watch now

Author Topic: All About Pimples & Acne - Thread 7  (Read 206063 times)

cartman

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #440 on: October 12, 2017, 02:32:26 pm »
sharing my experience..
last year 2016 when I arrived here in Dubai grabe nag sulputan ang pimples ko, super kasi ang init dito at maalikabok din. As in grabe anlalaki tapos
 may nana pa :(. naubos ang self confidence ko that time haha.
Nag search ako ng mga kung ano anong gamot at cream na pede ko gamitin tapos wala pa din, so i decided to visit my dermatologist. I am lucky kasi maayos yun derma ko na napuntahan then may mga testing na ginawa, Ni correct yun hormonal imbalance ko then ni treat pimples ko. After 5 months ayun wala ng tumutbo na pimples sa face ko, right now naman tinatangal nya yun pimple marks ko. Lahat ng procedure nya ay charge sa health insurance ko so wala ako gastos :)
Yun mga friends ko dito na witness ang trasformation ko hehe tuwang tuwa sila sa result kaya ayun halos lahat ng kakilala ko na problematic sa skin nila nag pa recommend saken sa Derma ko. Para ako naging guinea pig lols.
Sobrang happy ako sa result  and confident na ulit ako.
Dapat din talaga ay mag consult sa derma na maayos kausap para malaman lahat ng issues naten, Sa case ko me pcos and hormonal imbalance ako and good thing nalaman lahat nun derma ko thru testings na ginawa at ni recommend ako sa mga friends nya na endocrinologist at OB para sabay sabay ma treat ang issues ko hehe.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #441 on: October 12, 2017, 03:03:33 pm »
^Grabe no Sis, ang prone ng OFW sa ganito. Ako naman andito sa Qatar, pagdating ko ganyan na ganyan din, sa wakas natapos na delubyo clear na skin ko, all year round. Nakaka depress talaga, how can you face the problem if the problem is your face ika nga haha. Happy pareho tayong ok na. LAHAT na din ata ginawa ko noon.

geraldita03 Sis sorry di ako familiar sa gamot mo, check mo nalang sa derma/skin clinic.

Btw, naaddict ako noon sa peeling, kaka alis ng pimple marks, lalo numipis skin so di din yun maganda. advisable mga once a yr max na twice. So ingat din sa mga peeling products.


cartman

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #442 on: October 12, 2017, 05:57:36 pm »
uu nga sis hehe buti natapos na ang delubyo ahaha

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #443 on: October 14, 2017, 01:07:42 pm »
^Grabe no Sis, ang prone ng OFW sa ganito.
Bakit nga kaya? Sister ko din tinubuan ng napakaraming pimples nung mag-abroad. Nagpadala pa kami ng toner and soap na ginagamit niya kapag may breakout siya dati pero hindi pa din humupa pagtubo. Pinagtake pa siya ng antibiotic kasi baka allergies daw. Kaya pag-uwi ng Pinas nagpa-sked agad sa derma and in a few weeks may improvement na. Buti na lang walang scars and marks. Bago siya sumampa ng barko bumili na siya ng stocks from her derma good for 8mos. Her derma also advised her na mineral water ang ipangwash sa face.

nylra

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #444 on: October 16, 2017, 04:56:34 pm »
Hi mga sis...  Super affordable lang ito yet very effective!  Alam niyo yung cemebrity soap ng frontrow?  Bili kayo non yung soap #03 pag medyo madami pimples niyo,  pero kung hindi naman ganon kadami yung soap #01 lang at yung toner na moringa-O malunggay,  herbal facial toner iyon at alcohol free...  Meron po iyon sa watsons,  ewan ko lang kung meron din po sa mercury, nasa 89 pesos po.  Kaso parang mabilis siya maubos,  mga sis mabilis niyo lang makikita yung ganda ng combo na iyan.  Ako kasi mdalas ako magkaron ng pimples noon,  dami ko na nasubukan...  Madalas kapag may pagaling,  may susulpot naman na bago...  Pero sa combo na ito doon lang kumalma yung pimples ko.  Sana makatulong,  wala naman mawawala kung susubukan.

gab54

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #445 on: October 17, 2017, 02:36:16 pm »
After 6 mos of facial sa flawless, then trying diff products (flawless products, tea tree oil, shiseido skincare). Im finally free from pimples. Pero I noticed now dehydrated na ang skin ko. Its dry & flaky yet oily. What to do?

