Author Topic: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???  (Read 113017 times)

beatrize zuri

  • Guest
actually, si hubby eversince hindi talaga siya showy na laging sasabihin kung gaano niya ko kamahal instead pinaparamdam niya sakin, he is not the type of guy na will always say "iloveu" kaya naman pag nagsabi siya non super kilig na kilig pa rin ako!  ;D  kumbaga hindi na ooveruse yung word na iloveu. yes, he is still sweet but, in his own way!  ;)

cream_puffs

  • Guest
parang hindi na. after 2 years naming kasal. 9 years na bf-gf. friends since 3rd grade...akala ko madali na lang mag-adjust kasi we've know each other for so long. hindi pala. people change talaga.

kung dati super text/ tawag sya. now ma-swerte na ko maka-receive ng 2 text sa buong araw from him. ang laman lang "opis na ko" at "uwi na ko." dati mala-nobela pa. tapos nakikita ko sa cel nya ang daming  unread messages na galing sa kin. yung mga tinext ko nung araw na yun pati nung mga ibang araw pa. hay hay.

right now feeling ko napaka-taken for granted na lang ako. mas gusto nya pang kaharap yung pc nya kesa sa kin.

ngayon ginagantihan ko para ma-feel nya kung anong nafi-feel ko. nakakapagod na e. ako na lang palagi ang nagpapasensya. haaay...

micci

  • Guest
^sad naman sis :( nag-usap na kayo about it?

si hubby naman minsan hindi na ganun ka-sweet,pero sya na yung nakakapansin siguro or baka nafi-feel nya na nafi-feel ko kaya biglang sweet ulit..hehe..dahil sa work siguro at sa iba-ibang bagay..sabagay ako din naman minsan masungit dahil pagod din the whole day..

murasaki

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #323 on: November 01, 2012, 12:05:33 pm »
sweet pa din sya, ako ang nagbago. sad but true. tina-try ko pero parang companionship na lang ang hanap ko. Sya, major PBB teens pa din! hehe

ganun na din ako sis. medyo nabawasan ang sweetness ko sa kanya pero sya kahit magte10- years(bf/gf&married) na kami sweetness overload pa din...sana makabawi ako

bleucharmz22

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #324 on: November 22, 2012, 02:23:41 pm »
pareho ata kaming hindi sweet sa isa't isa. pero kahit na, naiinggit pa rin ako sa mag girls na nakaka-receive ng flowers from their bf/hubbby. i love surprises din pero hubby ko wala namang ka-effort effort. haayss...

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #325 on: November 22, 2012, 04:53:41 pm »
i never knew that getting married can actually make my hubby sweeter. dati kasi sweet naman na siya, and almost contented na nga sana ako sa live in arrangement namin. :) iba pagkasal na eh.

EllaBratin

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #326 on: November 23, 2012, 09:11:08 am »
Mas sweet siya ngayon, lalo na noong nagkaanak kami. Nandoon pa rin ang HHWW, kiss kapag papasok na sa work, saying I love you, kapag hindi pa kuntento itetext pa rin... ;D Inaalalayan pa rin niya ako kapag bababa ng bus or jeep, kahit buhat niya anak namin.

meowskitty07

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #327 on: November 23, 2012, 10:21:19 am »
nakakainggit at nakakalungkot at the same time.

ako naman even before wala talaga syang sweetness so hindi ako dapat magexpect ngayon. yun lang i want to feel important naman. lagi ng reason ng away at hiwalay sa amin ito dati. wala pa rin hanggang ngayon so sad talaga. but im happy for you mga sisses

FieryAngel027

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #328 on: November 24, 2012, 01:08:41 pm »
Hindi sya sweet eversince. Minsan may ma gestures lang sya na for me sweet. :)

Myealexis21

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #329 on: November 28, 2012, 04:53:51 pm »
Ito lang ang topic namin ng mga friends ko a week ago. Nung naging kami kase hindi sweet yun, palabiro and masarap kausap pero hindi sweet, romantiko or thoughtful.  Nakakainis nga dati haha!  But since he proposed to me (almost 2 yrs ago) nag-iba na sya.  Nakakatuwa kase he wasn't like that before, sabi niya as the days goes by mas lalo akong napapamahal sa kanya.  Saka pag magkasama kami hindi yan palaging nag-i love you. Pero kapag sinabi niya yun sa akin, super kakakilig hahaha!  Ngayong kasal na kami, mas lalo kong naramdaman how much he loves me at kahit LDR kami ngayon at skype lang kami nagkikita, ramdam na ramdam ko yung love niya.

