watch now

Author Topic: **sINGAPORe PART 6**  (Read 106930 times)

pinkpotato

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #340 on: November 29, 2010, 08:51:11 am »
i remember way back 2002, when me, my sister and tita went to SG, we were inside the train and a chinese/singaporean woman with kid asked my tita about our nationality and my tita said we are filipinos, the kid (around 4 or 5 years old) immediately said "oh you are slaves." sabi na lang ng tita ko, "no we're not, we are actually on vacation." Sabay smile.

wow at sya prinsipe? kapikon ha.

Cecille aka chuvaness had this issue din sa Cotton On. As far as I can recall, she and her friend were insulted by the cotton on saleslady and another anaps customer. maids daw mga pinoy, walang pinag aralan, etc etc. C then emailed cotton on management in SG, wala yatang magandang reply. as usual the beauty of their customer service - so C escalated it to cotton on Aus. ayun, isang katerbang sorry at mga vouchers ang binigay which C declined as she didnt it.

pero okay na din kahit papano ang SG, mabilis maka ipon compare sa pinas. di masyadong malayo sa pinas, dami ng sale seat kung trip mong umuwi, it wont be too hard.

if i have to turn back time, i would still choose going through the same path and live here in SG. for as long as the Lord wills us to stay here, we will stay.

the problem with kids growing up as walang modo, i think pwede pa naman magawan ng paraan sa bahay yun. wala kasi silang GMRC dito. hehe.

grayce, yes mabilis justice system nila. i saw some of their cases sa crime investigation, amazing how they deal with their cases. i wish ganun sa pinas. i think that's why if they sentence it as death, sureball na yun. which is good - justice is served sa family ng victims.

6-9 months? baka thorough investigation kaya ganun. gano ba dapat katagal dapat yun ganitong case?

meron na namang silang death case. yung special child sa hougang, nahulog sa hdb. yung indonesian maid ang primary suspect. not sure lang kung ang maid talaga kasi nung hinuli daw ng mga police tulog pa at walang kamuwang muwang what's happening. waaah.  :-X




Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #341 on: November 29, 2010, 03:33:09 pm »
^puso mo mommy, lam mo naman dito ;D

won't be surprised if chuvaness is currently on boycott with cotton on dahil sa ginawa ng staff...

re: justice system, oo nga e wala pa nga atang 2-4 weeks may decision na, satin nga look at vizconde massacre, it's been more than a decade already pero kung ano anong hoolabaloo parin ang nangyayari. yung sa caesarian issue, sabi 6mos daw talaga atleast but can take upto 9mos. kakaawa sobra yung mommy. and it happened in a private hospital pa ::)

kawawa naman yung indonesian maid if ever :( di kaya classic case of negligence lang? daming rumble dito lately, after nung sa pasir ris meron sa AMK pa.

cream_puffs

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #342 on: December 01, 2010, 07:38:00 am »
nakapunta na ko twice sa sg. tapos next year e hopefully dyan na kami ni hubby for good. pansin ko lang yung mga oldies, karamihan masungit? hehe bakit kaya sila ganun?

compared sa pinas mas malinis at maganda yung place dyan pero syempre, ayun nga. there's no place like home.

curious lang ako. kasi everytime nagpupunta ako dyan. paglapag ko pa lang sa airport, may kakaibang amoy na ng mga taong sumasalubong sa akin. haha. sanayan lang ba yun mga sis? pagtagal ba e di na din napapansin yung smell? honestly di ko minsan kinakaya lalo sa bus. feeling ko need ko magbaon ng napakaraming vicks. one time medyo nahilo pa talaga ko sa lakas nung amoy e ang haba pa ng byahe namin nun. haha  ;D

tonette815

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #343 on: December 01, 2010, 09:36:37 am »
^kaya ng aako natutong mag baon sa bag ng vicks inhaler kasi dahil sa amoy amoy na yan sis. others naman perfume ang baon  hehe. pero better ang vicks para kunwari may sipon hehe. di obvious. although eventually i learned to hold unconciously hold my breathe when i see the 'potentials' mind you dili lang mga pana ganyan dito pati na rin ang mga chekwa - iba kasi sa gabi lang naliligo :(

