Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!  (Read 116359 times)

honey-ecclaire

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #540 on: June 12, 2012, 08:10:21 pm »
MI=Thank you much ma for being nice and taking care of my kiddo nung namasyal sila sa inyo....

SIL1-ever ambisosya at sosyalera,di naman kaya,ako nga itong may trabaho di makabili ng havaianas tapos ikaw etong umaasa sa aswang wala pang minimum ang sweldo napaka-buhay reyna...
even si mama gusto mong mag-share sa gastos sa bahay eh kayo kaya ang nakikitira,...
natatawa na lang ako sa mga luho mo,...

mikhaila_12

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #541 on: June 13, 2012, 03:54:07 pm »
to my MIL: thanks for being nice to me and for making me feel part of the family. pero sana, huwag naman i-asa lahat sa hubby ko.. u have other children naman na single and wala ring work. sana sila nalang gawin mong driver... i love u ma...  :)

guilleanne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #542 on: June 14, 2012, 06:45:31 am »
to bruhang SIL, oh ano ka? ikaw hindi makatingin ng diretso, at umiiwas iwas. Eh wala ka naman maipagmamalaki at maisusumbat sakin. And sasama kasi ng ugali nyo, dapat mag bago naman kayo, kaya kayo hindi nakaka alwan sa buhay kahit lingo lingo pa kayo mag simba dahil sa ugali nyo. Kung makapanira kayo kala nyo mga magagaling na kayong tao. But after everything you have done to me, I sitll helped you nung nangailangan ka, and then pinagkaperahan mo pa ako, pinag damutan mo yung pamangkin mo tapos hindi mo pa sinoli yung gamit ko sabay ayaw mo na magpakita sakin. Natatawa na lang ako sayo nung maka salubong kita grocery at binati kita ikaw tuloy ang nahihiya bumati at nagmamadali. Well, sana lang magbago na kayo masyado nyo kasi sinasamba ang pera.

To the 4 bruhang SIL, buti naman at magkakasundo na kayo kasi magkakapatid kayo dapat magmahalan kayo. tutal parepareho naman kayo ng ugali, kilala nyo lang ako pag may kailangan kayo sa akin tapos sinisiraan nyo ang isat isat dahil hindi kayo napautang. puro back stabber kayo, kung alam nyo lang ang sinasabi nyo tungkol sa isat isa. dibale hindi ko naman pinaparating sa inyo ang sinasabi nyo sa isat isa. Pero sana naman eh magmalasakit kayo sa nanay nyo hindi itong kaming mga manugang na babae lang ang naawa sa nanay nyo.

to MIL. kumakatok ka pa lang sa gate mama eh tinitignan ko na magkano laman ng wallet ko. Bonga ka lumuluwas ka pa mula ng bicol para dalawin ako, pero ok lang sanay na ako saka hindi ko naman pinanghihinayangang tulungan ka. nakakatawa pa na kapit bahay ko lang mga anak mong babae pero ayaw mong pumunta sa kanila. pero ako eh medyo nag dududa sayo ha, baka isa ka ring taksil. may naririnig rinig ako about you pero hindi ko na ginustong alamin kasi ayokong sumama loob ko sayo.


TO my inlaws, ewan ko ba bakit kayong mga babae sa pamilya nyo puros pera pera ang nasa isip, grabe kayo mag away sa pera, mag kwentahan at magdamutan, buti yung mga lalaki sa inyo hindi nakuha yang ugali nyo, kun swelo na lang na may mga BILs akong mababait.

lady_jhade

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #543 on: June 14, 2012, 10:33:18 am »
Ngayon ko lang nalaman kung di pa lasing ang hubby ko no idea ako sa inlaws ko lalo na sa Papa nya.  Hindi ko maintindihan bakit nagtatampo kayo sasabihin nyo sa kanya na may sama kayo ng loob dahil nagpakasal sya agad sa akin.  Ilang taon na ba kaming may relasyon 7 taon mahigit bago nagpakasal tpos ninanais nyo pala na wag magpakasal muna ang anak nyo sa akin.  Alam ko naman kung bakit dahil gusto nyo lahat ng pera ng asawa ko mapunta sa inyo pang sugal nyo, pambili nyo ng kung ano ano at kung ano ano pang ninanais nyo.  Alam ko sanay kayo sa marangyang buhay noon, noon yun nung may business kayo na napunta din sa wala at wala kayong naitabi kahit singko. 

