watch now

Author Topic: Dog Bites and Anti-Rabies  (Read 210173 times)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #60 on: June 04, 2012, 09:06:29 pm »
^nag work ako before sis sa animal bite center. lol yung 5 shots basta may specific period/year lang sya na active, pero after that start na ulit ng 5 shots. pero pag cover pa ng year na nag 5 shots ka, pwedeng booster na lang. pero yung immunoglobulin, once lang. ang alam ko every 5 years sila nag re-revise ng protocol regarding rabies control/vaccines, etc. kaya di rin natin sure sa future kung anung next na maiimbento na vaccine.

JHAZbewithyou

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #61 on: June 06, 2012, 12:40:17 am »
Mas mura po dun. :)

JHAZbewithyou

  • Guest
Dog Bites.. Please help!!
« Reply #62 on: June 06, 2012, 10:46:06 am »
Hi Girls!! :) I need help lang. Nagaalala kasi ako. Nakagat kasi ako ng dog ko. 3mos old pa lang sya. Pero napaturukan na namin sya ng pangimmune sa rabies. Pano [textspeak!] yon? Kaylangan ko pa din [textspeak!] magpainjection? May masamang epekto pa din [textspeak!] yun? Please answer me.. :( Thanks.. :')

JHAZbewithyou

  • Guest
Re: Dog Bites.. Please help!!
« Reply #63 on: June 06, 2012, 12:11:16 pm »
Reply naman kayo please?? :(

cocoysmom

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #64 on: June 07, 2012, 04:51:58 am »
i can't sleep mga sis kasi later we'll bring my son to an animal bite center for anti-rabies injections. honestly, reluctant ako iniisip ko pa lang yung pain na mararanasan ng anak ko naiiyak na ako. mom ko ang insistent. husband ko so-so. pero kung sasabihin na kelangan eh papayag naman ako.  :'(

actually, nakagat sya ng pet dog namin, 7 yr old shih tzu. last vaccine nya 2009 or 2010 pa (natataranta pa ako, hindi ko pa maisip nasan yung certificate from the munisipyo). nadelay ng nadelay yung vaccination kasi nagka-mange sya so sabi ng vet mukhang pangit ang immune status pangit mag-vaccine. permanent indoor sya at nilalabas lang namin kapag nagpa-groom pero karga pa din. ok naman appetite and activity nya. tonight, he was sleeping on the floor when my son accidentally stepped on him, actually more of nasipa sya sa mukha. i heard a yelp from him, hindi naman umiyak ang anak ko pero when i asked him soon after, kinagat nga daw sya. he pointed to a very small wound, <1mm, parang na-peel off yung skin then may minimal bleeding. i promptly washed it under running water twice with handsoap and applied alcohol twice. wala akong makitang betadine kanina. nung nahimasmasan na ako saka ko nakita ang betadine, 2 hrs after.  :-[ nilagyan ko pa din.

this dog is nice to my son. although kami ni husband nakagat nya na noon while we're cleaning up his wounds due to mange. well, basta kapag nasasaktan sya. not deep bites din, parang hawak lang with the mouth na nadiin, minsan may mark, minsan wala. after nung incident, lumayo naman sya agad so obviously, nabigla o nasaktan lang talaga.

anyway, is there anyone here na provoked din yung biting ng dog tapos hindi muna binigyan ng immunoglobulin? :(  bukod sa super naawa naman ako sa anak ko, ayoko mabigyan sya kundi naman kailangan.  :-[ yung vaccine ok lang kasi kung hindi man namin kelangan ngayon at least may level of protection nya if ever <knocks on wood> maulit muli tapos hindi na namin dog. kawawa din si pet dog, sinasabi ng mom ko ipamigay na lang or ipa-euthanize sa vet. :(
« Last Edit: June 07, 2012, 10:05:30 am by cocoysmom »