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #344 on: December 01, 2010, 10:12:25 am »
mga sis, may tanong ako.. sa psg dapat ako magpost baka makita hehe

sa PUB kasi namin, main tenant is family with 6yr old kid and 2wk old baby plus andito si nanay. Ang hatian sa PUB simula nung andito kami, di kasama yung bata.. so ok payag kami kasi yun na yung nakasanaayan. Then napansin siguro nila kaya lately lang, kasama na ang bata, 50%. Ngayon, may bagong baby na. Di naman nagsabi kung isasama nila sa PUB.

 Ganito set-up namin.

1st Common Room - kami, couple. Im not presently working.
2nd Common Room (Main tenant)- couple, nanay and 2 anak
Master - couple, both working

1st CR and master - gabi lang nagluluto
Main tenant - 3x a day nagluluto, nadagdagan pa ngayon dahil sa baby

Pinakalugi sa min ngayon is yung nasa masters kasi wala sila sa umaga. Ako, temporarily wala akong work kaya dito lang din sa bahay.

Sorry, napahaba, pero ang tanong ko lang, makatarungan ba na sabihin namin na per head yung hatian? or 6yr old kid+baby = 1 head, pwede din.. Basta, ayaw lang namin na hindi isama si baby sa hatian kasi lately, grabe gamit nila sa PUB.. tapos sa sala na nga natutulog mag-ina kasi ayaw nila pa-aircon si baby, electric fan na lang. (kaya dagdag ulit).

Salamat mga sis.. :)
 

cream_puffs

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #345 on: December 01, 2010, 10:39:44 am »
^^hmm mukhang kelangan ko ata mag-hoard ng vicks inhaler dito. haha.  ;D yep, pansin ko nga kahit mga chekwa merong kakaibang smell. haha. akala ko pa naman pag super tagal na dyan e masasanay na din yung mga ilong natin sa ganun. haha  ;D

rylai143

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #346 on: December 01, 2010, 11:05:13 am »
mga sis, may tanong ako.. sa psg dapat ako magpost baka makita hehe

sa PUB kasi namin, main tenant is family with 6yr old kid and 2wk old baby plus andito si nanay. Ang hatian sa PUB simula nung andito kami, di kasama yung bata.. so ok payag kami kasi yun na yung nakasanaayan. Then napansin siguro nila kaya lately lang, kasama na ang bata, 50%. Ngayon, may bagong baby na. Di naman nagsabi kung isasama nila sa PUB.

 Ganito set-up namin.

1st Common Room - kami, couple. Im not presently working.
2nd Common Room (Main tenant)- couple, nanay and 2 anak
Master - couple, both working

1st CR and master - gabi lang nagluluto
Main tenant - 3x a day nagluluto, nadagdagan pa ngayon dahil sa baby

Pinakalugi sa min ngayon is yung nasa masters kasi wala sila sa umaga. Ako, temporarily wala akong work kaya dito lang din sa bahay.

Sorry, napahaba, pero ang tanong ko lang, makatarungan ba na sabihin namin na per head yung hatian? or 6yr old kid+baby = 1 head, pwede din.. Basta, ayaw lang namin na hindi isama si baby sa hatian kasi lately, grabe gamit nila sa PUB.. tapos sa sala na nga natutulog mag-ina kasi ayaw nila pa-aircon si baby, electric fan na lang. (kaya dagdag ulit).

Salamat mga sis.. :)

hi sis, sa amin kasama iyong baby sa hatian ng pub, ako iyong main tenant. noong una sabi nila half lang pero sabi ko as 1 dapat iyong bilang. Nag-agree naman sila. Sa totoo lang sobrang lakas ng baby sa PUB namin. Lalo na pag nag-start kumain iyong bata. Ngayon na malaki na iyong bata, doble na PUB namin. kasi 2 times naliligo, pinagluluto ng separate food, nagpapakulo ng water, then nanonood ng  tv maghapon. kaya kausapin mo na lang sila na kailangan talaga kasali iyong baby.

