watch now

Author Topic: Continue the story.... (GAME)  (Read 29472 times)

prettybarbie

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #60 on: September 07, 2012, 05:33:28 pm »
....dora the explorer at binigyan sya ng mapa para matunton nya kung nasan ang nawawala nyang nanay ahahaha... at ang sabi ng lolo...

xxmiakaxx

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #61 on: October 26, 2012, 05:50:19 pm »
sinabi ng isang Lolo na   na gusto nyang Tumakbo sa susunood na Election  ... 
kahit ipag bawal pa ang Political dynasty ....  dumagsa ang madaming media
at biglang ....

e.viv

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #62 on: October 26, 2012, 06:04:58 pm »
at biglang may sumigaw ng "Bomba!"
Nagtakbuhan ang mga tao para maiwasan ang nakaambang panganib.
Lumipas ang sampung minutong katahimikan, wala pa ring sumasabog kaya...

xxmiakaxx

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #63 on: October 26, 2012, 06:20:11 pm »
nabalot ng katahimikan ang  boung Paligid  matapos  ma check ng bom squad
negative ang Bom treat ........  babalik na sana ang Mga Media sa kanilang pag tatanong sa
matandang gustong tumakbo sa Politics next year may Dumating na celebrity agaw pansin  sino ito
si Cecilia Oh Si OLga ...??

Serena.

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #64 on: November 02, 2012, 09:48:35 pm »
At ng matanaw nila ng mabuti si Olga, nalipat ang kanilang atensyon at nagpalitan ng pangungusap. Dito nila napag alaman na may interes din tumakbo si Olga sa nalalapit na eleksyon.

pink_crystal

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #65 on: December 12, 2012, 05:11:25 pm »
oo, tumakbo...tumakbo bilang PA o runner girl ni lolo kung saan nya hahapitin ang lahat para mailunsad ng maayos ang kampanya ng kanyang kandidatong pilit nyang ipapanalo, maitaas lang ang bandera ng mga may edad na gusto pang magsilbi sa tao. sa katatakbo ni olga ay nakatagpo sya ng isang...

joevicko

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #66 on: January 14, 2014, 03:53:57 pm »
matandang binate, doon ay bigla sila nagkatitigan at nagusap ng masinsinan. naalala nila ang kanilang nakaraan sila pala ay dating mag ...

rannastillero

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #67 on: January 14, 2014, 04:58:04 pm »
bestfriend sa japan, bakla pala talaga itong si Olga at nagpa over all retoke lang, samantalang ang lalaking kanyang nakita ay si Ernesto balikbayang bakla sa QC, Secret lang kasi ang kabaklaan nya kaya Macho Effect ang lola, mag bebeso beso, apir apir, talon talon, ikot ikot at tili tili sana ang mag bff kaso nakatingin si Army na Fudra ni Ernesto kaya...

green-aholic

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #68 on: March 11, 2014, 10:26:18 pm »
Wala syang nagawa kundi umuwi na lang ng bahay. Pagdating ni ernesto doon ay nagulat sya sa nakita nyang naghihintay sa kanya sa labas ng bahay. Ito pala ay si glen, ang dalagang iminessage nya sa facebook account nya at...

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #69 on: July 24, 2014, 12:10:01 pm »
Lumapit si glen. Nangamusta subalit parang wala sa sarili ang babae. Madumi ito at magulo ang buhok Nagtaka si Ernesto sa kanyang nakita at napansin rin niya ang mga sugat sa braso ng dalaga. Subalit hindi niya ito tinanong kung anong nangyari. Niyaya nya ito sa loob ng bahay ng biglang ....

joevicko

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #70 on: July 25, 2014, 01:17:49 pm »
ng biglang umulan ng malakas hanggang sa pumasok na sa bahay nila ng baha dulot ng bagyong Glenda. di nila inaasahan na dadating din ang mga kaibigan nilang mga macho dancers. madami silang dalang pasalubong singkamas at aratilis. ginawa nila itong juice saka ..