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #65 on: June 07, 2012, 09:27:54 pm »
^as long as the dog is alive after 10-14 days ng makagat, wala namang rabies yun. kaso we dont want to wait ng ganung katagal kaya mas maganda mauna na ang vaccine.

pinkswirls12

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #66 on: June 08, 2012, 09:49:41 pm »
^^sis ipacheck up mo na lang ang child mo kasi may categories naman ang animal bite. if category 2, pcec/pvrv lang ang ibibigay plus anti tetanus vaccination. if category 3, pcec/pvrv + anti tetanus vaccinations + hrig/erig. please be reminded that erig is not given if ang bite ay nasa head to neck and nagpositive sa skin test. hrig is expensive because it is human derived and no need to worry for allergic reaction. but if hindi talaga kaya iavail, the person will sign a waiver for use of erig despite it's possible allergic reaction.

i also want to suggest that if you have pets at home, mas magandang magpapre exposure vaccine. kung makagat man kahit pa category 3 ang diagnosis, booster na lang po ang ibibigay and no need to buy the expensive erig/hrig..

cocoysmom

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #67 on: June 09, 2012, 06:14:32 am »
thanks mga sis sa reply. nadala ko kinaumagahan yung son ko sa municipal hospital and the doctor there said category 2 so vaccine lang recommend nya. kahit daw kasi dumugo ng kaunti nasa toe naman, provoked pa yung dog, di malalim and we could observe the dog naman. he cited those reasons. kapal ko nga kasi i asked pa talaga ulit, sabi ko doc nabasa ko sa internet kapag dumugo 3 na daw yun agad? sabi nya depende pa din. ;) intrimitinda ba? :)

we bought the vaccine from mercury kasi wala yung in-charge sa pagbibigay. nasa php 1630.

i also want to suggest that if you have pets at home, mas magandang magpapre exposure vaccine. kung makagat man kahit pa category 3 ang diagnosis, booster na lang po ang ibibigay and no need to buy the expensive erig/hrig..

naisip nga namin ni husband ok na din ma-inject si little boy kasi he's always saying vet sya paglaki, eh dba necessity yan pag vet med ka? but right now he's only five. hahaha. baka magbago pa pero at least protected sya. i'll ask our pedia nga eh kung pwedeng convert to pre-exposure yung sked namin? kasi dba pag ok ang dog pwede na wag ipa-shot yung next 2 doses? yung day 14 at 28 ? i want sana to give another shot on the 28th day para completed nya yung pre-exposure sked. your thoughts?

pinkswirls12

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #68 on: June 09, 2012, 11:41:17 pm »
^intramuscular injection ba ginawa? kasi if intradermal ang sched ay days 0, 3,7,28. day 28 is optional na lang ibigay if buhay pa ang dog after 14 days of observation. if tapos na yung vaccine, no need for pre exposure kasi vaccinated na sya protected na siya. ang schedule naman ng pre exposure ay days 0, 7, 28 and 1 intradermal injection lang..
« Last Edit: June 09, 2012, 11:44:52 pm by pinkswirls12 »

akosiinay

  • Guest
Re: Dog Bites.. Please help!!
« Reply #69 on: June 16, 2012, 09:08:19 am »
Hi sis nakagat din ako ng tzu ko last may, may vaccine din sha pero nag paturok na rin ako, bale 8 shots un turok sken  paturok k n rin sis buti n un sigurado

akosiinay

  • Guest
Re: Dog Bites.. Please help!!
« Reply #70 on: June 16, 2012, 09:10:03 am »
3 mos old pa Lang din un puppy ko nong nakagat ako,,, so sad nga namatay sha kahapon parvo virus un caused,,😭😭😭

ishigirl

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #71 on: June 17, 2012, 12:16:24 am »
son ko nakagat ng shih pooh namin pero halos gasgas lang.. kakatapos lang nya mag pavaccine kahapon..3 sessions. for safety kaya pina anti rabbies vaccine ko.la nnaman pagbabago sa dog namin, masigla pa din. 3 months lang sya, saka after 11 days na nangyari un bago ko pa sya napa vaccinan, pwede naman daw kahit ganun katagal, i kept on thinking about it kase, nakaka paranoid kaya para wala ako iniisip pina vaccinan ko na. siguro walang rabbies [textspeak!] dog namin kase diba if 10-14 days at di namatay ang dog, wala sya rabbies? correct me if im wrong or posibleng may rabbies din sya?

