watch now

Author Topic: my future SIL -- problem in the making!!!  (Read 18122 times)

dylanxxvii

  • Guest
my future SIL -- problem in the making!!!
« on: October 06, 2010, 09:47:14 pm »

Hi Girls. I just want to share this and get your advices as well.

I never liked my brother's girlfriend. Now my brother got her pregnant, my parents want them to get married. As his older sister, I cannot bear the thought na siya magiging SIL ko. Napaka social climber niya at ng pamilya nya to the extent na ang lakas nilang laitin family namin. Sympre nasasaktan mom and dad ko hindi lang nila pinapahalata. Here are the incidents:

1. She told my brother na baka raw hindi siya magustuhan ng parents nya dahil mahirap lang raw siya.

2. She asked my brother what's our ulam through text, he said sinigang na hito sa bayabas. Then she said bakit raw kami kumakain nun because their family does not eat hito, dalag, tuyo and tinapa because pagkain raw ng mahirap yun kasi raw galing sa putik raw yung mga isda na yun. since when naging basehan ang fish for your social standing?!

3. Dahil nagpupunta kami sa Pampanga, we always buy the Mekeni hotdogs and embutido, which in our standards ay masarap siya. So my brother bought them some Mekeni hotdog and stuff para food ng gf nya sa house. After 5 days, binalik sa amin ng buo. Hindi raw sila kumakain ng mga hotdog na galing probinsiya. Hindi raw masarap. Purefoods lang raw kinakain nila.

4. Also she expects my brother to pay for all her luho. She wants to go to well known salons, does not want to eat at fastfoods and wants to buy branded clothes but gusto nya bro ko lahat magbayad. And she has the nerve to call my bro na mahirap?

I mean, our family is not what you can consider rich but we have our own house and lot in a good village here in Manila, plus we have other lots na bare pero at least yung title naka pangalan sa amin. Plus 3 kami magkakapatid, lahat kami private from Prep to College. Also, nakakapag travel naman kami for leisure/vacations.

Gusto ko pamukha sa kanila na napaka kapal ng face nila manglait sa kapwa nila. Bakit rich ba sila? Napakalaking NO! Gusto ko ng harapan ipakita ang disgust ko sa kanila pinipigilan lang ako ng Mom and Dad ko dahil kawalan raw ng manners yun. Super bait kasi nila na wala talaga silang sinasabi against sa girl and her family pero alam ko nasaksaktan sila. Ayoko na kami mag coconform sa standards nila para lang ma please sila. Sorry mga sis kung mahaba, hindi na talaga ako makapag timpi sa kanila.

If you have advices on how to handle this situation, lalo na ngayon ikakasal pa sila, please post them. I really don't know how to handle myself with those kind of people.

chiqmom

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #1 on: October 06, 2010, 10:20:07 pm »
ganon talaga, kung sino mga walang K sila pa mayayabang. ang arte nya ha to claim that she's rich but your brother pays for her luho. sis nakapunta ka na ba sa kanila?

quennna

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #2 on: October 06, 2010, 10:40:27 pm »
hehe.. may potential anti-bida sya ha.. (kontrabida)
pasalamat sya.. mabaet kayo kung ako yan.. makakarinig sya nang magandang hirit sa akin... :D

rachelt12

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #3 on: October 07, 2010, 11:55:20 am »
Does she work????  Let her work for her to appreciate the value of money. Its not about the status quo, but the practicality of life (hence luxury being in excess).

The thing about being materialistic (on my assumption that she is), is that, her luho is to pass on to her child....don't think she'd let her child eat "mud food", right?

dona626

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #4 on: October 07, 2010, 01:53:36 pm »
A big attitude problem. Why cant her family be grateful na naalala nyo to give them pasalubong? and isoli pa ha. I think blinded by love ang brother mo. After getting married ba will they live with your parents place? naku, better talk to your brother about it. Mas ok if they will rent on their own, for sure ma wiwindang ang family mo.  Siguro iniisip nya life is a fairy tale, buhay reyna after that. I think wedding preps pa lang there will be a big problem na, She will demand on expensive things, analyzing from your stories. I hope your brother will think twice in tieing the knot with her.

evilwoman

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #5 on: October 07, 2010, 02:05:56 pm »
natawa naman ako sa pagkamatapobre ng sis in law mong hilaw dylanxxvii.. di ba nasabi lang nya yan nung panahong preggy na sya? baka nagwawala ang hormones..  ;D

rhed

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #6 on: October 07, 2010, 03:26:05 pm »
problem in the making nga yan sis  :) paano yan titira sa inyo?

ysa.belle

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #7 on: October 07, 2010, 04:38:02 pm »
problem in the making nga ang SIL mo. bakit pa sila papakasal eh lalaki naman ang sa inyo? pwede nman na acknowledge lang ni bro mo yung baby eh. atribida ang bruh@ng yan ha.

baka kaya ganyan ang ugali niya para isipin ng tao na rich siya? nakapunta ka na nga sa kanila?

why dont you convince your bro and parents na wag nalang silang pakasal since darating yung time na hindi naman ata kayo magkakasundo. or if ever, pre-nup nalang.

lam mo sis baka maging pabigat pa ang family ng girl sa family mo. kawawa bro mo.

dylanxxvii

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #8 on: October 07, 2010, 08:34:35 pm »

Thank you po sa mga response ninyo!

