watch now

Author Topic: Dog Bites and Anti-Rabies  (Read 210131 times)

cristylove

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #20 on: December 19, 2010, 09:34:44 pm »
Dapat RITM meron vaccine kasi 2 govt centers lang daw ang nagbibigay ng anti-rabies. RITM and San Lazaro.

diana88

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #21 on: December 19, 2010, 09:43:01 pm »
ako nagpunta nlang ng animal bite center na malapit samin..1k lang per shot, mas mahal kc single shot..hndi [textspeak!] mkkihati sa iba..un kc [textspeak!] nasimulan ko sa unang hosp na npuntahan ko eh..wala nman kc clang verorab, bumili pa ako sa mercury, at sobrang mhal nia nsa 1,600 [textspeak!]..tapos may injection fee pa na 50php.. :o

clermont

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #22 on: December 20, 2010, 12:23:39 pm »
Pumunta na sina Mama at yung owner sa RITM today. Dahil iba yung brand/vial na ginagamit nila, Day 0 ulit. Kahit maging ok pa yung alaga after 14 days, I want my mom to get all the injections. I know my mom is in so much pain right now kasi masakit talaga ang anti-rabies injections.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #23 on: December 21, 2010, 01:15:06 pm »
2 klase kasi ang pag bibigay ng anti-rabies pwedeng intradermal or intramuscular pero usually pag mga hospital ang ginagawa nila ay IM kasi usually sa mga animal bite treatment center lang nagbibigay ng intradermal injection. pero mas mura yung intradermal (2 braso).

kung nasimulan mo na sis yung verorab intramuscular, mas maganda i-continue mo na lang yun, kasi kung naka-3 doses ka na at buhay naman ang aso, okay na yung 3 doses. pero kelangan mag stick ka sa schedule na binigay sa'yo. (day 0, day 3, day 7) pag namatay ang aso continue mo yung (day 14, day 28/30).

as far as i know 2 lang ang approved ng DOH at WHO na anti-rabies vaccine (rabipur at verorab lang), diko lang sure kung may nadagdag na bago.

kung gusto mo naman makamura, i suggest mag back to zero ka ng intradermal regimen, yun nga lang start ka ulit, sayang yung pinaturok mo sa hospital na IM na anti-rabies.

mas maganda talaga sa mga animal bite center pumunta kasi mas maeexplain nila ng mabuti. kasi usually dito sa hospital sa province papabilhin ka lang ng gamot tapos iinject at bibigyan ka ng schedule. kaya yung mga ibang patients isa lang ang pinapaturok at di na nagpapaturok ng kasunod kaya nagkaka-cases ng rabies.
sa 3rd dose kasi nakukuha ang 100% protection sa rabies. kaya usually pag mga category 3 na animal bites ay ina-advise na magpa-ultimatum para may immediate protection kaagad. pero need pa din i-continue yung may schedule para safe.  ;)

imayans_18

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #24 on: January 03, 2011, 07:30:33 pm »
hello..im new here sana matulungan nyo ko.. kase yung son ko 1 yr old nakalmot sya ng shitsu sa mukha napapa vaccine ko namn sya.. pero needba ang erig or equine rabbies immunolobulin ma shot s kanya and how much kaya yun

hannie1216

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #25 on: January 04, 2011, 12:00:48 am »
kalmot ba? kasi ang alam ko kagat yung may rabbies hindi kalmot. madalas kasi ako makalmot ng mga aso ko 3 yon.

zhajhei_08

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #26 on: January 05, 2011, 12:21:50 pm »
ako dame kong kalmot. yung kalmot, ayun mga peklat sa legs.
kase madalas akong hampasan ng paa nya. yun ang lambing nya eh.
no worries naman ako kase me vaccine naman siya. me worries pala ako,!!! yung scars na naiwan... huhu

as long as me vaccine naman mga furkid naten ok lang siguro.
tska kung sa bahay lang naman lage yung furkid naten, hindi nakakihalobilo sa mga stray dogs, dun me possible silang mahawaan ng rabbies syempre pag nagharutan.

or if you want you could ask your vet.

this is just my opinion ha.

rinapie

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #27 on: January 05, 2011, 11:01:46 pm »
ako din madaming kalmot  at kagat(hindi sinasadya kasi nung mga 2 months niya matalim talaga ngipin) nung mga panahon na wala pa siyang vaccine, ayos naman ako at isang taon na ngayon aso ko. tama nga yata na kung sa bahay lang naman at hindi rin nagkakalkal ng mga dumi, hindi naman siguro magiging rabid yung aso.

chardonnay

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #28 on: February 20, 2011, 11:50:48 am »
Help! How early should I get a shot? I was bitten madaling araw (4am) by our cat, no shots pero indoor lang talaga, never goes out. Prob is me need ako puntahan today. Okay lang mamayang gabi or tom punta Doc?