lesters_gal

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #446 on: October 17, 2017, 06:41:40 pm »
Ako din super break out din ako sa noo. Yung maliliit na black and white heads. Super depress talaga ang ganito. Ang tagal ko ng ganito simula nung april. After mawala yung isa, meron bago nanaman tutubo. Hindi naman ako ganito before. I?m in my 30?s na. Kainis. I tried yung O2 bubble ng Nlighten pero wala pa rin effect. Pati yung eskinol at clamidycin ba yun. Basta wala parin effect. Kahapon nagpunta na ako sa pharmacy and asked for their best cleanser para sa case ko. And the Lady suggest yung JOWAE. It?s korean brand daw and maganda daw. Hay i hope this one mag work na.  Dami ko din pimple marks sa noo

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #447 on: October 17, 2017, 07:34:01 pm »
Share ko lang din in addition to my posts above, malaking bagay talaga tulungan sarili kumain ng healthier, iwas muna sa dairy products and of course fatty/junk foods, try your best to exercise din and drink LOTS of water. Kung kaya, subukan nyo din wag masyado problemahin, pansin ko kasi noon factor din yung stress. This helped me too, noon kasi I barely used make up products lalo na sa face, no foundation, no bb creams, no powders, feeling ko kasi maallergy ako and mag break out, super takot ako magtry ng iba iba products, but since naging acne prone ako for almost 4 yrs since I moved abroad, I tried to conceal the marks later on, so I felt more confident, relaxed and happier, since di na ako conscious masyado dahil natatakpan naman flaws and blemishes, later on everything went well, nahiyang nako sa mga ginagamit ko, sumaya na buhay ko in general hehe, naubos mga kinakastress, and now I enjoy putting make up, maski wala na masyado dapat i-conceal and clear na skin ko except for some zits every now and then pero nothing major.

lesters_gal

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #448 on: October 17, 2017, 08:02:27 pm »
^Yun nga sis based on my researched  isa din sa mga cause ng mga pimples is too much of dairy products. Paano naman yun everyday ang breakfast ko is biscuits and milk with nesquick. Ngayon napaparanoid na ako everytime na kakain ako ng anything na fried, kinabukasan meron agad pimples. Kaya ngayon talagang sinusubukan ko wag kumain ng fried foods. Kasi natatakot na ako na may tutubo right after ko kumain.

Ako naman nag mamake up lang kapag my night out. Polbo lang ako kapag papasok sa work kasi ayoko talaga madami nilalagay sa muka ko. Ngayon since ang dami ko pimple marks, no choice ako kundi mag powder foundation then concealer. Para ma hide yung mga sumpa. Haaaay. I can't wait na bumalik yung face ko sa dati.😣

acpadua

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #449 on: October 20, 2017, 12:27:18 pm »
Sino na po nakasubok ng belo acnepro treatment system? Is it effective? Thanks po!

beauty_addict

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #450 on: January 17, 2018, 06:33:05 pm »

geraldita03

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #451 on: February 22, 2018, 01:54:24 pm »
I have pimples all over my face! help! it got worse when i had facials. ngayon kahit anong ilagay ko sa face, wala effect! nakaka-insecure!  :'(

nylra

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #452 on: February 23, 2018, 11:16:28 am »
hi sis... share ko lang sainyo yung ginamit ko non na super effective saakin. dami ko na sinubukan pero wala pa din improvement sa skin ko noon, tapos yung mga kasamahan ko nakaka inis na dahil panay ang pansin sa pimples ko. hanggang sa may nag sabi saakin na gumamit ako ng prestige rejuvenating set... nagandahan ako kasi ang mild niya, hindi siya katulad ng ibang rejuvenating na mahapdi sa balat. Hindi siya mahapdi, tinapos ko lang yung 1 month nakita ko na nawala yung pimples ko, ang natira na lang ay yung pimple marks. ngayon ang gamit ko na lang ay yung nature republic aloe gel, nung una naman sa aloe gel parang wala lang nagagawa sa skin ko pero ngayon nakikita ko na yung effect niya sa skin ko. ang supple sa skin! sa gabi bago matulog sabon ng prestige rejuvenating set, garnier miscellar water (pink), at yung nature republic aloe gel overnight. hindi na ako tinubuan ng pimples kahit dumating pa yung menstruation period ko. try niyo sis, baka din kasi masyadong sensitive skin natin kaya nagkaka pimples.

lesters_gal

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #453 on: February 23, 2018, 04:14:53 pm »
I have pimples all over my face! help! it got worse when i had facials. ngayon kahit anong ilagay ko sa face, wala effect! nakaka-insecure!  :'(