Here's my answers to your questions:

1. Hindi pa ako nakakapunta sa kanila. From what I know and my bro said, they don't have a house here in Manila. Instead the gf (may work siya as a CC agent) and her 2 jobless siblings, rent a studio type apartment. I don't know if they have their own house sa province where her parents are based.

2. Yes titira siya sa amin kapag mga 5 months na siya. Kasi naman the apartment they're renting is in the 4th floor of a building, eh wala naman pala elevator yung building nila. Sympre mahirap sa mga preggy na araw araw panik panaog ng 4 flights of stairs.

3. lagi po sila nagpapaluto at nagpapa market sa amin kasi nga wala atang mga buto para kumilos sila na magkakapatid. hinahatid pa ng brother ko sa kanila yung cooked food na. kami na nga nagluto at namalangke sa kanila, puro nega pa naririnig ko instead of thank you, kesyo kulang raw, bakit raw maasim kasi ayaw raw nila ng ganung lasa, bakit raw walang ganitong sahog, etc etc!

sa una pa lang talaga, na fefeel ko na kontrabida na siya. mabigat na loob ko sa kanya. kung ako lang talaga, i don't want her to move in with us and i don't even want them to get married. sabi nga ng mom ko, feeling nya aalilain siya ng babaeng yun! kaya i feel obligated na ako na maging spokesperson ng parents ko against them. kasi kung sila lang, they will follow tradition na pakasal sila and hindi nila papatulan ang kagaspangan ng ugali ng kabilang side. ayoko na kapag kasal na sila saka lang pag uusapan ang mga ganitong issue. ngayon pa lang dapat malaman na nila na hindi uubra ganyang ugali sa amin.

hisana

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #9 on: October 07, 2010, 09:07:58 pm »

What made your brother fall in love with a girl like that? Naiintriga ako!

aquacharly

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #10 on: October 07, 2010, 09:35:08 pm »
What are you gonna do? 

There is always a Choice to everything.
What you cannot control or influence,
that you do not like, and do not have to live with...
         (to quote VERA's post in another thread:)  ignore, ignore, ignore.


young_maiden

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #11 on: October 07, 2010, 09:59:13 pm »
Sis, wala ka ng magagawa kung ikakasal na sila. Maging professional na lang kayo pag nagkikita kayo o kaya huwag mo na lang pansinin.

Isipin mo na lang lahat ng mga pinagsasabi niya tungkol sa family nyo, babalik sa kanya. In short, makakarma din siya. hehe

ysa.belle

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #12 on: October 08, 2010, 08:30:05 am »
sis dylanxxvii, in this day and age, hindi porque nabuntis si babae eh automatic papakasalan siya ni lalaki. normal lang ang single parents sa panahon ngayon and they have naman the same benefits gaya ng mga married women.

IMO, yung girl kaya gusto niyang pakasalan ang kuya mo para makatakas na siya sa responsibilidad niya sa family niya OR para may umako ng responsibilidad niya sa kania. Put it this way, pag kinasal bro mo at yung girl edi part of their family na si bro mo, since nga nabuntis niya si girl baka yung gawin ng family nung girl is paako kay bro mo yung mga certain things or baka everthing. malaking malaki yung possibility na mag-take advantage si girl and her family sa inyo lalo sa bro mo at gagawin nilang way para supportahan ni bro (or ninyo) ang family nila yung bata. kawawa naman yung baby di ba?

IF mahal ni girl si bro, hindi niya tatratuhin ng ganun ang kapatid mo. Kahit paano may delicadeza parin siya na wag paluto or manglait ng luto. Ang kapal.

Sa tingin ko gagamitin lang nila ang pamilya niyo para makatakas sa hirap na dinaranas nila eh.

Naawa ako sa parents mo if susunod sila sa tradition na ganun. MAybe your brother is infatuated with the girl, pero love? Malabo pa yan. Sis, mas mahal pa ang annulment kesa sa kasal. Ang kasal costs only 6-7k sa civil rites at kasali na dun yung reception, pero ang annulment 200k pataas.

What if dumating yung time na hindi pala talaga mahal ni bro yung maldit@ng girl na yan? Edi kawawa kayo.

