Sharing our Surigao-Siargao itinerary..
Travel Date: Mar 13-16 2014
4 pax
Mar 13 : Manila - Surigao10:30 AM ang alis namin, 12:30PM kami nasa Surigao. From Surigao Airport, inavail namin ang free transfer ng The Grande Suites pero nagsabi naman kami na iccheck muna namin ang hotel nila before kami magdecide if doon kami magstay, okay naman daw. So go kami, 1,900/night/2 pax/free dinner and bfast ang rate nila. Kaso ang layo nila sa pier kaya hindi kami doon nag stay. Noong paalis na kami niask ng driver if saan kami pupunta, sabi namin sa pier (umaasa pa kasi kaming may ferry pa pa-Siargao ), nag offer siyang ihatid kami sa pier, ayaw na sana naming sumakay kaso wala rin kaming makitang trike na dumaan kaya kinapakalan na lang namin ang face namin! Haha! Nagsabi rin kami na hindi kami sure if dun sa hotel nila kami magstay, okay lang daw. Bait lang ni kuya.

Pagdating namin sa pier, wala na nga ang ferry, 12NN daw umalis. Nagtanong kami ng pinakamalapit na hotel, ang sabi Tavern. Nagtrike kami from pier to Tavern, malapit lang siya pwedeng lakarin.
Accommodation:
Tavern - P1800/night/2 pax/buffet bfast. Maganda ang rooms. Lambot ng kama at mga unan.

After naming magpahinga ng unti, naghanap na kami ng makakainan. Sa Oceans Bounty Seafood kami kumain. Medyo nawala pa kami, iyong una kasing trike na nasakyan namin hindi kami naintindihan, sa ibang kainan kami binaba. Kaya sumakay ulit kami ng isang trike pa. Sa may palengke ang
Oceans Bounty. Sarap ng food tsaka mura pa.
After kumain, sumakay kaming trike (P60) papuntang Gaisano. Nagpapedicure! Haha! Tsaka naggrocery ng baon para sa kinabukasang mahabang biyahe. Hehe!
Nag multicab (P10/each) na kami pabalik ng Tavern.
Lumabas na kami for dinner ng 8PM ata iyon, nilakad lang namin from Tavern to Isawan (hindi ko alam tawag basta iyong maraming isawan! Haha! ), malapit lang din sa Pier. Lahat ng tindang ihaw tinikman namin (
Bebei name ng kinainan namin). Masarap ang isaw at chorizo, iyong iba (chicken,pork bbq na akala namin tocino kasi color red, hahaha! ) sakto lang ang lasa.
Mar 14 : Surigao - Siargao4:30AM palang gising na kami. Ang plano namin 5:15AM sa pier. Haha! Mahirap na maiwan. 3 sliced ng bread with tuna spread ang bfast namin from hotel. Haha! Okay na rin kesa wala db? Hinatid kami ng van sa pier. Iba pala ang pier na pinuntahan namin. Hindi dun sa unang pinuntahan namin. Depende ata sa ferry na sasakyan. P250 ang fare. Umaambon pa. Buti hindi masyadong maalon. 6:30AM na kami nakaalis. Ang sked, 6AM. Halos 2 1/2-3 hrs ang biyahe. Magbaon ng makakain. Haha!
Pagdating namin sa Siargao, dumerecho kami sa Tourism Office. Dun na kami nagtanong ng mga rates ng island tour at fares. Ito ang naging plano namin.
1. Sa Cloud9 kami magstay.
2. After lunch ang island hopping ( 3 islands ) - P1500
3. Balik Cloud9 para mag surfing! Feeling marunong. LOL!
4. For March 15, 6AM susunduin from Cloud9 to Dapa.
5. From Dapa to Sohoton, Bucas Grande to Hayanggabon Port - P4500
Sa March 15 rate, hindi kasama ang lunch at ang fees for Bucas Grande tour.
Island HoppingGuyam Island - Maganda pero may part na mabato. Nagpatila rin kami dito ng ulan.
Dako Island - Ang ganda!! Ang fine ng sand. Walang mabatong part pero ingat-ingat sa biglang lalim. At bumili ng fresh buko (P30/each) !
Naked Island - Pwedeng i-escape. lol.
Surfing!! Haha! Pagbalik namin from island hopping kahit pagod go pa rin sa surfing! Sayang naman db nasa Siargao na kami. P500/1 hr, 3 kami! Haha! Kinausap lang namin si kuya na gusto lang namin maexprience at hindi namin mako-consume ang 1hr since pagabi na rin, gusto lang talaga namin matry. Buti nga pumayag.

Accommodation:
The Boardwalk - P2100/4 pax. Walang breakfast. Walang tv. Pero okay naman ang place. May discounted na offer si kuya (P1200) for Island tour after naming mag island hopping. Hehe! Sa mga doon maghahanap try nio maghingi ng discount sabi kasi ni kuya pang foreigner daw ang P1500.
March 15: Siargao - Surigao6:30AM kami nakaalis, nalate kaming gising! Haha! From Cloud9 hinatid kami sa Dapa at nimeet na namin ang bangkero namin. Namalengke for lunch then alis na. May dinaanan kaming falls, part na rin daw ito ng Bucas Grande Islands. Then stop-over sa
Tiktikan Lake. Doon na rin nagluto si kuya ng lunch namin sa may bahay doon. Habang naghihintay ng lunch, swimming lang. Nakakatuwa kasi kami lang tao.

After lunch, 10 mins nasa may tourism office for Bucas Grande tour(?). Basta iyong 2 caves at iyong sa jellyfish.
Fees: P1,740 for 4 pax.
2 Caves - Sorry hindi ko narinig ang mga names. Pero iyong una, iyong may nag umi-echo. Haha! Tapos sayang magswimming sa loob ng cave. 2ng cave, iyong may aakyat then tatalon para maka-exit. 12ft daw, no life vest. Pero alerto ang guide para sagipin ka.

Ang unti lang ng jellyfish. April daw madami.
After ng tour, walang ligo-ligo. Haha! Nagpatuyo lang tapos palit ng damit, go na sa Hayanggabon Port (40mins). From Hayanggabon, van to Surigao City (P120).
Dinner: (P1195)
Resto ng Tavern. Masarap din. (Whole chicken, soup, pancit, steamed maya-maya, 2 special iced tea, 2 sanmig ) Iyong soup na inorder namin good for 10pax! Haha!
March 16: Surigao - ManilaPetix. Haha! Nilubos namin ang free wifi at matulog ng mahimbing sa kama! Haha! Masarap ang foods sa buffet (sinangag, plain rice, adobong manok, longganisa/tocino, ampalaya na may itlog, itlog depende sa gusto mong toppings at pagkakaluto, cereals, brewed coffee, mango and orange juice, fruits, pritong kamote at saging). 11AM kami nagpahatid sa airport. Nagpapadaan kami sa bilihan ng pasalubong kaso sarado ang Lovely (bilihan daw ng pasalubong) kapag Sunday. Kaya iyon, walang pasalubong. Tipid. Lol.
Terminal Fee: P50