I think nahawa ko na sya kaya nagkaganyan yan.  I love kase to surprise him with simple post it note messages, munting mga regalo even walang okasyon, I always tell him how much I love him, proud ako sa kanya esp sa mall ako talaga nag-iinitiate to hold his hands.  Ayun effective naman...haha!

cream_puffs

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #330 on: November 29, 2012, 03:20:04 pm »
@ sis micci

yep, we talk about it pero di serious talk e. tipong asaran lang. ewan ko ba. iba iba din e. minsan sweet sya pero mas madalas hindi na. mas gusto nya pa talaga kaharap yung pc kesa sa kin :(

Myealexis21

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #331 on: November 29, 2012, 04:43:43 pm »
^Sis try to talk to him ng seryoso.  And don't talk about what he is doing na ikinaiirita mo, instead talk about your feeling kapag ginagawa niya yun.

Ex. Say - Namimiss ko kung paano ka magtext dati.
Don't Say - Hindi ka na nagtetext ng gaya ng dati

Say - Nasasaktan ako kapag mas nabibigyan mo ng oras ang PC
Don't say - Lagi na lang PC ang hinaharap mo

I'm not sure if it will work with you, but it worked with me to some extent.  Pero minsan kase kelangan creative din tayo on how to deal with our hubby.  Like my hubby is into PS3, I made the "nasasaktan ako" line and it worked for a few weeks, then I tried ignoring and acquired a hobby (digiscrapping), napansin ata na wala na rin akong oras sa kanya, ayun naglalambing at hindi na raw mag PS3..for a few weeks lang din.  Nung about 3-4 months bago sya umuwi sa Pinas, ang ginagawa ko habang naglalaro sya, hihiga ako sa sofa sa may likod niya and then hug ko sya hanggang makatulog ako.  I did that for several times hanggang alam ko nasanay na sya sa ganun.  After a while napansin ko na kapag naglalaro na sya ng PS3 at nasa kwarto ako, pupuntahan ako nun at aayain sa salas at dun daw ako sa tabi niya habang naglalaro sya ng PS3.  May time pa na kapag hindi ako lalabas hindi na rin sya maglalaro ng PS3 at dun na lang kami sa room magtsitsismisan haha!

Kakakasal lang namin but we've lived with each other for more than 5yrs na and natutunan ko na kung pano sayawan ang moods niya at kung pano i-manipulate sya minsan haha!  Let them know kung ano feelings natin, wag natin hayaang mag-guess lang sila kase for sure mali ang guess nila.  So let's help our hubby na maging mas thoughtful and sweet. 

eimerej5

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #332 on: December 01, 2012, 04:07:54 am »
Nakakatuwang basahin ang mga comments dito...

May iba mas naging sweet ang partners... hope be more sweeter pa..

May iba naman na hindi na tulad ng dati na sweet ang husband or bf nila.. - if that's the case be the one to show it to them.. sana mapansin nila yun and do it in return...

iamgold

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #333 on: December 22, 2012, 10:21:43 am »
Super sweet pa din..bigyan ka ba naman ng tiffany sparklers cocktail ring hindi pa ba naman sweet yun. Hehe! Lately ko lang nalaman nag aalkansya pala siya para mabili nya yung ring na yun for me. Sweet pa din kame 3yrs na kameng kasal.. Lageng may i love you and kiss, hindi kakain yun pag di ako kasabay kahit padalhan ko ng pagkain hindi kakainin gusto sabay pa kame. Im so blessed kase napaka bait ng husband ko, pag masakit ulo ko or anything sasabihin nya gusto mo ikuha kita ng gamot? Or palage niya ko tinatanong hon may gusto ka ba? Wala lang parang sobrang nice sa pakiramdam na someone's asking kung ano gusto mo..parang siguro ive done something good in my life para magkaron ako ng asawa na kagaya ni husband.

babyAndy

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #334 on: February 15, 2013, 12:05:50 am »
mas sweet noon... siguro pagmatagal na ang relationship, more on nagiging bestfriends na lang kami...

nageinna

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #335 on: February 15, 2013, 11:06:38 am »
sweet parin, been together almost 9years as a couple then 6mos. as husband and wife. ganon parin siya. pero mas gusto niya pag siya yung nilalambing ko.

cream_puffs

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #336 on: February 15, 2013, 04:26:47 pm »
@sis Myealexis21

thank you. i-try ko nga yung approach na ganun :)

Amphitrite

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #337 on: February 15, 2013, 10:55:37 pm »
Yup. Lagi nya ako inuuwian ng fave desserts ko. :))

ayami

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #338 on: February 16, 2013, 08:44:01 am »
surprisingly, yes. nagugulat na lang ako, minsan naiisip ko may ginawang kasalanan e hehe pero di naman :D natutuwa rin ako mas sweet siya ngayon kahit buntis na ko at lumalapad na ko :))

chichigurl

  • Guest
Re: sweet pa din ba si hubby syo kahit matagal na kayong magkasama or hindi na???
« Reply #339 on: February 16, 2013, 02:18:55 pm »
yes, sweet pa rin. ganun din ako sa kanya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close