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #347 on: December 01, 2010, 11:16:14 am »
nakapunta na ko twice sa sg. tapos next year e hopefully dyan na kami ni hubby for good. pansin ko lang yung mga oldies, karamihan masungit? hehe bakit kaya sila ganun?
for some weird reason even in countries na well compensated ang matatanda i.e. Canada, masusungit talaga ang matatanda. dito maiintindihan ko pa kasi wala naman silang pension from the gov't o benefits... lalo na pag example tinutulungan mo pa in a way magligpit ng mga plato sa hawker/restaurants, nakupo sila pa ang magagalit :P

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #348 on: December 01, 2010, 11:21:57 am »
hi sis, sa amin kasama iyong baby sa hatian ng pub, ako iyong main tenant. noong una sabi nila half lang pero sabi ko as 1 dapat iyong bilang. Nag-agree naman sila. Sa totoo lang sobrang lakas ng baby sa PUB namin. Lalo na pag nag-start kumain iyong bata. Ngayon na malaki na iyong bata, doble na PUB namin. kasi 2 times naliligo, pinagluluto ng separate food, nagpapakulo ng water, then nanonood ng  tv maghapon. kaya kausapin mo na lang sila na kailangan talaga kasali iyong baby.

Thanks sis.. Nag-usap na kami nung nasa masters, dapat daw per head, nagtitimpi lang din pala sila  ;D akala kasi nila ok lang sa amin kaya payag na lang din sila.

1 year na din namin sila pinagbigyan.. Wala na sila i-reason out na hindi kasi so obvious naman sila ang malakas gumamit. And now nga, grabe pala sa PUB ang baby.

pinkpotato

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #349 on: December 01, 2010, 11:26:07 am »
lalo na pag example tinutulungan mo pa in a way magligpit ng mga plato sa hawker/restaurants, nakupo sila pa ang magagalit :P

baket kaya?

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #350 on: December 01, 2010, 11:30:14 am »
ay sanay nako sa mga auntie/uncle na ganyan.. masungit hehe.. ayaw kasi nila na pinapakialaman trabaho nila. Pansin nyo, may sarili silang mundo, tutok lang sa trabaho di namamansin  ;D

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #351 on: December 01, 2010, 11:38:45 am »
speaking of PUB, minsan imonitor nyo rin ang billing mismo kasi nangyari samin last month ang binayaran namin ni hubby is $150 :o turns out na d nagcheck ang PUB ng meter for 2mos tapos they made "adjustments" daw  ::) haller, normally $50/per head lang naman ang PUB ...

^^lam mo naman dito sis... wala sa bokabularyo nila ang hospitality :P


pinkpotato

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #352 on: December 01, 2010, 03:38:53 pm »
^ korek. idagdag mo na customer service!

paulavalerie

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #353 on: December 01, 2010, 08:21:37 pm »
nakakainis pa dito, grabe kung makabunggo mga tao! di nga marunong mga mag excuse me at mag sorry eh.

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #354 on: December 02, 2010, 12:13:59 am »
^^harhar tell me about it! ;D Kaya patok talaga sa hotel industry dito mga pinoy.

^kahapon nga sa MRT, hinawi ba naman ako twice before ako nakaupo sa mrt, akala ko nasagi lang ako yun pala kasi papaupuin nya yung kasama nya, kahit na hindi ako buntis and sakin ginawa yun grabe sa manners ang mga tao dito >:(

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #355 on: December 02, 2010, 10:26:43 am »
hahaha talaga! ako, sanay na sanay sa mga tao dito.. pati nga pronunciation eh.. pero di pa rin perfect singlish kasi baka masanay ako  ;D words pronunciation lang. 2 jobs ko ako lang kasi pinoy. Nagagalit kasi sila pagdi nila maintindihan, kalurkey!

ito lang natutunan ko..
1. wag kang magbait-baitan or pleasing them, kasi alam na nila weakness mo, gagamitin nila yan para mabilis kang maapi hehe
2. Pa-as if ka talagang may alam kasi ganito din sila  ;D same as #1, pakita mong magaling ka talaga.. unahan mo na sila  ;D Nakuh, daming ganyan dito.. pa-as if! wala namang binatbat.. puro kayabangan! Pero they are trained to be competititive kasi kaya ganyan sila.