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #71 on: July 25, 2014, 11:09:48 pm »
ginawa nila itong juice saka ..

Sila nanuod ng paborito nilang palabas na Spongebob squarepants. Nang nakaramdam na sila ng antok, nagpunta sila ng kwarto at sinubukan patayin ang ilaw pero may biglang kumatok sa pintuan. Bumaba and isa sa kanila upang buksan ang pinto. At nang buksan niya ito, isang babae na mukhang ....

green-aholic

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #72 on: July 31, 2014, 10:44:43 pm »
anghel na may dala dalang baso ang nabungaran ni ernesto. nagtataka sya sa pakay ng babae. magtatanong na sana sya ng biglang bumaba si glen. dali dali itong nagpaalam kay ernesto at nagsabing mahuhuli na sya sa pagtaya sa lotto. mag aalas otso na nuon at naiwan ang babaeng may mala-anghel na mukha sa labas at...

stebsy

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #73 on: September 21, 2014, 10:13:46 am »
mag aalas otso na nuon at naiwan ang babaeng may mala-anghel na mukha sa labas at...

Pinapasok ni Ernesto Ang babaeng may mala-anghel na mukha. Tinanong niya kung anong pakay nito. "Ako si Darna", sambit ng babae. Nagtataka si Ernesto. " Darna ika mo?". Tumayo si Darna at lumapit Kay Ernesto. Nilapit niya Ang labi niya sa mukha ni Ernesto at sinabi....

ilykeee

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #74 on: September 22, 2014, 04:02:04 pm »
at sinabi...

Magbayad ka na ng utang mo! Tinawag ng babae na may mala-anghel na mukha ang batang kasama nya at hiningi ang bato. Ding ang bato! At agad nyang pinukpok si Ernesto sa ulo. Nagulat si Ernesto at agad nyang...

eilin0823

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #75 on: November 06, 2014, 05:00:23 pm »
kinuha ang kanyang coinpurse at sinabi sa babaeng may mala anghel na mukha na: "ito na ang tatlong piso na utang ko, isaksak mo sa baga mo sinlaki ng nunal ni aling mitra!" kinuha ng babaeng mala anghel ang mukha ang tatlong piso na binayad ni ernesto at agad itong......

green-aholic

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #76 on: November 10, 2014, 12:11:23 am »
at agad itong..

napatalon sa saya at nasambit ng buong tuwa na kumpleto na ang pambayad nya sa inutang nyang load sa kapitbahay nya. umalis na ang babaeng may mala-anghel na mukha. maya maya pa ay nagtahulan na ang aso sa labas ng bahay. napasilip si ernesto sa bintana at nakita si glen na kausap si olga. sila pala ay magkakilala. tatawagin sana ni ernesto ng biglang..

linai@21

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #77 on: November 13, 2014, 10:28:00 am »
naramdaman nyang sumakit ang tiyan nya, kelangan nya na palang magbawas kaya naman dali dali syang pumunta ng banyo at habang naka upo sya sa kanilang inidoro ay bigla nyang naisip si....

eilin0823

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #78 on: May 07, 2015, 03:49:03 pm »
si...sarah

si sarah na sobrang sipag na kahit nakaupo sa inidoro habang nagbabawas e nagbabalat pa din sya ng patatas. masayang masaya si sarah sa pagbabalat ng patatas kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Beki, Zenki, Kenki, at Jetski. habang nagbabalat si sarah nakita nya si...

toria

  • Guest
Re: Continue the story.... (GAME)
« Reply #79 on: June 22, 2015, 02:25:04 pm »
si Juan na tinatawag sya papalapit.

Dahil gusto nya din makakwentuhan ang kaibigan ay inihinto niya ang pagbabalat ng sibuyas at dali daling tumakbo sa labas. Habang siya ay tumatakbo, siya ay nadapa at tumulo ang...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close