hi mga sis! share ko lang trip namin sa ilocos last july, medyo late na nga lang kasi ang daming nangyari this past few weeks kya medyo busy.
First destination namin is pagudpud, dun ko lang na realize na talaga palang tama ang nabasa ko dito na nakakapagod libutin ang pagudpud! hahah... but worth it naman talaga! grabe, ang sarap bumalik...
PAGUDPUD:
1. Kapurpurawan Rock Formation (relaxing ang view)
2. Cape Bojeador (ang ganda rin ng view sa may terrace at ang lakas ng hangin sa baba ng lighthouse)
3. Bangui Windmills (sobrang laki, nakakatakot ang tunog ng ikot ng elisi)
4. Kabigan Falls (kapagod ang trekking but refreshing ang water sa falls, lisa as our tour guide nakakalibang kasi dami nyang kwento)
5. Patapat viaduct (nakakaamaze ang daan and how they built it, nice view)
6. Agua Grande (di na kami pumasok kasi sabi ni kuya lenzer
[textspeak!] ilog lang naman daw makikita dun at mas masarap daw maligo sa kabigan falls)
7. Paraiso ni Anton/Kalbario Patapat Natural Park (nakakalungkot kasi napabayaan na sya)
8. Timangtang Rock (di na masyadong bell shape kasi nasira na
[textspeak!] ilalim dahil sa alon)
9. Bantay-Abot cave (nakakapagod ang daan at medyo madulas kasi umaambon na)
10. Blue Lagoon (maganda rin ang sand kaso medyo madumi
[textspeak!] shore kasi umuulan that time sa ilocos)
11. Saud Beach (natuwa ako sa buhangin nya, ang lalaki! hahah...)
Si kuya lenzer ang driver/tour guide namin for 1000php + tip for trike kasi ang bait2 ni kuya. sa una tahimik lang sya pero pag inumpisahan mo syang kausapin ang daldal na nya at isa syang gentleman kasi lagi syang nakaalalay lalo na pag mga delikadong daan or madulas. ang galing din nya mag drive parang memorize nya pati bako ng daan sa pagudpud. heheh... ang dami nya ring kwento at natatawa ko kasi umpisa pa lang ng tour sinabi nya na driver lang daw sya at hindi tour guide kaya huag daw mag expect ng pang tour guide na approach pero in fairness to him ang dami nyang alam at kwento. Hinatid pa nya kami sa sakayan ng bus at inantay kaming makasakay.
Thanks sa mga sis natin dito sa mga informative tips and guides esp. to sis rocky, sis shegothim, sis riandrew na talagang todo sagot sa mga queries and sa mga sis na nagpost din ng experience nila to share sa mga newbie. thanks ng marami talaga...
Next post na lang po ang laoag at vigan tour namin...
