Nako, parang may nag page sa akin sa thread na 'to ah! lol!
Hi Missjoan!
Medyo mahihirapan ata ako sa pag sagot ng tanong mo sis. Gamit ko kasi yang Line-reducing eye brightening concentrate
(A) , powerful-strength line reducing concentrate
(B) at yung Midnight recovery concentrate
(C).

Di ko pa nga lang nasusubukan si clarity activating toner.
Anyways, kahit sobrang mahal si product B, sobrang tagal syang gamitin. Last October ko pa binili yung sa akin, pero hanggang ngayon less than half full pa yung sa akin. Yung Product C naman, Last August ko pa ginagamit. Half full pa din.
Agree ako sa may glow sa face pagka gising lalo pag sinabayan ni product C. Si C kasi more on sa pag hydrate at repair ng skin. Si B naman, sa pag prevent ng wrinkles. Minsan nga iniisip ko, siguro pwede din naman gamitin si B around the eye area since hindi naman sensitive yung undereyes ko.. Pero nung nagamit ko si A, nag lighten talaga yung under eye ko, kaya love ko na din sya.
about sa questions mo..
a) di ko ata masasagot 'to since di ko pa na try yung toner nila. Pero if I were you, mag invest ka na lang sa concentrate.. mas mahal nga lang, pero mas madami naman na toner na mura pero effective din naman.

b) Very first Kiehl's purchase ko ang midnight recovery. Nung na impress ako sa product na 'to saka ko na sinubukan si Powerful strength. Ni wala akong samples na natry dati. Di ko pa nga alam na generous pala sila sa pag bibigay ng samples. Pero hindi naman ako nag regret sa mga nabili ko.

c) Ang sabi, okay na daw ang midnight concentate alone.. pero since may natira pa akong moisturizer, ginagamit ko na din after ng concentrate para hindi naman masayang.

About sa pores, ang alam ko na line nila doon, eh yung Rare earth pore.. Yun yata yung may Amazonian white clay. May sample sila ng masque nun eh.. Sa redness naman, napanood ko sa youtube before na maganda daw yung Acne Blemish Control Daily Skin-Clearing Treatment. Yung wrinkles sa under eye, okay na si Line-reducing eye-brightening concentrate.