Thanks!

chardonnay

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #29 on: February 20, 2011, 10:20:28 pm »
I had shots na. Grabe 5 agad. Sobrang sakit nung sa hita and yung skin test. Mangiyak ngiyak ako tapos wala man lang ka empa empathy yung nurse.
Amount is around P9k then I have to be back for four mores shots costing P1500 each. awww! kung di covered ng healthcard ko, baka magdalawang isip pa ako ;D So ingat ingat na lang po tayo.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #30 on: February 20, 2011, 10:59:42 pm »
^na-ultimatum ka ba sis? ang mahal naman

FOURever

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #31 on: February 21, 2011, 05:43:07 am »
OT: how much ang magpa anti-rabies? Di pa naman ako nakakagat pero kasi hahawak kami ng rats for our thesis. Sabi ng prof magpatusok na daw para kung saka sakaling may di magandang mangyari. Tia!

chardonnay

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #32 on: February 21, 2011, 01:20:46 pm »
^  Sis yung sakin kasi, yung 1 time shot na Favirab (active), around P5k tapos yung Verorab (passive), P1500 per shot. Not sure though kung ano needed nyo. Yung passive daw is yung immediate ang effect while yung active is would take longer pero permanent na yata, parang ganun hehe.

Try to check in San Lazaro kasi mas mura and you have time naman.

^na-ultimatum ka ba sis? ang mahal naman

Hindi naman sis pero dahil napuncture and nagdugo kasi sya.
Shots are 1 anti-tetanus, then yung other 4, two types ng anti rabies na.

OT. kanina pala pagkakain ni ming ming lumapit sa akin tapos parang laway laway sya. Napraning naman ako,kala ko bumubula na bibig nya.  :-\
Yun pala kakainom lang. Ugali kasi nun dinadawdaw yung paa sa tubig tas yung paws nya lick nya. messy tuloy  ;D Mukang normal pa naman sya :D

FOURever

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #33 on: February 21, 2011, 04:49:51 pm »
^thank you sis!

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #34 on: February 21, 2011, 10:00:50 pm »
^^na-ultimatum ka nga pala sis kaya pala ang mahal. hehe yun yung Favirab. sakit ano? di bale for life naman na yan.  :)

chardonnay

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #35 on: February 22, 2011, 02:13:07 am »
^ ah yun ba yun Sis? Kala ko tipong dead or alive na kasi eh hehe ;D

Potek sa sakit  :o Hindi dun sa tusok ng needle kundi habang pumapasok yung gamot, sakop buong hita ang sumakit. Kala ko nga di agad ako makakalakad. YUng skin test simpleng hiwaan ka daw ba ng blade sa braso :o

heavensent

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #36 on: July 27, 2011, 10:01:00 am »
yung daughter ko suki na yata ng San Lazaro, buti nalang hindi siya takot sa injection and buti malapit lang sa amin

the first time na pumunta kami dun is nung nakalmot siya ng stray cat na napulot nya (mahilig kasi siya talaga sa pets) then yung next time is nung nakagat siya nung pusa namin, may vaccine naman yung pusa namin pero i want to make sure kaya binalik ko siya dun pero booster shots nalang ang binigay ng doctor..

chedz.03

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #37 on: August 25, 2011, 02:22:14 pm »
@pink_sugar- when you say lifetime na yun shot ng favirab, pag nakagat ka ulit ng dog hindi ka na ba magpapainject nun? protected ka na ba against rabies since may shot na ng favirab before? TIA

clermont

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #38 on: August 25, 2011, 02:56:51 pm »
^Kapag nakagat ulit sis, booster na lang kailangan.

chedz.03

  • Guest
Re: Dog Bites and Anti-Rabies
« Reply #39 on: August 29, 2011, 12:42:46 pm »
booster so 1 time nalang po yung shot?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close