Hello everyone! I hope somebody could help me with my concern, need insights lang

I have an impacted tooth din kasi, yung sa lower left. I already had consultations with two different dentists, sobrang magkaiba yung findings nila sa akin so now, I'm confused kung kanino ako maniniwala.
Yung sa unang dentist, she said that the impacted tooth needs to be extracted, tapos pinapakuha nya na ako ng panoramic xray kasi gusto nya makita kung yung lower right 1st molar ko eh may root pa kasi kung meron pa daw, gusto nya daw i-save pa kesa bunutin (hindi na kasi ok yung condition nun) pero sabi nya, baka daw maging candidate for root canal yun. Wala na din siyang sinabi na bubunutin yung tatlong wisdom teeth na natira (dalawa sa itaas and yung lower right).
Sa pangalawa dentist na tumingin sa akin, ito yung sabi: hindi daw tatanggalin yung impacted tooth but instead, ang i-eextract eh yung dalawa kong lower 1st molars. Sabi nya kasi there's no point na po in retaining those teeth kasi sira naman na daw. Ang mangyayari daw kasi, kapag natanggal na yung lower 1st molars ko, yung impacted tooth sa left side eh mage-erupt na. Tapos, gusto nya tanggalin yung wisdom teeth ko na magkabilaan sa taas, para daw may space para sa pag-urong nung two front teeth ko sa taas kasi nga medyo nakausli sila. Wala din siyang sinabi sa akin nag magpa-xray na, unlike sa unang dentist na pinuntahan ko. Sabi nya kasi matagal pa naman daw yung sa braces since madami pang aayusin sa ngipin ko, eh di ba dapat meron na nun para makagawa na ng "plan" or kung ano man tawag dun.
Guys, or kung meron mang dentist dito, sino sa tingin nyo yung mas ok ang findings?
Kasi siyempre kapag yung ngipin na-extract na, di naman na pwedeng ibalik yun so natatakot ako. Totoo ba yung sinabi nung isang dentist na lalabas yung impacted tooth ko kapag may space na? Kasi hindi naman na din ako sobrang bata kaya di ako sure kung lalabas ba ng buo yun once may space na. Yung sa pagtanggal ng 1st molars naman, worried ako kasi ayun yung ginagamit na pang-nguya ng pagkain, how would I eat kung walang ngunguya? Sorry di ko lang kasi talaga ma-imagine hehe.
Yung wisdom tooth sa taas na dalawa, ok lang bang tanggalin yun kahit na ire-retain naman yung kapartner nilang widsom tooth sa ibaba? Kasi ang alam ko magkaka-partner dapat yung mga ngipin. Wala namang problem sa upper set ng ngipin ko, yung protruded lang na two front teeth medyo itutulak papasok so necessary ba talagang tanggalin yung dalawang wisdom tooth?
Last question, yung mga ortho ba do they also perform regular tooth extraction pati yung pagtanggal ng impacted tooth? Di ko kasi alam kung may dentist na para lang sa tooth extraction, kasi di ba ang ortho para sila sa pag-aayos ng alignment ng ngipin.
Ayun, sorry kung sobrang haba, sana talaga may mag-reply dito.. badly need your insights. Thanks!
