watch now

Author Topic: Batanes [Thread 2]  (Read 126493 times)

Happy Sole

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #360 on: April 16, 2011, 02:26:13 pm »
anung airport kapag seaair? next week na alis namin eh. TIA!

Manila Domestic Airport -- doon po sa old small terminal. :)
« Last Edit: April 27, 2011, 09:39:18 pm by Happy Sole »

tsarisa_mey

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #361 on: April 16, 2011, 03:56:14 pm »
hi,

we'll be going to batanes on may 6-10.
baka may same tour date as ours, any group there we could join? :)

clara71

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #362 on: April 21, 2011, 08:04:06 am »
guys may pupunta ba sa inyo sa iTbayat? from april 24
how about sabtang?

clara71

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #363 on: April 21, 2011, 08:00:05 pm »
where did you stay in sabtang>  magakno per [textspeak!]

clara71

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #364 on: April 21, 2011, 11:53:47 pm »
i need a motorcycle or tricycle na magtour sa akin sa SABTANG and a place to stay overnight in chavayan.

Harold Gabotero's number is not working..i mean its always out of reach..




cartman

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #365 on: April 23, 2011, 01:00:41 am »
pangarap din namen mag kakabarkada puntahan ang lugar na ito.wahaha

bunso

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #366 on: April 24, 2011, 10:30:50 am »
@clara71 - sis, wala kasi signal sa Chavayan kaya siguro madalas out of reach, try mo yung early morning, or na-try mo na sya i-text? Sis, lam ko nag-post na ko dito ng number nung tricycle na sinakyan namin noon, backread ka nalang, wala na kasi sa phonebook ko. Si kuya Harold, may kilala rin sya, sya nga nag-refer sakin dun.

Hindi ko na matandaan kung  ano yung name nung place na tinuluyan namin sa Sabtang, basta alam ko, tourism office or something yun, kasi dun ka magbabayad at magre-regitser pagdating. P600 per room.  Yung sa Chavayan naman, yung kay kuya Harold, P350.

samsung

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #367 on: April 29, 2011, 11:06:23 am »
Kakagaling ko lang sa Batanes last April 22-26. Sobrang saya. Binigay kami ni Kuya Jhun kay Kuya Cyril, na sobrang blessing in disguise ba ang tawag dun? Nag DIY kami, gastos per person mga 7000-8000, without airfare yun.

I just want to commend kuya cyril. Sobrang asikaso kami, ndi sya OA mag tour, nung 2nd to the last day na wala na kaming gagawin, sinama nya kami sa extra work nya. Dala nya 10-wheeler nya, punta kami sa gubat, he let us enjoy Batanes yung natural way lang, yung nabore na kami sa gubat, hinatid nya kami sa beach.. Parang mga kapatid turing nya samin, siguro kasi bata pa, mga 29 - 32 palang ang age nya.

2nd blessing, nameet namin si Noli Gabilo, tignan nyo pics nya dito --> http://www.pbase.com/noligabilo

Yung friends kong photog, nag share sya ng mga experiences nya as a photog. Sa sabtang namin sya na-meet nung nag aantay kami ng boat.

every day is a blessing nung nasa batanes kami, halos solo namin yung island, kasi uwian ng most of the tourists. nung natulog kami sa Chavayan, kami lang ang guests na matutulog sa Sabtang daw that day.

Sobrang nakakamiss ang Batanes, especially ang Rolling Hills. Nag stay pala kami sa Novita House, na sobrang komportable namin. Ok mag stay sa Abad St. andun yung Novita House, para walking distance lang sa mga stores. Nag foodtrip kami ng bbq, 10 pesos lang.

Sana mapreserve ang Batanes na ganun, yung hindi commercialized. I love Batanes :) Thanks to my GT-mates for being so attentive sa mga tanung ko, especially to bunso na nag list ng mga contacts nya dun.

