^Hi Sis, nung dumating ako dito sa abroad, nagkaron ako hormonal imbalance as per my Physician, GRABE pimples ko, from zero as in makinis, walang pores to total nightmare sa chin, jaw, cheeks, hanggang sa noo, kung san san, masasakit at malalaki pa. Nagtake ako antibiotics and nagpahid ng kung ano ano pero di gumaling talaga, I WAS DEVASTATED AND DEPRESSED and then may nagadvise sakin mag take ng Diane, UPON RESEARCH ang tanong tanong, nag try ako and it worked like magic after 3 mos, hinde lang na clear pimples ko gumanda pa skin, hair and nails ko, as in blooming, mamula mula pa, nakakagulat pero I suggest mag consult ka muna sa Doctor before taking it. So ang ginagawa ko noon magtake ako 6 mos, tapos stop uli 6 mos, babalik na naman pimples ko nyan after 3 mos na tumigil and parang mahahaggard, dahil nga mag wear off na effect. Hanggang sa tinigil ko na talaga, masama din kasi it messes up your hormones, super initin ng ulo ko, nadepress din ako, na parang tuliro lagi, tiniis ko nalang pimples, until recently, siguro nahanap ko na mga brands na works for my skin, like Body Shop Tea Tree line, magkaron man ako pimples maximum na 3 pcs and nothing that serious and painful.