cocoysmom

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #72 on: June 17, 2012, 07:54:57 am »
^intramuscular injection ba ginawa?

no sis, pina-intramuscular ko kasi 2 shots daw everyday kapag intradermal eh, same lang naman daw effectivity-wise...

my pedia told me better go with the whole 5-day post-exposure sked. :( wawa naman little boy ko pero it's for his safety din naman so go! thanks sis. :D

mojitayanipot

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #73 on: July 26, 2012, 08:47:12 pm »
Hi sisses, our Jap Spitz (her name is Yuki) gave birth last May 30 and since then, sobrang tapang na nya sa ibang people. We have tenants, and most of them pag dumadaan sa may cage nila Yuki and her pups, she barks at them at galit na galit. Kanina, for some reason, nabuksan nya yung cage nya and she went after one of the tenants' bf. Ayun, nakagat nya. :( Should we still get the bf vaccinated kasi Yuki just had her anti-rabies shot a few weeks ago. She rarely gets to go on walks outside nowadays din kasi nga parang galit lagi sa ibang people. Pag kami naman ng family ang naghahandle sa kanya, ok parin sya. Ganun parin, malambing.

Ano kaya pwede namin gawin para maging tulad sya ulit ng dati sa ibang tao? May water station din kami dito sa may garage, so aside from the tenants, madami talaga ibang taong nagpupunta dito sa 'min. Kawawa naman si Yuki kung ipapamigay namin. :(

Ann_2128

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #74 on: September 20, 2012, 11:03:19 am »
Hi mga Sis, any idea how much ang ERIG shot? Nakagat kasi ng pusa namin ang nanay ko at walang available ERIG vaccine sa Animal Bite Center na pinuntahan namin. Any idea kung saan pwedeng pumunta aside from RITM and San Lazaro, around Rizal?

abuanddiego

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #75 on: September 21, 2012, 03:37:06 am »
^sis ganyan ata talaga ang mga spitz, matatapang. nagbasa ako tungkol sa kanila at yun nga sabi. my late jap spitz kagaya rin ng dog mo, super tapang at galit sa ibang tao pero sa amin mabait at super lambing. tumanda na syang ganun at dahil wala pa akong alam about dogs noon, lagi na lang sya sa loob ng house kasi baka may makagat. noon pa mahilig na ako sa dogs but she was the first purebred dog na akin talaga, grade 2 lang ako nung nakuha namin sya, 24 na ako ngayon. she lived a long life around 12-14yo na when she passed away. ayoko na gaano magkwento naiiyak nako ;D

ang sabi ng vet namin, wala naman daw talaga rabies kung asa bahay lang sila. pero pag human doctors, iaadvice talaga na magpashot yung nakagat, for safety lang siguro. saang part yung nakagat, malaki ba yung kagat sa kanya? nagdugo? depende kasi sa kagat yung shots eh, backread ka lang, may mga posts about dun. dati rin nakagat ako ng bulldog ko while feeding him, daldal kasi ako ng daldal sa cousin ko ayun daliri ko na pala nakagat. maliit lang sa may fingernail, di rin nagdugo pero namuo yung dugo. Eh oa mga tao samin kaya nagpaturok na rin ako ;D tinanong ko sa doctor na kailangan pa ba talagang bakunahan kahit maliit lang yung kagat at di nagdugo? sabi nya oo daw at dapat daw pag may dogs,mahilig sa dogs,working with dogs, nagpapashot talaga for protection.

