sana nga yung mga establishment, merong way na pwedeng bibili ka ng shampoo, liquid hand soaps, detergents etc. na may dala kang sariling lalagyan. para di nakakadami ng garbage...
Sana magkaron na ng ganito sa pinas. Magdala ng sariling lalagyan para bawas na din sa mga plastic bottles.
Naalala ko dati sa tindahan namin, nagtitinda kami ng kerosene at mantika na tingi. Pag may bibili, hinahanapan namin ng bote/lalagyan para di na namin ipa-plastic. Pag sa itlog naman at bumili ng isang tray, hinahanapan din namin ng tray para palit lalagyan na lang.
Tas mahigpit din nanay ko sa plastic bag, yung iba kasing bumibili gusto doble plastic bag pa kahit magaan lang naman yung binili. Pag gusto ng doble, additional bayad. Hehe
Eto mga ginagawa ko ngayon:
-bring my own eco bag pag naggrocery. May extra bag din ako sa dala kong bag para incase maisipan kong mag-grocery after work, may lalagyan na ako.
-bring my own water bottle, refill na lang kesa bumili ng bottled water
-mga jeans ko hanggang 3 uses bago labhan. Nabasa ko sa Levi's store na mas magtatagal ang jeans kung di laging nilalabhan, mag spot cleaning na lang daw kung namantsahan ang jeans.
-speaking of laba, 30deg ang temp ng WM pag nagsasalang kami. Pag naman jeans ang isasalang, cold wash. Less energy consumption.
-mga damit ng baby ko malalaking sizes ang binili para matagal magagamit. Damit kasi talaga ang naiipon sa atin kaya maigi ng konti lang ang matambak na pagliliitan ng baby ko.
Medyo OT pero share ko na din.
Naiinis hubs ko sa akin pag pinipigilan ko syang itapon yung mga plastic bag na naipon sa amin dati. Ano daw bang gagawin ko dun, itapon na lang daw. Kako gamitin na lang pag nag-grocery o kaya gawing trash bag para less waste.
Tas pag nagshshave at toothbrush sya, pirming bukas ang gripo na nakatodo pa. Pinapatay ko pag ganun, lagi ko sinasabi na sayang ang tubig. Binabayaran naman daw namin yun. Kako hindi sa binabayaran yung tubig, kundi nasasayang lang. Ang sagot sa akin, 'You cannot save the world.' Kainis di ba.
Kahit sa maliit na bagay na yan, it makes a difference. Sa isip ko, may anak kami. Gusto ko naman na pag lumaki ang anak namin, may maabutan pa syang malinis na tubig at maayos na paligid. Haaaay