watch now

Author Topic: Dog Bites and Anti-Rabies  (Read 210121 times)

honey_iya

  • Guest
Dog Bites and Anti-Rabies
« on: September 06, 2010, 10:01:20 am »
Sisses,ask ko lang kung may idea kayo how much anti-rabbies vaccine sa San Lazaro.

Last week kasi pinakain ko yung tuta namin,nalingat lang ako kinagat niya daliri ko. di naman totally kagat,parang sumabit lang yung dulo ng ngipin niya. di nga dumugo,as in DOT lang. binalewala ko lang. kaya lang since saturday eh ayaw na niya kumain at sobrang tamlay na pero kasi before that eh dumudumi at sumusuka siya na may kasamang bulate (sa bulate din namatay yung unang aso namin). di ko alam kung ano dahilan ng pananamlay na. so to be sure nagpunta ako doctor kanina at ni-refer ako sa san lazaro.

PinKisH_23

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #1 on: September 06, 2010, 10:34:50 am »
Sis I'm not sure na kung magkano sa San Lazaro pero pwede ka rin magpunta sa City Hall nyo at irerefer kayo sa mas murang Animal Bite Center. Dito sa amin sa Bulacan 700 per shot, total of 5 shots. Sa Pasig naman 700 din for 4 shots. Sa Valenzuela naman 700 din 4 shots, free at 4th shot para sa Valenzuela residence. Kasama na rin ang anti tetanus. Sana nakatulong kahit papaano.

honey_iya

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #2 on: September 06, 2010, 10:40:19 am »
^Bulacan din ako sis :) sabi kasi ng doctor,sa san lazaro daw magtiya-tiyaga ka pumila kasi hati-hati pala dun para makamura eh sobrang layo ko sa san lazaro :(

thanks sis at least may idea ako how much at pwede pala magtanong sa city hall. thanks again sis :)

PinKisH_23

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #3 on: September 06, 2010, 10:49:55 am »
No worries, sis. Sa Marilao lang ako, yung ABC (Animal Bite Center) asa Meralco Village, merong sakayan sa gilid ng SM Marilao. Ilang beses narin kami pabalik balik dun kasi lahat halos sa family ko dun ko dinadala. Mahilig kasi kami sa dogs.

Sobra talaga sa San Lazaro sis, to avoid hassle punta ka nalang sa nearest ABC sa inyo. Dun kami nagpupunta like 10 years ago para magpa inject kaso talagang matagal ang pila, aabutin ka ng 1 araw para matapos ang pila.

honey_iya

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #4 on: September 06, 2010, 11:17:59 am »
^Marilao din ako sis hehe. pwede ba dumiretso na dun? kahit wala ng referral? may medical certificate kasi na ginawa doctor ko kaso para sa san lazaro nakalagay dun.

PinKisH_23

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #5 on: September 06, 2010, 11:26:38 am »
Uu sis kahit wala na referral, diretso ka na dun, from sa sakayan ng tricycle sabihin mo lang sa animal bite center sa meralco, 29 ata ang special dun, tapos pasok ka lang sa clinic, asawa ng counselor dito sa atin yun doctor. Tapos check up bayad ka lang ng 700 bibigyan ka ng schedule on your next turok. hehe. Same bayan pala tayo. Taga town and country lang ako.

honey_iya

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #6 on: September 06, 2010, 11:30:13 am »
^Sis,thanks ha. punta kami dun sa friday. heritage ako sis :)

PinKisH_23

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #7 on: September 06, 2010, 11:33:22 am »
No problem sis.

Amphitrite

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #8 on: September 06, 2010, 11:45:29 pm »
before that eh dumudumi at sumusuka siya na may kasamang bulate (sa bulate din namatay yung unang aso namin).

