Yung "guilt" natural yan sa ating mga tao at lahat ng klaseng paghihirap (ng kalooban) mararanasan natin talaga, kahit na alam natin ang katotohanang "pinatawad" na tayo ng Panginoon - NOON PA - nung ibinuwis ni Jesus ang buhay niya para sa ating mga kasalanan - PAST, PRESENT, and FUTURE - lahat covered na noon kaya walang pwede tayong magawa na hindi mapapatawad, dahil NAPAtawad na nga at hindi na kailangan pa nating magsakripisyo ng kung anuano dahil BAYAD na tayo sa PAMAMAGITAN ni Jesus...
Ngayon, ang gawin natin ay TANGGAPIN ang KATOTOHANANG IYON, kundi walang saysay ang pagdiriwang natin ng Pasko. Alam naman ng Panginoon ang mga kahinaan natin, walang kahit-anong kasalanan ang makapaghihiwalay sa atin sa kanya dahil MAHAL niya tayong lahat.
Ngunit kahit na "iniligtas" niya tayo, hindi ibig sabihin na hindi na tayo marunong kumilala sa ating mga kasalanan, o sa mga pagkakamaling nagawa natin at humingi ng tawad...kaya nakaranas tayo ng paghihirap ng kalooban dahil nabatid na natin ang "hindi wasto" at hindi dapat na mga ginawa natin, na sana'y hindi na lang nangyari...
ngunit "huli" na nga ang lahat at nangyari na ang nangyari...hindi mo na maibabalik pa ang dati kaya malaki ang iyong "pagsisisi..."
at dahil sa iyong nagawa ikaw rin ay naghihirap...bayaan na lamang at sa pagdating ng panahon, hihilom rin ang mga sugat.
lahat tayo ay "nagkakamali," malaki man o maliit, lahat pantay lamang sa mata ng Diyos. Kaya mahalaga ang "pagdadasal" (o pakikipag-usap sa Panginoon) dahil ang mga kasalanang nagawa natin ay isang ispiritwal na bagay na nangangailangan ng ispiritwal na gamot. Hindi alak, pera, katanyagan, aliw, o tao ang makakapagbigay kapayapaan sa atin, kundi ang "kapatawaran" at "pagmamahal" na tinatanggap natin mula sa Panginoon.
walang bagay dito sa mundo ang nananatili habambuhay, kaya wala kang permanenteng makakapitan, kundi ang "kamay" lang ni Jesus...na siyang hindi bibitaw sa iyo...
at ito ay nangangailangan ng "pagpapakumbaba" o mababang loob, dahil walang mangyayari kung patuloy kang nagmamatigas o umiiwas...Mas mabuti na sigurong ikaw ang umiiyak kaysa ikaw ang nagpapaiyak, o nananakit...
habang tayo ay nabubuhay palagi tayong makakaranas ng mga pagsubok at problema...maaaring kagagawan natin, maaaring kagagawan ng iba...palagi at palagi tayong masasaktan, ng hindi natin kagustuhan...kahit wala tayong masamang ginawa...

ang mahalaga, hindi tayo tuluyang mawalan ng pag-asa at magpagapi sa kadiliman...at palaging sikapin na
mabago ang mga bagay na nagpapasama sa atin at nagdulot ng kapahamakan sa iba...araw-araw, bawat sandali'ng may pagkakataon...
madapa man, bangon ulit...
ganun lang dapat ang buhay.