pwede pa naman siguro sya magbago kung itrain nyo. sanayin nyo sa tao at wag lagi icage. lagyan ng leash at magwalk lang kayo sa bahay, importante alamin mo yung body language at sabihan mga tao na matapang sya para wag muna lapitan. watch ka ng training videos sis, with constant training, matututo naman sila. hindi kasi ako fan ng ipapamigay ang dogs kaya advice kita na itrain ulit sya hihi.

twelve5

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #76 on: September 21, 2012, 04:10:33 am »
^ narinig ko na rin yang no rabies pag nasa bahay lang ang aso. Kasi daw yung dumi or maduming kinakain at yung nagka-kalkal ng basura ang nakaka rabies.. But better safe than sorry pa rin kaya may vax mga aso namin.

Yung jap spitz din ng mom ko ngayon mejo matapang. Selosa kasi.  Buti nalang all bark and no bite... Pero yung spitz ko nung college tahimik naman.

2 yrs ago nakagat ako ng isa sa mga pups namin. Playful bite naman. Nag bleed finger ko pero di ako nagpa inject. Pareho naman kaming buhay pa ng pup at walang bumula bibig. Hehe.

xmorenax

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #77 on: September 25, 2012, 03:41:01 pm »
hi po, question lang bakit ang schedule ng vaccination ng hubby ko is 0, 3, 7, 14, 28? sa paa po sya nakagat.... 14 and 28 na lang ang kulang namin... pede na po kayang hindi siya ituloy? wah mahal kasi :( tapos wala namang changes sa aso namin... pag dudumi lang naman siya nilalabas ng bahay.
TIA :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #78 on: September 25, 2012, 04:40:03 pm »
alam ko hindi lang yung changes sa aso yung basehan ng vaccine. ang mga vaccines kasi may series of shots/schedule para maging totally effective. kung hindi nyo tatapusin, baka masayang lang yung naunang shots nya. sayang kasi nasimulan na, baka next time na makagat sya magback to zero kayo instead of booster na lang.

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #79 on: September 26, 2012, 11:45:23 pm »
Share ko lang tong true story ko ha mga sis (mahaba so pasensya na). Kasi napaka life changing at traumatic sakin nito eh. Ang mensahe sana na gusto ko iparating regarding this story is yung pagiging responsible dog owner at huwag hayaang pakalat-kalat sa kalye yung mga alaga nila. Because if your dog bites another person, the blame is not on it but on YOU.

2 years ago (October 2010), I was attacked and bitten by a German Shepherd of one of our neighbors. Sa isang subdivision kasi kami nakatira. I had no idea na may aso pala because as I was walking my pet, bigla nalang tumalon mula sa talahiban yung German Shepherd at sinugod kami. He was initially targeting my Shih Tzu. But being the protective person that I am, I immediately lifted my dog as high as I could. Napakalaki kasi nung aso. Hanggang waist ko sya on its 4 legs. Hindi ako tumakbo. Because I've been reading a lot of stories that if a dog senses your fear at nagtatakbo ka pa, the more it will attack you.

So I stood still lang. And I tried to drive away the dog by stomping my leg. But what he did was circle around me and he never left his eyes on me as he was growling. Tapos bigla nalang akong kinagat sa hita ko. Buti nalang nakita ako nung isa naming kapitbahay and he immediately ran out at tinakot yung aso. If not for him, ewan ko nalang kung ano pang damage ang nakuha ko.

The dog ran back in front of its house. Ang tagal tagal nya dun. More than 5 minutes na, wala pa ding tao dun sa yard nila at nakabukas lang yung gate. Btw, thrice ko nang nakitang nakakawala yung mga aso nila so this isn't the first time that this happened. The scary part is, aggressive yung mga aso nila eh. Tumatagatak na yung dugo sa hita ko and people are panicking. Pumunta yungneighbor namin dun sa dog owner para sabihin yung nangyari sakin. Pero imbes na magmadali sila na ihatid man lang ako sa opsital, it took them almost 30 minutes bago ako pinuntahan.