Ang like ko lang dito at dahil dun, natuto ako.. mabilis actions nila. Plans then act kagad. Corrective and preventive actions pa. Super idol ko si Adam Khoo. Actually, madami din sila.. like ko diskarte nila. Pero thankful din ako sa Singapore kasi lumawak kaisipan ko at nag-grow talaga ako, isip at katawan!  ;D

yapeegurl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #356 on: December 02, 2010, 10:41:02 am »
marsh_candy and rylai143, kami din mga sis kasama si baby sa hatian ng PUB kasi gumagamit din sya ng sterilizer, pang ligo, pang prepare ng food nya and wash ng clothes.. pero hindi kasama si baby sa hatian ng TFC and Internet..

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #357 on: December 02, 2010, 03:57:05 pm »
marsh_candy and rylai143, kami din mga sis kasama si baby sa hatian ng PUB kasi gumagamit din sya ng sterilizer, pang ligo, pang prepare ng food nya and wash ng clothes.. pero hindi kasama si baby sa hatian ng TFC and Internet..

hi sis pia, oo noh dapat kasama talaga! Pero di pa namin nasasabi.. Hirap di masabi kaya everytime na lumalabas ako sa room at nakita ko laging gamit ang kuryente/gas, umiinit ulo ko!   >:( lalo na ngayon, gamit ng sterilizer, mga lampin, paligo kasi init pa sa water, tapos sa sala na sila natutulog.. Tapos yung 6yo, tv, naku, ang tagal pa sa banyo..

I mean, like ko si baby at yung isang anak nila (6y.o).. pero naman, hanggang kelan kami maging mapagbigay.. yung couple sa masters tahimik lang din sila kasi akala nila, ok lang dn sa amin kasi yun yung nakasanayan.

yung main tenant lang may 2 anak pero 50% head lang sa PUB ang 6 y.o, bago lang naisipan na gawing yan, 7 mos na libre.. ang baby,di pa alam pero sasabihin nyan, baby yan eh. 3x-4x a day sila nagluluto, kami 2 couples sa gabi lang. hay naku, hirap makisama.

Sana ma-settle na namin to. hayyy..

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #358 on: December 02, 2010, 04:16:47 pm »
^medyo ganyan ang dilemma ko ngayon sis kaya eto naghahanap na kami ng isang buong unit mismo ni hubby na paghahatian namin ng friends nya. ang hirap kasi makisama :( issue ko naman with the other room, yung isa sa kanila gagamit ng kusina ni d man lang marunong maglinis ::) i know i'm a housewife lang pero hiya nalang sana at magkusa cyang maglinis. then sa banyo ang dumi rin, ni magrefill ng toilet paper d marunong ::) makikigamit ng dishwashing liquid d marunong magbalik or maglinis man lang ng sink. di nya ako binabayaran para maging taga linis nila ha...

marsh_candy

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 6**
« Reply #359 on: December 02, 2010, 04:41:28 pm »
Ako naman, pag ako ang main tenant, mas like ko ako na lang maglinis kasi siguradong malinis.. kesa sila maglinis tapos they will make u feel na naglinis sila pero di naman marunong maglinis  ;D

Kami sa dati naming house, weekly dapat may maglilinis at may instruction pano at ano ang dapat linisin, tapos after maglinis, i-check at pirhaman yung record naka-paskil sa may kusina namin. Mahiya na lang ang walang check dun  ;D Pero naglilinis kami lahat.

Prob ko lang ngayon ay sa PUB.. dapat equally shared...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close