We should visit Batanes every year siguro? parang retreat na din..

nga pala, na meet din namin si TJ Trinidad.. hay sobrang daming blessing talaga :)

yikee

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #368 on: April 30, 2011, 12:17:36 pm »
kauuwi lang namin ni hub from batanes.. super ganda ng batanes! sarap balik balikan.. sa batanes resort kami nag stay. since di na available itbayat room nila, sa sabtang room kami.. katabi ng itbayat kaya wala din naman halos diff sa view. maganda sa batanes resort.. asikaso naman nila kami. tapos bumababa lang kami sa beach area nila.

day 1 namin north and south batan tour.. day 2 sabtang.. tapos day 3 free day namin.. nag bike galore kami and binalikan namin yung mga gusto naming spots.. nag sunset viewing din kami ulit sa naidi hills at nag merienda sa bunker cafe don.. si kuya jack ang guide namin sa day 1 and day 2.. sobrang ok sya! ine-explain nya samin lahat ng info.. tamang kwentuhan and tambay sa hills pag pagod na. hehe.. yung bike di na kami nag rent since meron naman pala sa batanes resort, pinahiram na lang nila samin. foods nila, masasarap din! lalo na yung kabaya nila (nakabalot sa dahon na yellow rice, fish, yung lunis or adobo nila saka oved balls).. sa pension ivatan kumain din kami.. ok din foods, ang tagal lang mag serve.. tapos sa sabtang yung cater na food, sobrang sulit at sarap! lobster, coconut crab, seaweed soup, grilled..

overall, enjoy kami sobra! batanes trip ang medyo kakaiba sa lahat halos ng gala namin kaya super na-appreciate namin.. nakakatulala ang ganda ng batanes. ang babait ng mga tao.. sana makabalik din kami agad don, ipon muna.. hehe..

salamat sa gters na tumulong sa trip namin!  ;D

rain dear

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #369 on: May 01, 2011, 09:47:36 pm »
hello mga sisses!! nakabook kami ni bf via seair papuntang batanes on july16-18. 6900php two way na. nice rate!!! kaya grab ko agad kagabi! it's our first time, at dalawa lang kami. nakapagback read na rin ako ng kahit onti. sa july na yong trip kaya i am asking for your help kung ano ba ang mga dapat gawin para sa ganitong short trip na nabook namin.

sis ayionick: nagamit mo na ba yong accomodation mo sa DD? ok pa ba yon?
mr. punch: i have read that you are a big help dito sa  GT. please help me make an IT. :)

wala pa kami accomodation and everything and everything. just the fare lang going there.

maybe you could help me, please.. by the way, ok kaya yong weather sa july?? hhmm.. one of my friends went to batanes nung april lang. ok na ok ang weather, ang araw araw :)

maybe may suggest kayo na CHEAP HOTEL, pati mga required tour guides and mga places to check from july16-july18.
july 16- 7.30 am ang dating namin sa batanes
july18- 7am ang flight namin going back manila

tight sched right? please help..

thank you in advance ;D

samsung

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #370 on: May 02, 2011, 12:15:49 pm »
^ since 3 days lang:

1st day - North and South Batan (sunset view kayo sa Rolling Hills, sobrang ganda!)
2nd day - Sabtang Tour
3nd day - bye time! :(

Mas ok kung DIY kayo, hawak nyo ang oras niyo ni bf mo. ok yung nag tour samin, kasi alam nya talaga ang batanes, hanggang ngayon nag kukwentuhan parin kami, kasi sobrang napalapit na rin sya samin. Yung driver na rin namin ang tour guide namin, bata pa kaya alam kung san tlaga kami mag eenjoy, saka may photogs kami kasama, kaya alam din nya kung sang lugar ang may magandang angle. :)

I can refer you to Cyril if you want. kakamiss ang batanes, for sure, mas maiinlove ka sa bf mo pag andun talaga kayo. lalo na ang sunset viewing sa rolling hills. :)


achengtarush

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #371 on: May 02, 2011, 01:14:26 pm »
ako naman marerefer ko kayo kay Eli Gabilo, pero kung sa DDD Habitat kayo titira sya talaga ang tourguide dun

mommy23

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #372 on: May 02, 2011, 05:02:08 pm »
pansin ko lang ha..nagtravel ako the whole island of sabtang..pero marmi pa ring rough roads samantalang andun ang chavayan at savidug na national heritage

then nung magmotor bike ako papunta sa Fundacion Pacita na pagma-may-ari ng mga ABAD halos [textspeak!] ko nadaanang rough road at may mga gumgawa pa at pinagaganda pa ang mga daanan..

ano kaya ang priority ng Gov't sa Batanes? Calling Cong. ABAD..

