watch now

Author Topic: Gardening II  (Read 142654 times)

quennna

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #100 on: October 22, 2012, 02:52:27 pm »
ako naman.. yung tinanim kong pechay..
ginawang kama ng palaka waaaah

ms.libra

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #101 on: October 22, 2012, 05:08:42 pm »
joining...

i love gardening too...pero sa rooftop lang, bought a lot of soil and seeds and kakatuwa kasi nakaani na kami ng pechay. but the second batch kinakain ng mga kalapati =(, yung okra, red bell pepper and kinchay may dahon na :) nagtanim din kami ng ampalaya and squash may flower na, nakakaaliw :)

ask ko lang bawal ba sa arawan masyado ang tanglad? namamatay kasi yung tanim ko. and when malaman kung may bunga na ang bawang, luya and sibuyas, nagbaon din kasi ako nito.

ms.libra

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #102 on: October 22, 2012, 05:25:00 pm »
For those who's asking how much soil is...sa D.Tuazon near STC or Blumentritt ako bumibili 150/sack..yung mga seeds sa circle or sa ace hardware, meron din kami nabibili sa school supplies section near schools :)

iampennylane

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #103 on: December 06, 2012, 03:38:17 pm »
Nice thread! Kakalipat lang namin ng bahay and want to start gardening na rin, pero pots lang din balak ko kasi walang lupa sa bakuran namin puro semento :( Magkano yung mga seeds sa Circle? Gusto ko nung mga herbs hihi thanks mga sis!

mishmilk

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #104 on: January 10, 2013, 06:56:13 pm »
Hi. medyo matagal na pala yung conversation sa thread na ito :)
pero nakaka tuwa basahin..
interested din kami ni hubby mag tanim ng plants ngayon,
Sobrang newbie kame sa gardening as in wala kami alam hehe.
[textspeak!]-ano ba ang madadaling itanim na flowering plants??
I have tried Dahlia pero 3 days na wala parin lumalabas na plant..
Or baka matagal talaga?? :(
Naeexcite na ako! hehe.
Nag tanim din si Hubby ko ng Siling labuyo at pechay.
As of now wala pa tumutubo pero
Hingi sana kami ng advices tungkol dito.
Ramgo seeds din ang gamit namen.

anung oras po ba dapat mag dilig??

sinasabe nila na pwede rin daw na ilagay ko muna sa Tissue na basa
tapos pag dalawa na ang dahon, saka ko na ilipat.
posible po ba tumubo yun pag ganun ginawa ko?

Any advice would be GREAT! :)
Thanks!

Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #105 on: January 11, 2013, 02:49:05 am »
Kamusta na ang mga tanim nyo mga sis?!
Yung kamatis ko malaki na, sana mamunga na,yung bell pepper ko 2 lang ang natira kinakain pa ng insekto,nakapagpatubo na din ako ng papaya at kalamansi.
Nakaani na ko ng luyang dilaw.
Sarap talaga magtanim.
Yung basil ko lumalago na din.

Sis yung sili madali lang yan tumubo, kasi madami kaming puno ng sili,hindi naman namin tinatanim..tumutubo na lang basta,hinahangin siguro yung bunga kaya kung saan saan tumutubo.

Karaniwan sa mga namumulaklak na halaman gusto ng sikat ng araw.
Yung mga tanim kasi ni mama nung inilipat nya sa tampak ang araw nagsibulaklakan..
May net yung gawi sa mga halaman nya para hindi masyado masunog sa init ng araw at para hindi tukain ng ibon. Tapos may pinangbobomba sya,SIAM,bloomer saka grower tapos minsan malataion,mabaho nga lang,para hindi amagin. Tapos yung lupang gamit nya may halong ipa para hindi masyado masiksik tas may halong pataba,ebs ng kalabaw/baka/maninok na pinatuyo.

Miss Charcoal

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #106 on: May 01, 2013, 11:21:54 pm »
ako naman.. yung tinanim kong pechay..
ginawang kama ng palaka waaaah
Sorry pero tawang-tawa ako dito! Haha!

Balak ko magtanim ng kalamansi, ano bang peste ang dapat kong iwasan? Kelangan ba alagaan mabuti? Sa probinsya kasi iniisnob lang namin yung kalamansi, pano kaya dito sa Manila..

sonia62

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #107 on: June 10, 2013, 04:12:18 pm »
mga sis ask ko lang, kasi nagpatermite/pest control yung MIL ko sa house nila pati sa garden. May nakita daw na "queen" termite sa garden. may mga tanim ako na basil, sili, pandan, etc sa paso, pinasprayan din nya ng gamot para daw maalis yung mga langgam kasi may mga langgam na itim yung sili ko. eh after a while naisip ko na safe pa kaya kainin yung mga tanim ko kung nasprayan yung soil ng pangtermite/pest control?

em_cee

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #108 on: June 14, 2013, 10:36:16 am »
Pano magtanim ng calamansi and kamatis?  Pwede ba sa pot lang... wala kaming garden eh.  Nagpatuyo na ako ng seed ng calamansi.  Gaano kalalim ilagay ang seeds sa lupa?

Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #109 on: June 15, 2013, 01:08:54 am »
Pano magtanim ng calamansi and kamatis?  Pwede ba sa pot lang... wala kaming garden eh.  Nagpatuyo na ako ng seed ng calamansi.  Gaano kalalim ilagay ang seeds sa lupa?

yung kamatis pwede sa paso basta lagyan or tusukan mo yung paso ng pwede nya gapangan..or kapitan..nung nagtanim ako ng kamatis,pinatong ko lang basta sa soil yung nabubulok na kamatis dito ayun tumubo na :D
yung calamansi siguro pwede din sa paso kaya lang sa ubod laging paso kasi lumalaki ng malaki yun, nagpupuno, ewan ko lang kung pwede bonsaiyin yun, kahit hindi na ibilad yung buto, madikit lang ata sa lupa tutubo yan
« Last Edit: June 15, 2013, 07:49:02 am by Hija »

Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #110 on: June 15, 2013, 07:55:52 am »
paano magtanim ng basil? bibili ba ng seeds (?) or bibili ng tanim na sa kung saan may mabibilhan? btw, dami namin malunggay, kamias, calamansi, gumamela, etc etc na tanim. yung malunggay ang laki ng pakinabang namin, bilis tumubo uli. halos lahat ng ulam namin except yung di naman pwede lagyan e may malunggay lol. now, gusto ko naman yang mga spices and yung tomatoes sana para sure na organic.

sis yung basil sobrang dali lang itanim, yung tanim kong basil galing lang dun sa sumobrang nabili ko sa supermarket, tinusok ko lang ayun ang lago na ngayon!

em_cee

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #111 on: June 15, 2013, 01:28:26 pm »
yung kamatis pwede sa paso basta lagyan or tusukan mo yung paso ng pwede nya gapangan..or kapitan..nung nagtanim ako ng kamatis,pinatong ko lang basta sa soil yung nabubulok na kamatis dito ayun tumubo na :D
yung calamansi siguro pwede din sa paso kaya lang sa ubod laging paso kasi lumalaki ng malaki yun, nagpupuno, ewan ko lang kung pwede bonsaiyin yun, kahit hindi na ibilad yung buto, madikit lang ata sa lupa tutubo yan
Hello.  Paano mo pinatong yun nabubulok na kamatis?  ibaon ba ng konti sa lupa?  gaano kabilis tumubo?


zandystar

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #112 on: June 15, 2013, 02:41:09 pm »
mga sis, share ko lang.. try ninyo gamitin pandilig yung tubig ng pinaghugasan ng bigas. maganda pala siya sa halaman. yung mga dating halaman namin na patuyot na nabuhay ulit pati yung gumanda pa ang mga tubo. hth.

soumy01

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #113 on: June 20, 2013, 06:26:23 pm »
^^ oo nga sis maganda nga yang pandilig, sabi nga nila pati din daw yung pinaghugasan ng isda. kaso malansa ata yun.

nagharvest ako talong,siling haba, konting kangkong, pangsahog na sa sinigang na hipon. tipid na hindi na bibili ng gulay. :)

daming bungang ng sili ko, dami ko tanim na sili. yung talong isang puno na lang mga okra bagong namumulaklak pa lang. mga bagong tanim ko na talong mga isang dangkal palang ang laki nila. 
project ko this weekend yung isang area tataniman ko ng petchay.

anglerxangler

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #114 on: August 14, 2013, 04:28:58 pm »
Water from hard boiled eggs and the egg shells can help too. Even banana peel.  ;)

zandystar

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #115 on: August 16, 2013, 04:12:35 pm »
since my husband in the landscaping business, he mentioned to me na puwede din daw yung urine na galing arinola.. yun lang eh kung ok lang sa inyo.. good for the plants daw yun :)

stradivarius

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #116 on: August 16, 2013, 04:52:09 pm »
^ oo nga daw, narinig ko din yan. ang sabi e hintayin mo muna maging madilaw ng husto tapos gamitin mong pandilig.
ang ginagamit ko lang yung sa starbucks na coffee grounds.
mga sis, i am planning to start my own herb garden. sa ngayon, basil pa lang ang meron ako. di talaga ako makahanap ng parsley. saan pa ba merong nabibili nito? thanks!

anglerxangler

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #117 on: August 17, 2013, 01:30:18 pm »
zandystar, can you send me the details of your landscaping business please? Like if you sell plants and what plants you sell. Thanks

stradivarius, Green2000 for sure they have. But you can also propagate your own with store bought parsley cuttings

leahness13

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #118 on: August 20, 2013, 11:07:10 am »
gusto ko din magkaron ng garden para libangan.. [textspeak!] tatay ko magsasaka lahat ng itanim namumunga... ang galing lang. nagtanim [textspeak!] ng ubas tumubo ilan taon na din un until now buhay pa... maliit lang ang bunga nya ang cute...

burgundy

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #119 on: October 03, 2013, 12:19:42 pm »
 :) Ako din, I do gardening, but more on edible gardening kasi wala akong hilig sa mga ornamentals. Dito ako naka-base sa California, pero ang mga tanim ko eh mga Filipino vegetables tulad ng Talong, Ampalaya, Kamote, Sitaw, Kalabasa, Sayote, Mais, Alugbati, Sili, etc. Meron din akong mga herbs tulad ng Oregano, Mint, Cilantro, Tanglad, Pandan, Rosemary, Basil, Sage, etc... Obviously, I love gardening.  ;D

Yung iba sa mga herbs ko eh binili ko ng buhay na, I didnt plant them from seed. Tapos nung dumami eh dinivide ko lang sya sa paso.

Sa mga gusto mag try mag-garden eh ang tip ko eh start small talaga, start from herb kasi less maintenace sila. Yung mint eh bumili lang ako ng mint sa grocery then binabad ko sa water, nuong lumabas ang ugat eh plant ko na sya sa paso. Dont plant mint sa ground kasi very invasive sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close