The owner brought me to this hospital na hindi man lang naka uniform yung doctor. He insisted na anti-rabies lang daw ang kailangan sakin. I remember that when I was bitten by another dog during childhood, binigyan din ako ng anti-tetanus (lalo na kung malalim yung kagat). Pero since that doctor insisted na anti-rabies lang, tumahimik nalang kami nung mom ko.

So nakausap na namin yung dog owner at nag-apologize naman sya (she even gave an idiotic reason na kesyo baka daw naaamoy nung aso nya na dog lover ako kaya ako inatake. gag0 lang eh). Sabi namin, sige ok lang so we headed home nalang. Pero di mapakali ang mom ko so we asked a second opinion from a more reputable hospital. When the doctor there saw my wound, he said na ang lalim at hindi pwedeng hindi ako bigyan ng anti-tetanus. Na sop sa kanila na magbigay ng anti-tetanus kasi pwedeng di nga ako ma-rabies pero ma impeksyon naman sugat ko. So we called the dog owner and told her that I also needed an anti-tetanus.

Eh aba. Ang yabang pa ni dog owner eh. She said "No! 2 of my brothers are doctors in that hospital (yung unang ospital na pinagdalhan sakin) and they insisted that she doesn't need anti-tetanus." Aba'y sya pa ang galit at mataas ang pride. You know what mga sis, she even sent me a waiver and a letter of her attorney (she's THAT paranoid), forcing me na pirmahan yun. If not, di nya daw babayaran medical expenses ko. If I signit, abswelto sya sa kahit anong liability.

So imagine. Nakagat nako. Hindi makalakad. Isang araw lang after the attack, papadalhan nya ako ng letter of attorney. So just imagine HOW i felt. Obviously, hindi ko pinirmahan and we filed a case against her. To make this already long story short, umabot kami sa korte and this year pa lang lalabas yung resolution. But obviously, talo sila. Hanggang sa courtroom eh ginisa at pinaiyak pa ako ng attorney nya (na kapatid nya din). She even boasted that they are a good family because they are a family of attorneys and she has relatives in the BIR, sa customs, at mga officer dito sa subdivision namin. Her brother also bribed our attorney (pero he failed). So kayo na bahalang mag-absorb kung anong klase syang tao.

Her daughter even accused me na ako daw nagpa dampot sa German Shepherd nya dahil may kumuha daw dun. Sabi ko kanya, "Miss, animal lover ako. Pinayuhan nga ako ng brgy. officials na ipahuli sa dog pound yang aso mo pero tumanggi ako. Dahil alam kong kawawa sya dun at dahil alam kong hindi naman yung aso ang may tunay na kasalanan." Turns out, mommy nya pala ang nagpakuha sa aso nya at nagpalipat sa ibang lugar dahil sa sobrang paranoia.

It's been 2 years but the trauma is still fresh. I used to be very brave sa kahit anong uri ng aso. But these days, makakita lang ako ng asong nakawala, nanginginig na ako. All because of one irresponsible dog owner.

There are people who want their dogs roam the streets freely dahil daw naaawa sila na ikulong o itali. Or "tinatamad" silang maglinis ng dumi at ihi. Or dahil mabait naman daw ang aso nila. Pero ito lang ang masasabi ko. Kahit gaano pa kabait ang aso, there will still be times that it will be unpredictable. After all, dogs are "instinctive" animals. At may mga lugar na bawal ang stray dogs (like dito samin) dahil sa risk na makasakit sila ng ibang aso at tao. Not to mention their risk of contracting sicknesses and rabies dahil madumi sa labas. So if you really care for your dog, walk it outside, let it experience freedom, pero wag mo hayaang pakalat-kalat sa kalye.

This is my actual wound from that dog attack (my left thigh):
http://i.imgur.com/Y4Tl0.jpg


« Last Edit: September 26, 2012, 11:49:20 pm by Huntress Krystle »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close