Hi sis. I?ve been battling with my pimples for the last 4 months. I tried everything. I bought new cleanser,moisturizer,serum and some chemicals products that are good for acne prone skin pero wala parin. I changed my diet din. Then i bought the aztec indian healing clay mask last week and dun lang nag subside yung mga pimples ko. I used it 3x a week with ACV.  So far ok naman sha. I will continue to use this product hanggang totally mawala na pati blackheads. Try mo buy sis. Baka effective din for you. :)
« Last Edit: February 23, 2018, 08:07:16 pm by lesters_gal »

hushush

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #454 on: February 23, 2018, 07:20:43 pm »
I have pimples all over my face! help! it got worse when i had facials. ngayon kahit anong ilagay ko sa face, wala effect! nakaka-insecure!  :'(

Kapag kumakain ako lagi ng sweets e lagi din ako may pimples.. Lately hindi na ako nagkakapimples kasi iwas ako sa carbs lalo na sa sweets. So ayun makinis-kinis ang face ko so far then palagi ako nagwash using dove baby soap. Naiirritate kasi face ko sa classic na dove. Sensitive masyado. Then lagi ako naglagay ng petroleum jelly or amazonian balm ng body shop. Mabaho nga lang yun balm. Hehe. Amoy maanggo..

geraldita03

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #455 on: February 25, 2018, 11:37:07 am »
yun
Kapag kumakain ako lagi ng sweets e lagi din ako may pimples.. Lately hindi na ako nagkakapimples kasi iwas ako sa carbs lalo na sa sweets. So ayun makinis-kinis ang face ko so far then palagi ako nagwash using dove baby soap. Naiirritate kasi face ko sa classic na dove. Sensitive masyado. Then lagi ako naglagay ng petroleum jelly or amazonian balm ng body shop. Mabaho nga lang yun balm. Hehe. Amoy maanggo..


yun din na-observe ko sis pag kumakain ako ng sweets, sobrang carbs, at noodles dumadami sila. dove baby soap? yung bago? ano gamit mong toner and moisturizer?

hushush

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #456 on: February 25, 2018, 01:42:57 pm »
^yes sis. Yung bago. Buti nga meron na kasi prior to that talagang nagdry ng todo yung face ko as in nagbalat-balat lalo na yung gilid ng nose ko... Indi gumana yung amazonian balm. Kaya nilagyan ko ng baby oil ang face ko to moisturize..Nung ginamit ko yung dove baby ayun mabilis lang nawala yung drynes..
Wala ako ginagamit na kung ano-anong moisturizer. Nagpapahid lang talaga ako ng petroleum jelly anytime of the day. Ibababad ko lang then pag lalabas ako ng house, wina-wipe ko ng micro fiber cloth..

Speaking of fatty/oily foods. Kumain ako ng peanuts/cashew nuts/almond nuts nun mga nakaraang araw. Nasobrahan ata ako kaya may umusbong na pimple hehe. Binababaran ko na ng PJ para matuyo agad. Atsaka bawas sa kakakain ng nuts. Then im starting to drink lemon water na walang sugar to detox saka vitc na di . :)

tomatostellar

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #457 on: March 01, 2018, 02:23:19 am »
sa dami nang ginawa ko, di ko na alam alin ba talaga naka help

Vit C (Bewell-C)
Lotte Collagen
Aztec Clay Mask (naka ilan beses pa lang ako)

Feeling ko sa vit c sya, medyo nag lighten mga pimple marks ko
pero nagkakaron pa din pag may period :(

hushush

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #458 on: March 01, 2018, 08:18:40 am »
Nainfect yun pimple ko .Kaya kahapon tinapalan ko ng dinikdik na dahon ng malunggay. Ayun natuyo na sya at pagaling ha.. Yun blemish ang problema ko kaya bumili ako ng tea tree oil sa body shop. Ewan ko lang kung gagana.
Dapat talaga iwasan ko din ang pagpupuyat.. Nagigising kasi ako lagi pag alanganing oras.. :(

nerddict

  • Guest
Re: All About Pimples & Acne - Thread 7
« Reply #459 on: March 01, 2018, 03:35:11 pm »
sis, hindi ba mas naging active yung pimples kapag gumamit vit. c? okay lang sya gamitin kapag may active pimple?

pimple marks din kasi problem ko  :(

sa dami nang ginawa ko, di ko na alam alin ba talaga naka help

Vit C (Bewell-C)
Lotte Collagen
Aztec Clay Mask (naka ilan beses pa lang ako)

Feeling ko sa vit c sya, medyo nag lighten mga pimple marks ko
pero nagkakaron pa din pag may period :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close