Peace!

rain dear

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #373 on: May 06, 2011, 11:06:40 pm »
^ since 3 days lang:

1st day - North and South Batan (sunset view kayo sa Rolling Hills, sobrang ganda!)
2nd day - Sabtang Tour
3nd day - bye time! :(

Mas ok kung DIY kayo, hawak nyo ang oras niyo ni bf mo. ok yung nag tour samin, kasi alam nya talaga ang batanes, hanggang ngayon nag kukwentuhan parin kami, kasi sobrang napalapit na rin sya samin. Yung driver na rin namin ang tour guide namin, bata pa kaya alam kung san tlaga kami mag eenjoy, saka may photogs kami kasama, kaya alam din nya kung sang lugar ang may magandang angle. :)

I can refer you to Cyril if you want. kakamiss ang batanes, for sure, mas maiinlove ka sa bf mo pag andun talaga kayo. lalo na ang sunset viewing sa rolling hills. :)


hi sis!!! how much kaya ang magagastos namin pag DIY? mas tipid ba ha? hindi ko pa kasi alam kung san san ang mga places na pupuntahan namin eh. can i talk to cyril para makapagask na rin ng rate sa kanya? naghahanap ako ng affordable rate eh. san pala kayong nagstay na hotel there sa batanes? wala pa rin kasi kaming hotel, wala pa lahat :( naexcite naman ako doon sa rolling hills na sinabi mo! waah!! please help po.. thank you. :D

rain dear

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #374 on: May 06, 2011, 11:08:03 pm »
ako naman marerefer ko kayo kay Eli Gabilo, pero kung sa DDD Habitat kayo titira sya talaga ang tourguide dun

sis, doon namin balak tumira sa DDD. how much kaya doon? thanks :)

rain dear

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #375 on: May 06, 2011, 11:09:34 pm »
^ since 3 days lang:

1st day - North and South Batan (sunset view kayo sa Rolling Hills, sobrang ganda!)
2nd day - Sabtang Tour
3nd day - bye time! :(

Mas ok kung DIY kayo, hawak nyo ang oras niyo ni bf mo. ok yung nag tour samin, kasi alam nya talaga ang batanes, hanggang ngayon nag kukwentuhan parin kami, kasi sobrang napalapit na rin sya samin. Yung driver na rin namin ang tour guide namin, bata pa kaya alam kung san tlaga kami mag eenjoy, saka may photogs kami kasama, kaya alam din nya kung sang lugar ang may magandang angle. :)

I can refer you to Cyril if you want. kakamiss ang batanes, for sure, mas maiinlove ka sa bf mo pag andun talaga kayo. lalo na ang sunset viewing sa rolling hills. :)


hi sis!!! how much kaya ang magagastos namin pag DIY? mas tipid ba ha? hindi ko pa kasi alam kung san san ang mga places na pupuntahan namin eh. can i talk to cyril para makapagask na rin ng rate sa kanya? naghahanap ako ng affordable rate eh. san pala kayong nagstay na hotel there sa batanes? wala pa rin kasi kaming hotel, wala pa lahat  naexcite naman ako doon sa rolling hills na sinabi mo! waah!! please help po.. thank you.

hi sis!!! how much kaya ang magagastos namin pag DIY? mas tipid ba ha? hindi ko pa kasi alam kung san san ang mga places na pupuntahan namin eh. can i talk to cyril para makapagask na rin ng rate sa kanya? naghahanap ako ng affordable rate eh. san pala kayong nagstay na hotel there sa batanes? wala pa rin kasi kaming hotel, wala pa lahat :( naexcite naman ako doon sa rolling hills na sinabi mo! waah!! please help po.. thank you. :D

achengtarush

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #376 on: May 07, 2011, 06:31:36 am »
rain dear, P800/day lang ata si Eli. Mas makakamura kayo kung makishare pa kayo. Example may taga DDD din na kausapin nyo na share na lang kayo sa van. P2k/day nman yun. E di mas mura. Hati kayo sa P800 and P2000.

rain dear

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #377 on: May 07, 2011, 07:08:32 pm »
salamat sis achengtarush! naku meron kayang pupunta ng july16-18 na mga sisses natin??? hhhmmm..

samsung

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #378 on: May 25, 2011, 02:47:36 pm »
 ^ sorry sis rain kung ngaun lang nakareply.. hehe..

mas makakatipid kayo sa DIY kung 3 or more kayo saka mas masaya pa kasi nga hawak nyo oras nyo.
Kami naka 5Days 4 Nights, ang nagastos ko mga 7500 sa 5days 4nighs na yun, marami na ding pagkain yun :)

hay sarap sarap, i miss batanes! :)

princessrio

  • Guest
Re: Batanes [Thread 2]
« Reply #379 on: June 01, 2011, 12:20:02 am »
mga sisses,

ok ba yung offer ng cash cash pinoy?
http://www.cashcashpinoy.com/service/breath-taking-batanes-getaway-all-inclusive

feedback naman regarding the place of accommodation. TIA!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close