Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!  (Read 116749 times)

angelita

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #100 on: April 15, 2011, 03:51:57 pm »
To my parents-in-law,

Sana multuhin nyo ang anak nyo ng matauhan...Joke lang po...Pakiguide po ang anak nyo kahit in spirit lang kasi talagang suko na ko...seriously para po hindi nya ulitin ang mga pagkakamali nyo nung kayo'y buhay pa.

Salamat, wag nyo mo po akong mumultuhin...

Love you po,

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #101 on: April 15, 2011, 07:01:24 pm »
MIL: Susmaryosep! Ano daw? uuwi ka ngayong gabi dito?? ::) ::) Oh no!!!!

^kaye^

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #102 on: April 18, 2011, 11:05:19 am »
Dear MIL,

Bakit naman napaaga ang pagpunta niyo dito? Ang unang sabi mo sa Wednesday night ka darating. Tapos kahapon ng umaga sabi mo Tuesday ka darating. Tapos kagabi biglang sabi mo ngayong umaga ka darating ::) Friday pa naman ang dating ng mga kasama niyong magbabakasyon dito. Sana hindi ka masyadong atat.

kettlekorn28

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #103 on: April 18, 2011, 11:33:29 am »
MIL; sige, kunsintihin nyo pa ang magaling ninyong bunsoTIL. parehong=pareho kayo. gusto nyo ng maginhawang buhay pero ayaw nyo kumilos. pare=pareho kayong umaasa kay tita na nasa abroad. alam nyo naman tinamaan ng kamalasan ang bansang kinalalagyan nya, tapos eto kayo reklamo ng reklamo na kesyo di pa nagpapadala. hay...kung pwede lang mamili ng in-laws.

SIL: you suck big time! yun lang!

^kaye^

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #104 on: April 19, 2011, 02:09:34 pm »
Sh*t naman o, ang usapan Friday pa yung dating ninyong lahat, tapos magugulat na lang ako kasi mamayang gabi na yung dating niyo.

Father in Law - sana hindi ka na sing dugyot. Alam niyo namang galing kayo sa mahaba at mainit na byahe, sana man lang ay magshower kayo ng konti bago ninyo tanggalin ang t-shirt niyo at humiga sa aking sofa.

MIL - huwag pakialaman ang plano naming magrenovate.  Pati yung balcony at master's bedroom pinag-iinitan niyo. i will listen, pero hinding-hindi ko gagawin mga sinasuggest mo.

In-Laws: Sana narerealize niyo na kapag nasa bahay namin kayo, madalas kaming mag-away ng asawa ko. Bawas-bawasan niyo naman ang pagdadalaw.
« Last Edit: April 19, 2011, 05:40:41 pm by ^kaye^ »

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #105 on: April 19, 2011, 02:38:35 pm »
MIL: Huwag parating huh ng huh pag nag-uusap ang mga tao, kasi hindi sa lahat ng pagkakataon kasama ka sa usapan. Yun lang  ::)

ysa.belle

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #106 on: April 19, 2011, 02:59:38 pm »
SIL, lahat nalang lagi mong inaasa kay hubby. May sarili ka ng buhay... Live it! Wag mo na siyang idadamay. May asawa ka na & dapat ang asawa mo ang magbigay ng mga kailangan niyo at hindi ang kapatid mo. Naman!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #107 on: April 19, 2011, 04:03:15 pm »
MIL: Kararating mo lang, puro boses mo na nadidinig ko. Kung may volume lang boses mo, matagal ko ng ni-mute yan!

kettlekorn28

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #108 on: April 19, 2011, 07:44:45 pm »
@ sis ^kaye^: natawa naman ako sa post mo. pareho tayo ng father-in-law. dugyot rin.  ;D pag nadalaw sa bahay, kahit galing sa napakahabang byahe, kitang-kita mo na pawisan at madumi ang paa, deretso pa rin sa sofa sabay higa, with matching taas ng paa. kadiri!  ;D

pareho din tayo ng mga in-laws, lalo na si MIL and SIL, bigla-bigla na lang dadalaw ng walang pasabi tapos may bitbit pang barkada.

On the topic:

SIL: sana naman maging matured ka na, di lang sa pagmumukha kundi sa attitude mo towards problems and life. malaki ka na neng! you're already 25 years old. grow up! tuwing may problema ka, na ikaw rin naman ang may gawa, wala ka ng ginawa kundi magtext at tumawag sa mga kuya mo. nakakairita na. kapag di ka sinagot, ikaw pa ang galit. alam mong busy ang mga kuya mo dahil sa trabaho, bakit ba hanggang ngayon di mo pa rin maintindihan yun. magtrabaho ka kaya para malaman mo kung paano ang maging busy. tsaka wag ka masyado magpo-post ng pics sa FB. napaghahalataang naghahanap ka ng attention from your guy friends. you wear those skimpy dresses and everything para masabihan ka na sexy ka. ewwww! and one more thing, wag kang social climber. kinakaibigan mo lang yung mga taong meron kang mahihita. hmp!

MIL: i just dont like you.  ::)

BIL: alam kong gusto mo na magreklamo. hirap ka na sa pagsustento sa pamilya mo na walang ginawa kundi manghingi ng pera. pag na-delay ang pagbibigay mo, sila pa ang galit. napakagarapal naman talaga nila. tsk! tsk! tsk! speak up bro.

