watch now

Author Topic: who is pressured here on getting married?  (Read 67755 times)

girlalou

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #160 on: November 29, 2013, 08:30:07 pm »
Count me in. Actually, nakakapressure yung mga tao sa paligid. Im tired answering those questions.

sugardrop

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #161 on: November 29, 2013, 09:04:37 pm »
And not only being pressured to get married, pressured to give my mom an apo.

girlalou

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #162 on: November 30, 2013, 01:15:16 pm »
ewan ko ba pero at my age now parang gusto ko lang maging into a relationship pero hindi kasal, nakakatakot kasi

iamshiela

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #163 on: December 01, 2013, 08:18:59 am »
Me. Kagabi ko lang narealize. Yung mga friends ko kasi halos lahat sa kanila are getting married or married

MeatySpaghetti

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #164 on: December 01, 2013, 08:27:54 am »
Ay sali ako. Super pressured ako sa topic na ganito. Tulad ngayon, mag kakaron na naman ng family reunions, highschool + college reunions, parties kaliwa't kanan, syempre ang tanong, may BF ka na ba? Ako naman "Oo" "Tagal na kayo? "Malapit na kami mag 6yrs." "O kelan kayo papakasal..." *dead air with kuliglig*  :P

Nakakaloka lang kasi solong anak ako tapos wala na rin akong Dad so medyo bread winner pa talaga ang peg ko. 29 na ko pero di pa ako nakaka pag abroad. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na, kung sakaling yayain na nya ko magpakasal ngayon, pano na yung dream ko to work abroad? Mahirap na kasi pag may family ka na or married ka na tapos mag aabroad ka, parang magiging half hearted ka na kung ganon. Pero madalas din naman paano pag nahirapan na ako magbuntis? Hay ang hirap maging babae!  ::)

Siguro isipin na lang na things happen for a reason. Kung ano man ang dahilan kung bakit single pa tayo ngayon, siguro talagang may big plans pa sa atin si God. Kapit lang.  ;D

mars13

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #165 on: December 02, 2013, 06:36:02 pm »
^^agree ako sayo sis @MeatySpaghetti lahat ng nangyayari sa atin may reason. siguro kailangan lang talaga nating maghintay at magtiwala na may maganda at very big plan si God para sa atin :)

sugardrop

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #166 on: December 02, 2013, 11:00:09 pm »
^^
Same pala tayo sis MeatySpaghetti, only child, no longer have a dad, same age. Same pressure. Hehe. And like you, I also agree that everything happens for a reason. Like when my mom recently had a stroke, naisip ko na what if may family na ako, mahahati oras ko instead of being able to devote my time watching over her and taking care of her. Kaya keri lang, and besides, di na uso yung at a certain age, dapat may asawa ka na or may family. Important din kasi yung financial and emotional preparedness.

airish_2

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #167 on: December 02, 2013, 11:29:36 pm »
ako sabi ko pag 30 na ako magbuntis mag exercise ako ng todo para keri pa rin magbuntis tsaka talagang may sapat na pera ako.

MeatySpaghetti

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #168 on: December 12, 2013, 03:15:03 pm »
^^agree ako sayo sis @MeatySpaghetti lahat ng nangyayari sa atin may reason. siguro kailangan lang talaga nating maghintay at magtiwala na may maganda at very big plan si God para sa atin :)

Oo sis yun na lang siguro talaga ang panghawakan natin hehe lalo na pag dumadating yung time na na dedepress tayo. Alam mo na, kapag maraming nakikita sa FB at maraming na memressure sa tabi tabi  ;D Minsan pag marami na silang post sa mga ganyan, super hide na lang muna sa news feed. Ibabalik ko na lang sila sa news feed ko kapag okay na ko ulit hehe  :P

^^
Same pala tayo sis MeatySpaghetti, only child, no longer have a dad, same age. Same pressure. Hehe. And like you, I also agree that everything happens for a reason. Like when my mom recently had a stroke, naisip ko na what if may family na ako, mahahati oras ko instead of being able to devote my time watching over her and taking care of her. Kaya keri lang, and besides, di na uso yung at a certain age, dapat may asawa ka na or may family. Important din kasi yung financial and emotional preparedness.

Mahirap din sis maging only child ano, kaya nga sabi ko pag nag ka family ako sana minimum of 2 ang magiging anak ko. Kaso ang petsa na diba? Hehe. Ay sorry, iwas tayo sa bad vibes.  :P


Maniwala tayo na...

"Kung ano ang meron ka ngayon, yan ang kailangan mo."  ;)

annd

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #169 on: January 16, 2014, 11:17:29 am »
hay naku!!! ako din. im pressured to get married, BY EVERYONE. my bestfriend got married yesterday at lahat ng kamag-anak nya, mom, pinsan nya, kapatid nya, tinatanong kung kelan naman daw ako kasi willing sila magninang sa kasal ko. even our common friends is asking us kung kelan kasal. ayun, nganga!

now, napapaisip nga ako kung kelan ang kasal ko. kasi, ever since i was young, i was dreaming of a fairy tale wedding. pero ngayon, sa dami ng gastusin, at wala pa akong work, naisip ko, yung simple na lang. lagi na rin namin napag aawayan ng bf ko yung fixed marriage nya at kelan matatapos kasi lagi rin nya binabanggit nya kasal or gusto na nya magpakasal once na natapos yung sa kanya. anyways, hayy. ayoko na magkwento ng love story ko dito kasi naffrustrate lang ako.