Nung nag aaral ang asawa ko noon di bat napatigil sya dahil walang sumusuporta sa kanya kami ang gumagawa ng paraan.  Nung nagtrabaho sya lahat ng pera nya napupunta sa inyo wala akong sinabi kahit pamasahe, pangbaon nya at pangkain nya ako nagbibigay.  Iniintindi ko sya noon for 6 years wala kayong narinig sa akin.

Last year nung nagpaplano magpakasal na kami around january or february yun parang di pa kayo naniniwala hanggang binigyan kayo ng asawa ng invitation.  Hindi kami humingi ng tulong sa inyo kahit ano kasi ayaw ng asawa ko kayong maabala pa at ano nga naman ba daw ang maitutulong nyo.

Ano ba ang gusto nyo 40 na kami bago kami nagpakasal at may anak na kami hindi ko din kayo maintindihan.  Sabi ng asawa ko kaya kayo nagtatampo dahil wala man lang kayong bagong gamit at kung ano pa man.  Bakit kailangan ng bagong gamit kumpleto naman kayo ng appliances at kapag may bago kayo hinahakot naman ng kapatid nya para dalhin sa bahay nila.  Aba ano pa ba gusto nyo nagbibigay na ang kapatid nya nasa ibang bansa ng pambayad sa upa, panggastos nyo at ang asawa ko naman sa ilaw at tubig.  Bakit asawa ko nakikita ninyo bakit yung panganay ninyo hindi nyo kausapin para matulungan kayo dalawa din sila ng asawa nya ang may trabaho. 

Kumuha kami ng bahay alam ninyo yun kaya wala budgeted lang ang pera namin ngayun pero mukhang di ninyo naiintindihan.  Paano na lang kung magkapamilya na kami. 

May magulang din ako pero hindi sila umaasa sa aming magkakapatid.  Maswerte pa rin ang pamilya namin.  Kayo puro asa hindi mag isip kung pano masusolusyunan yang kakulangan nyo.  May pera gastos dito, sugal doon.  May pensyon ka at ano sinarili mo lang.  Nakuha mo pa mambabae.

Pinakikialaman nyo pa mga binibili namin para sa sarili namin nagpapakahirap kami magtrabaho para mabili at makuha namin nais namin yun.  Di kami nanghihingi ng pera.  Puro pera na lang ba.

Alam ko na nais nyo na dyan kami tumira sa inyo para san para kami na lahat gagastos at makontrol nyo asawa ko manigas kayo.  Pasalamat kayo at mabait ang mama nya. 



caprice

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #544 on: June 15, 2012, 09:12:19 am »
Thank you, Daddy, sa pagbayad sa 1 month supply ng water ni baby. Sabi ni hubby, pinag-drive mo pa daw sya. Hehe, parang baligtad? Nakuuu, di bale po, sigurado matutuwa kayo sa tshirt ni baby. Excited na akong makita nyo. :) Ingat po sa mga out of town nyo para lang magpicture-picture. Kinakabahan si hubby at MIL sa pag-drive nyo.  :(

bettyboop1322

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #545 on: June 15, 2012, 09:30:03 am »
^it's nice to see positive post here... inggit ako sayo sis...  ;D [textspeak!] past away 7 years ago, sya lang ang ok sa ILs ko... grabe din magmahal sa panganay ko but the rest... hmmp! Kung sino pa yung mabait sya pa ang unang kinuha... :(

Advance Father's Day Dida!  :)

caprice

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #546 on: June 15, 2012, 11:15:03 am »
^ oo, swerte ako sa ILs ko sis. hindi sila yung perfect ILs pero kung may kapintasan man sila, insignificant na ang mga yun. :) mamaya gagawan ko naman ng entry si MIL para d magselos. hehe, as if mababasa nila ito. ;D

Sis, sinong wala na? Si DIL? sayang naman, di sya naabutan ni bunso. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close