Advice lang, wag muna pakasal. Suicide yan if ganyan klase ang girl.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #13 on: October 08, 2010, 11:45:21 pm »
Grabe ha... nakaka HB yung girl... kaloka, kabog ang heiress sa drama. Purefoods lang ang kinakain? Teka san lupalop ba sya galing????  ::)

@dylanxxvii, sis from what you said mukhang di naman galing sa mayamang angkan yang SIL to be mo. Feeling mayaman lang. Pwede ba kung gusto nya ng kaartehan at luho pagtrabahuan nya. She wants to go to expensive salons? Aba aba demanding ha... In my book, it is ok to be maluho and magpaka sosyal if you have the resources to do it, pero kung trying hard at ngayon palang eh inaalila na ang kapatid mo that's another story. Minsan nagiging laitera ako pero I can't help but raise my eyebrows on her demands eh wala naman pala silang sariling bahay dito sa Manila eh arteng mayaman. Baka pag sakin yan masabunutan ko pa :P

Pero seriously sis, decided na ba talaga brother mo na pakasalan yang SIL to be mo from hell? Ngayon palang kasi nag ppose na sya sa inyo ng soon to be magiging malaking problema nyo.

gorgeouschef

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #14 on: October 09, 2010, 12:59:17 am »
I agree with lilmissprettydiva, ang born-rich kasi hindi ganyan ang ugali sa totoo lang. Iba ang totoong mayaman sa nag-mamayaman. ThOse who are rich don't really brag, they are the quiet ones pa nga.. Social climber ang pwede itawag dyan. Napacomment tuloy ako sa thread na to, I dont usually post sa family issue thread but these are the type of people I hate the most. So kinukonsinte naman ng brother mo yung mga luho niya??

dylanxxvii

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #15 on: October 09, 2010, 03:50:01 pm »

salamat po ulit sa mga reply. :)

ewan ko ba sa kanya kung ano ba definition nya ng mahirap. sa inis ko, kinuha ko cellphone ng bro ko at binasa ko mag messages nya. si bro kapag napuno na ang capacity saka lang nagbubura ng messages kaya medyo madami rin ako nabasa. eto mga natuklasan ko:

1. si bro ang araw araw na nagpapa load sa kanya.

2. kapag nag aaway sila, gusto nya na bumawi si bro sa kanya by paying for her salon treatments.

3. pinagnanasahan ni gf ang mga damit ko! at inaask pa bro ko kung bagay raw sa kanya mga blouses ko.

4. pinagnanasahan nya nursery ng 3month old baby ko! doon raw nya paalagaan sa amin yung baby dahil complete na raw kami sa gamit, plus may yaya pa. okay lang siya? eh pag nanganak siya, wala pang 1y/o baby ko, need ko pa yung nursery.

akala ko ba mahirap kami? bakit siya nakiki freeload kung ano meron kami? ang labo nya.

naiintriga rin ako kung bakit na in love brother ko sa kanya. siguro sa brother ko mapapatunayan that love is blind. and yes, sunod siya sa pagpapa load at pang lilibre nya sa salon sa gf nya.

hay mag sis, sana hindi kayo makatagpo ng ganitong SIL! sakit sa ulo talaga!

rhed

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #16 on: October 09, 2010, 03:53:04 pm »
ai highblood ako! pati nursery ng baby mo!

naku sis hindi ba sila pwede bumukod?

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #17 on: October 09, 2010, 08:57:54 pm »
wow! mega freeloader pala yang SIL to be mo sis! ito ang masasabi ko sa kanya... HINDI SYA MAYAMAN, MAKAPAL LANG MUKHA NYA!!

pati ba naman gamit mo at gamit ng baby mo pinakikialaman nya... sobra ha... kung mayaman sya she wouldn't squeeze herself in your family. Naku sana mauntog yang kapatid mo dyan sa babae na yan, habang maaga pa idispatsa na nya. Freeloader to the highest level sya!  >:(

saka sis pabukudin nyo sila sa inyo. Kasi for sure magkakagulo kayo sa bahay ngayon palang kontrabida/atribida in the making na yan dyowa ng bro mo.

charnel

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #18 on: October 09, 2010, 10:05:11 pm »
unsolicited advise: mas maganda sa umpisa pa lang bumukod na sila as in kung nasa 4th floor sila hanap sila ng ibang apartment para walang pakikisamahan at kasakitan ng loob.at maiwasan na rin ang inggitan dahil iyan ang magiging ugat ng matinding awayan sa loob ng pamilya..dahil claim nila mayama sila  maigi na yung matuto SIL mo na magbudget etc....

buchi

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #19 on: October 09, 2010, 10:15:31 pm »
nakaka highblood yang SIL mo ha?! medyo makapal na ang mukha niya, well adobe na nga sa tingin ko. lakas manlait ng kapwa niya (pamilya pa ng inasawa niya!) tapos bit bit lang niya pag punta sa inyo eh yung tiyan nyang may bata! hello!!!!
kung ako ikaw baka dinakdakan ko yung brother ko - really really influence him now na hiwalayan na yang bruhilda na yan! haha care ko kung homewrecker akong kapatid... mukhang sa ugali naman niya eh kakawawain lang yung kapatid mo at hindi siya magiging mabuting ina!  sustentuhan nalang siya ng kapatid mo mas mabuti pa...
baka pag lumipat na yan sa house niyo eh jan na rin tumira buong angkan niya at makuba na kuya mo kakatrabaho for them!!! arghhh
bakit may mga ganyang tao... kakainis!!!

sorry sisses... hehe nacarried away ako!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close