^kaye^

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #109 on: April 26, 2011, 11:24:00 am »
^ Akala ko nabubukod-tangi si father in law. Ang dugyot niya talaga Sis, ngayon pa namang mainit ang panahon, hilig niyang magtanggal ng t-shirt at maglakad sa bahay na nakashorts lang. Tapos pawis-pawis pa siya, tapos hihiga na lang basta sa sofa, nakataas pa ang paa. Tapos pag nauubo siya, kung saan-saan dumudura. Favorite niyang dumura sa sink na may mga plato pang pinagkainan ng mga tao. NAKAKADIRI talaga. Gusto kong i-disinfect lahat ng mga bagay na nahahawakan niya.

On topic:

MIL: Hindi porket malaki ang naitulong niyo sa pagbili namin ng bahay at pwede na kayong mag-imbita ng sarili niyong bisita ng hindi man lang tinatanong kung okay lang sa amin. Katatapos lang magbakasyon dito ng mga anak, apo, at kaibigan mo, tapos ngayon sasabihin mo darating naman mga kapatid mo at pamilya nila at sila naman magbabakasyon dito. Konting considerasyon lang naman, buntis ko, bawal ma-stress.

Father in law: Kadiri ka. yun lang.

^kaye^

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #110 on: April 26, 2011, 06:09:25 pm »
MIL: Pag kinuha mo yung mga libro ko nang hindi nagpapaalam sa akin, ang tawag po doon ay THEFT. At magaling rin kayong pumili ng mga kukunin ninyo, yung mga rare at out of print books pa.  >:(

PinKisH_23

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #111 on: April 26, 2011, 08:04:42 pm »
MIL: Oo na may sakit kayo, does it have anything to do sa away naming mag asawa, magandang excuse ba to para maayos ang issues namin? Kaya please lang wag nyong gamitin ang sakit nyo kasi sa ngayon manhid na ako.

[textspeak!]: Salamat naman at ubos na ang kakapalan ng fes mo na magpakita ka pa dito sa bahay ko, in fact, mas magandang magsama sama na kayong mag anak and you all leave me alone, isama mo sa pantalon mo ang anak mong walang eggs.

BIL1: Salamat naman at di mo na kami pinapakialaman ng kapatid mo, unahin mo muna ang mga anak at nanay nyong sakitin. Bago mo ako ibrand as hippo sa fb wall mo tingnan mo muna ang dila mo, pacheck mo sa doctor kasi baluktok, nakatapak ka lang ng call center todo english ka na, tse. Pareho lang kayo ng tatay nyong babaero, kaya wag kang magmamalinis.

BIL2: Isa ka pa, sa 20-30 times na nawalan ng trabaho ang kuya mo na sa kasamaang palad eh asawa ko, around 5 times dun dahil sa yo, so dapat lang na mag sorry ka. Plastic! Isa ka pang babaero, makakita lang ng nakapalda kahit poste pa yan papatulan, buti sana kung yun lang, peperahan din, pareho kayo ng kuya mong asawa ko, mahilig umasa sa asawa/gf. Bayaran mo utang mo, ultimo uniform mo ako pa sumagot, tse!

a_y_e_n

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #112 on: April 29, 2011, 06:42:24 pm »
hay... ang kulit nyo minsan. di kinakaya ng powers ko.

ishi90210

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #113 on: April 30, 2011, 01:58:32 pm »
grabe ha, sakin pa kayo naguluhan eh kayo nga yun pabago-bago ng isip eh. and please lang po, bahay namin to so i can decorate it anyway i want. sa ayoko ng masyadong ma-flowers eh. hmp!

boaVista

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #114 on: April 30, 2011, 07:29:36 pm »
to my BIL ano ka ngayon? asan na yong pinag mamalaking mong PERA mo? bakit ngayon nangungutang ka sa men? kapal mo rin ano? pag katapos mong mag magaling at sabihan kami na kaya kami hindi hindi mag ka anak dahil sa ugali namin o bat uutang utang ka ngayon? suka mo kinain mo! kapal mo! kapal kapal mo!

napagsabihan ka lang na sinupin ang anak mo ano sinabi mo sa men noon? babayran mo kami sa lahat ng nagastos namin sa mga gusgusin mong anak?  o bat ngayon asan ang yabang mo? PAGKA KAPAL KAPAL MO!

runaway_bride25

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #115 on: May 12, 2011, 11:05:40 am »
MIL, salamat po sa 10k sa wakas nakapagshopping na ang manugang mong hindi sinusopartahan ng anak niyo.

 I love you po. :)

 sa uulitin!

carlijn

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #116 on: May 13, 2011, 12:22:56 am »
MIL bwiset ka, hindi ako sayo natutuwa plastik mo! utang na loob tantanan mo ang katatawag sa bahay namin, wala ka naman sense

blushing-bride

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #117 on: May 13, 2011, 11:03:36 am »
joining...

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #118 on: May 13, 2011, 11:17:43 am »
MIL: Bigla ko lang naalala mga pinaggagagawa mo at pinagsasabi noon hmp!! Eto lang masasabi ko ang kapal mo! Ma-feeling ka!! Kala mo kung sino kang rich at feeling mo mga poor kami! Bwisit ka! Ang sama ng ugali mo! mabait ka lang sa mga taong mapapakinabangan mo! Leche kang matanda ka!

Mai

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #119 on: May 13, 2011, 06:16:30 pm »
I like this thread! hahaha

MIL: Nang dahil sa wala kang maipintas sa pagiging hands-on mom ko sa mga kids ko, pati pagiging malinis at maselan ko sa sanitation ng kids ko pinipintasan mo, basta me maipintas ka lang porke hindi ako sipsip na manugang! Pasensya ka I am not a kiss-ass person! And no matter how you try to hide, alam kong inggit ka sa akin because i don't have to work and i can give all my time to my kids, unlike you na ang importante lang PERA PERA PERA!! Lagi mo pinapamukha sa husband ko how you favor the other sibling, pakabusog ka sa pera mo!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close