sugardrop

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #170 on: January 17, 2014, 08:17:54 pm »
Argh! When my mom accompanied me to the doctor an hour ago, since tito ko yung doctor, nang-asar na. Hiniritan na ako na I'll be 30 na this year, pwedeng pwede na, kelan daw ba ako magpapakilala, mag-aasawa, para mabigyan na ng apo si mommy. Nakisakay naman yung wife ng tito ko, yung tita ko who works there pati yung ibang nurses. Final pang-asar ng tito ko - " Baka naman nagbago ka na ng kasarian." Kamusta naman. :(

simang

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #171 on: January 17, 2014, 09:53:03 pm »
My sister shares the same sentiments as you girls, she's turning 31 na this year in a relationship for 4 years na yata and everytime uuwi sya samen lahat na lang tatanungin sya kelan magaasawa/magkakaanak. Ang sinasagot nya lang lagi is "wag nyo na pong problemahin yun, ako nga di ko pinoproblema eh".

Siguro mas better if you feel pressured, make it lighter. Naalala ko friend ko before tinanong sya ng parents ng bf nya kung wala pa daw ba balak magkababy, sabi nya "napapagod na nga po kami kakasubok eh". Everyone laughed. And from then on naging cautious na yung mga tao tanungin sila kung anong plano nila :-)

Ako personally im not pressured or anything (im 26, in a relatively new relationship) personally kase i just cant give up my lifestyle ngayon, ineenjoy ko pa lahat. Yes i want to get married and have kids but not anytime soon. but i feel that my partner is giving hints already. Since we started dating he has always been open to discussing marriage and family with me, especially having kids. I asked him once if he wants to have a kid already and he said yes. Sabi ko lang we'll get there.

nomadic

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #172 on: January 23, 2014, 03:25:12 pm »
ako naman pressure sa bf ko.He wanted us to get married na. God! I'm only 22 gusto ko magpakasal kapag 27 na ako. Mahal ko sya pero yung kasal hindi pa talaga ako ready. Ayaw ko naman syang masaktan kapag humindi ako kasi kapag nababanggit nya yan everytime tumatawag sya excited na umuwi pero ako bigla nalang nawawala sa mood kapag KASAL ang topic nya.  Nalilito na ako...

oshiawase

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #173 on: January 27, 2014, 08:02:17 pm »
ilang taon na ba BF mo?

nomadic

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #174 on: February 14, 2014, 11:12:53 am »
ilang taon na ba BF mo?

25 na sya sis. Gusto na kasi mag settle  down.

oshiawase

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #175 on: May 19, 2014, 07:16:03 am »
25 na sya sis. Gusto na kasi mag settle  down.

Ang bata pa pala!

mindiegirl

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #176 on: August 22, 2015, 08:47:16 pm »
I guess some people resort to ask these "awkwardly pressuring" questions without really thinking how the person being asked will feel. I too am sometimes guilty with this! Sabi nga human nature na magdwell aa next level. Kaya yung mga walang bf/gf ang tanong kelan ka magkakaron ng relationship, pag naman nasa relationship ka na, kelan ang kasal, kapag kasal na, kelan ang baby, kapag may baby na, kelan nyo susundan.. And the list goes on!!! Haha! Just laugh it out, tama yung sinabi na answer lightly like "in God's time" kung medyo religious ka or "it will come" para medyo casual. And we too should be sensitive enough if we have friends na unconsciously napi pressure natin.

Spread good vibes lang.

princessette

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #177 on: August 24, 2017, 06:37:02 pm »
And not only being pressured to get married, pressured to give my mom an apo.

you're not alone there yung iba gusto magpabuntis na lang ako hahahah

kccllj

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #178 on: August 24, 2017, 07:42:39 pm »
ME!!! I was really pressured before pano ba naman 11 years na kami ng boyfriend ko ni walang paramdam. Hahaha! Pero ngayong ikakasal na ako next year, mas napressure ako lalo.  ;D

rasee16

  • Guest
Re: who is pressured here on getting married?
« Reply #179 on: August 25, 2017, 02:35:54 am »
you're not alone there yung iba gusto magpabuntis na lang ako hahahah

THIS. Hahaha. Kulang nalang i-bugaw nako ng nanay ko para maanakan ako eh. Minsan nga naiisip ko, ang selfish naman.. parang aso lang ako na ipapa-stud para magkaanak ah.. Alam kong gusto nya na magka-apo pero parang medyo low-blow naman na i-push ako ng ganun, as if naman sya ang magpapakahirap magbuntis haay.. Minsan nga ayoko na pumunta sa mga gatherings dahil sawang sawa na ako makarinig ng "kelan kayo ikakasal? Nako hindi na kayo bumabata. Baka mahirapan ka na magkaanak nyan"

I have a long time bf, turning 8 years na. Only child din ako, dad passed away narin. Already 30 yrs old now. I am not sure if I am ready for my own family.

Sa totoo lang hindi pa ako financially and emotionally ready for that despite my age. Feeling ko hindi ko pa kaya yung ganun kalaking responsibility. I am just happy where we are right now.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close