...also sa vigan sarap den mamili ng mga pasalubong, like the Longanissa (pabili kana lang sis kay Joren, staff siya dun, and mabait pa) and meron pa nasabi nun si sis shegothim na bilihan sa terminal bus (hala nakalimutan kuna yun), basta must buy na pasalabong sa vigan....

sis a.k.a. HELGA ...mabait si Mang Arnel, thumbs up ako diyan ;)


southpaw

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #325 on: October 28, 2011, 02:02:00 am »
^sis, so pwede ako magsabi kay Ate Cathy beforehand na bukod sa breakfast baka pwede iluto nya kame ng pambaon? Mga 10 pm na siguro dating namin sa homestay nya kasi 7:30pm un arrival time ng cebupac sa Laoag, tapos derecho na kina Ate Cathy. So wala na kami time mamalengke ng pangbreakfast and baon. Sabihan ko na lang sya beforehand.

Sige sis, i'll inform Kuya Arnel kung saan yun mga gusto namin kainan.
Si Joren sis is staff sa Grandpa's ba?

Thanks for all the tips, sis! :)

whatswithjuly

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #326 on: October 28, 2011, 03:15:29 am »
san pa ba recommended nyo na homestay sa pagudpud? naghahanap kasi ko mga pic sa internet. wala ko makita. recommended kasi si ate cathy pero 1k/night kasi. gusto ko cheaper pa dun hehe. :D

a.k.a. HELGA

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #327 on: October 28, 2011, 05:57:52 am »

sis purpleish, thanks sa mga posts ninyo dito, nakilala ko si Mang Arnel, one less worry for my solo trip. Big Thanks!

purpleish

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #328 on: October 28, 2011, 03:04:54 pm »
sis southpaw ...pwede naman yun sis, bait naman siya ;) kasi kame nun bago kame dumating ng Saud, nag sabi na ako kay Ate Cathy na paluto kame for dinner, tapos sinabi niya na lang magkano lahat na gastos ang charge niya =) so meron mag susundo sa inyo sa airport sis? kasi wala na kayong masasakyan na bus pag ganun time... yes si Joren staff siya sa Granpa's Inn, wala akong masabi diyan mabait den, siya yung ka kuntyaba ko nung nag pa set up ako ng surprise flowers and cake kay hubby nun nung 8th yr anniversary namen.. i'll look for his #... sya na den nag set ng tour namen for Vigan, ang kinuha niya samen si Kuya Nor, (haayyzz kalimutan ko check ko sis yung IT ko) basta one of the best tour guides dun... P150/charge nila per house sa kalesa ride, galing niya pa mag bigay ng mga info's... welcome sissy :D

sis whatswithjuly ...sis sa area ng saud meron pa den ibang mga home stay dun, hndi nga lang na sesearch sa internet...if you like pag dating niyo dun canvass 2x muna kayo...maliit lang naman ang Saud to check other places to stay...nag mahal na pala sila Ate Cathy, kame kasi nun P800... sa Jun & Carol, kung saan kame nag stay ni hub for 2nd day ang rate nila is 1K, sarili den naman ang room/cr/aircon and tv...sa room can fit up 3pax siguro...and lalo na may free wifi kaya dun kame sa Jun & Carol, mas advisable if couples ang mag sstay...pero kung madamihan mas tipid na kayna Ate Cathy...

sis a.k.a. HELGA ...nothing to worry sis ;) tyaka nakakatuwa kay Mang Arnel may instant photographer ka pa =) hehe...

southpaw

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #329 on: October 28, 2011, 06:51:00 pm »
^sis, inavail na namin yun airport pick up/drop off and P-L-V tour lahat courtesy of Kuya Arnel na para walang hassle. Kasama kasi mom ko, para wag naman sya mapagod.

bleudskymd

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #330 on: October 29, 2011, 07:46:22 am »
Hey there. I'm psyched to travel to Laoag City later this afternoon for the Undas (& the sightseeing as well). Sana lang lesser congestion sa mga daan compared kahapon. Excited for Pagudpud, Bangui. :)

I just found out that my uncle owns Balay da Blas in Laoag (though I am not surprised because I also have the same family name). Kaya pala people ask me for a discount in that place (which I cannot give.) Hehe!

Pinakbet pizza, empanada, bibingka, here I come!!!
« Last Edit: October 29, 2011, 07:48:41 am by bleudskymd »

purpleish

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #331 on: October 29, 2011, 09:13:01 am »
^ maganda den ang Laoag sis, lalo na food trip, ka crave ;D punta ka sis sa Batac Empanadahan...isa den ang na miss ko ang mag ikot sa, isa sa mga bahay ni Marcos at ang napakalawak na hardin habang kitang kita mo ang tubig sa dagat ;) at nakita kuna ren ang parang body niya dun naka-salamin, hindi ba parang wax un??...wow naman bongelz, kay uncle pala yun hehe...

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #332 on: October 29, 2011, 09:50:57 am »
sis purpleish, paoay lake ata ang tinutukoy mo na malapit sa bahay ni marcos?

purpleish

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #333 on: October 29, 2011, 11:21:18 am »
sis shegothim ....ayun tama nga yun sis jen, sis ano nga pala yung recommend mo na must try na pasalubong na meron bilihan sa terminal ng Vigan, sayang den yun hindi ko na bili dame kasi namen bitbit and yung name ng suka =)

oo nga pala mga sis, must buy den na bilhin sa Vigan is yung kumot nila...magaan at malambot pa, maganda pang travel ;)

whatswithjuly

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #334 on: October 29, 2011, 12:52:59 pm »
magkano kaya tryk tour to paoay? TIA.

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #335 on: October 29, 2011, 01:08:43 pm »
marsha's royal bibingka ba iyon sis purpleish?

a.k.a. HELGA

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #336 on: October 29, 2011, 01:44:30 pm »

^favorite ko ang bibingka :) Pano ba pumunta sa Marsha's?

Super excited na ako sa aking trip sa Ilocos next week!!

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #337 on: October 29, 2011, 01:48:32 pm »
nasa may highway lang ito sis, malapit din sya sa bantay. meron ding marsha's sa partas bus terminal sa vigan.

a.k.a. HELGA

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #338 on: October 29, 2011, 01:56:17 pm »

^ thanks sis. Yun sa may PARTAS terminal na lang ang hanapin ko. Bago ako bumalik pa Manila. Tamang tama for pasalubong. Di kaya ito masisira during long trip sa bus?

rocky

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #339 on: October 29, 2011, 02:15:14 pm »
^ok lang yan sis hindi naman sya madaling masira eh, fave ko yang royal bibingka. :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close