Sis aside sa pag-punta mo ABC, hindi kaya may bulate pa ang tuta mo kaya matamlay? Ipa-check mo din siya sa vet.

rinapie

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #9 on: September 07, 2010, 02:24:15 am »
oo nga,nadala na din ba ninyo sa vet yung puppy? sana maging maayos ka din naman. ingat na lang and pa-arv na ninyo tuta para safe na kayong dalawa ng puppy ninyo.

honey_iya

  • Guest
Re: Dog Bites
« Reply #10 on: September 07, 2010, 09:19:47 am »
Sad to say di na siya umabot sa vet,namatay na siya kahapon :( ayaw na muna namin mag alaga,parang ang malas namin. twice na kasi kami namatayan :(

clermont

  • Guest
Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #11 on: December 18, 2010, 12:26:00 am »
Nakagat ng aso ng kapitbahay namin si Mama today. Natanggal ng konti ang skin sa index finger at may maliit na dog bite sa thumb. Dinala sya ng may-ari ng aso sa private hospital since close na ang RITM.

Matapang na aso pero ngayon lang talaga nangagat. Last year pa daw huling anti-rabies vaccine nya. November 2010 nakagat sya ng stray dog sa tenga at leeg.

3 shots binigay kay Mama for Intramuscular Regimen Day 0: passive anti-tetanus, active anti-tetanus, Verorab (anti-rabies)

Here's where I need help. Mahal ituloy ang treatment sa private hospital.

Option 1: so pinag-iisapan namin ng may-ari ng aso na pumunta sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine). Based on my online research, wala ng Verorab sa RITM kaya back to Day 0 kami with another brand of anti-rabies.

Optin 2: Gusto kong subukan ang Anti-Rabies Unit ng PGH based din sa mga nabasa ko online.

What do you think mga sis? :(

maika14

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #12 on: December 18, 2010, 12:33:27 am »
im sorry to hear about your mom sis. but good thing you acted on it asap. check with san lazaro as well. if im not mistaken, they have the biggest bite center. be sure to complete the cycle. pay close attention to the dog too. ;)

clermont

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #13 on: December 18, 2010, 12:53:11 am »
^Do you think sis they have Verorab?

maika14

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #14 on: December 18, 2010, 01:09:18 am »
^ Sis, I'm not sure though. You can get in touch with them tom. Here's san lazaro's numbers: (02) 732-3776 to 78. Sana meron pa para hindi back to zero si mom mo.

clermont

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #15 on: December 18, 2010, 01:33:19 am »
^Naku sis. Thank you so much for the nos. I called SLH and they confirmed that they have Verorab. Yehey! Punta kami dun sa Monday, between 8am - 4pm.

rumplehuey

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #16 on: December 19, 2010, 01:29:46 am »
Nakagat din ako ng pusa namin nung Thursday. I went to the doctor right away at binigyan din ako ng anit tetanus at Verorab. Buti covered ng health card namin kaso first shot lang. Yung succeeding shots hindi na. Eh 2000+ yung vaccine. I am not sure kung itutuloy ko pa yung next shots since ilan beses na din naman ako nakakagat ng pusa namin pero wala naman nangyayari. Last thursday lang yung malala yung kagat nya kasi galit na galit sya sa aso namin. So far, 3days na pero wala pa din naman nagbabago sa behavior ng pusa namin. Di naman sya lumalabas ng bahay kaya I am sure na wala naman syang ibang sakit. Tsaka yung wounds ko pagaling na din. What do you think?

melloddee

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #17 on: December 19, 2010, 01:17:46 pm »
Go to San Lazaro Hospital sis. Nakagat ng aso namin ang anak ko.. medyo konting pasensya lang sa paghahanap ng kahati mo sa isang vial.. i remember dati 1k plus yung isang vial, but 500 plus na lang kasi me kahati ka.. di ka naman masyadong mahihirapan since marami din naghahanap ng kahati dun.. mahaba ang pila kaya dagdag na pasensya talaga..  Very important na makumpleto ng mom mo ang vaccine.. Good luck! Balitaan mo kami.

rumplehuey

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #18 on: December 19, 2010, 02:50:48 pm »
Ang layo ng San Lazaro sa min. I opted na ituloy nalang dito sa hospital malapit sa min. P1580 shot. naka 2nd na ko kanina. 3more to go. haay :(

FOURever

  • Guest
Re: Help! Human Anti-rabies Vaccine
« Reply #19 on: December 19, 2010, 04:10:21 pm »
ang alam ko po, bumabalik yung effect nito after few years pag di nakumpleto.. Di ko lang sure.. Please verify, kaya mga sis, icomplete nyo yung vaccine to be sure.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close